Nagsipunta nga pala last night sina Martin (na nag-aaral na sa FEU,
Psych ang course), Roxanne (na ka-PUP ko at napilitang umalis kaagad
kasi me curfew sa nanay niya), Kath and Emong, Nanoy (si Ergoe kasama
sa company outing, no wonder sad si Nanoy), Xam (na walang kasamang
date), Kiko (na himalang hindi inatake ng high blood), Claire (na
blooming daw ngayon, ask ninyo na lang siya why), Medel and Cza (di
kasama ang kanilang unica hija), Eds (na single din daw), Ani (na me
curfew kagabi pero feeling namin me date lang), Tito Rolly (na
nangayayat pero makulet pa
din), at yours truly (no comment hehe).
Music :: Money Changes Everything - Cyndi Lauper Book :: Vita Nova - Louis Gluck Mood :: cheerful
My head hurts dahil sa paiba-ibang work schedule ko. It is not easy to adjust your body sa iba't ibang oras ng pagtulog, paggising, at pagkilos.
My hands hurt sa almost eight hours na pagta-type sa office. Minsan they just feel numb.
My nose aches kasi sa sipon. Mahirap huminga at kairita ang uhog.
My back aches and craves for a massage.
My legs hurt sa araw-araw na mahabang paglalakad. But exercise na din un so medyo ayoko ireklamo.
My feet hurt and feel itchy kasi nakagat ng mga langgam kanina. Naisuot ko ung tsinelas na pinamumugaran ng mga langgam. Siguro natapunan ng matamis na juice un kaya inatake ng mga langgam.
My heart hurts because of Ernan.
Music :: Just Friends - Amy Winehouse Mood :: cold
Wala lang ako magawa kagabi kaya pinagkukuhanan ko ng pic ang sarili ko. Dati, I hate my eyes kasi when I smile, nawawala siya. I can't express myself through my eyes. Ung mga manga/anime nga, nilalakihan ng mga animator ung mga mata ng mga character, kasi nga mahirap magpakita ng emotions lalo't slant ang mga mata.
So sinubukan kong ibuka ang mga mga mata ko sa mga larawang ito. Mukha akong galit. Or wala ring ipinagbago. Haha.
***
Sinubukan ko namang kuhanan ang sarili ko sa ganitong anggulo. I'm not sure kung ito nga ang pinakamagandang anggulo ko.
***
I'm currently listening to Madonna's latest studio album Hard Candy. Mala-Nelly Furtado ang dating, with Timbaland and Timberlake and the Neptunes ba naman ang collaborators. It's fun, I think it's La Madz's last hurrah! bago siya mag-mellow, considering her age. Or baka hindi rin siya mag-mellow? Hehe.
Music :: She's Not Me - Madonna Book :: Vita Nova - Louise Gluck Mood :: bored
Yes! After magkaayos sa presyo (hindi na ako tataasan ng 10%) with Mancon Realty, ire-renew ko na ang kontrata sa apartment na kasalukuyan naming tinitirahan. Ayos!
Ambilis ng panahon, parang kailan lang ako pumirma ng kontrata sa kanila for one year of lease. Pagkatapos ng mga paghihirap sa paghahanap ng magandang apartment, lumikom ng perang pang-down, maghanap ng bangko na papayagan akong mag-open agad ng checking account (Citystate Savings Bank, Inc. - Cubao), natapos din ang lahat.
Ngunit may isang bagong taon na sisimulan. Magaganda kasi ang mga nangyari sa amin pagkatapos naming lumipat sa ideal apartment na ito (hanggang ngayon ideal pa rin siya for me!), kaya ninais namin mag-stay uli.
Sana magpatuloy-tuloy lang ang mga biyaya. Lord, sana po.
***
Pagkatapos kong magpunta sa Mancon, dumiretso ako sa SM Marilao. Nasaktuhan ko itong mini-exhibit nila:
LARAWANG KUPAS: Mga Koleksyon Lawaran ng Marilao 1900's - 1960's
Naintriga ako sa isang retratong kasama:
Ito ang caption ng larawan:
"Mga kalahok sa Marilao Gay Christmas Party c. 1966"
Ang taray ng mga lola ko! Panalo! Ung isang gay sa larawan, me nakaakbay pa na cutie cutie guy. Jackpot!
Me isang lalaking sumisipat sa larawan na katabi ko, at ang sabi sa jowa niyang girl: "Hanep! Me mga gay na pala noon?"
Haler! Ang sarap niyang kurutin sa singit at absent siya malamang sa GAYSTORY subject niya.
Bukas pa po ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang
klinikang pampanulaan. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay iniurong sa
ika-20 ng Mayo, 2008. Magpadala po ng isang pahinang bio-data na may
1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@
gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP
Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and
Letters, UP Diliman. Ang regular na mga klase sa klinika ay gaganapin
buong araw ng Sabado at Linggo mula Hunyo hanggang Agosto.
