Entries for December, 2007
posted by
GHV2 on
December 10, 2007 at
03:20 PM


Kayo po ay malugod na inaanyayahan ng mga kasapi at kasalukuyang fellows sa pagdiriwang ng ika-22 taon ng pagkakatatag ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), isang organisasyon ng mga makatang masigasig na nagsusulat sa wikang Filipino. Ito ay sa darating na ika-11 ng Disyembre sa Conspiracy Bar.
Kasama sa nasabing pagdiriwang ang paglunsad ng literary folio ng SIDHAY batch (lira fellows '07). Ang koleksyong ito ay ilan sa mga nabuong tula ng bawat fellow matapos ang mga lecture at palihan na nagsimula noong Hunyo sa kasalukuyang taon. Magpatangay sa parikala at taludtod nina: Christa De La Cruz, Rogerick Fontanilla Fernandez, Kel Juan, Christine Magpile, John Montoya, JC Sola, Guia De Leon, Pau Hernando, Phillip Kimpo Jr., Alev Maniago at Por Requinto.
Isinilang ang LIRA noong Disyembre 15, 1985 sa opisina ng ngayo'y Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, (mas kilala bilang Rio Alma) sa Adarna House, Quezon City, nagkasundo ang siyam na batang makata -- sina Rowena Gidal, Edwin Abayon, Dennis Sto. Domingo, Ronaldo Carcamo, Danilo Gonzales, Vim Nadera, Ariel Dim. Borlongan, Romulo Baquiran, Jr. at Gerardo Banzon na magtagpo tuwing Sabado nang hapon para sa madugong pagsipat sa kanilang mga tula. Tinawag nila itong Rio Alma Poetry Clinic.
1 Said So
posted by
GHV2 on
December 12, 2007 at
02:33 PM

Nag-Star City kami ni Marigie!

Umubos ako ng P1000 para sa lakad na ito, pero keri lang. Para naman sa ikaliligaya ng bunso namin. Lahat gagawin ko para sa kaniya (at para sa pamilya ko).
Una naming sinakyan ang Viking. Sobrang nilakasan ko na lang ang loob ko kasi takot ako sa heights. At naaalala ko pa ang takot ko sa pagsakay sa kaparehong ride sa Enchanted Kingdom years ago (na napaihi ako sa takot). Tsinek ko muna ang heartbeat ni Marigie, baka kasi tense or sobrang pagod (dahil sa sakit niyang hyperthyroidism, she is taking Inderal, a drug for the heart). Mukha naman siyang OK, so safe na ituloy namin ang pagsakay. Gudluck, nakakalula siya talaga! 10 minutes yata na torture iyon, alam ni Marigie na nanginginig ang tuhod ko sa kaba (siya rin daw). Latang-lata ako na bumaba sa ride.

Next stop namin ang Caterpillar (which was uneventful, pambata hehe). Sumunod na sinubukan namin ang Gabi ng Lagim horror house. At ako ang tinakot ni Marigie kasi takot na takot siya! Madilim daw kasi (gaga ang kapatid ko para isiping maliwana sa horror house, hehe).

Nag-ferris wheel kami, 2nd horror house (na mas nakakagulat at nakakatakot kaysa sa una), bump cars (pareho kaming hindi marunong), Wacky Dragon (na parang Caterpillar din), Octopus, Little Mermaid water ride (I love Ursula!), Snow White Antique Cars (I love Wicked Stepmother!), Time Travel tunnel (Time Space Warp, ngayon din!), Flying Carpet (eto, sobrang katakot talaga!). Umubos kami ng almost P200 para sa token (P12 isa), at nag-share sa isang pizza (tig-apat na slice kami). Nanalo pala si Marigie ng small toy sa token game (giraffe key chain). Ako naman, malas talaga sa ganun.
Last ride namin ang Carousel. Sa wakas, natupad ang wish ko na makasakay nito ngayong malaki na ako (at dambuhala uli). Dream come true talaga ang drama ko habang umikot ng umikot ang tsubibo. Pinangalanan kong Shadow ang nasakyan kong kabayo. Ako nga kaya si She-Ra?


