Entries for April, 2008

Paalam
posted by GHV2 on April 1, 2008 at 01:10 PM

r

Sapagkat ang ninais mo ay ang lumayo, kahit higitan ko pa ang aking kapit sa iyong mga kamay.

Ang mga pakpak.

Naiwan ako dito sa ating munting isla.

Umaasa.

Na magbabalik ka, kahit pa sa anyo ng mapagpalang ulan.

Umaasa. Umaasa.  

Music :: Few Days Down - Mandy Moore
Book :: The Disinherited - Han Ong
Mood :: nagmamahal ng wagas

Anything?



Coping
posted by GHV2 on April 2, 2008 at 04:01 AM

I'm coping.

f

Ninais ko man, hindi tumigil ang mundo simula nang lumayo siya.

Kaya kailangan kong huminto, huminga ng malalim, mag-isip, at magpatuloy sa mga gawaing dapat kong gawin.

Pagpapatuloy.

Maraming nabinbin na gawain. Mga gawaing siya sana ang natatanging inspirasyon.

Marami pang papel na kailangang sulatan ng mga magagandang salita.

Pag-ibig.

Pag-asa.

Bukas.

Magagandang salitang unti-unting nawawalan ng kabuluhan.

***

Isang bagong Rogerick ang kailangan mabuhay mula sa abo.

 

 

*Pipilitin kong mag-update araw-araw sa buwan ng Abril.

Music :: Most of Me
Mood :: pensive

11 Said So



Work/Read/Play
posted by GHV2 on April 3, 2008 at 09:12 AM

Confirmed: nagtanggal ng 10 agents ang account namin. Kagabi lang. Ayon sa management, kinakailangan na ng drastic change to save the account. I haven't talk to any of the 10 agents since per batch kami kinausap ng TL at SM namin.

Anuman ang mangyari, I'm ready for this change in my life/career. Sino ba naman ang aasa sa permanence sa call center?

***

After the break-up, I went to Book Sale SM Valenzuela and searched for a thick book I could get busy with. Hidden among the stacks sa sahig ay ang hardbound copy ng The Disinherited.

t

The book is by the beautiful Han Ong (crush ko na siya!). It is about power struggle set in Manila/US. Check ninyo ang positive review dito.

***

Na-install ko na pala ang World of Warcraft sa tulong ng aking PC guru na si Nirio. Ang tagal i-install! 100 years! Ngayon naman, pinag-aaralan ko ang basic moves ng laro.

t

2 Said So



Lambada
posted by GHV2 on April 4, 2008 at 10:08 AM

Palakad ako pauwi ng bahay ng marinig ko ang kantang Lambada. Gosh, muntik na ako magke-kembot sa kalsada! Haha!

Years ago, summers ago, nanalo kami ng pinsan kong si Jesel bilang pinakamagaling magsayaw ng Lambada sa buong Guilig Street sa Lingayen, Pangasinan. Pista noon, at may pa-kontes sa gabi ang Hermano Mayor na sayawan. Isa sa mga category ang pagsayaw ng Lambada.

Blame my cousin Maribel, sister ni Jesel. Actually, nakapagpraktis kami ng sayaw before the contest. Isa kasi siya sa committee members, kaya alam niya ang mga category. Ayun nga, isinabak niya kami sa pagsasayaw ng Lambada. Me choreography at costume pa.

Kinagabihan, andami-daming tao sa kalsada. Isinara ang portion ng Guilig Street para sa pagtitipon. Open to everybody naman ang pagsali sa mga pasayaw, kaya nung Lambada portion na, talagang kinaladkad kami ni Maribel papunta sa gitna, malapit sa mga judge.

Indak to the max kaming magpinsan. Pareho kaming magaling sumayaw (eventually, naging member si Jesel sa Dance Troupe nung college na siya). Kembot to the max. Liyad ever. Giling at ikot na parang walang bukas. Project kung project.

As expected, kami nga ang nanalo. Di ko na matandaan kung magkano ang cash price. Basta may ipinambili ako kinabukasan ng kung anu-anong pagkain. Hehe.

Siyempre nagrequest ang Hermano Mayor na magsayaw uli kami. Siyempre dahil kami nga ang nanalo, kailangang patunayan ang galing. Solo na namin ang dance floor. Indak kung indak.

Hay, parang million years na ang nakalipas. I continued dancing nung elementary days ko. I choreographed our class kapag may school event. Kay Geeleen Eugenio ako kumukuha ng dance steps. Palagi ko siya inaabangan sa TV. My Girl. Always. How Gee. Sa Maneuvers din, for the Pixicato Five dance craze.

Nung third year high school, me narinig akong comment na mukha akong balyenang bigay na bigay sa pagsayaw. Sadly, reality hit me back: I have to stop dancing.

Nakakahiya na. Pero sa bahay, kapag walang tao, I dance to the tunes of JLo, Spice Girls, Madonna. Wala akong paki kung super hingal at super pawis na ako. Exercise na din.

I miss dancing. A lot. My feet ache for the moves.

I still believe that dance is the highest form of art. It is the ultimate form of expressing oneself.

***

Nung una, I love this poem kasi si Madonna ang nagbasa nito sa Il Postino CD. Kanina ko lang siya nabasa habang nagbro-browse sa office, and whapak! Iyak ako ng iyak. Hay.


If You Forget Me

Pablo Neruda


I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.

w

Music :: Hung Up - Madonna
Mood :: silly

2 Said So



Elehiya - Senyor Despues (1956-2007)
posted by GHV2 on April 5, 2008 at 10:02 AM
as a favorite post

I am supposed to talk about my big, big, big tummy. Sakto pang napag-usapan namin ni Jermae, my officemate, about liposuction. Pero naisip ko kagabi habang sakay ng bus papasok ng work ang suwerte ko na makadaupang-palad ang photographer na si Marlon Despues, who died last year.

I presented myself to him para sa project niyang 1,000 nudes. Nagpakuha ako sa kaniya na nakahubo't hubad.

When I tell people about this, napapakunot-noo sila. Ang awkward isipin na sa katabaan ko, nagpa-picture pa ako ng hubad. Parang balyena.

But Marlon told me I was a great subject.

I never hesitated na mag-pose sa kaniya ng hubo't hubad. I wanted to conquer my fear na maghubad ng todo sa harap ng isang tao. Masuwerte pa nga ako at sa isang artist pa ako naglastag ng katawan.

It was a warm afternoon. Malapit lang naman ang studio ni Marlon sa dati kong office sa Greenhills, San Juan. So nilakad ko lang papunta doon, sa Art Informal. Sinalubong ako ni Jojo Ballo, ka-Pinoypoets at art teacher. He posed earlier for Marlon na rin, so parang he was briefing me kung ano ang mangyayari sa photo session, ano ang dapat kong gawin, na mag-relax lang ako.

Actually, wala akong nararamdaman noon. Pakiramdam ko, bato ako.

Then Marlon met me, we went inside his studio. Black curtains served as background. He asked me to remove my clothes.

Ayun na, nag-pose na ako ng nag-pose. Nakakapagod kasi kailangan ang matinding concentration. He was so busy with his lens, I was concentrating very hard not to move an inch pag may nagustuhan siyang pose ko.

He assured me na he would never expose my penis. I was sure na he would expose my fats. Haha.

I posed like a tree, a rock sculpture, a potato, a cat.

I loved posing like a cat! He made me feel na I have a tail, whiskers, claws. I thought of myself as a catwoman.

Inabot yata kami ng two hours. After the session, latang-latang ako. Pawis na pawis. At saka pa lamang ako kinabahan. Maganda kaya ang mga kuha? Baka naman mukhang basura, nasayang ko lang ang oras ni Marlon.

