Entries for July, 2005
posted by
GHV2 on
July 1, 2005 at
01:26 PM

Naka-attend kami ni Eds sa gay poetry reading sa Likha Diwa, UP. The event was sponsored by PRO-GAY Philippines and students of various universities (UP, UST). Present ang ilan sa mga miyembro ng UP Quill (hinanap namin si Alex Barrios Agena), ang gay poet na si Nestor De Guzman, at kami ngang Pinoypoets. Hindi ko na nakuha ang iba pang orgs na present nung gabing iyon.
Naunang
nag-perform ang mga taga-Quill. Ung isa sa kanila, si Siege (Manalo nga
ba surname nya?), ang cute. Haha! OK ang poem na binasa niya, about
the ins and outs, odss and nots, bliss and tragedy of gay dating.
Nakakatawa ang ibang lines, ang tumatak sa isip ko ay ang: "I HATE THE
TAG OF ME, THE BOY WHO MADE YOU STRAIGHT." Mahirap kasing
mag-concentrate sa pakikinig ng tula niya, kasi kinakabisa ko ang
hitsura ng mukha niya. Bading nga kaya siya?
Binasa
naman ni Eds ang kanyang Queer Haiku poem, about a guy na may nakasabay
sa elevator na "god". Pero kumaripas ng takbo ang "god" na ito ng
nakita niya na pink ang ang kulay ng nails ng guy. Sabi nga ng ending
ng tula: "IT TAKES ONE TO KNOW ONE."
May
Isang Alamat ng Diyos naman ang binasa kong tula. Tungkol ito sa
pakikipagrelasyon ng isang lalaki sa kapwa lalaki, pero sa bandang huli
ang ligayang tinatamasa nila ay panandalian lang, dahil "nilunod" din
siya ng "tamod" ng lalaki.
Medyo
na-out of place naman si Mr. De Guzman sa crowd kagabi, kasi puro mga
bata pa daw kami. Baka daw kasi hindi kami maka-relate sa babasahin
niyang tula, na may mga eksena sa mga lugar na pinamumugaran ng bading
noong 80s pa.
Nakakatuwa na sa
pamamagitan ng panulaan ay naipapahayag ng mga bakla at lesbyana ang
tunay nilang nasasaloob. Nagagamit ang panulaan upang masabi ng mga
baklang makata ang kanilang opinyon sa iba't ibang bagay (pag-ibig,
pulitika, atbp.). Subalit nakakalungkot isipin na konti lang ang dumalo
kagabi sa Likha Diwa. Mas marami pa yatang bakla ang pumunta sa Malate
(isa na si Eds, dumiretso siya sa Malate kagabi) o sa iba pang aliwang
pang-bading.
Nakakalungkot na mas
nais pang magtago ng mga bading sa dilim ng blue bars, massage parlors,
mag-anyong lalaki sa mga gym, at itago ang kapa sa pagrampa sa EDSA,
kaysa magdiwang ng kalayaan sa liwanag.
Mabuhay ang June Pride!
AD:
Hello
queer poetry fans! Support free, fair, honest and orderly Pride events!
Break your silence but do not make public apologies about LGBT
identity! Resign to your inner goddess and influence the outcome of a
future discrimination-free Philippines!
Celebrate lesbian, gay, bisexual, bisexual and transgender Pride!
Join us, mga minamahal kong kababayan!
ProGay Philippines and the University of the Philippines-Diliman University Student Council Gender Committee 05-06 present
PRIDE 2005 Poetry Night
June 30, Thursday
7:00 p.m.
Likha Diwa Bar
Krus na Ligas,
Quezon City
Music :: Shine - Regine Velasquez
Book :: Methods of Research and Thesis Writing - Calderon and Gonzales
1 Said So
posted by
GHV2 on
July 4, 2005 at
11:29 AM

I had a short affair, almost two weeks. Today, I let go.
Ganito
kasi: siya o ang pamilya ko. Mahirap kalaban ang pamilya ko. Mahirap
dalhin sa isipan na isa-sacrifice ko ang kapakanan ng family ko.