Masusundan pa ito. Next time, sana kasama na kita Kuyatot.
Music :: Umbrella - Mandy Moore version
Book :: The Lovely Bones - Alice Sebold
Show :: Sex and the City
Mood :: thankful
Anything?
posted by
GHV2 on
December 12, 2007 at
02:42 PM
FRESH NA BALITA - Matagumpay na naidaos ang Fellows' Night ng Batch Sidhay kagabi sa Conspiracy. Pero ayon sa bali-balita, next year na raw magkakaroon ng deliberation ang mga LIRA member kung sinu-sino ang papasa sa mga fellow.
Music :: Christmas Carols
Book :: Sidhay: Sisidlan ng [hay hay] Buhay
2 Said So
posted by
GHV2 on
December 14, 2007 at
12:11 AM

Mabilis kong natapos ang ipinahiram na libro ni Cris na "The Lovely Bones." Ang ganda ganda ganda kasi. Isinulat ito ni Alice Sebold, and published by Little, Brown and Company in 2002. Naging #1 bestseller ito sa US, at kasalukuyang ginagawang pelikula ni Peter Jackson (starring Mark Wahlberg and Rachel Weisz).
Blurb ng libro: "Susie Salmon, murdered at age fourteen, is adjusting to her new home in heaven, a place that is not at all what she expected, while back on earth her grief-stricken family is unraveling. Out of unspeakable tragedy and loss, The Lovely Bones succeeds, miraculously, in building a tale filed with hope, humor, suspense, even joy. This phenomenal #1 bestseller is a novel celebrated at once for its narrative artistry, its luminous clarity of emotion, and its astonishing power to lay claim to the hearts of millions of readers around the world."
Paano nga ba mag-a-adjust kapag may namatay na kapamilya? Sa The Lovely Bones, hindi lang namatay si Susie Salmon, ni-rape muna siya bago pinatay. Elbow lamang niya ang natagpuan, kagat-kagat ng aso ng kapitbahay nila. Paano nga ba magre-react kung ang pinakamamahal mong anak ay minasaker, kung ang kakampi mong kapatid ay ni-rape, kung ang matalik mong kaibigan ay habambuhay nang mawawala sa iyo?
"These were the lovely bones that had grown around my absence: the connections -- sometimes tenuous, sometimes made at great cost, but often magnificent -- that happened after I was gone. And I began to see things in a way that let me hold the world without me in it. The events that my death wrought were merely the bones of a body that would become whole at some unpredictable time in the future. The price of what I came to see as this miraculous body had been my life."
Alamin kung paano babangon ang pamilyang Salmon sa trahedyang nangyari sa kanila. Alamin rin kung anu-ano ang mga iniisip ni Susie ngayong nasa langit na siya. Mahiwaga talaga ang buhay, kahit sa kamatayan. Ang kailangan lamang natin ay pang-unawa.

Anything?
posted by
GHV2 on
December 15, 2007 at
12:54 AM

Ipinagpalit ko ang mga etits ng fratmen sa mga libro sa araw na ito. Hehe.
Well, sulit naman ang sakripisyo. After ng shift ko, sumugod na ako sa National Bookstore (NBS) warehouse sa West Capitol, Pasig City para sa book sale nila. Akala ko isang sakay lang ito mula sa office ko. Mabuti na lamang at tumawag muna ako kay May Robias ng NBS (#4901163) para humingi ng directions. Halos kapareho lang ng ruta ng Powerbooks warehouse (Boston Street naman ito). Mula MRT Boni station, lakad lang papunta sa sakayan ng tricycle sa Robinson's Pioneer. Sabihin lang sa driver na sa West Capitol, sa NBS warehouse. Alam na nila iyon.
Puro novels ang naka-sale, highest price na nakita ko ay mga hardbound worth P300. Lowest price nila ay P25. Konti lang ang nahalungkat kong Filipino titles. Na-disappoint ako dito dahil inisip kong mas maraming Filipino titles ang on sale.
Anyway, pito ang nabili kong libro:
Tom Jones by Henry Fielding
Through the Looking-Glass, And What Alice Found There by Lewis Caroll
Putong by Domingo G. Landicho
Little Children by Tom Perrotta
Purgatorio by Dante Alieghieri
The Importance of Being Earnest by Oscar Wilde
Messianic Legacy by Baigent, Leigh, and Lincoln
Naghahanap ako ng Holy Blood, Holy Grail pero wala. Naghanap ako ng The Adventures of Alice in Wonderland pero wala. Naghanap din ako ng Paradiso at Inferno pero wala. Malamang naubos noong unang sale ng NBS warehouse last first week ng December. Kung may time kayo, punta na sa warehouse sale ng National Bookstore. Hanggang December 16 ito, 9 AM to 6 PM.
Mood :: thankful
1 Said So
posted by
GHV2 on
December 18, 2007 at
02:37 AM