After makapagbihis at makapagmiryenda ng kaunti, he presented his camera to me. Tignan ko daw ung mga kuha. He instructed me to choose three photos I like, ung papayag akong i-display sa mga exhibit niya.

He like my feet/legs sa isa kong pose, na parang nagsasayaw. Naka-twist ung mga paa ko, X-like, very rigid. He shot a profile of me, my hands, my back, my butt.

Ang panget ng tree pose ko, talagang nakalaylay ang mga taba sa likod, di rin masyado nakaliyad ang back ko. Haha.

The three photos I chose were the whole body shot in a cat-like position, my profile, saka mula chest hanggang ulo na shot, ung arms naka-cross sa dibdib.

***

y

It took a while bago siya muli nakapag-exhibit sa Manila. It was held in Instituto Cervantes. La Piel ang pamagat ng exhibit. 700 nudes pa lang yata ang na-achieve ni Marlon by that time. Kasama na ako doon.

I was not able to attend the opening night. Sayang. I asked RJ Sion to accompany me one day, a week after the opening. Gusto ko ding makita niya ang pic ko siyempre. Potah, naka-bold yata ako dun.

Pagdating namin doon, laking gulat ko sa picture ko na naka-display: ung profile shot ko lang. Nakakapanghinayang kasi ni ung bilbil ko sa tiyan hindi man lang nasilayan ng mga tao. To think na nude exhibit un. Baka may magsabi na naglastag pa ako ng katawan, e mukha ko lang pala ang kukuhanan ng retrato.

***

Last night was my epiphany, Marlon. Naiintindihan na kita. That picture has the saddest eyes I ever saw.

You know what, Marlon, andami kong problema before I posed for you.

Family problems.

A relative just called me earlier that day, nasa presinto daw siya and he wanted my help.

Uncertainties kung mawawalan na ba ako ng trabaho sa PHILSTAGE.

My father who almost lost his sanity due to money problem.

Then you took my picture, and saw all of these burden in my eyes.

I was really naked before you, Marlon. Stripped to the very soul.

You knew. You knew.

Music :: Naked - Spice Girls
Mood :: thankful

4 Said So



Life Can't Wait!
posted by GHV2 on April 6, 2008 at 06:59 AM

I like the tagline of the new Sunsilk TV commercial: "Because life can't wait!" So kapag binalak kong gumamit ng shampoo na ito....

Beautiful EYES now!

r

Beautiful NOSE now!

j

Beautiful LIPS now!

h

Beautiful ME now!

f

Ha? Sa buhok lang ba ginagamit ang Sunsilk????!!!!!!!

*** 

I came home to landscapes

 

All too familiar: the sacredness

of the cave returned my voice

of longing. The rows of hills

as the paved way to reach

the moon tonight. The terrain

 

of your brown body my hands

have already memorized 

a long time ago. Upon the rythmic

rising and falling of your chest,

I wonder:

 

would love be enough to hold

our bodies together?

 

- Rogerick Fontanilla Fernandez

 

for Leandro Okabe

okabe

 

Music :: Wannabe - Spice Girls
Mood :: silly

2 Said So



Elehiya - Senyor Hildawa (1962-2008)
posted by GHV2 on April 6, 2008 at 08:20 AM

Ngayon ko lang nalaman na pumanaw na pala ang isa sa mga nirerespeto kong makata/kakilala na si Sir Sid Gomez Hildawa. Last time na nakausap ko siya nung nag-exhibit ang friend kong si Jeffrey Soriano sa CCP. That time, we talked about the ZsaZsa Zaturnnah play (he told me na mahirap nang makabili ng ticket). He also gave me a copy of his UBOD chapbook. He signed it for me pa.

Sir Sid was also a guest of honor of Pinoypoets, nung time na nagbalak kaming mag-poetry reading sa isang bar sa Ortigas. First project ito ng grupo after the Leader departed. He also served as one of our panelists sa English poetry workshop sa Art Informal. We were happy to meet a poet who readily helped struggling poets like us.

Sir Sid, maraming salamat. Patnubayan mo kami mula sa iyong bagong sanctuary. Rest in peace. Mahal ka namin.

Builiding A House

Pack up your day-to-day activities in bundles, the way
one would basket clothes for the laundry;
grouping coloreds and whites, matching socks and outfits.
Measure the bulk, trace the shapes each bundle takes,
then see how they can be arranged:
some easily side by side, while some on top of others,
like displaying boxes in a store window. Translate these
into drawings and get a building permit from City Hall.
(That’s the easy part.)

Gather all your friends and relatives to a barbecue party
at your vacant lot. Before dessert is served, begin digging
the foundation, then hand over the shovel to your contractor
who always arrives late. Give him twice the amount of time
he estimates it will take him to complete the job. Cut his budget
in half by providing the materials yourself: skin for walls,
eyes for windows, mouth and ears and orifices for doors,
feet for floors, intestines for stairs, eyelids and a head full of hair
for awnings and a roof. Then when it finally resembles you,
call it home. Otherwise, have it rented out and build another.

(This poem is part of the collection that won Second Prize for Poetry in the 2006 Palanca Awards, from Ian Cosocot’s Philippine Literature web site )

Mood :: shocked

Anything?



Bad Trip / Good Trip
posted by GHV2 on April 7, 2008 at 08:53 AM

Nagkaletse-letse ang sked ko for this week.

May schedule kasi ako ng 10 PM to 7 AM kagabi, then sa new sked for this week, me pasok ako ng Monday, 3 AM to 12 PM.

Nag-overlap! Kairita!

E for this week, ang RDs ko sana ay Saturday at Sunday. Ang ginawa ng Shift Supervisor ko, ayun, ginawa niyang off ko ngayon, pero dapat mag-report ako mamaya ng 3 AM, bale Tuesday na. Tapos itinira niyang day off ko pa ung sa Saturday.

Hay, split-off na naman!

Ayoko pa naman ng split-off. Para lang ako natulog at papasok na din kaagad.

Matitinong tao ba talaga ang nasa Workforce namin?

Hay.

***

Salamat kay Migs ng Manila Gay Guy at kasama na ang blog ko sa list ng Pinoy Gay Blogs!

pgb

Tenk yu uli!

Music :: Spice Up Your Life - Spice Girls
Mood :: stressed

4 Said So



Hairy
posted by GHV2 on April 8, 2008 at 02:31 AM

Nainggit ako sa katabi ko kanina sa jeep on my way to work.

Ung hair niya, gawin mo lang kulay-mais, katulad na ng buhok ni Cedie. Sa mga ganung klase ng buhok, I call it "the princely mane."

I never had the chance na i-enjoy ang buhok ko. Bata pa lang ako, "tsako" na ang gupit ko. Ito ung style na semi-kal ang gupit pero naiiwang mahaba ung sa front, parang bangs. Ganun yata ung gupit ni BJ Forbes sa Tide TVC noon.

Nagpapagupit ako, pati ang tatay ko, sa isang matandang "hukluban". Kainis kasi ang matandang ito, pero siya kasi ang pinakamagaling na barbero sa lugar namin. Nakatira siya sa row of apartment na medyo sikat noon kasi doon yata nag-shooting sina Cachupoy at Julie Vega ng pelikula nila (ung "Kape't Gatas" yata ang title nun). Matangkad at payatot ako nung bata pero binibigyan pa rin ako ng upuan (parang apple box) para mas maabot ng barbero ang ulo ko.

Sa barberong ito ako nagpagupit until Grade Four ako (or Grade Five). I think na-sense na ng matanda na "malambot" ako kaya kalbaryo ang inaabot ko everytime na magpapagupit sa kaniya. Nandiyan ung paghihintayin niya ako ng matagal dahil pauunahin niya ung iba pang kostumer kahit ako naman ang naunang dumating. Ipinapahiya niya din ako sa ibang kustomer, lalo't katulad ko ang iba na binatilyo. Minsan sisigawan niya ako ng wala namang dahilan.

