Entries for January, 2008

January 1, 2008
posted by GHV2 on January 1, 2008 at 08:26 PM
I want to sleep now. Kaya lang, nasa office ako ngayon for my 8 PM to 5 AM shift. Hay. Nakakapagod ang celebration kagabi, pero masaya. Tulad ng nakagawian, sa Pandi, Bulacan kami nag-celebrate. At oo, kahit may isyung hiwalayan sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, bongga pa rin ang fireworks display mula sa bahay nila (may resthouse sila sa Pandi). Hehe.

Mood :: tired

Anything?



PBB Update
posted by GHV2 on January 2, 2008 at 10:34 PM

Latest chika - Ang Celebrity Big Four ay sina Will, Riza, Ruben, at Gabby. I'm actually rooting for Gabby. Pati ang mga ka-LIRA fellow kong sina Pau at Xta. Good luck sa Apat! Latest update: Ipinasok si Bianca Gonzalez sa Bahay ni Kuya (December 3). Hindi niya pa alam kung ano ang purpose niya doon. Balak daw niyang magkuwento tungkol sa outside world para palabasin daw siya agad ni Kuya. Panonoorin kaya siya nina Lino Cayetano at KC Concepcion? Hehe.

Update: Si Ruben ang nanalo. Good luck sa kaniyang career sa labas ng Bahay ni Kuya!

Mood :: shocked

Anything?



Pinoypoets 2007
posted by GHV2 on January 4, 2008 at 09:48 PM

Na-late ako, as usual.

Dumating sina Van at Maki, Ergoe at Nanoy, Kath at Emong, JD Tamboon at Darryl, Xam, Alex Agena, Claire, at ako. Ayan, andaming partners. Hindi na sumama si Kuyatot kasi magkasama na kami nung umaga sa Nazarenus Hospital. Feeling ko kasi na-dengue ako kaya ayun, nagpa-blood test at urinalysis ako para makasigurado. At ang bilis ng panahon dahil me baby na si Alex. At hindi ko siya agad nakilala, malayong-malayo sa Alex Agena na nakilala ko. Hehe.

Nauwi ang post-Xmas party sa kuwentuhan, rengga, at sa paglalaro ng "Killer, Killer", with matching variation na "Kill the Diva." Ang mga diva ay sina Kris Aquino ( "I crushed his balls!" "He gave me STD, Korina!" ) at Nora Aunor ( "I did not kill anybody!" ).

Pauwi, nilibre kami ni Van ng corndog sa nadaanang Korean convenience store. Sarap!

I'm really looking forward to Pinoypoets 2008.

Mood :: optimistic

3 Said So



Bagong Pares ng Gerbies
posted by GHV2 on January 6, 2008 at 03:04 AM

Anniversary ng kauna-unahan kong nabiling Girbaud shoes noong January 1.

f

Red and blue ang color ng Gerbies ko (term ko para sa Girbaud shoes). Nakakatuwa kasi first time kong maging bold sa colors para sa sapatos. Para sa akin, "liberating" ang pagbili ko ng pares na iyon. Nagkataon pang me ganung sapatos din si Mr. Batuta (wala lang.. hehe.).

Mamaya, bibili kami ni Kuyatot ng bagong pares. Sabi ko sa kaniya, siya ang pumili ng kulay. Huwag sanang green, mukha kasing duwende shoes pag ganun. Hahanap na din ako ng sarili kong UP Diksiyunaryo. Sana me makita pa akong papaerback para makamura.

Update: Monday na ako nakabili ng Gerbies. Wala kasing size 43 sa SM Marilao, kaya sa SM North Edsa na lang ako pumunta.

 h

Wala pa rin akong nabibiling UP Diksiyunaryo. Huhuhu.

Mood :: nostalgic

Anything?



Isang Kuwento
posted by GHV2 on January 7, 2008 at 08:52 PM

Nagkuwento ang pari kahapon sa kaniyang homilya tungkol sa isang Barangay Captain na nakatatlong termino na.