Kung hindi ko siguro ito ginawa, hindi ko na alam kung may bukas pa ako. Siguradong wala na.
Today, I let go of my Nokia 3650.
Masakit
man sa loob ko, kinailangang gawin. Dalawang linggo ko pa lamang
nae-enjoy ang pagkakaroon nito, ang tanging kapritso ko. I used to love
a Nokia 3530 na tumagal sa akin ng almost two years. Then, I switched
to a mobile phone with a camera.
I sold it yesterday. P5000 ang worth. Through this amount, maisasalba ko ang pamilya ko hanggang July 15, susunod na swelduhan.
Naiyak
ako, kasi ang pakiramdam ko palaging ako ang nagsa-sacrifice for my
family. I provide for them. Naglabas na ako ng katakut-takot na amount
that earned me debts. Hindi ako pumapasok sa office para ibigay ko sa
mga kapatid kong nag-aaral pa ang allowance ko. Minsan naman, binibigay
ko na lang ang kalahati ng baon ko for the day, ako na lang ang
magpapalipas ng gutom sa maghapon na iyon.
At ngayon, inialay ko ang mobile phone ko. Para sa kanila.
Music :: Torn - Natalie Imbruglia
Book :: Animal Farm - George Orwell
Show :: SOP - GMA 7
Mood :: sad
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 4, 2005 at
01:01 PM

Ako po si Rogerick Fernandez, at ito ang aking kwento:
1.
Ipinanganak ako na may birth sign na Gemini. Isa lang ang great person
na kilala ko under this sign: Dr. Jose Rizal, ang bayani. Isa siguro sa
gusto ko sa sign ko ay ang pagiging "shape-shifter" ko - twin
personality. Advantageous sa akin dahil madalas sa buhay ko, I find
myself sa isang "plastic" environment. Noong high school ako I forced
myself to fit in. Pero hindi ko kinaya. Una, wala daw akong character
sabi ng isang classmate ko. Hindi ako "sosyal", although sa section
namin isa ako sa "mapapalad" na nanggaling sa private school. Ang mga
hindi ko masabi sa salita, ibinuhos ko sa gawa: napasama ako sa Top Ten
honors ng class hanggang fourth year high school ko. Wala namang lubos
na nag-appreciate; ang feeling ko nga noon, "curse" ang pagkakasama ko
sa honor roll dahil itinuring naman akong "iba" ng mga kaklase ko.
Lahat
nga siguro ng high school life ng isang tao ay dumarating ang point na
may nakakasalamuha siyang "pa-edge na group". Meaning feeling nila sila
lang ang mga anak ng Diyos. Ganito ang kaso ko. Ako madalas ang
banatan nila, mga pasaring na alam kong ako ang pinatatamaan. But they
were people na araw-araw mong kasama, so I learned to morph myself to
be a toughie. Minsan may mga banat din ako sa kanila against them.
Contributor ako sa literary section ng school organ namin, I submitted
this short story about a "girl" na nilalandi ang isang "guy" na may
girlfriend na. This "girl" was one of the members of the "pa-edge" na
group, her name is A. Totoo naman na nilalandi niya yung guy, si E..
SOBRANG MALANDI NAMAN SIYA TALAGA! So I wrote a short story about them,
pati na yung ibang characters ko sa story, kasama lahat sa group. Ang
siste, kailangang dumaan sa Managing Editor ang lahat ng literary
contributions, at ang ME na ito ay kasama at kaibigan ni A. Na-censor
tuloy ang gawa ko! Mas pinag-initan lalo ako ng grupo nila, pati na rin
ng grupo ni E.
College naman, ako ang
tinuring na Most Hated person. Ewan ko sa kanila, pero lahat naman ng
mga kaklase ko noon (except close friends) kinalimutan ko na sila. The
nerve!