Mas doble ang pasakit kapag kasama kong nagpapagupit ang tatay ko. Trauma ang inabot ko. Lagi akong kinakabahan kapag panahon na ng pagpapagupit ko. Minsan hindi ko kinaya ang panlilibak niya, umuwi akong iyak ng iyak. Humiliated, dahil hindi ko pa mapanindigan ang pagiging malambot ko noon.

Hindi ko alam kung lumipat ba ng ibang tirahan ang matanda (lubugin kasi sa baha ang lugar nila), o namatay na lang siya. Basta nawala na lang siya. Nag-offer ang kapitbahay ko (na mas malapit talaga sa bahay namin) na siya na lang ang gugupit sa akin. Barbero siya talaga pero me pinapasukan siyang barberya sa Obando pa. Kaya sa gabi niya ako nagugupitan sa bahay niya mismo.

Mas mabait naman itong kapitbahay kong ito, si Mang Art. At hindi siya matandang hukluban. Haha. Late 30s yata siya that time, bigotilyo pa. I think nagka-crush pa yata ako sa mamang ito. Hindi lang crush, me sensuality nang dating (Hindi ba erotic pag ginugupitan ka, lalo't cute ang barbero? Sadyang nakakakiliti ang mga nalalaglag na munting buhok sa iyong balat.)

Sa simula, tsako pa rin ang ipinapagawa kong gupit sa kaniya. Un lang naman kasi ang nakasanayan ko. So Grade Five ako, ganun pa rin ang hair style ko. Si Mang Art na ang nag-suggest na pahabain ko ang buhok ko. Nung sinabi ko sa tatay ko ang suggestion ng bago kong barbero, para itong subversive idea sa kaniya. Paghihimagsik ng anak! Maayos kong ipinaliwanag sa kaniya na gusto ko talagang subukan ang ganung style. Dahil siguro alam niyang tumatanda na naman ako, kaya nagpahinuhod na rin siya.

Sa proseso ng pagpapahaba ng buhok ko, sa gilid na lang ako ginugupitan ni Mang Art. Nung humaba-haba na talaga, nag-suggest siya na gumamit ako ng gel para hindi nakatayo ang pagtubo ng buhok ko. Ang bagong problema: sa kaliwa o sa kanan ko ba ii-style ang buhok ko? Kainis kasi naging kumplikado ang lahat! Haha!

After the Rustan's guy incident, nagpa-semikal na talaga ako, hanggang ngayon. Alam ko kasing napapanot na ako. Hereditary, panot ang tatay ko. Naunang napanot ang kuya ko, college days pa lang niya. Ako naman after college. Dati takot na takot ako na un nga, hahantong ako sa pagkapanot. Pero ngayon tanggap ko na ng maluwag sa dibdib.

What I really want to try is to color my hair. Papahabain ko then kukulayan ng rustic brown (or kung ano mang bagay na kulay na isa-suggest sa salon). Pero hindi ko talaga magawa. Baka palayasin ako sa bahay. Ang tingin kasi ng tatay ko sa mga me kulay ang buhok, adik. Adik nga ba talaga?

Ang buhok nga daw ang crowning glory natin. I just hate the fact na I can't express myself through my hair. Ever since.

Mood :: pensive

4 Said So



Tungkol sa Mga Batang Bulugan
posted by GHV2 on April 9, 2008 at 04:31 AM

Bakit hindi natutulog ang mga batang bulugan sa gabi?

r

Amor Vincet Omnia, Caravaggio 

Naroroon sila at abala sa kung anu-anong gawain sa kalaliman ng gabi: nakatambay sa karinderya o lugawan; nagpapapawis sa pagba-basketball sa may baranggay court; kumakain sa Buy 1 Take 1 burger stand; naghihintay ng balato sa may bilyaran; nakikipagbasagan-ulo sa kanto sa ngalan ng pag-ibig o prinsipyo (o kaya trip-trip lang); o di kaya'y simpleng naglalakad lamang sa hubad na kalsada.

Kung hindi sila natutulog sa gabi, hindi rin naman sila natutulog sa umaga. Ang batang bulugan ang preskong-preskong naka-uniporme, handa nang pumasok sa eskuwela; ang batang bulugang nagpe-pedicab ng matabang aleng nanggaling sa palengke; ang batang bulugang kumukubra ng taya sa ending.

Ngayon, tumitindi ang kalaliman ng dilim.

Hindi ba alam ng mga batang bulugan na may isang nahihimbing sa isang tabi, nananaginip ng isang napakahiwagang hardin?

Isang nahihimbing sa isang tabi, naghihintay ng mga makakalaro sapagkat napakalungkot ng gabi?

Music :: Mama - Spice Girls
Mood :: sleepy

4 Said So



Crush
posted by GHV2 on April 10, 2008 at 02:57 AM

Isa sa hindi ka-enjoy-enjoy sa schedule kong 3 AM to 12 PM ay ang tindi ng sikat ng araw paglabas ko ng office. Sabayan pa ng matinding traffic sa E. Rod papuntang Cubao at lahat ng jeep ay puno ng pasahero. Un ang naranasan ko kahapon.

The good thing about the schedule naman is pareho pala kami ng duty ng crush kong cutie straight dito sa HTMT. Un din ang naranasan ko kahapon.

Nakasabay ko siya sa waiting shed, kaya naman hindi ako nainis sa eksenang naabutan ko sa kalsada. Nandun lang ako sa isang sulok ng shed, lilinga-linga sa puwesto niya. He was with his ka-teammates.

After 15 minutes na paghihintay, nagpasiya na lang ako na maglakad pa-Eastwood. Binuksan ko ang aking payong, and I braved the heat and pollution. His group stayed.

Anyway, naging smooth ang nangyaring paglalakad ko, kahit umabot ako hanggang Shopwise bago nakasakay. Inimadyin ko na lang na kasabay ko siya, at kami lang dalawa ang nag-e-exist. I imagined the way he smile, showing his braces. He has this wonderful eyes, his nose na hindi ganun katangos at parang ang sarap pisilin.

So grade school ang drama ko! Haha!

Hindi ko rin inasahan na makakasabay ko naman siya on my way to work ngayon. This time, totoo talaga na kasama ko siya. Katabi ko siya sa jeep. Kasabay ko siyang naglakad sa overpass.

Kebs kung hindi niya ako napapansin. For me, it was a nice feeling na nagkaka-crush ako ulit, blushes and all. Bumabata ang pakiramdam ko.

And yes, after the break-up, it is nice to feel a breeze of romance again. (That soon???!!! E tutal, pangarap lang naman itong cutie straight na ito. Never kong iimadyinin na magkakatotoo ang lahat ng nasa isip ko ngayon.)

Music :: Crush - Jennifer Paige
Book :: Skin Voice Face - Danton Remoto
Mood :: weird

4 Said So



Face Powder
posted by GHV2 on April 11, 2008 at 03:08 AM

Normal nga ba talaga ang magpulbos ang isang lalaki, bading man o straight?

Ung officemate ko, straight siya. Nakasabay ko siya sa restroom one tme, nagpupulbos siya. Ung dating commandant ko sa CAT (paknangsyet siya!), nakasabay ko sa bus one time. Siyempre deadma lang ako sa kaniya. Bago siya bumaba nang bus, nagpulbos muna siya ng face. Oha! Eto ung mas mataba pa sa akin, mas mukhang goon, parang si Jimmy Santos. Hindi ko matanggap na tinalo niya pa ako sa pagpapaganda dahil hindi ako nagpupulbos. Takot kasi ako na hindi magpantay ang paglalagay ng pulbos, at masabihang espasol. Haha.

