Entries for October, 2005

Burning Lines
posted by GHV2 on October 13, 2005 at 05:44 PM

Hindi ko alam kung may bagong pag-ibig na sumisibol. Tuyot naman kasi ang lupa. Hindi ko alam kung tutubo upang mamunga ang puno ng pag-ibig sa mga salita.

***

Music :: Kyla - Til They Take My Heart Away
Book :: The Sorrows of Water - J. Neil Garcia
Show :: Pinoy Big Brother

Anything?



Para sa 'Yo
posted by GHV2 on October 27, 2005 at 12:20 AM

I'm currently listening to Freestyle's "Para sa Iyo".

Para sa isang tao diyan, alam mong hinding-hindi ko makakalimutan.

PARA SA 'YO
Music: Top Suzara
Lyrics: Top Suzara

 

 

Nang makita ka Sinabi sa sarili Sana'y ikaw na nga Pinangarap na makasama ka, sinta Sana'y dinggin ang sasabihin ko

 

Chorus: Para sa 'yo (para sa 'yo) Hindi magbabago, pinapangako na Para sa 'yo (para sa 'yo) Lahat ay gagawin Ang langit ay aabutin Wala ng maihahambing Sa pag-ibig kong para sa iyo Para sa 'yo

 

Magmula ngayon Wala ng hahanapin At hinding hindi ka na mag-iisa Pag-ibig na hanap mo'y naririto na Sana'y dinggin ang sasabihin ko (Chorus) (Instrumental)

 

(Chorus 2x)

Anything?



SM Supercenter Valenzuela
posted by GHV2 on October 29, 2005 at 11:32 PM

Wala pa akong nagagawang tula. Inspired ako these days, pero ewan ko ba. Hindi ako dinadalaw ng "kati".

Mahal ko ang mga tula ni Mark Angeles. Ipo-post ko dito ang bago niyang tula, "Memorya".

Memorya
Patay na halos lahat ng mga ilaw.
Wala nang uniporme ang mga waiter.
Nakataob na sa mesa ang mga bangko.
Nagbibilang ng kinita ang cashier.
Baka kailangan ko na ring umalis.
Sa kabilang bar siguro siya naghintay.
Madilim na madilim ang daan sa labas.
Siya raw ang magdadala ng flashlight.
Tumayo ako at huminto sa tapat ng pinto.
Multo siguro yung natatanaw ko sa malayo.
Hindi pa panahon para magbilang ng mga bituin.
Trahe de bodang nagkawasak-wasak ang mga ulap.
Natutulog na siguro ang mga isda sa dagat.
Pumipikit na ang isang drayber ng trak sa antok.
May humahabi ng villanelle sa isang basement.
Kinakamot ng asong itim ang lupang malambot.
May paslit na nagbibilang ng maryakapra.
Pero wala ito sa eksena. Hindi ko ito maalala.
Lumabong bigla ang paningin ko. Ewan.
Kinusot ko na lang. Baka may makahalata.
Lahat daw tayo ay bahagi ng mga piraso.
Mga mumunting piraso na bahagi ng sanlibutan.
May natira pa yatang mga piraso niya sa akin.
Tumutubo iyon araw-araw. Hindi niya iyon alam.
Tumingala ako sa kalangitan at bumulong ako.
Sa mga anghel, pakisabi sa kanya, naghintay ako dito.
Naghintay ako dito. Naghintay ako. Pakiusap, pakisabi.
Niyuko ko ang aking mga sapatos: alin ba dapat ang iuuna.
Paghakbang ko, nagsimula akong maghiwa-hiwalay.
Tulad ng unti-unting pagkalagas ng mga bahagi ng tuyong dahon.
Sa pagsapit ng hindi mabilang na mga dapithapon. 
Una ang pisngi; pangalawa, ang mga kamay; at ngayon ang memorya.
At bigla kong naintindihan. Ako'y alaala lang na kanyang kinapitan.
Ngayon ay sinisimulan niya nang bitiwan. Walang pangamba.
Binuksan na niyang ganap ang kanyang mga palad.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong ibuhos ang lahat ng naipon.
Sa loob. Magmanikluhod sa nakakandado nang pinto. Pero huli na.
Natutunaw ang huli kong bakas sa sansala ng mga patak ng ulan.
At hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan.
***
Isinama ko sa bagong-bukas na SM Supercenter Valenzuela ang inaanak ko. Birthday niya kasi two weeks ago, treat ko sana sa Jollibee. Okay, daming tao. At disappointed ako. Ang liit ng SM! Ung mga taong nakita mo 5 minutes ago, makikita mo uli, posibleng 50 times mo sila makita.
Punta kami sa Quantum nung inaanako ko, isinakay ko sa kotse-kotsehan na de-token. After ng ride, umiyak! Isa pa daw! Okay, 7 pesos lang naman ang token. After the second ride, umiyak uli! Ang ending, 5 beses siyang sumakay ng kote-kotsehan na iyon, at nung umalis kami sa Quantum ay umiiyak pa siya.
Naintindihan ko na ang nararamdaman ng mga ina/ama na may kasamang ganung bata tuwing lakaran. Promise, nakakaasar! Sarap iwanan ang mga ganung bata.
***
Eto pa. Kain kami sa KFC. Ihahatid na lang daw ung inorder kong chicken steak (addict ako dito!) sa table ko.
"Wala kayong number?", tanong ko. "Hahanapin na lang po kayo. Ano po name nyo?"
Okay, antay ako. 15 minutes. 30 minutes. Hanggang kailan pa ako mag-aantay? Lapit ako sa isang parang manager niya.
"Uhmm... ung order ko sana, pakibilisan."
"Yes sir!"
15 more minutes. May lumapit sa aking waiter.
"Sir, pwede po ba kayong makapaghintay ng 5 minutes. Kasi po kanina pa kami ikot ng ikot dito para hanapin kayo, hindi namin kayo nakita. Naipamigay na namin sa iba ung order nyo?"
5 minutes. 5 minutes pa. Hindi na okay.
"E kanina pa ako nag-follow up sa manager nyo e. Kanina pa ako naghihintay. Alam nyo bang...*$#%@$#%!"
Okay, sige 5 minutes.
"Make sure 5 minutes lang ha?"
After 10 minutes, tinawag name ko. Puta, ang order ko, nakapang-take out! Naka plastic, may plastic spoon at fork.
"Ang order ko, dine-in! Dine-in! Porke't ba magsasara na ung mall??? Kanina pa ako naghihintay!! @@$#@!#@$!$%@#$!$%@#"
Sabi lang ng waitress: "Yes, sir."
Syet.

Music :: Like A Virgin
Book :: The Birth of Venus - Sarah Dunant
Show :: Pinoy Big Brother
Mood :: Galit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Anything?



« 2005/09 | 2005/11 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content