Binabalak kasi ng tatlo niyang anak ang tumakbo bilang Barangay Captain sa susunod na eleksyon. Nakiusap ang ama na dapat isa lamang ang tumakbo sa kanila (hala! me political dynasty ang drama!), at siya dapat ang mamili kung sino ang tatakbo sa tatlo. Hinamon ng ama ang kaniyang mga anak na punuin ng kung anumang bagay ang kanilang kubong nakatirik sa gitna ng kanilang bukid. Binigyan niya lamang ng limang piso ang bawat isa sa kanila.

Ang ginawa ng panganay na anak, nagtagpas siya ng mga damo sa kanilang bukirin, at iyon ang ipinampuno niya sa kubo. Ipinambili na lamang niya ng ice tubig ang limang pisong natanggap mula sa ama.

Ang ginawa ng pangalawang anak, pinuno ng mga pinulot na kahoy ang kanilang kubo, at katulad ng kapatid, ipinambili na lamang ng ice tubig ang perang ibinigay ng ama.

Ang bunso nama'y nakiusap na sa gabi niya gagawin ang hamon ng kanilang ama. Pagkagat ng dilim, sinabihan ng bunso ang ama na buksan ang pinto at ang mga bintana ng kubo dahil sobra-sobra raw ang ipampupuno niya sa kubo. Sumunod naman ang amang nagtataka sa binabalak ng anak. Saka pa lamang sinindihan ng bunsong anak ang kandilang hawak-hawak niya. Nagliwanag ang buong paligid.

Masayang-masaya ang ama sa ginawa ng bunsong anak. Ang bunso ang napiling tumakbo para sa pagka-Barangay Captain sa lugar nila.

Hmmm... Poet siguro ung bunsong anak nu?

Mood :: silly

Anything?



The End?
posted by GHV2 on January 9, 2008 at 02:28 AM

It's like a giant vulture hovering above us, this talk about the account being dissolved any moment. Tinatamad na tuloy ang mga tao, pati ang Team Leader namin. Pero hindi ako magre-resign. Isa ako sa mga pioneer ng account na ito, at gusto ko makita ang patutunguhan nito. And yes, I'm prepared now, unlike before nang mawalan ako ng trabaho sa OPM/PHILSTAGE (see my July 2005 entries).

Wish me luck. Wish me luck.

Mood :: sad

Anything?



Kuwentong Besfren
posted by GHV2 on January 10, 2008 at 05:49 AM

Habang naglalakad ako kagabi papunta sa sakayan ng bus, habang ibinibirit ko ang high notes ng "Alone" ni Celine Dion, may tumawag sa maganda kong pangalan: "Rhodge!"

Paglingon ko, nakita ko ang bestfriend ko nung elementary, si Elaine Laureano. Potah, after 13 years, diyosa pa rin siya. As in. Kuwento niya sa amin dati, ipinaglihi siya ng nanay niya sa Barbie doll. Kamukha talaga. At un ang problema ko. Lahat ng crush kong guys noong elementary days namin, me tama sa kaniya. Puro siya, siya, siya. Hehe. Childhood nightmare ko. Pero di naman kami nag-away ng dahil sa lalaki, never. Super good friends kami since Grade 3 (or Grade 2? Si Julianne Huang kasi ang bestfriend ko nung Grade 1).

We parted ways pagka-graduate, sa ibang high school siya napunta. Sa Meycauayan College naman ako. Ayun, after 13 years, nagkita uli kami. Me kids na siya, all boys, at kakapanganak niya lang sa bunso niya nung 2007. Inireklamo niya na mataba siya ngayon. Siyet, diyosa pa din siya. Talo talaga ako. Hehehe. Un lang.