Naalala ko, last year, sa house ng bestfriend kong goddess na si Paul Allan. Sobrang major ang aming ginawa: merong pulbos session ang Familia, at siya ang lecturer. Nagworkshop ako kung paano ang tamang pagpapahid ng pulbos sa mukha. Ang kumplikado! Ang daming dapat kabisaduhin do's and dont's. Pero in fairness, ang ganda ng resulta ng aming workshop.

I told him na dati, gumagamit ako ng Ponds powder, ung me color (blue, pink, tan). I preferred the tan para exotic ang dating. One time, grabe talaga ung pawis ko. Pagkapahid ko ng panyo sa pisngi ko, sumama ung pulbos. Dirty brown siya. Feeling ko na-clog ung pores ko dahil sa pulbos. Sabi ni Paul, mas OK daw na gamitin ang Clean and Clear. Or ung Johnson's Baby Powder. I'm not sure kung me brand ng powder na para talaga sa lalaki. Malamang international brand?

Music :: Generation Next - Spice Girls
Book :: Heights Volume LII Number 1
Mood :: weird

4 Said So



Fukc!
posted by GHV2 on April 12, 2008 at 03:59 AM

A friend of mine told me her story kahapon. Itago natin siya sa pangalang Rosie Poughkeepsie. May live-in guy partner siya for two years, pero mga three years na sila mag-on. Ganito, two years na daw sila hindi nag-aano. Imagine, magka-live in na sila, pero un nga, walang sex. Dati naman daw, panay-panay island.

Minsan daw, nasabihan niya ung partner niya na putulin na lang daw niya ung etits niya kasi wala daw silbi. Haha. Siguro funny girl lang si Rosie talaga kahit wala siyang "ration of love". Ung iba kasi, nawiwindang pag wala nun. Ganun ako. I feel cranky. The last time na me nangyari sa amin ng ex ko, last February. Di kami nagkaroon ng chance nung March kasi nagkasakit ako for a week, ever-changing sked, tsaka un nga, the break-up. Bumabawi na lang ako sa kaka-masturbate everyday, before sleep. My daily dose of kinkiness. Haha.

ff

(salamat dito)

Back to Rosie. Kami namang friends niya, ever suggest ng mga puwedeng gawin niya to make the guy horny. Me nag-suggest na mag-inuman daw sila, to warm things up at pangtanggal ng inhibition. Wa epek daw, lagi daw nakakatulog ung guy. Me mag-suggest na manood sila ng porn. Nagawa na din daw. One time nagka-effect ke boy ung porn, at yes, me naganap na simula. Pero hindi natapos kasi me kumatok na bwisita sa pinto nila. Ayun, naudlot. Me nag-suggest naman ng spicy food, ung mga aphrodisiac. Ang hilig daw kainin ng guy ay papaya. Ang gustong subukan na ni Rosie, kung last option na talaga, ay Viagra. Hmmm.. Naalala ko tuloy ung isang Sex and the City episode between Samantha, a guy, and Viagra.

The good thing kay Rosie ay positive pa rin siya. Baka daw kasi mataas na ang level ng respect nila ng partner niya sa isa't isa kaya ayun, nagkakahiyaan na sa sex. I told her, make sure na hindi nanay-anak ang turingan nila. Ibang level na talaga un. But what is important daw is love. Love, love, love.

Sa love, solve na.

***

You can take this test from Tickle.

***

HAY NOTES:

Hello po sa mga taga-admin!

I edited some of my entries here. Ayoko sana, pero nakarating sa akin na mino-monitor ang blog ko ng HTMT admin. Kinabahan ang lola mo. Ayoko ng komplikasyon, lalo sa trabaho.

Ni-review ko nga kung me naibubulgar na akong company secrets or about my account, mukhang wala naman. I never mentioned my account's name. Ung company name, siyempre naman. I LOVE HTMT!

And yes, i edited my anti-TL sentiments. Kahit sinabi ko naman na tsismis ang lahat ng iyon at hindi verified. Baka kasi makarating ng HR. Huhu, sentiments ko naman un ah.

Sabi nung kausap ko, napansin ung blog ko kasi sa pictures ng mga gwapo (for me) dito sa HTMT nung kick-off namin. Particularly the CT guy. Hmm. Sinabi ko naman na gwapo siya ha?

So un. Unless sabihin ng mga nagbabasa from the admin na wala akong ginagawang masama, I'll be careful with my entries. Hay.

Wala pa namang kumakalabit sa akin sa office at nagsasabing "I know you from this blog..." Hehe. Baka si Brian Gorrell, un ang sikat.

Music :: I Do - Lisa Loeb
Mood :: silly

Anything?



Linggo ng Lungkot
posted by GHV2 on April 13, 2008 at 03:51 PM

Sayang, hindi natuloy ang poetry session namin nina Mic, ka-LIRA ko. Sana man lang nakainom ako kahit isang bote ng San Mig Light. Hehe. Occasional drinker ako, at magandang excuse ang break-up to be wasted.

Hay. I miss Kuyatot. Two weeks pa lang pala after March 27. And yes, I'm surviving. Sabi ng officemate ko, parang nakabawi na ako kaagad. Mukha na daw akong masaya.

Hindi niya lang alam, shallow ang happiness ko. Sa mga nangyayari sa account namin, dapat pa ba ako maging malungkot. Doble pahirap un.

The thing is, biglang umaatake ang lungkot. Sa bus habang pauwing pagod mula sa duty. Habang kumakain sa Jollibee or KFC nang mag-isa. Kapag dumadaan ako sa Cubao. Kapag tumatawid ako ng overpass.

Kanina, habang naghahalungkat ako ng mga libro sa Book Sale Cubao, napaiyak ako. Tangina, mababasa ng mga luha ang mga libro pero tuloy tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Ilang beses nga ba naming ginawa ito ng magkasama?

Sabi nga, hindi ka lang basta nakakalimot. Akala mo lang lumilipas ang pag-ibig. Pero hindi. Nandiyan lang siya, palaging nagbabanta.

Sa pag-iisa, lagi-lagi kang may kasama: ang mga alaala.

***

Again and Again and Again

Anne Sexton

 

You said the anger would come back
just as the love did.

I have a black look I do not
like. It is a mask I try on.
I migrate toward it and its frog
sits on my lips and defecates.
It is old. It is also a pauper.
I have tried to keep it on a diet.
I give it no unction.

There is a good look that I wear
like a blood clot. I have
sewn it over my left breast.
I have made a vocation of it.
Lust has taken plant in it
and I have placed you and your
child at its milk tip.

Oh the blackness is murderous
and the milk tip is brimming
and each machine is working
and I will kiss you when
I cut up one dozen new men
and you will die somewhat,
again and again. 

Music :: I'm Officially Missing You - Tamia
Mood :: gloomy

3 Said So



Enchanted
posted by GHV2 on April 14, 2008 at 04:03 AM

Kaya pala inatake ako bigla ng lungkot kahapon, napanood ko kasi ang Enchanted.

poster

And yes, it was enchanting!

Ano kaya ang pakiramdam na finally, after so much hesitations, matutupad na ang pangarap mong makita ang Prince Charming mo, ang makakasama mo ever after?

Inisip ko, si Kuyatot na ang last ko. I feel so united with him, kalmado pati kaluluwa ko. At peace na at peace.

But then, sabi nga ng kanta ni Mandy (all together now!): "All good things come to an end."

wicked

Katulad ni Princess Giselle, umasa lang naman ako na makilala at makasama ang kaniyang Prince Charming. Hindi kaya in reality, ako pala si Queen Narissa, the wicked stepmother ni Prince Richard?

prince

Hmmm. Hangga't wala pa si Robert (paksyet! RJ?), dito muna ako sa isang tabi, kumakanta ng "That's How You Know," ala-Amy Adams.

amy

(Salamat dito para sa mga picture.)