2. Madalas akong mainggit sa mga
kaklase kong malalaki ang baon na pera noong high school ko. First year
high school ako, at ang baon ko ay 10 pesos lang. That was 1995. ganito
ang breakdown ng paggastos ko: 5 pesos ang pamasahe ko papunta-pabalik
(2.50 ang pamasahe sa jeep), 2 pesos ang lugaw na tanging kakainin ko
for the day. Pag naman feel kong gumastos talaga, ang 3 pesos ko ay
ibibili ko ng tokwa. Shit, busog na busog na ako noon!
Second
year high school naman, nag increase ako from ten to twenty pesos. Pero
madalas ten pesos pa rin. College na ako sa PUP, 50 pesos naman ang
baon ko (1999). Para makatipid, pag magla-lunch na ako, bibili lang ako
ng 5 pesos worth na kanin (1 cup). Tapos, palalagyan ko gn "topping"
(sabaw ng kahit anong ulam na gusto ko). Iyon lang, saka tubig from the
dispenser. Busog na ako para sa whole day class ko. Or hanggang 8:30 PM.
Minsan naman, inabot ako ng siyam-siyam
dahil malakas ang ulan at baha na sa kalsada. Can't afford ko mag FX or
mag-taxi, maski bus, kaya nag-antay talaga ako ng jeep na madalas puno
na. Pag ganitong pagkakataon, nilalakad ko na from PUP Sta. Mesa to
Recto. Wala akong choice kasi eksakto lang ang pera ko para sa
pasahe.
3. Hindi ako kuripot, normal lang na palagi akong walang pera. Ang budget ko kasi per day ay 100 pesos lang. Breakdown:
15 pesos - aircon bus from house to MRT
11 pesos - MRT North Ave to Santolan Station
8 pesos - ordinary bus to Gate 5
7.50 pesos - jeep to office
16 pesos - lunch (1 cup of rice=6 pesos, 1/2 veggie ulam=10 pesos)
7.50 pesos - jeep from Unimart to Robinson's Galleria (EDSA)
24 pesos - aircon bus going home
Total expenses a day = 89 pesos
May savings pa ako na 11 pesos, na kadalasan nagagastos ko para pambili ng meryenda kong lugaw.
So para makatipid ako, ito ang ginagawa ko:
a.
Imbes na sumakay ako ng ordinary bus at jeep going to the office, I
will walk the whole Annapolis stretch. It takes me 15 to 20 minutes, at
isang timbang pawis. Nakatipid na ako ng 15.50 pesos.
b.
Imbes na kakain ako ng tanghalian, kapag alam kong gipit ako sa pera,
hindi na lang ako kakain ng lunch. Instead, madami ang kakainin kong
breakfast, para busog ako maghapon. Saka nga pala maraming beses na
pag-inom ng tubig.
4. Nanghihinayang ako
sa pagbili ng kape sa Starbucks. Dalawang plates of budget meal na ito
sa food court ng SM, dalawang order from Chicken Company that consists
of a piece of chicken, rice, side dish na peas at corn, at ice tea. Ang
pinakamahal na nabili ko sa buong buhay ko ay ang leather shoes ko
worth 2000 pesos. Nabili ko ito gamit ang kinita ko sa OJT ko sa
Department of Budget and Management. Hindi ko ito pinagsisihan kasi
good investment ang sapatos na ito, na nagagamit ko pa hanggang ngayon.
5.
Lugaw ang comfort food ko. Kapag feeling down ako, or sobrang
pagod mula sa activities, pupunta lang ako sa paborito kong lugawan sa
tabi ng riles ng tren at oorder ng isang bowl ng lugaw (6 pesos isa,
walang laman). Kahit wala ng tokwa, solve na ako sa lugaw.
Noong
bata ako, takang-taka ako kasi ayaw akong ibili ng tatay ko ng lugaw
pagkatapos naming magsimba pag Linggo. Nakabili na ako ng lugaw gamit
ang sarili kong pera noong high school na ako! Imagine, mura lang pala
ng lugaw, e bakit ayaw akong ibili ng tatay ko noon? Waaaah!!!!!!! Kaya
nanghihinayang akong bumili ng congee sa Chowking or Gotoking, kasi ang
mahal! Putsa, lugaw lang din yun e, tapos I'll pay around 30 to 50
pesos for that. Ilang bowls of lugaw na yun worth 6 pesos!