Mood :: okay

2 Said So



Ngayong Nangangamba ang Work Ko
posted by GHV2 on January 10, 2008 at 11:50 PM

Tinanong ako ng officemate kong si Liza kaninang umaga kung bakit mukha akong cool at relaxed kahit me nababalitang mawawalan na kami ng work.

htmt

(salamat sa logo)

Ang sabi ko, una, wala naman kaming magagawa kung iyon ang magiging final decision ng HTMT management. Ikalawa, mas handa nga ako ngayon na mawalan ng work di katulad nung mawala ako sa OPM/PHILSTAGE. Malaki ang pasasalamat ko sa call center stint ko dahil ito ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Life-changing talaga, pramis. Ang funny nga kasi dati, ayokong-ayoko na maging call center agent ako. But yes, I learned to like it. Tiring pero masaya. Rewarding din. This work has served its purpose already, at kung time na talaga to say goodbye to it, it would be a bitter-sweet farewell.

Time to move on.

Mood :: satisfied

2 Said So



Weekend Na!
posted by GHV2 on January 12, 2008 at 12:18 AM

Inaabangan ko ang pagdating ng Sabado at Linggo. Parehong day-off ko kasi, pahinga na naman si Inday. Me sakit pa din ako ngayon, siguro nabinat sa biglaang pagbabago ng work sked ko (from 8 PM to 5 AM sked naging 12 MN to 9 AM).

Sa Sabado, overnight kami ni Kuyatot sa house namin sa Pandi, susubukan ko ding makapagsulat ng mga tula. Ipagluluto niya daw ako ng pinakbet, ako naman hindi ko pa alam kung ano ang ihahanda para sa kaniya (ako na lang kaya? hehe).

Maghahanap din kami ng mga tuko sa bahay. Pinamugaran na kasi. Asin daw ang pantapat dun sabi ng tatay ko, mabuti na lang madaming asin sa bahay.

Sa Linggo naman, deliberation na ng LIRA members kung sino-sino ang papasok sa Magic Circle. Pangungunahan ni Ser Rio ang Judgment Day. Nagbabalak si Phillip na magkita kaming mga Fellow sa Sarah's ng 5 PM. Para daw magwala after ng delibs, at para mag-celebrate na rin. Sa Batch Sidhay, goodluck sa atin!

(Nadala na ng officemate kong si Ms. Ruth sa wakas ang mga movie na hinihiram ko: "Under the Tuscan Sun" (Diane Lane), tsaka ang kontrobersyal na "Shortbus". Ung DVD ng Shortbus, me kasama pang ibang pelikula kaya jackpot: "Boy Girl Thing," "Norbit," "The Astronaut Farmer," "Because I Said So," "Sleeping Dog Lie," "Reno 911: Miami," tsaka "Bordertown." Panalo!)

short

 

under

Book :: The Vintage Collection of Contemporary Irish Fiction
Mood :: restless

Anything?



Listen/Write
posted by GHV2 on January 14, 2008 at 10:49 AM

I am currently listening to Madonna's "Ray of Light" and "Confessions on a Dance Floor" albums, trying to get inspiration, trying to imbibe the music into my poems.

Shantih, shantih.

ray

dance

Mood :: pensive

Anything?



Mga Dapat Gawin Mamaya
posted by GHV2 on January 15, 2008 at 12:47 AM

I need to get out of the office ng 6 AM mamaya.

Kailangan mapalista ko ng maaga si Marigie for consultation kay Dr. Honolina Gomez, her endocrinologist. Titignan mamaya ang results ng blood test niya, kung puwede na ba siya i-submit for operation. May hinahabol kasing certain level of toxicity si Doc, para hindi risky ang operation. Unahan kasi sa pagpapalista ang mga pasyente ni Doc, so dapat pinakamaaga ako.

Then antayin kong magbukas ung office ng MEDICARD Coordinator ng 8 AM. Di na ko uuwi ng Valenzuela, balik na lang ako ng HTMT para matulog.