Music :: Happy Working Song - Amy Adams
Mood :: touched

2 Said So



Dalawang (Lumang) Tula Ko
posted by GHV2 on April 14, 2008 at 06:57 AM
as a favorite post

batuta

A Cartography Session With Mr. Batuta

This is your claim: No one has made a map

of you. And so the mountains, grand canyons,

great rivers of your self remain unknown.

 

As we drink our second cup of coffee, I see the sign –

the North Star of your eyes flicker. It is time, a dare:

let me try to survey your fabled land.

 

If you could let my feeble fingers measure

every inches of your skin, the summit

of the mountains of your arms, the depth

 

of the grand canyons in your abdomen,

the great rivers of your darkened hair, I will.

If you could just let my tongue do a study

 

of every crevice, every single detail of your body,

I will mark them down in my mind - one by one,

an attempt to name them after the record

 

I make of the sound of your moans and groans,

in words we both understand. So those nipples are

named Desire, the navel becomes Passion,

 

and the penis, Salvation. This is how I plan

to make a map of your self, to be lost in the midst

of a night of shared cups of coffee and late talks,

 

finding myself wrapped in your arms

wondering, wandering.


ETO ANG TULA NI MR. BATUTA TUNGKOL SA PAREHONG TOPIC. PROJECT NAMIN ITO PAREHO, ISANG GABI ILANG TAON NA ANG NAKALIPAS:


BABALA SA KARTOGRAPO

Huwag mo nang tangkaing gawan ng
  mapa ang aking isip
Iligpit mo na ang iyong lebel pang-surbeyor
Sapagkat ang mga muhong ibinaon ng
  kahapon, kadalasa'y hinuhugot ng mga
  halimaw ng ngayon -
Ipinupukpok sa kanilang ulo upang
  magpatiwakal.
Kung balak mong mag-iwan ng sariling
  tanda na para bang mga tuldok sa
  librong pambata
Na sa bandang huli'y iyong pagdudugtung-
  dugtungin
Upang makalikha ng anyo, makahalaw ng
  pamilyar na larawan,
Ang kompas ng iyong mabuting pakay,
  manginginig lamang sa pagkapahiya.
Kukote ko'y walang takdang hilaga
Ang kinatatayuan mo'y makunat na luwad -
Regular na nilalamas, nilalapirot,
  minamasa ng higanteng kamay ng bukas,
Kamay ng paslit na humuhubog ng
  kakatwang pigura.
Lumabas ka na sa isip ko
Bitbitin mo na ang iyong lebel pang-surbeyor
  at kompas
Baka ika'y maabutan pa ng higanteng kamay
  at malamas, malapirot, at mamasa
  kasahog ng makunat na luwad.

 

***

VL

My Geography Lessons With Vicson-Louie Escalona

 

You never told me

that I could find

the Alps on your arms;

Those mountain ranges

as if carefully chiseled by the gods.

I wanted to trace its outlines

to become a silent witness

to your perfection,

But you drew my attention

to the rocky hills resting on your chest –

Hard and serene.

In between

is a trail of hair –

The Ganges forever flowing to eternity

Making me lose my sanity.

And how dare you to let me swim your river!

You did not warn me that at its edge,

Hidden in the thick bushes

The Vesuvius standing proud,

Throbbing,

Pulsating,

Angry to spew

Its sweltering lava

From underneath.

And it did!

The lava flowed endlessly

Beyond the two gargantuan rocks

You could not blame me

If I chose

To burn my tongue

Just to taste

Your wonder.

***

 

(Salamat kay Karl at nahanap ko muli ang dating AKO.)

Music :: Beautiful In My Eyes - Christian Bautista

Anything?



I Heart Sam
posted by GHV2 on April 15, 2008 at 03:53 AM

tongue

Naglaro kahapon si Sam Milby sa Wheel of Fortune. Ang saya! Nakatulala lang ako sa kaguwapuhan niya. Between Piolo and Sam, Sam ang pipiliin ko for a date. Haha.

model

I find him articulate, but too shy. I think he was just pushed to the limelight, not that prepared pero he has no choice. Kaya every time na napapanood ko siya sa TV or sa sine, pinapatawad ko na lang siya sa acting skills niya.

chalk

I believe he is a raw diamond. Minsan he shows too much potential, pero siguro nate-take for granted siya, kaya hindi masyado nabibigyan ng pansin. Anyway, he is an entertainment prince now. In demand siya ngayon. Hot property.

bench

But he would always be Sam Milby for me, ung contestant sa Pinoy Big Brother na pumasok sa Bahay ni Kuya in pink shirt. The one who took my breath away.

album

Sigh. Sigh. Sigh.

Ayan, first time ever kong mag-upload ng video. Buti at video ni Sam pa! Hehe. Ngayon alam ko na gawin ito tru Tabulas. Hehe. More videos soon!

 

(Salamat sa Sexy Filipino at Sam Milby Official Website para sa mga retrato.)

Music :: Broken Hearted - Kyla
Book :: Must Love Dogs - Claire Cook
Mood :: silly

Anything?



Dentista
posted by GHV2 on April 16, 2008 at 08:58 AM

Me dentist appointment ako later, mga 2 or 3 PM.

Kainis kasi kaya ko sinet ng hapon kasi nasabihan na akong 3 AM to 12 PM pa rin ang sked ko. Ung original appointment ko ke Doc Vitug, last week pa, mga 9 AM. Pero dahil nga sa sked na bago, pina-move ko ng hapon. E iba na naman ang sked ko ngayon, at nakakahiya na ke Doc na ipabago ule. Hay. Konting tulog na naman ako nito!

Close-Up Commercial nina Denise Laurel at labidabs kong si Sam Milby. Enjoy!

 

Mood :: aggravated

Anything?



Office Romance
posted by GHV2 on April 17, 2008 at 10:00 AM

Katatapos ko lang basahin ang Must Love Dogs ni Claire Cook. Sinimulan ko namang basahin ang Bridget Jones's Diary, na sobrang pinapatawa lang ako. Pareho kong napanood ang movie version ng dalawang nobelang ito.

Parehas naghahanap ang mga bida, si Sarah Hurlihy sa MLD, at si Bridget naman sa BJD, ng kanilang prince charming. I'm sorry, prince charming mode ule ako. Si Bridget pala, me HD sa kaniyang officemate.

I noticed that an agent from another account kept on eyeing me. He's giving me "the look". And yes, I "looked" back, pero para sa akin wala lang. Wala sa vocabulary ko ang office romance. Unless si Sam Milby ang ka-romance ko. Hehe.

Is it safe to maintain an office romance? May kilala ako, pero they really don't know me, and I'm sure na mag-partner sila. One guy is from R__er account, the other one from B__t_er. Mga lagpas isang taon ko na silang napapansin, at until now sila pa rin. Crush ko actually ung taga R__er. Hindi ko pa alam na me BF na siya nun. I left some love letters sa locker niya, since pareho kami ng locker area. Not really love letters, but poems and quotes. Then napansin ko na lang na palagi siyang me kasama, the guy from B__t_er nga. Hehe, mukhang nagbantay na ang BF. Pag nagkakasalubong kaming tatlo, they smile. I think they already knew na ako ung secret admirer. 

Suggest ko nga ang threesome? Haha!

Paano kaya nila name-maintain ang OK na samahan, sa parehong workplace? Wala bang selosan kapag nahuli nung isa na nakatitig ang partner niya sa isang cutie guy, lalo't sa call center ang workplace ha? I mean, dami cutie guys sa call center, so andaming tukso.