6.
Hindi ako talaga mataba. Noong bata ako, lampayatot ako. Marami nga
akong sugat sa binti at tuhod dahil lagi akong nadadapa. Sa family kasi
ng mother ko, ganoon ang genes. Kapag umabot na sa puberty ang isang
lalaki, tumataba na siya. Lahat ng pinsan kong lalaki ganito ang kaso.
Sa babae naman, maliit sila at payat pero pag nag-asawa na tiyak ang
paglobo ng katawan nila.
7. Hindi ako
matalino. Marami akong words na hindi ko alam ang ibig sabihin hanggang
ngayon. Hindi rin ako confident sa English ko. SImpleng tao lang talaga
ako.
8. Hindi ako nahilig sa manika. Or sa
pagme-make-up gaya siguro ng ibang tulad ko. Ang kinahiligan ko talaga
noong bata ako ay pagbabasa ng romance novels na Tagalog. Ako na kasi
ang nag-gro-grocery kahit elementary pa lang ako. Ang gagawin ko,
titipirin ko ang pinamili ko para makabili ako ng worth 25 pesos na
pocketbook. Minsan naman, may package sila na 100 pesos pero 5
pocketbooks ang laman.
9. Sobra sa
pagnanaknak ang taghiyawat ko noon. Ang tawag ko sa sarili ko noon ay
Tasya Fantasya. Naging anti-social ako dahil sa taghiyawat.
Sinasampal-sampal ko ang sarili ko kasi nagagalit ako sa sarili ko na
napakadami kong taghiyawat. Hiyang-hiya ako. Bukod dito, mahilig naman
talaga akong magpantasya. Madalas, I fantasize the guy for me. I long
for true love, na kahit mataghiyawat ako, mamahalin ako. Na kahit
bading ako, mamahalin niya ako. Walang labis, walang kulang.
10. Takot akong hawakan ang isang
tao. Yun bang maki-abrisyete, makipagbeso-beso, or simpleng akbay lang.
Takot ako na masabihan ako na nangmamanyak lang ako. Baka kasi iba ang
interpretasyon ng taong maakbayan ko. Takot ako sa rejection. Kahit
bestfriend ko nga hindi ko ginaganoon. Hanggang handshake lang
ako. Bawal ang embrace, or akbay. Ayoko rin naman kasi na
aakbayan ako. Hindi ako comfortable sa katawan ko. Hindi ako "touchy".
Music :: Home - Brian McKnight
Book :: Inquirer Libre
Mood :: sore
8 Said So
posted by
GHV2 on
July 5, 2005 at
01:16 PM
1. Gusto kong lumipad kasama siya.
2. Gusto kong yakapin siya ng mahigpit, hindi na pakakawalan.
3. Gusto kong pigilin ang oras habang kapiling siya.
4. Gusto kong malunod sa kanyang mga salita, mawala sa gitna ng kanyang pangungusap, at mabuhay sa aming pinag-isang hininga.
5. Gusto kong mabaliw sa pagkakaalam ng kanyang pangalan.
6. Gusto kong mahalin siya.
Subalit hindi maaari: Siya ay hangin na nadarama, subalit hindi maaangkin.
Music :: DWRR 101.9 For Life!
Book :: Rengga sa Seattle's Best
Mood :: uncomfortable
Anything?
posted by
GHV2 on
July 6, 2005 at
11:46 AM

Nakakainis! Lumampas na naman ako sa bababaan
kong MRT North Avenue station. Nakatulog kasi ako ng mahimbing, at ang
gumising sa akin ay ang babaeng inspektor ng ticket. Napasakay tuloy
ako sa GMA-Kamuning station. Buti na lang, konti lang ang taong
nakapila sa counter, at maluwag pa rin ang mga coach kahit dalawang
stations na ang nadaanan nito.