December 15
Hindi natuloy si Kuyatot sa pagsama niya sa bazaar ng Hands-On Manila sa Greenmeadows. Hindi kasi nakapag-order ang pinakiusapan niyang bumili ng ilalako niyang chicharon mula sa Pampanga. Kaya imbes na matuloy ang napagkasunduan sa sleeping quarters ako matutulog at sa hapon na magkikita, ay dali-dali akong nag-ayos ng gamit at umuwi sa Cofradia. Bago iyon, sumaglit muna ako sa Puregold Cubao para bumili ng toiletries at pasalubong kay Fatima at sa Kuyatot ko siyempre.
Mabilis ang biyahe sa NLEX, as usual. Naabutan kong nanonood ng Ka-Toque si Kuyatot kasama si Ate Melay. Ngayon ko lang nakilala si Ate Melay, subalit hindi ko siya masyado nakausap kasi papunta siya kina Bunso. Sabay na kaming nananghalian ni Kuyatot, chicharon ang aming ulam (nakabili siya ng pitong plastik ng chicharon sa Sta. Maria, pero yun nga, hindi niya na ito iniluwas pa).
Pagkakain, nakatanggap siya ng text mula sa ex-Nurse ng company nila, si Ate Clarissa. Mag-drop by daw siya. Ang resulta, hindi na ako natulog kahit nangulit pa si Kuyatot na matulog ako. Mabait (at maganda) si Ate Clarissa. She currently works for CARGILL (poultry company yata ito, di ako sure). Nilibre niya pa kami ng barbecue at isaw, San Mig Light, at anu-ano pang chichirya.
Hindi ko rin nainom ang San Mig Light ko. Nagkaproblema kami kung sino ang susundo kay Xam sa Cubao, kung sasabay ba siya sa date niya that night. Akala ko din na-contact na ni Kuyatot si Xam noong umaga. Ang ending, bumalik ako ng Cubao para sunduin siya. OK lang naman kaya lang hindi na talaga ako nakapagpahinga.
Pasado alas-nuwebe na nang nakaalis kami sa Cofradia papuntang resort sa Pulilan. Doon gaganapin ang Xmas party ng mga kaibigan ni Kuyatot na PLUs. Kahit iritado ako na wala nga akong tulog (I am cranky at lalong sumisingkit pag walang tulog), inisip ng mga kaibigan niyang suplado ako. Sabi pa ni Xam, elite daw ako (nyak!). Sa totoo lang, iyon ang crowd na pinaka-iiwasan ko: rowdy, Malate-type. Tapos pagod pa ako. Nakakahiya tuloy kay Kuyatot, pero tinopak talaga ako. Naupo lang ako sa isang tabi at nagmukha talaga akong loner. Snob. Hanggang nag-aya si Kuyatot na lumipat sa isang bench na malayo sa cottage ng group. We decided na mahiga lang, and talk about the issue. I apologized na iritable ako that night. I know na super importante kay Kuyatot ang lakad na iyon. With whole honesty, I told him that I hate this kind of crowd, na in the future, hindi na ako makakasama sa mga lakad nila. My Kuyatot positively accepted every thing I have said. And yes, nag-warm up na sa pagitan namin. We embraced.
We fell asleep. Di namin namalayan na nakatulog na pala kami pareho. Nang naalimpungatan kami, tinukso kami ng grupo. Pareho lang kaming napangiti. Pareho nang good mood. We joined the group in dancing when the videoke machine played Dancing Queen. Relax na kami, OK na. Some members tried to converse with me, and sana hindi na suplado ang dating ko sa kanila. Still, I have my reservations when JJ, a guy from Baguio, asked for a friendly kiss sa lips. I refused. Pero pag uwi namin, he approached me again and still asked for a kiss. Hinayaan ko na siyang mag-kiss sa magkabilang pisngi ko. That was it.
The event was fun (you know!), the guys were awesome (hindi ko lahat nakausap), and masaya kaming umuwi ni Kuyatot. Lalo kaya si Xam, kahit ask ninyo siya. Next GEB ng group ay sa February 2008, sa Baguio, kina JJ. Isasabay daw sa Penagbenga. Malamang sa malamang ay pumunta kami ni Kuyatot.
***
December 16
Reunion of sort para kay Kuyatot ang pagni-ninong niya sa binyag kinatanghalian. Kumare niya uli si Mareng Virgie sa bunso nina Mareng Arlene. Dumating din si Ate Flor mula sa Pulilan, bitbit ang dalawa niyang anak. Magkakaklase sila sa Bulacan State University sa kursong CompTech. Si Mareng Virgie ay kasalukuyang nagtuturo (nagtapos din siya ng Educ), samantalang parehong maybahay sina Ate Flor at Mareng Arlene. At ako ang kanilang bagong friend, bilang partner ni Kuyatot.