Minsan nga kakausapin ko sila, try ko na ma-interview. Ma-corner nga sila sa CR. Hehe!


If you have already experienced an office romance, or currently involved with an officemate, let me know. Share naman diyan ng pros and cons.

 

*Also check this article.

Music :: Like A Virgin - Madonna
Book :: Bridget Jones's Diary
Mood :: anxious

Anything?



Cebu Surgery Scandal
posted by GHV2 on April 18, 2008 at 10:17 AM

I'm fuming mad.

I asked Ser Egay Samar to forward my text message to Senator Danton Remoto. This is the future senator's reply: "Pls tell him am thnking abt it but need consensus from ang ladlad party list."

(Update, new text from Sen Danton, finorward ni Ser Egay: "Pls tel ur friend nagsalita na ko sa dzmm. And that am sending a press release after lunch.")

I asked the future senator about his reaction on the Cebu Surgery Scandal. Kaya tayo "binibiro" sa US e, like ung sa Desperate Housewives. Tapos magre-reak tayo na hindi totoo ung mga ganung bintang. E ito na nga ang pruweba.


Hindi isyu dito na bading ang pasyente. Teka, porke't bading ang pasyente, wala nang karapatan sa patient's privacy?

Depensa ng mga nasasangkot: "Hindi para pagtawanan ang pasyente, yan ang sabi nila (The doctors said the cheering was to cheer the success of the operation, not to ridicule the patient) [in an interview on dzBB radio.]"

Laughing sa sinapit ng pasyente? Tsk tsk. Malinaw na malinaw sa video ninyo that you were ridiculing the patient's situation. Kayong mga taong pinagkatiwalaan niya ng kaniyang maselang kalagayan, ng kaniyang buhay. Yes, you were cheering. Kitang-kita namin sa video ninyo ang kaligayahan ninyo.

I commend the Department of Health's Sec Duque. He said in an interview that "the medical team should be sanctioned."
MAKINIG DAPAT ANG ADMIN NG VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER!

And to the Church? Please, stop telling us about the tales of Sodom and Gomorrah. May napanood akong interview sa Balitanghali QTV-11, I think a priest from Cebu ang ini-interview. Me kasalanan daw ung pasyente kasi nakikipag-sex daw siya sa lalaki. Siya daw talaga ang may sala.

The issue here, Father, is about a patient's right to his or her privacy and confidentiality. Wala na kayong paki kung paano nangyari sa pasyente ang sinapit niya. O kung bakla siya.

Higit sa lahat, TAO siyang tinanggalan ng respeto.

I am unknown. But I'm adding my voice to this issue: PARUSAHAN ANG MGA NAGKASALA! Revoke their licenses. Dismiss them from their services. Tutal, hindi sila karapat-dapat na maging alagad ng medisina.

Karapat-dapat silang ikahiya!



Related articles from GMANews.TV:

DOH to probe Cebu hospital staff in YouTube'd operation

Cebu hospital to name docs in 'surgery scandal'

Cebu doctors could lose licenses over scandal

Cebu hospital apologizes for surgery 'spectacle'

Patient in Cebu 'surgery scandal' gets death threat

Music :: Don't Cry For Me Argentina - Madonna
Mood :: aggravated

1 Said So



Dia del Libro / Araw ng Libro
posted by GHV2 on April 19, 2008 at 09:15 AM

Punta ako dito later. Punta ka na din!

International Book Day 2008

It’s a mad, mad day on April 19 as Instituto Cervantes lets out the books at the Día del Libro celebrations. From 10 am to 12 midnight, bibliophiles can get their hands on a wide selection of books – children and young adult titles, dictionaries, novels, and non-fiction titles – at the Día del Libro book fair!   Available at even madder prices, brand new books go for as low as Php20.00. And to make the deal even sweeter, Instituto Cervantes gives a red rose with every purchase.   Also get a chance to mingle with your favorite authors as they grace this event, signing copies of their latest works. Anvil Publishing, A Different Bookstore, and Powerbooks are also there, offering books at a huge 20% discount!   In addition to all these, get to taste the rich Spanish culture with poetry readings, film showings, and a dance concert featuring renowned choreographer and dance master, Myra Beltran. Free Spanish lessons and guided tours await visitors during this whole day event.   In the evening, Instituto Cervantes transforms into party central as fabulous dance performances, overflowing Spanish food, and festive Latin music cap off Día del Libro.   All this is in celebration of Día Internacional del Libro (International Book Day), an event that aims to promote the love for reading and the written word. Regularly observed on the 23rd of April, International Book Day was inspired by a tradition from Barcelona, Spain that celebrates St. George’s Day, where men and women exchange a rose for the gift of a book.

Mood :: artistic

Anything?



Viva!
posted by GHV2 on April 20, 2008 at 06:32 AM

More on pictures muna. Late na kasi ako nakauwi kagabi, plus me lakad pa ako before 9 AM. Me LIRA today. Hehe.

1 ee ff

Instituto Cervantes Lobby

2

People flocking to see Myra Beltran's performance

3 dd

The fantastic Myra Beltran!

4

Book sale!

5

My loot!

6 7 8

Poetry Chain

 

Highlights of the day:

1. It was touching to see some members of the Alon Collective who joined the Poetry Chain. These guys read the poems of the late Sid Gomez Hildawa.

2. The Latin party! With more hottie Latinos! (I was not able to shoot some pics with the hotties, baka majombag ako!)

3. I saw Marlon Sales. He was my former EIC in the highschool paper. Prof na siya sa Instituto.

4. I was accompanied by Pepperella and her paramour!

Music :: Secret Garden - Madonna
Book :: Bridget Jones's Diary - Helen Fielding
Mood :: artistic

Anything?



ala-Bridget Jones
posted by GHV2 on April 21, 2008 at 09:38 AM

Sunday

9:30 PM. Early for work. But I'm supposed to be late for work, in order to get the bloody package!!!!


9:45 PM. Yikes! Updated emails! Must answer first. Hay, why I'm always feeling sleepy?


10 PM. EA Nirio not yet gave me my ration. Americans are busy to send email. Yes, I'm really, really sleepy.


10:15 PM. ZZzzzzz...


10: 20 PM. Eeeek! Must not close my eyes. Must not close my eyes..


10:30 PM. ZZZzzzzzzz.


11:00 PM. God! Something's wrong with me. Must ask officemate Liza about the problem.


11:02 PM. She's not in her station. Maybe left for peepee.


11:05 PM. Zzzzzz.


11:15 PM. Waaah! I have dozed off again! Must check PC. Syet, 15 emails already! Stared at EA Nirio.


11:45 PM. Yes, finished them all! Must wait for next batch...


Monday

12 MN. ZZZZzzzz.


12:30 AM. God! Oh God! EA Nirio's shaking my shoulders. Woke me up. "Ayan natutulog ka na naman!" He glared at me. I said my excuse, that I attended a poetry workshop in UP earlier that day.

Asked Liza about my situation. Yes, it has something to do with my taking of vitamins. Must take vitamins before sleep, NOT before duty. Bloody! Bloody! Bloody!

Waaah! Am I the new Miss Nelia?????

sleep

Music :: You Will Always Be My Baby - David Cook version
Book :: Bridget Jones's Diary - Helen Fielding
Mood :: crappy

4 Said So



Carson-ite!
posted by GHV2 on April 22, 2008 at 01:35 PM

I'm currently reading Anne Carson's Men in the Off Hours. Binalikan ko tuloy ang naisulat ko tungkol sa isa pa niyang libro, ang The Beauty of the Husband:

September 7, 2007


I've rediscovered the beauty of Anne Carson. This lukaret truly shines in her book "The Beauty of the Husband." Sa una, I dismissed the book as un-poetic. Sobrang lihis sa pagiging tula. Soooo elite poetry for me.

