Kumusta kayo after Milenyo? Sana OK lang kayo. Salamat sa Diyos at hindi gaano nanalasa ang bagyo. Parang pumasyal lang ang beauty niya sa Kamaynilaan.
***
Maraming nangyari sa akin last week. Nagpatingin na ako sa opthalmologist last Tuesday at ni-recommend niya na magsalamin na ako sa mata. Mababa lang naman ang grado, pero ang mahal ng presyo. Hindi pa ako makapag-decide kung sa Sarabia ako magpapagawa. P2000 ang binigay na price nila sa akin, kasama na ang frame. Me alam ba kayong mas mura pa dito?
***
Wednesday, inatake ako ng lagnat. Flu ang diagnosed ko sa sarili ko, naulanan kasi ako tsaka stress. Pero for five days na naging on-off ang lagnat ko, suggestion ng family ko na magpatingin na ako sa doctor. Ayun, pinag-blood count exam ako para malaman kung dengue. Ok naman ang first BC exam ko pati ung second, kaya hindi na ako ni-require i-admit sa hospital.
***
Sabay kaming nagkasakit ni RJ that week. Ayun, na-cancel ang lakad namin sana.
***
Namatay din ang pet kong lovebird, si Alex. Nawalan tuloy ng partner si Charmed. Hay. Mahal ko pa naman si Alex kasi favorite ko ang kulay niya, royal blue. Alam kong may tendency siyang mamatay agad, kasi nung bago kong bili sa kanya, mga ilang araw na nakita ko siyang ipinipilit ipasok ang ulo niya sa mga siwang ng cage, para siguro mag-suicide.
***
Malungkot na malungkot ako ngayon.