Nakatutuwa ang kuwentuhan after the binyag. At ang handa sa bahay nina Mareng Arlene, whapak sa sarap! Pag gising ko kasi noong umaga, hindi ko alam kung bakit natakam ako sa lumpiang shanghai. Naikuwento ko tuloy ito kay Ate Taba, at nag-promise siyang ipagluluto niya ako ng lumpiang shanghai sa Pasko. Naisip kong malamang ay may lumpiang shanghai sa handaan after the binyag. Hindi ako nagkamali, kaya andami kong nakain. At ang pansit, majestic!


Aliw na aliw ako sa kuwentuhan ng magkakaklase. Ang sarap ng feeling na iyon na parang kasama ka nila sa history nila, isinasama ka nila sa history nila hindi bilang outsider kundi kabahagi talaga. Napaka-warm sa pakiramdam. Nalimutan ko tuloy ang atraso ng paring nagbinyag kay Baby Alexa Reign. Nag-share kasi ang paring ito ng kaalaman niya sa Psychology (?). Ayon sa kaniya, lumabas sa pag-aaral na dapat ang mga magulang ay niyayakap ang kanilang mga anak. Fine. Lalo't higit na dapat yakapin ng isang ama ang anak niyang lalaki, para magkaroon daw ng recognition. May tip pa si Father. Dapat daw ay hubad ang ama habang yakap-yakap ang anak niyang lalaki, para daw maamoy ng bata ang "masculinity" at "machismo" ng ama. Sigurado daw ito para hindi maging bakla ang bata. Kapag daw hindi ito ginawa, ay baka sa pagtanda ng bata ay mang-amoy ito ng "papa". Humirit pa si Father. Dapat daw ay kalingain at mahalin ang mga anak. Ang mga batang malulungkot daw ay nagiging tomboy at bakla sa pagtanda. As if! Napataas ang kilay namin ni Xam. Sabi ko kay Xam, kailangang sunugin ang simbahang iyon sa pagkakaroon ng paring mayroon pananaw na ganito. Nakakalungkot.





