Nagpunta kami kahapon ng Bebe ko sa Greenhills. Dahil wala pa ang 13th month bonus ko, siya lang ang nakapamili ng mga pamasko sa mga officemates niya, family, etc. Nakakainis at hindi pa nga naibibigay ang bonus, mukhang hino-hold ng company kasi maraming balak mag-resign after makuha ang mga bonus nila (ooppss, ibang kwento ito!).
Maraming tao sa Greenhills, kaya naman siksikan. Pareho kaming nahilo, pero ang saya kasi ang dami niyang napamili. Make tawad sa mga tindera talaga ever! Naghanap din kami ng mga pirated DVD, pero sabi ng guwardiya, wala na daw stalls ang mga pirata doon. Mukhang nalinis na ni Sir Edu?
Babalik daw kami ng Bebe ko sa December 17, sana lang me bonus na ako that time.
***
Wala pa rin akong makitang kopya ng Formula 17, waaahhhh!!!! Sana me makapagbigay nun sa akin bilang Christmas gift. Please lang po!!!
***
Pag love mo ang isang tao, hindi ba dapat pareho kayong happy? Kapag hindi na happy, paano na?
***
Prayers po sa mga nasalanta ni Reming (Durian). Nakaka-iyak ung report ni Jessica Soho last Saturday. Lalo na ung babaeng hinuhukay pa ang Christmas tree niya sa natabunang bahay niya. Kasi daw Pasko, para man lang makapag-celebrate siya.
Sana lahat ng tao, hindi sarili lang ang iniisip. Malapit na ang paggunaw ng mundo, at ang lahat ay mawawala - kayamanan, kapangyarihan.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=58231