Inaya ako ni Kuyatot na sa office na lang nila sa may Welcome Rotonda ako mananghalian, dadagdagan na lang daw niya ang baon niyang pagkain. Para daw makatipid, hehe. 2 PM pa kasi si Doc kaya ganung oras ko na pinapunta ang kapatid ko. Daan na rin ako sa bookstore ng UST Press para bumili ng libro. Mabuti na lang din at maraming cute sa UST kaya mabilis lilipas ang oras ( Lagot ako ke Kuyatot nito, hehe. Di ko pa pala nasabi na adik ako dati ke Angelo Suarez. )

Mood :: sleepy

Anything?



Shortbus
posted by GHV2 on January 16, 2008 at 11:51 PM

OK, kaninang madaling-araw ko lang napanood ang "Shortbus."

sophia

Nagka-time akong manood kasi absent ako kagabi sa work dahil sa maghapong pagtatambay sa UST Hospital. Ayun, naiyak ako after ng pelikula. To the max. Para na rin naranasan ko ang first time na pag-o-orgasmo ni Sophia, ang bidang babae sa pelikula. Ung klase ng orgasmo na nakakapagpabalik ng kuryente ng buong New York City pagkatapos ng biglaang brownout.

Sobrang nangilabot ako sa eksenang umaawit ang mistress ng Shortbus sa kadiliman, "nagbibigay-liwanag" sa bumalot na dilim sa siyudad (in fact, ipinakita sa pelikula na sa gitna ng kadilimang iyon, ang "nagliliwanag" lang ay ang Shortbus).

sing

Mahalaga nga ba ang sexual (over)satisfaction sa isang relasyon? Para malaman, dali, manood na.

4

Dagdag: Bumili nga pala ako ng "Bago Ang Babae" ni Rebecca Anonuevo. Nung isang gabi ko pa napapanaginipan ang aklat niya. Nung nakita ko sa National Bookstore -Grand Central, Monumento ung nag-iisang koopya ng libro, binili ko na. Inisip ko na senyales ito, na bago ang babae, bago ang bading?

Mood :: touched

Anything?



Early 90's
posted by GHV2 on January 17, 2008 at 11:55 PM

Hanep ung jeep na nasakyan ko kanina!

Parang disco, ang tugtog ay early 90's dance hits. It brought back memories ng mga bakasyon ko sa probinsya. Doon lang ako nakahahataw sa mga ganitong tugtog.

Pag Mayo kasi, piyesta sa Guilig Street, sa Lingayen, Pangasinan. Mayo 1 ang Pistay Dayat, taon-taong paliligo sa maalat na tubig ng Lingayen Gulf. Sa hapong iyon, kailangang dumaan kami sa bahay ng tiyahin kong me pagawaan ng bagoong. Tuwang-tuwa kaming isawsaw ang aming hintuturo sa bawat bangang naglalaman ng iba't ibang klaseng bagoong. Imagine, isandaang banga iyon!

Pag-uwi sa bahay ng mga lolo't lola ko (sa side ng mother ko, doon talaga kami tumutuloy), matutulog muna kami para sa paghahanda sa baile kinagabihan. 10 years old yata ako that time, so bawal pa akong pumunta sa mga bailehan. Pero dahil sadya kaming pasaway ng mga pinsan ko, tumatakas kami. Ung mga unan, inaayos namin sa korteng tao at tatakpan ng kumot. Kunyari, kami iyon na mahimbing na natutulog. Saka kami tatakas sa bintana (ung capiz type ang bintana doon, ung naii-slide), tahimik na dadaan sa may bubungan, tuloy na bababa sa pader. Then tatakbo na kami sa bahay ng hermana mayor, at magsasayaw hanggang alas-tres ng umaga!