Anyway, pag-uwi namin sa Cofradia, sinabi sa akin ni Ate Taba na tinanong siya ng anak niyang si Em kung doon na ba ako nakatira sa kanila (How I wish!). Andami ko daw kasing dalang damit. Kahit si Kuyatot ay pinansin ang pagdadala ko ng madaming damit. Para sa akin kasi, mas OK na sobra ang dala kong damit kaysa sa kulangin. Past 3 PM na kami umalis ni Xam sa Cofradia. Hindi kami nagkasabay sa bus kasi pinapupunta ako ng kapatid ko sa SM Marilao. Pupunta naman talaga ako, kasi may mall show si wonderful Kyla doon. Hinatid na kami ni Kuyatot sa may kanto.
***
December 16 pa rin

Andami ng tao sa Entertainment Place ng SM Marilao, sabik na nag-aabang kay Kyla. Last year, Si RJ ang kasama ko dito. Ngayon naman, ang mga kapatid ko. Mabuti't dinala ng sisters ko ang dalawang CDs ko pa ni Kyla, ang Beautiful Days at Not Your Ordinary Girl. Mapapapirmahan ko na din.

Panalo ang Heartfelt album ni Kyla. Nakagawa na ako ng review (review nga ba iyon? hehe) as past entry ko dito sa Tab, check ninyo na lang.

Anyway, ang tagal ng pag-appear niya sa stage. Sinaktong 6 PM nung lumabas siya, in her all-white glory. Naghiyawan na ang mga tao, lalo nang sinabi niya na iba ang pakiramdam na mag-perform sa SM Marilao kasi malapit ito sa hometown niya, ang bayan ng Calumpit. Nagtawanan din ang mga tao nung nagtanong siya kung 15 minutes lang ang biyahe mula SM Marilao papunta ng Calumpit. Lagpas-lagpas kayang isang oras ang biyaheng iyon.

Tatlong kanta mula sa album ang inawit niya, at isang Xmas song. Tapos pirmahan na ng CDs at posters. Sumimple kami ni sis Fhariza para makauna sa pila, super excited na makaharap si idol. Hehe. Success at napirmahan niya ang three CDs ko at poster, plus me pics pa kami. Tuwang-tuwang akong umuwi ng bahay, kahit pagod sa biyahe at sa pagbibitbit ng bagahe.
Kyla Forever!
Book :: Little Children - Tom Perrotta
Mood :: thankful
5 Said So
posted by
GHV2 on
December 19, 2007 at
01:27 AM

I'm currently reading "Little Children" by Tom Perrotta. If you had seen the movie, don't worry, super loyal ang script sa novel (screenplay by Todd Field and Tom Perrotta). Un nga lang, mas maganda ang novel kasi na-explore ang background ng major characters, kung bakit ganoon ang emotions nila sa mga situation.
Blurb ng novel: Tom Perrotta's thirty-ish parents of young children are a varied and surprising bunch. There's Todd, the handsome stay-at-home dad dubbed "the Prom King" by the moms at the playground, and his wife Kathy, a documentary filmmaker envious of the connection Todd has forged with their toddler son. And there's Sarah, a lapsed feminist surprised to find she's become a typical wife in a traditional marriage, and her husband Richard, who is more and more involved with an Internet fantasy life than with his own wife and child. And then there's Mary Ann, who has life all figured out, down to a scheduled roll in the hay with her husband every Tuesday at 9 PM.
They all raise their kids in the kind of quiet suburb where nothing ever seems to happen --- until one eventful summer, when a convicted child molester moves back to town, and two parents begin an affair that goes further than either of them could have ever imagined.
Trivia: Todd ang name ng bidang lalaki sa novel. Pinalitan ito sa movie ng Brad kasi kapangalan ng director ang character (Todd Field). At kilala niyo ba kung sino ang narrator sa pelikula? Ang sagot, si Will Lyman, na kilala as voice of PBS' Frontline series.
Inis nga pala ako sa mga novel na pag ginawang pelikula, ung poster ang nagiging pabalat. Pero dito sa Little Children, gandang-ganda ako sa pabalat. Hehe. Basa na!