***
News: United Church of Christ declares support for same-sex marriage
Read: The
United Church of Christ became the first mainline Christian
denomination to officially support same-sex marriages when its general
synod passed a resolution...affirming "equal marriage rights for
couples regardless of gender."
My
View: I am against same-sex marriage. I am for same-sex union. I
believe union is better word for the "what is going on beween two guys
in love". I believe love is a super-mega-duper elevated feeling, the
highest form of bonding, whether between two heteros or two
homos. Union, by its definition, means "the act of uniting two [or more] things into one", while marriage is "to live legally together as husband and wife", or "to join as husband and wife".
For me, the basis of marriage is LAW, while the basis of a union is
LOVE itself, or the feelings of the two persons. Sabagay, what the
pro-marriage advocates fight for are the legal entities that will bind
two persons into a relationship, i.e. conjugal properties, taxes,
government and company benefits for a partner, etc. If this will become
a law, one can demand. However, I personally believe that the legal
battle taints the main issue here: CAN A MAN AND A MAN LIVE HAPPILY EVER AFTER?
Definitely,
yes. Amidst the pressing issues of discrimination, religious
prejudices, and lessons of ethics and morality, there is light at the
end of the tunnel for men in love.

Music :: Why Does It Always Rain On Me - Greenday
Book :: Basic Statistics - Birion et al
Mood :: silly
Anything?
posted by
GHV2 on
July 7, 2005 at
01:54 PM

"Maraming salamat po..."
Pagkababa ko ng telepono, bumalik ako
agad sa desk ko. Tumunganga sa tuluy-tuloy na usapan na nagaganap sa YM
Conference ng Pinoypoets members. Hindi ko alam kung ano ang gagawin
ko. I announced the news to them: BY JULY 15, I'M OUT OF OPM. How
abrupt.
Pinilit kong hindi umiyak. I tried to console myself with
the assurances from Pinoypoets members na kaya kong lagpasan ang
nangyaring ito sa akin. Kahit anong pigil ko, tumulo pa rin ang mga
luha ko. Maraming gumugulo sa aking isip.
Natanggap
ko ang forwarded message ni Mr Batuta sa akin, na "sasaluhin niya daw
kapag nahulog ako, at kapag panay daw akong nahuhulog, hindi na daw
niya ako bibitawan". I tried to call him pero hindi niya sinagot
ang phone, marahil nakatulog na siya.
By 6, umuwi na ako. I tried to be the usual Rhodge hanggang sa magkahiwa-hiwalay na kaming officemates.
Ginusto kong magsimba, kaya dumaan
ako sa EDSA Shrine. Ang daming tao! Miyerkules pala, novena ang araw na
ito para sa karamihan. May paring nagse-sermon tungkol sa Gloriagate
scandal, honesty ng Pilipino, etc., etc. Hindi ako nagtagal, hindi ko
kinaya ang panenermon niya. Letse, parang session hall ang shrine
kagabi. Nasaan na ba ang separation of Church and the State? Sabi nga
ni Jesus: :Let Caesar's be Caesar's..." Naghahanap ako ng lugar kung
saan tahimik, akala ko sa simbahan ko ito makikita. Nainis lang ako
lalo.
Napagpasyahan
kong dumaan sa National Bookstore sa Robinson's Galleria. Pumunta ako
sa Filipiniana section at hinanap ang mga librong balak kong bilhin:
Gaydar ni Danton Remoto, poetry books nina Merlie Alunan, Joey
Baquiran. Baka hindi ko na sila mabili sa kaso ko ngayon. May isang
mama na katabi ko, dinampot niya ang book na BAKIT BALIGTAD KUNG
MAGBASA ANG MGA PILIPINO ni BOB ONG at binasa. At tumawa siya ng
malakas! Malakas na malakas!
Na-realize
ko, ganoon pala ang buhay, dapat lang tawanan. Kahit alam kong baka
wala na akong bukas after OPM, dapat lang ako tumawa. Maging masaya,
marami pa pala akong dapat ipagpasalamat sa Diyos: buhay pa ako, wala
akong kapinsanan, may boyfriend ako, kumpleto pa ang pamilya ko, may
mga kaibigan akong handang tumulong sa lahat ng oras, at may Diyos na
nagmamahal sa akin... Kahit bakla ako, kahit failure ako...