Uuwi kaming pagod, pero masaya. Minsan, me uwi kaming pera dahil nanalo kami ng pinsan ko sa Lambada dance contest. Hehe. (I'll try to post a picture. Hanap pa ako. Hehe)

Mood :: pensive

1 Said So



A Love Story
posted by GHV2 on January 18, 2008 at 11:54 PM

Kanina, sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep pa-Libis, nakasaksi ako ng giyera: galit na galit ang lalaki sa isang babae, nagpapaliwanag ang babae't pinipilit na kumapit sa braso ng lalaki, itinutulak ang babae palayo ng lalaki. Matulin ang paglalakad ng lalaki, habang mabilis na humahabol ang babae.

At nagtago ang buwan sa makakapal na ulap ng gabing inulila ng pag-ibig.

couple

Music :: Another Suitcase in Another Hall - Madonna
Book :: Maaari - Allan Popa
Show :: Coffee Prince
Mood :: distressed

Anything?



Book Hunt
posted by GHV2 on January 21, 2008 at 04:21 PM

Dahil kinailangang magpunta ni Kuyatot sa Manila City Hall pagkatapos ng LIRA exit interview kahapon, sa SM Manila na lang kami tumambay instead of SM North EDSA.

Which proved to be a blessing in disguise, kasi napadaan kami sa Booksale doon. Pagkatapos ng matagal na paghahalungkat, ang mga kayamanang ito ang natagpuan namin:

1. Ya-Yas in Bloom ni Rebecca Wells. Napa-OMG! ako sa pagkakahanap ko ng book na ito. Ito na lang kasi ang kulang ko sa Ya-Ya novels ko.

2. The Book of Ruth ni Jane Hamilton. Katatapos ko lang basahin ang second book ni Hamilton na "A Map of the World," kaya dapat kong mabasa ang first book niya.

3. The Want Bone ni Robert Pinsky. Ipinahiram na ito sa akin ni Xam dati at nagandahan ako sa mga tula ni Pinsky.

4. Freefall to the Beloved ni Jasmin Lee Cori. Binili ko na rin itong book na "mystical poetry for God's lovers" kasi 10 pesos lang.

5. The Hours ni Michael Cunningham. Syet, jackpot ako dito. Puro ung screenplay kasi ang nakikita ko at hindi ung novel. Maikli lang pala itong novel na ito. At ang book cover, ung poster ng movie. Ganda ganda ganda!

***

Good news! Finally ire-radiation therapy na ang bunso naming si Marigie this Thursday. Hindi na siya ooperahan. Iko-cover pa ng Medicard ang treatment sa kaniya. Please please continue praying for her health, na sana through this therapy ay mabilis na masusugpo ang hyperthyroidism niya.  

PS. Tapos na ang radiation therapy ni Marigie kanina. Nasa bahay na siya at nagpapahinga.

Mood :: thankful

2 Said So



Under the Tuscan Sun
posted by GHV2 on January 22, 2008 at 12:41 AM

Kahapon ko lang napanood ang "Under the Tuscan Sky" ni Diane Lane.

Syet, wonderful talaga ang babaeng ito. Magical ang pag-arte niya. Dati, hate ko siya sa "Unfaithful" kasi feeling ko matanda na siya para sa role. Putek, nagalingan ako sa kaniya sa mga sex scene nila ni Olivier Martinez, lalo na ung di niya mawari kong maliligayahan ba siya o magi-guilty sa pagiging unfaithful niya kay Richard Gere. Kaya naman di kagulat-gulat na na-nominate siya sa Oscars for this movie.

Ang wonderful din ng Tuscany. Parang gusto ko ring biglaang bumili ng villa doon, ma-meet ng gwapong Polish construction worker na katulad ni Pawel, at ma-heart broken sa charm ng isang Italyano. In the end, bibisitahin ako ni Kuyatot sa villa na ito, and we'll live happily ever after na ang drama.

tusca

tusca

bell

(Salamat dito para sa mga picture)

Sabi nga sa movie, "Signora, between Austria and Italy, there is a section of the Alps called the Semmering. It is an impossibly steep, very high part of the mountains. They built a train track over these Alps to connect Vienna and Venice. They built these tracks even before there was a train in existence that could make the trip. They built it because they knew some day, the train would come."