Anything?
posted by
GHV2 on
December 20, 2007 at
12:02 AM
Christmas is just around the corner. Pero feeling Scrooge ang Globe. Posible daw, e tinanggal nila UNLITXT. Ayt daw, e kawawa naman ang mga UNLITXT user.
Sana mga hindi pa nakakaalam, wala na pong UNLITXT20, UNLITXT40, at UNLITXT80. Try na lang daw natin ang SULITXT, para daw tyt tayo. Ni wala man lang abiso. Ni wala man lang pasabi.
Bakit ganun, Globe? Baaaaaaakkkkiiiiiiiittttttttttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
P.S. Ibinalik nila pansamantala ang UNLITXT20. Hanggang January 2008 yata. Samantalahin na!
Mood :: worried
3 Said So
posted by
GHV2 on
December 20, 2007 at
02:45 PM
posted by
GHV2 on
December 22, 2007 at
02:59 AM

"A ghost is said to be the apparition of a deceased person, frequently similar in appearance to that person, and usually encountered in places she or he frequented, or in association with the person's former belongings. The word "ghost" may also refer to the spirit or soul of a deceased person, or to any spirit or demon. Ghosts are often associated with hauntings, which is, according to the Parapsychological Association, "the more or less regular occurrence of paranormal phenomena associated with a particular locality (especially a building) and usually attributed to the activities of a discarnate entity; the phenomena may include apparitions, poltergeist disturbances, cold drafts, sounds of footsteps and voices, and various odours." (Wikipedia, the free encyclopedia).
English poet John Fuller has explored the "ghosts" in his book entitled Ghosts, published by Chatto and Windus in 2004. Blurb ng poetry book: "Like the possible phantoms that stalk the dark passageways of its title poem, John Fuller's beautifully lucid new collection explores the grey area between life and death. Full of self-depracating wit and subtle insight, the poems contemplate the inevitability that, when one reaches a certain age, the moment of one's own passing will start to haunt one. In 'Flea Market' there is the pathos of once-loved objects laid out, meaningless, 'on the cobbles for scavengers'. In 'Positions in Bed', the restless search for a comfortable way to sleep leads to thoughts of the morning when 'we find/Ourselves absconded from the body's/ Weary roll-call'. And yet, out of this sense of mortality, grows a determination to take delight in the moment, to appreciate fully 'the business of living'. The poems about the excitement that young children induce in the old, the way they wake the settled life from its drift towards death, have particular resonance. 'For there comes a time when we no longer/ Wish we could go on sleeping forever,/ Because we are asleep for ever.' These poems are not only intimate, domestic and often funny, they are uncompromising in the way they confront the huge and unanswerable questions of life. The movement of thought is rendered beautifully concrete in the intricate music of their language, and melancholy co-exists with a lightness of touch that builds a moving and humane barricade against 'life's brevity/ And its insignificance'.
Sisimulan ko nang basahin. Hehe..Napaka-wonderful ng cover. Sobra.

Music :: Big Girls Don't Cry - Fergie
Mood :: impressed
2 Said So
posted by
GHV2 on
December 24, 2007 at
09:51 PM