The secret to Carson's poetry pala is to read her lines again and again and again and again. I kept on lauging kanina sa mga inilahad ni Carson sa libro niya. I'm not sure kung me katotohanan kahit papaano sa mga kuwento niya, kasi "fictional essay" ang claim ng title ng libro.

Her golden words: "Beauty convinces. You know beauty makes sex possible. Beauty makes sex sex." Ang taray ng lola mo!

Ako ngayon ay Carson-ite!

 

***

MANANAGOT KAYO:

Dr. Philip Leocarias, head surgeon;
Dr. Angelo Alinawagan, assisting surgeon;
Dr. Max Joseph Montecillo, surgeon at an adjacent operating table;
Nursing attendant Rosemarie Villareal; and
Circulating nurse Carmenia Sapio.

 

PARUSAHAN ANG MAY MGA SALA!

*

DOH names 3 docs, 2 nurses in Cebu ‘surgery scandal’

 

Music :: Killer / Papa was a Rolling Stone - George Michael
Book :: Men in the Off Hours - Anne Carson
Mood :: awake

2 Said So



Hay! Notes: Goodbye, BB!
posted by GHV2 on April 23, 2008 at 01:33 PM
filed under Hay! Notes

CONFIRMED: 10 agents are for replacement. The end is near. Sad thing, the management can't offer the separation package because there are openings in other accounts.

I still don't know if I am one of these 10 agents. Hay. Nagmumukha tuloy na kami pa ang napaparusahan. Kung tutuusin, mas napabuti pa ang kalagayan ng mga naunang natanggal.

At sa lahat ng mga nagaganap na ito, nasaan si TL? Again, he excused himsef. Si SM Sam tuloy ang nag-discuss sa amin ng masamang balita.

Kaya namin ito. Kaya namin ito. 

noel 3 ss

***

On a lighter note, super cute pala si SM Sam kapag sa kaliwa mo siya titignan. Mas nagmumukha siyang hottie. Nice, nice lips. Kapag sa kanan ka naman nakapuwesto, mas nagmumukha siyang geek. Parang Science professor.

At ang tawa niya kanina, kakilig!

Hehehehehehe.

sam

salamat sa Fotoloco

Music :: Akin Ka Na Lang - Itchyworms
Book :: Men in the Off Hours - Anne Carson
Show :: PBB Teen Edition Plus
Mood :: gloomy

Anything?



Serial Dater
posted by GHV2 on April 24, 2008 at 01:59 PM

Ang pangalan niya ay WPG 391.

Tuwing napapadaan ako sa Gateway, nandun siya sa mga upuan sa labas ng Figaro. Ninanamnam ang init ng kaniyang kape. Palagi siyang nakaporma -- maayos ang spiked na buhok, makinis ang me-balbas niyang mukha (parang ke Jesus Christ), masinop ang kaniyang pananamit. Sa tantiya ko, mga late 20s or early 30s na siya.

Hindi niya alintana ang pagdaan ng napakaraming tao. Naroon siya, sa isang upuan sa labas ng Figaro, panay ang kaniyang pagsipat sa kaniyang relos. Palagi ang kaniyang pag-text.

blurred

Mukhang araw-araw siyang may hinihintay. Minsan, naabutan ko ang paglapit sa kaniya ng isang cute na lalaki (muscularly lean, mukhang nag-aaral sa Ateneo).

"You are...."

Date. Sa wari ko, serial dater ang mamang nakaupo tuwing pasado ala-sais sa labas ng Figaro. Sa isang linggong naaabutan ko siya, mga tatlong beses ko siyang nakita na iba-iba ang kasalo sa mesita. Ung iba, me dala pang libro. Ung isa, gym bag. May isang me bitbit na attache case.

Minsang may hinihintay rin ako sa tapat ng Figaro (sa tapat lang ang tagpuan, wala akong pang-order ng mamahaling kape), mas matagal kong napagmasdan ang lalaking me balbas. Kalmado siyang makipag-usap sa kaniyang ka-meeting, habang abala sa paghahalo ng kaniyang kape (pangalawang order malamang). Minsan lang siya tumawa. Madalas ang kaniyang matipid na ngiti.

Hindi ko na alam kung saan humahantong ang kaniyang mga pakikipagkita. Isang beses ay naabutan ko siya at ang kaniyang kasama sa may Coffee Bean and Tea Leaf naman. At marami pang maaari nilang puntahan.

Kagabi, pasado alas-dose ng madaling araw. Habang naghihintay ng jeep pa-Rosario sa tapat ng KFC, nakita ko uli ang mamang me balbas, bitbit ang take-out order (parang for two?). Pinuntahan niya ang kaniyang kotse, binuksan ang pinto sa driver's seat.


Nag-iisa lamang siya sa loob ng sasakyan.

 

Wala siyang kasama sa kaniyang pauwi.

Ngayong mag-uumaga pa naman.

Music :: Forever - Kristy Lee Cook
Book :: Men in the Off Hours - Anne Carson
Show :: PBB
Mood :: cold

2 Said So



Ms. Paz, Ms. Ruth, Proserpina, sa lahat pa
posted by GHV2 on April 25, 2008 at 01:17 PM

I hate goodbyes.

Maga na naman ang mga mata ko. Last day na ng iba sa mga nakasama sa mga ire-replace dapat sa ibang account. Most of them, mas pinili nila ang maging "floating status" -- no work, no pay. Mas gusto pa nilang mag voice account sa ibang kumpanya kaysa sa HTMT. Baka better pay and better working environment.

I managed to stay behind. And I feel guilty, somehow, kung bakit me mga naalis. I mean, if ginalingan ko sana sa performance ko, mas bumuti sana ang stats namin as a group. Baka nakatulong kahit papaano

Sa pagkain namin agahan kanina sa pantry, kaniya-kaniyang labasan ng himutok. Iisa ang sentimiyento namin, lahat against sa management.

Batch 2 ako nung pumasok ako sa account. Lumaki kami hanggang Batch 11, dumami ang mga kasama ko. Lahat halos sila, naturuan ko, natulungan ko in some ways. Nag-shadow sila sa akin. Tinuruan ng mga technique, or cheats (hehe). I shared my life to them, they shared their life to me. Ung iba naging crush ko na lumipas din, ung iba nakatampuhan o nakagalitan siguro.

At pangalawang batch na ito ng mga mawawala. I don't know what will happen next. Sabi ni RJ Sion, ganun daw talaga.

Ganun daw talaga.

***

On a lighter note, nakita ko ang crush ko kanina, kahit saglit. As usual, suplado mode na naman siya. Dumiretso siya sa sleeping quarters.

Kahit papaano, me nakapagpangiti sa akin.

Music :: Vanishing - Syesha Mercado
Book :: The Angel of History - Carolyn Forche
Show :: Eat Bulaga
Mood :: aggravated

Anything?



Bad Mood
posted by GHV2 on April 26, 2008 at 01:44 PM

Umagang-umaga, stressed at walang tulog sa duty, ginulat ako ng text message ni Micmic ng LIRA. Sinabi sa text, na galing daw kay Tata, na PATAY NA DAW SI SER VIM NADERA.

Putsa! After Ser Sid, this is too much!


I asked Micmic to confirm it with Tata. Ako naman, I forwarded the message to friends sa Pinoypoets at LIRA. After five minutes, nag-text uli si Micmic at sinabing JOKE LANG daw ni Tata un. Ung mga idinetalye sa text message, un daw ung performance nila Tata at Ser Vim kagabi.

I'M SORRY, TATA. THIS IS A BAD JOKE. REALLY, REALLY BAD.