***
Umaga na. On my way to work, ito ang nabasa ko sa bus na nasakyan ko:
GOD IS GOOD ALL THE TIME.
Music :: Out of the Blue - Michael Learns to Rock
Book :: Syllabus on Public Fiscal Administration
Mood :: worried
8 Said So
posted by
GHV2 on
July 11, 2005 at
05:00 PM

Simula nang mawala ako sa OPM, panay
na ang ratsada ko sa paghahanap ng work. Maraming salamat sa mga
kaibigan at kakilala na concerned sa akin at tinutulungan ako sa bagong
hamon na ito.
Nung
Friday, sinamahan ako ni Dinah na mag-apply para sa isang call center
agency sa may Makati, along Paseo. Nakakanerbiyos kasi ang daming ibang
aplikante na karamihan ay galing sa St. Paul. Ako pa naman ang taong
napakadaling ma-intimidate. Sa pagpipilit ni Dinah (at sa hiya ko na
rin na hindi na siya pumasok sa school para masamahan lang ako at
masigurong hindi eeskapo), tinuloy ko ang pag-a-apply. Nakakagulat kasi
nakapasa ako, hindi ko talaga inaasahan. They referred me to Teletech,
a call center located sa Robinson's Fairview. Mga 5 PM na nang
naka-alis ako sa office nila, naabutan ko pa ang malaking rally sa
Ayala Avenue. Nakakainis, kasi sobra na ang pahirap sa bansa natin, at
ang nakikinabang lang talaga ay ang mga taong nasa pwesto. Paano naman
kaming nasa baba? Mga hinayupak sila!
Anything?
posted by
GHV2 on
July 12, 2005 at
01:48 PM

Kinakain
ng Teletech ang oras ko para sa pag-a-apply sa ibang kompanya! Bukas
babalik na naman ako doon para malaman ang result ng Language
Assessment ko. Palagay ko babagsak ako sa exam na ito, na-conscious
kasi ang lola mo kanina. Umupo ba naman sa tabi ko ung HR personnel
(name niya is Aaron), e wafu siya, na-mental block ako bigla! Hahaha!
Bahala
na, hindi naman ako umaasa sa Teletech. Nakakatuwa nga na nalampasan ko
ung ibang exams kahapon, akala ko tuluy-tuloy lang kasi ang pagkuha ng
exams. After the Language Assessment kasi, haharap ka na sa isang Kano
for final interview. Imagine, isang step na lang pala ako! Hahaha!
Bukas
may schedule din ako for exams and interview sa isang Korean tutoring
school, sa Makati. Subukan ko na lang din, bahala na.
Kapit pa rin sa patalim,
Rhodge
***

One Night
When I open my eyes, I see you, the half-nude you
leaning on the bedroom wall, a vision like I am
seeing God, the half-nude God. A dragon tattoo hovers
over His arms, chest, encircling that damned navel,
finally resting on His side,
a butterfly flitting from one flower to another.
I marvel why God is in my darkened room,
in this wee hour of the night, half-nude
with a dragon emblazoned on his side.
Perhaps He learns about the secret garden I keep,
floating in this solitary bed, this night?
Perhaps He wants to be taken grandly
by the sight of my garden, not returning back.
How His dragon – that beautiful creature! - will taste
the sweetness of my flowers blooming on my palms,
arms, chest, groin, feet. Will it sip the nectar quietly,
all too tender, until its fullness? Will it swill
the gentleness of my body, taking hesitations
from my soul, until the bud of my mouth
blossoms moans of pain and joy?
Oh God! Oh God!
Until He continues to ravage my garden
this night will be kept secret, the vision of my
half-nude God vanishing, the dragon tattoo
will be a beautiful myth.