Just believe that the train will come.

Book :: The Want Bone - Robert Pinsky
Mood :: touched

Anything?



Himala
posted by GHV2 on January 23, 2008 at 01:50 AM

Napanood ko sa balita kanina ung tungkol sa healing priest na dumayo sa Laguna (o Quezon, di ako sure).

Grabe sa dami ang pumuntang mga tao sa misang pinangunahan niya. Hindi ko masukat ang pananampalataya ng mga ito sa kaniya bilang isang alagad ng Diyos na nagpapagaling ng karamdaman. Naiyak ako sa nakikita kong pag-asa sa kanilang mga mata, na sa pamamagitan ng panalangin ay gagaling na sila sa kanilang mga sakit.

Binalikan ko tuloy itong naisulat ni Sta. Teresa ng Avila sa kaniyang autobiography:

tere

"It is impossible to describe or explain the way in which God wounds the soul, nor the very grievous pain inflicted, which deprives it of all self-consciousness; yet this pain is so sweet, that there is no joy in the world which gives greater delight...Oh, what a sight a wounded soul is!"

PS. Napakalaking isyu sa Simbahan ung healing priest. Me namatay pa sa isang healing session niya. Tsk tsk. Naguguluhan ako sa stand ng Church dito. Mas naniniwala daw ang mga tao na ung pari ang nagpapagaling sa kanila at hindi ang Diyos. Pero, ganun ba kaliit ang tingin sa ating mananampalataya ng Simbahan? Tsk tsk.

Mood :: uncomfortable

2 Said So



Relasyon
posted by GHV2 on January 25, 2008 at 12:10 AM

Dalawang pelikula ang pinanood ko kanina: "Sleeping Dogs Lie" at "It's a Boy/Girl Thing".

Sa unang movie, nasira ang relationship ng bidang babae sa kaniyang fiance at pamilya dahil sa isang sikreto: blinow-job niya ang kaniyang aso. Sabi kasi ng kaibigan niya, kailangan honest ka sa iyong karelasyon. Kaya nung inamin niya finally ito sa fiance niya, ayun, nagkahiwalay sila. Truth hurts talaga.

lie

Sleeping Dogs Lie

Sa second movie naman, nagkapalit ng kaluluwa ang dalawang bida, naging "boy" si girl at naging "girl" si boy. Opposite attracts dito. Di ko lang type ung ending na binalewala ng babae ung pinaghirapan niyang chance na makapasok sa Yale University, para lang mapalapit siya sa BF niya. To think na BI ang tingin ng nanay niya sa lalaki. Pero kung ang BF mo naman ay si Kevin Zegers (ng "Transamerica" at "Zoom", past movies niya), un din malamang ang magiging desisyon mo.

boy

Un lang, at un na.

Book :: Mula - Rosmon Tuazon
Mood :: silly

2 Said So



Muli, Ang Pag-ibig
posted by GHV2 on January 26, 2008 at 12:07 AM

I am re-introduced sa passion ng pagbabasa ng Tagalog romance pocketbooks.

Oo, niromansa ako ng mga ganitong babasahin, hindi ng Harlequin o ng SVH/SVU. At hindi ko ikinakahiya na nagbasa ako ng Tagalog romance pocketbooks. Naalala ko, nakipagsulatan pa ako sa isang idol kong manunulat, si Arielle. May isang Science teacher din sa aming high school na nagsusulat ng ganitong mga nobela, si Ma'am Nelly Villafuerte.

Tagalog romance pocketbooks ang nagligtas sa akin sa kabaliwan noong college years ko sa PUP. Nang hindi ako makasulat ng mga tula that time, nang hindi ako nag-e-excel sa Economic subjects ko, nang hate ako ng buong klase namin, umasa ako sa mga Tagalog romance pocketbook.

I kept my faith sa ganitong babasahin. I retained the love.

Mood :: satisfied

Anything?