***

Hindi ko pa rin mapigilang umiyak sa mga katrabahong aalis na sa account. Hay. Sana magkita-kita pa tayo!

1 2 3

4 5

Music :: Let's Forget About It - Lisa Loeb
Mood :: depressed

1 Said So



Linggo ng Pamilya
posted by GHV2 on April 27, 2008 at 04:49 AM

May nawala na namang bagay kay Daddy ngayon lang. Nung una, nanenok ang gamit na gamit niyang rubber shoes na pang-jogging. Akala namin na misplaced niya lang, or baka nasa tindahan namin sa Kadiwa, pero wala talaga. Hindi na nakita.

Tapos ngayon, ung tsinelas naman niyang luma ang nawawala. Hmm, bakit siya lang ang nawawalan? Naaalarma na ako ha. Iwanan kaya namin si Luna sa labas pag gabi? Isusumbong ko ba ito sa managament ng apartment?

***

Speaking of Luna, napanaginipan ko kanina lang na inaatake kami ng youngest sis kong si Marigie ng mga aso. Ano kaya ibig sabihin? Speaking of Marigie din pala, maganda ulet ang progress na ipinapakita niya. Nanggaling siya sa doctor niyang si Dr. Honolina Gomez sa USTH at pinayagan na siyang ipaayos ang mga ngipin niya. Thank God!

***

Supposedly magsu-swimming kaming buong pamilya today, pero di na matutuloy. Pupunta sina Mommy at Daddy sa Pandi, si Fhariza naman me lakad. Si Margie Lyn tuloy ang magbabantay sa tindahan sa Kadiwa. At ayoko namang maiwan si Kuya Jayson dito sa bahay ng mag-isa, baka me mangyaring milagro. Hehe.

Baka mag-SM Marilao na lang ako mamaya. Kailangan kong ipa-renew ang Advantage Card ko. Expiring na this May.

Music :: Saturday Night Divas - Spice Girls
Mood :: amused

Anything?



Monday
posted by GHV2 on April 28, 2008 at 07:40 AM

Start of the new week. Natapos na din ang pag-download ko ng kanta ni Colbie Caillat. Mukhang promising ang album niyang Coco. Di ako sure kung Bubbly pa din ang nai-release niyang kanta. Un lang kasi ang talagang pamilyar sa akin. Masarap kasi siyang kantahin ngayong summer, lalo't nasa dagat ka.

Speaking of summer and dagat, hindi ako sure kung dapat pa ba akong mag-file ng vacation leave sa office. Naniniwala kasi akong by next month, dissolve na ang account. Nakakalungkot. Mas nakakalungkot kasi wala ung bloody package.


Magpa-file pala ako ng VL kasi punta ako ng Cebu. A friend offered his room para tuluyan ko, so ang major gastos ko na lang talaga ay airfare at pasalubong. So ayun, I grabbed the opportunity para sulit ang bakasyon ko.

I informed Daddy na pala na baka by next month nga, mawalan na ako ng job. Humanap na daw ako ng "normal" na trabaho. Sabi ko nga, sana makahanap ako ng work na dito lang sa Valenzuela. Napapagod na kasi ako sa malalayong biyahe. Pero ganun pa man, kung saan ako makahanap ng work, dun ako.

Hay hay sidhay.

Music :: The Little Things - Colbie Caillat
Show :: Unang Hirit
Mood :: complacent

Anything?



Monday Duty
posted by GHV2 on April 29, 2008 at 05:57 AM

I love my new sked for this week: 7 PM to 4 AM. Ung uuwi ng madaling araw, medyo malamig-lamig at di maalikabok. Mabilis pa ang biyahe. Kaya eto, 5 AM pa lang nasa bahay na ako.

24 hours na din pala ung KFC near Gateway. Panalo, natatakam pa naman ako sa burger nila. Napabili ako. Treat na din after the toxic email load kanina.

Suweldo mamaya! At day-off ko! Yehey!


***

Pootah! I'm listening to Janet Jackson's Discipline album, at talaga namang napapaindak ako! Woohoo!

janet

Music :: Feedback - Janet Jackson
Mood :: sleepy

Anything?



Zsa Zsa Zaturnnah
posted by GHV2 on April 30, 2008 at 04:10 AM

I was able to catch the ZsaZsa Zaturnnah de Moveeh sa Cinema One kahapon. First time ko lang mapanood. Hehe. Panalo si Zsa Zsa Padilla sa role na ZsaZsa Zaturnnah, feeling ko happy si Carlo Vergara, ang graphic novel creator, na si Ms. P. ang napili. Sa kaniya naman talaga pinattern ang character. Sana kinanta niya ung "Hiram" sa movie. Basta, buti na lang at di natuloy si Rufa Mae Quinto sa pagganap. Un lang.

z

OK din naman si Chokoleit as Didi. I wonder kung paano ang character kung natuloy si Allan K. sa pagganap sa movie. Kaya lang secret wish ko na si Ricci Chan ang maging Didi. Sayang.

Ang daloy ng kuwento, OK lang ba? Hmmm. Dahil pang-MMFF at pambata at pam-Pasko ang pelikula, tinanggal ang pagiging campy ng movie. Nawala ung extreme murahan, ung pagiging super bading ni ZsaZsa Z. at Didi.

I still want the stage the musical version ng ZsaZsa Z. Hindi napigil ng limitations ng stage play ang interpretation nila nung comics. I mean, ung mga special effects, talbog pa ung sa pelikula. Kelan lang ung nagtatanong ako sa sarili kung paano nila gagawin ang higanteng palaka sa stage??? Or ung fighting scenes nina Zsa Zsa Z. at Queen Femina Suarestellar Baroux? Hilarious!

Speaking of Queen Femina, something's wrong with Pops Fernandez. Ewan ko. Parang di siya dapat ung gumanap. I was thinking of Cherie Gil, para fantabulous talaga. Walang dating si Pops e. Ganun.

Still, happy ako na dala pa rin ng movie ang message ng graphic novel. "Huwag mo nang itanong kung bakit.." sabi ni Dodong kay Ada. Hay, kelan ko talaga makakasama ang tunay kong Dodong?

Dodong ko, asan ka na ba?

 

*Malapit na daw matapos ang Part 2 (ZsaZsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila) ng graphic novel ni Carlo! Ano na kaya ang progress?

 

***

Ginamit ko ung new cel ni sis Fhariza, Nokia 6300. Ang grainy ng quality kasi trinansfer ko pa ang mga pix sa Sony Ericsson K700i ko.

 

1 2 4 55 66

 

Music :: Greatest X - Janet Jackson
Mood :: amused

Anything?



Mayo Uno
posted by GHV2 on May 1, 2008 at 06:09 AM

Sabik nating hinihintay ang unang pag-ulan ng Mayo.

Sapagkat ang unang ulan ngayong buwan ay hindi ulan lamang, kundi ulan na maghahatid ng lunas sa sakit ng katawan at isipan, ulan na mapaghimala, ulan na magbibigay na kalunasan sa ating mga dasal. Sapagkat ang mismong Diyos ang siyang nagpipiga sa mga makakapal na ulap na pinuno ng ating mga luha, ng ating mga hinagpis na inialay natin sa Kaniya.

Kaya sabik nating inilalabas ang ating mga timba't batya. Lubos tayong naghahanda sa unang ulan ng Mayo, na pati sa ating pagtulog, ang ating panaginip ay isang napakalaking sisidlan ng Kaniyang mga pangako.

***

I'll meet my BFFs later. Exciting!

***

More on the Wheel of Fortune:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Kung kelan ipapalabas, abangan....

Music :: Samson - Regina Spektor
Mood :: cheerful

Anything?



« 2008/03 | 2008/05 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content