© Rhodge Fernandez
***
LSS
ko ngayon: Lost in Your Eyes by Debbie Gibson. Kainis, kinanta siya ng
isang contestant sa Search for A Star in A Million, kaya lang naligwak
siya.

Lost in Your Eyes
Verse 1:
I get lost in your eyes
And I feel my spirits rise
And soar like the wind..
Is it love that I am in?
I get weak in a glance
Isn’t that what’s called romance?
...and now I know
’cause when I’m lost I can’t let go
Chorus:
I don’t mind not knowing what I’m headed for
You can take me to the skies...
It’s like being lost in heaven
When I’m lost in your eyes
Verse 2:
I just fell, don’t know why
Something’s there we can’t deny...
And when I first knew
Was when I first looked at you
And if I can’t find my way
If salvation seems worlds away
Oh, I’ll be found
When I am lost in your eyes
Chorus:
I don’t mind not knowing what I’m headed for
You can take me to the skies...
Oh it’s like being lost in heaven
When I’m lost in your eyes
Verse 3:
I get weak in a glance
Isn’t this what’s called romance?
Oh, I’ll be found
When I am lost in your eyes
Music :: Tagalized version of I Believe
Mood :: sad na masaya
Anything?
posted by
GHV2 on
July 13, 2005 at
04:07 PM
Pareho yata kami ng sitwasyon ni President GMA. Baka mawalan na rin siya ng trabaho.
We are going to be included in the unemployment statistics of the country.
How sad.
***
Ano na kaya ang mangyayari sa Pilipinas?
Ano na kaya ang mangyayari sa mga Pilipino?
***
Sabi
ni Mr Batuta, kapag nagbabasa daw siya ng blog ko, parang nanonood daw
siya ng Maala-ala Mo Kaya. Sabi ko naman, sana kamukha ko si Ate
Charo.
***
Kagabi, kasama ko sa
Starbucks ang ilan sa mga Pinoypoets. Masaya na naman ako.
These are the people that really make my day very, very happy.
Music :: News on the Makati Rally against GMA
Mood :: scared
1 Said So
posted by
GHV2 on
July 14, 2005 at
02:56 PM

This is my third time to take the
Teletech Language Assessment, and the two previous takes did not
produced result. I don't know if there is something's wrong with the
microphone.
***
Witnessing the rain today seems to cleanse whatever doubts I have with God.
***
I am planning to clean my office table, but I can't.
I really, really don't want to go...
***
I heard this on the radio, again. This is my favorite song of Baby Spice, Emma Bunton, entitled Take My Breath Away.
TAKE MY BREATH AWAY
If I told you how I feel about you
Would you say the same and
If I wrote it in a letter
Would you keep it or throw it away
I never thought I’d feel the way I’m feeling lately
When everything you seem to do just drives me crazy
Every waking day you take my breath away
With every word you say you take my breath away
You look at me that way, baby come what may
I hope that you’ll always know how to take my breath away
How to take my breath away
You told me how you feel about me
Cos I did not know
If you said you’d fill my heart with all your loving
Til it overflowed
I don’t know the way you feel but boy I’m hoping
I always used to hide a way, but now I’m open
Every waking day you take my breath away
With every word you say you take my breath away
You look at me that way, baby come what may
I hope that you’ll always know how to take my breath away
How to take my breath away
Take my breath away
Take my breath away
Take my breath away
Every waking day you take my breath away
With every word you say you take my breath away
You look at me that way, baby come what may
I hope that you’ll always know how to take my breath away
How to take my breath away
(how to take my breath away)
Take my breath away
Take my breath away
(how to take my breath away)
Take my breath away
Take my breath away
Take my breath away
Take my breath away
***
I
still don't know what is ahead of me. I have two ideas I'm hoping to
turn into poems. By Saturday I have to submit three topic proposals for
my thesis to Dr. Castolo, my RH 600 professor. By Sunday, I have to
join the Pinoypoets for the planning the group's activities.
My horoscope for today:
A problem you thought would be easy to solve will not be. Do however,
persevere and you will get there in the end. It will not be the ideal
solution but it will do the job. Be sensible.