Weekend
posted by GHV2 on January 28, 2008 at 03:15 PM

Sabado. Dahil hindi natuloy si Xam sa lakad niya sa gabi, naisip namin ni Kuyatot na dayuhin na lang siya sa Cavite. Ang saya ng biyahe! Hindi naman trapik kaya mabilis ang pagbiyahe namin. Isang oras mahigit lang, nasa SM Bacoor na kami. Nakatutuwa ang pagtanaw namin sa nadaanang dagat, ang mga itinitindang tahong, alimango, at talaba sa gilid ng kalsada, ang mga baby bus na puno ng pasahero.

Sa biyahe papunta kina Xam ay nadaanan namin ang bahay ni Gen. Emilio Aguinaldo. Manghang-mangha ako! Hindi ko pa kasi nakapasok sa mansyon na ito. Nung high school field trip namin, sarado ito nung dumating kami. Bad trip tuloy. Gusto ko pa naman makita ang swimming pool na nakatago sa sahig nila. Hehe.

Pagdating sa bahay nina Xam, tuloy ang kuwentuhan namin habang kumakain ng ice candy na tinda ng nanay niya (orange flavor ke Kuyatot, grapes naman sa akin). At sa kuwarto ni Xam nagtuloy ang usapan tungkol sa panulaan, Oscar-winning movies, at kung anik-anik pa. Nakita ko na din ang madaming libro ni Xam. Buti pa siya me book shelf! Waaah!

Past 5 na kami umalis, at sa daan pauwi, binalak nami ni Kuyatot na i-explore ang Cavite. Mas gumanda ang usapan habang tinatanaw naming dalawa ang papalubog na araw.

***

Linggo ng hapon. Pasado alas-tres na ako nakarating kina Kuyatot. Pista kasi ng Sto. Nino sa kanila kaya nagsimba kami sa Basilica ng Immaculada Concepcion. Sayang at naiwanan ko sa bahay nila ang cel ko, kaya hindi ko nakuhanan ng retrato ang napakaraming Sto. Nino na ipu-prusisyon. Mahigit 100! Nagmula pa ang mga ito sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, pati sa ibang bansa.

Pinakapaborito ko ang Sto. Nino de la Paloma, ung Sto. Nino na me kalapati sa bisig. Me Sto. Nino de Chino, merong Sto. Nino of the Nativity, me Sto. Nino dela Prada, meron ding Sto. Nino na nakasakay sa pony. Ngayon ko lang naranasan itong sobrang tindi na paniniwala sa Sto. Nino. Umaapaw sa pananalig ang patio ng Basilica, habang nandun kaming dalawa sa gilid, manghang-mangha sa pag-ibig.

Book :: Averno - Louise Gluck
Mood :: touched

Anything?



A Flicker to the Memory
posted by GHV2 on January 30, 2008 at 12:11 AM
They met just like any lover in the city, one peculiar, very peculiar night. He was going home. He was on his way to work. Both of them thought that a glance was just like that, a simple, anonymous glance. But a minute after the glance became plural, became too often. He thought there was something funny with his face. He found the guy sitting across him was ordinary looking, if not for his smile, and the mole on the right eyebrow. He believed the chinky-eyed man sitting across him was so, so mean to stare. He realized the man with a mole would be a flicker to the memory, too ordinary to be remembered...

Book :: Seven Hundred Kisses - edited by Lily Pond
Mood :: pensive

Anything?



A Flicker to the Memory (2)
posted by GHV2 on January 31, 2008 at 02:13 AM
The second time they met while waiting for a jeep (going home, going to work) in a corner of a main road. He noticed that mole guy was with another man. Boyfriend? It appears that mole guy has affinity with a singkit. No PDA for them, may be an officemate, or a neighbor? He must ignore them, he had nothing to do with them. He should pretend that nothing was wrong with him. What's wrong with him, anyway? Jealous? Something with no name. That must be it. It should be.

Anything?



« 2007/12 | 2008/02 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content