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!
Ayokong mag-drama na me trabaho ako sa bisperas ng Pasko. Second time ko na naman ito, kaya keri na. Sanay na rin ang family ko sa ganitong arrangement. Mabuti na lang at nakuha ko ang the best schedule ever for this season, kaya nataon na day-off ko bukas. Sa umaga, sa bahay muna ako kasi ako ang natoka na magluluto ng pansit. Darating din ang mga inaanak ko. Ako din ang proxy ninong sa mga inaanak ni Kuya Jayson. Hindi ko pa alam kung magsisimba kaming pamilya bukas ng umaga. Sa hapon naman, punta ako kina Kuyatot. Sana nga tuparin ni Ate Taba ang pangako niyang ipagluluto niya ako ng lumpiang shanghai. Kadarating lang din ni Kuyatot from Baguio kaya me pasalubong akong chocoflakes at ube. Yehey!
(Ang tagal naman ng pag-aaya ng management ng Christmas dinner. Nakita ko kanina na me caterer sa labas ng office. Last year, Shakey's ang ipinakain sa amin.)
PS. Dumating na ang food stub namin! Yehey! Me pa-raffle pa. Sana manalo naman ako.
Music :: Headlines - Spice Girls
Book :: Memoirs of a Geisha - Arthur Golden
Mood :: cheerful
Anything?
posted by
GHV2 on
December 26, 2007 at
09:20 PM
Ang Christmas wish ni Kuyatot ay "Thy will be done." Sobrang unselfish ng Kuyatot ko. I'm learning from him. Ang wish ko naman, if the year 2008 would be a rough year for me and my family, I hope God would make me stronger.
Ano naman ang Christmas wish mo?
Mood :: thankful
2 Said So
posted by
GHV2 on
December 27, 2007 at
09:22 PM
Nakuha ko na ang last na regalo ng Mommy ko sa exchange gift. Ni-request ko na National Bookstore GCs worth 300 pesos ang ibigay niya sa akin. Balak ko talaga mamili ng mga libro. Since hindi pa niya naibibigay ang third gift ko, minabuti ng Mommy ko na bilhan ako ng libro ni Bob Ong na "Ang Paboritong Libro ni Hudas" worth 180 pesos at 200 pesos na lang na GCs. Keri na din, since gusto ko nang makabasa ng libro ni Bob Ong (kahit tumututol si Mark Angeles). Kanina ako nagpunta sa National Bookstore (Cubao) para gamitin na ang GCs. Nakapag-decide na akong bibili ako ng "Maaari" ni Allan Popa at ng "Emma" ni Jane Austen. Kaya ayun, magbabalot uli ako bukas ng dalawang libro.
Mood :: thankful
5 Said So
posted by
GHV2 on
December 28, 2007 at
09:21 PM

Hinanap namin ng sister ko ang mga Del Monte Kitchenomics newsletter na natanggap ko last year. Balak kasi naming hindi na bumili ng gawang pork barbecue para mas makatipid. Kami na lang ang gagawa. Hinanap namin ang recipe para sa marinade. Plinano na rin namin ang iba pang ihahanda sa New Year's eve. Balak daw ni Bunso na magluto ng carbonara (na nagustuhan daw ng Tatay namin nung niluto niya ito last December 24). Ayoko magluto sa araw na iyon (hehehe), kaya wala akong maisip na putahe. Basta kahit ano. Ang importante, buo ang pamilya namin (naks), at may Kuyatot ako. Heheh. Actually, baka kasi super pagod na ako para magluto, me mga lakad ako sa December 29 (Pinoypoets' post-Xmas pre-New Year celeb) at December 30 (celebration ng FAMILIA sa isang orphanage sa Sta. Maria, Bulacan dahil birthday ng isang miyembro). Sa madaling-araw naman ng December 31 ay tutulong ako sa pagtitinda sa parents ko sa palengke (sana maraming bumili!). Kaya paano pa ako makapagluluto niyan, hehe.
At oo, super mega to the max ang excitement ko sa Koreanovela sa GMA 7 na "Coffee Prince". Bakit kaya? Hehehe.

Book :: Maaari - Allan Popa
Mood :: stressed
Anything?
posted by
GHV2 on
December 31, 2007 at
11:08 AM
Three photos muna, sunod na lang ang text at mas maraming pix. Masyadong maraming inaasikaso para sa bagong taon Hehe. Ang kuwento nito, naisip ni Rizalene na i-spend ang birthday celeb niya sa Lingap Bata Center sa Sta. Maria, Bulacan. Super nag-enjoy kami.

Class picture with Ate Rizalene at ang school mascot na si Jollibee.

Hindi po totoong kakambal ko si Jollibee. Isa siyang celebrity at ako isang hamak na taga-hanga lamang. With Kuyatot, Ate Rizalene, at Ate Tina.

Gumala ang mga Inday sa kanilang di-op. Hehe. Hindi po kami nanood ng Enteng Kabisote ha! Nag-serve lang un as background. With Ate Rizalene, Ate Sandra, at Ate Tina.
Eto pa ibang pix sa cel ko:








2 Said So