***
Please
chech out the Pinoypoets blog: http://www.pinoypoetsblog.blogspot.com/
The group made me Pinoypoet of the Month, sharing the limelight
with my "crush/crash" Mr Batuta .
Mood :: sore
Anything?
posted by
GHV2 on
July 15, 2005 at
01:21 PM

Nakabitin pa rin ang application ko sa Teletech. Today, they asked
me to call their hotline number and answer some questions clearly. Ang
alam ko kasi, ginagawa ito ng first-time applicant nila, pero dumaan na
ako sa series of exmas/interviews nila at pinagawa pa rin nila sa akin
ito. Hopefully, ok naman ang results. I'll just wait for their call.
Waiting, waiting...
***
Hindi
ko makukuha ang last sweldo ko sa OPM. Walang-wala na talagang pondo.
Ang iniisip namin, paano na gagalaw ang OPM hanggang katapusan ng
buwan? Ang nakakainis, walang ginagawa ang Executive Director tungkol
dito.
Kailangang-kailangan ko pa naman ang perang iyon. Hindi
lang naman ako, pati na ang mga officemate kong sina Ate Cel at Ate
Janet.
Namumulubi na kami.
***
Last day ko na as a
staff of OPM. Welcome pa rin naman akong pumunta sa office. Ang dami ko
pa namang pending papers to be submitted sa Graduate School.
***
Tinanong
ako ni Rosvie kung bakit mukhang okay pa ako to think na nawalan ako ng
trabaho. Hindi ko na masabi na at the height of the "suicide among
poets" na diniscuss sa Pinoypoets, I considered to slash my pulse.
Inisip ko kung gaano iyon kasakit. Talagang mamamatay ka na ba agad,
ganoon kabilis?
Ilang gabi na rin naman ang iniiyak ko. Mahirap
ding makuha ang tulog sa gabi. Ang dami kong iniisip, ang daming
gumugulo sa utak ko.
Marahil, masasabi ng iba na nawalan lang
naman ako ng trabaho, walang big deal. Pero ako kasi ay isang mamamayan
ng bansa na can't afford mawalan ng trabaho. Hindi lang ang buhay ko
ang naka-depende sa pagkawala ko ng trabaho.
***
Ilang
beses ko na kasing naramdaman na baka pinababayaan ako ng Diyos.
Kagabi, kinuwestyon ko ang pagiging Katoliko ko. Kasi, ung kapitbahay
kong Ang Dating Daan, patuloy ang pag-unlad sa buhay. Pero ung mga
nananatiling Katoliko sa lugar namin, naghihirap, kasama kami. Nasa
pananalig ba ang pag-unlad ng buhay, o nasa sarili nating kamay?
***
TAMA NA ANG DRAMA.
***
Napanood
nyo na ba ang third installment ng Camay soap commercial? Ito ung
nagkatampuhan si Cindy Kurleto at ung guy, tapos naligo si Cindy gamit
ang Camay soap. Nung tumabi na siya sa higaan nila nung guy, at naamoy
siya ng guy, nagkabati na sila. [Hindi na pnakita ang labing-labing
nilang dalawa.]
Imagine, sa second commercial nag-claim ung guy
na "girlfriend" niya si Cindy. Tapos sa third commercial na ito na gabi
ang setting, magkatabi silang matutulog. Ibig talagang sabihin ay
magka-live-in sila.
Wala namang issue, pero sa pagiging moralista ng iba diyan, buti pinayagan ang ganoong commercial.
At para kay Cindy: MAGKAMUKHA NA YATA TAYO.
***
Tuwang-tuwa
ako na ang paborito kong Madeleine cartoons sa Channel 2 ay may new
episodes na. sundan ang buhay ni Madeleine, ang diva na si Sister
Clavel at ang labing-isang bata, ang nagtataray na si Genevieve, at ang
kaibigan nilang future bading na si Pepito sa kanilang exciting na
pakikipagsapalaran sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Show :: Mr. and Mrs. Smith
Mood :: sore
3 Said So