------------ --------- --------- - LIRA has extended the deadline for sign-ups for its next poetry clinic. All
those who are interested may send in their requirements on or before
May 20, 2008. Submit five (5) poems in Filipino along with a short
bio-data and one 1x1 ID picture, sent to liraworkshop@gmail.com or
dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative
Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. The regular
clinic period is from June to August and will be held every Saturday
and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.
Ayan, kagabi ipinalabas ang aking Wheel of Fortune stint. At ang taba taba taba ko na talaga. Hay. Pero feel ko, ang taba din ni Kris.
Salamat kina Master J at Ser Ariel. Kay Mamita na mataray pero maalaga. Kay Ate Bambam na diyosa sa ganda.
Teka, ang cheke ko!
***
Nakakainis ung mga taong reklamo ng reklamo pero wala namang ginagawa para me magbago sa buhay nila. Un bang maraming inirereklamo, lahat na lang ay inirereklamo.
Kagaya na lamang ng officemate kong si Lady L. Reklamo ng reklamo tungkol sa pathetic niyang job, na kesyo agent na lang siya habambuhay, na kesyo gusto na niya talaga mag-resign na at mag-aral na lang ng masteral sa nursing at magtrabaho sa abroad. Pero hanggang salita lang naman siya. Ayun, she's still an agent.
Or ung driver ng jeep na nasakyan ko kanina. Wala daw pasahero, na kesyo napakahaba na ng traffic, na ang init-init pa.
Sabagay, minsan ganun din ako. Me mga time talaga na feeling ko miserable ako, na helpless ako. At dahil wala namang busal ang bibig ko, putak na lang ako ng putak. Puro dada.
I want to remind myself, na sana, pagbutihin ko na lang ang trabaho ko. Work na lang ng work. Life is really unfair. But you don't want to remain it that way, di ba?
***
Sana naisip mo, E., na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako dahil mahal na mahal na mahal pa rin kita.
Music :: Be Be Your Love - Rachael Yamagata Mood :: discontent
Me sunog na nagaganap ngayon (as in ngayon!) sa may Paxton, Karuhatan, Valenzuela City!
Ayon sa balita, isang rubber factory daw ang kasalukuyang nasusunog. Malapit daw ang factory sa SM Valenzuela. Umabot na daw sa 5th alarm ang sunog. Kita ang makakapal na usok mula sa bahay namin sa Viente Reales! Grabe!
Matagal ko na silang inaalagaan. Lahat ng barya ko, sa kanila lang napupunta. Grabe, ang lakas nilang kumain. Kaya naman halos mapuno na si Blue Piggy.
Kay Blue Piggy ko ipinapakain ang mga piso ko. Konting-konti na lang ay mapupuno na siya. Ang estimate ko, mga P1000 naman ang laman niya.
Kay Green Piggy ko naman ipinapakain ang mga 5 at 10 pesos ko. Kalahati pa lang ang laman niya. Sana nga mapuno na rin siya.
Ang balak ko kapag napuno na sila ay itatabi ko muna sila. Tapos bibili ako ng mga bagong piggy na aalagaan ko ule. Sana nga lang walang kumidnap sa mga alaga ko. Hehe.
Oink! Oink! Oink!
***
Dahil sa BitTorrent, I was able to download the following albums:
Chant: We've only got four minutes to save the world (MA-DON-NA).
***
Nainspire ako sa Kanlungan ni Maria episode ng Proudly Filipina (hosted by Charlene Gonzales-Muhlach).
Matagal na akong inaaya ni Ernan (my ex, who is an Hands On Manila Volunteer) na sumama sa grupo niya to spend a day sa Kanlungan. But I refused. Baka kasi umiyak lang ako ng umiyak doon. Mababaw ang dam ng mga luha ko e.
Pero looking back, sayang ung chance. Hay. I thank God na may mga grupong kumakalinga sa mga institusyong gaya ng Kanlungan, katulad ng Hands On Manila at ng grupong ito.
I'll find a way na makatulong din sa kanila. I will.
***
Almost two years na akong nag-i-sponsor ng isang bata under World Vision. Baka may mga interesado diyan, just contact me.
It is time to have an advocacy. Believe me.
***
Happy happy happy birthday nga pala sa kaibigan at kapanalig sa pagtula na si Phillip Kimpo Jr. Mas kilala siya sa pangalang Corsarius. Bisitahin ang kaniyang Multiply site at BATIIN natin siya ng sabay-sabay.
Phillip with Nancy Castiglione, from his Multiply site.
My theory is she stopped being glamorous when she married my father. At that, being a goddess of her own right. Sa lahat ng mga tao, ang tatay ko ang galit na galit sa fasyon. He even scolded my sister of wearing a belt made of ribbon. Ipinagbabawal niya din sa bahay ang me kulay na buhok. Adik daw ang mga iyon.
Nang nahalungkat ko ang mga lumang larawan ng ina ko, nagulat ako. Kontodo ayos ang aking mommy. Me isang larawan pa siya na naka-gown. Akala ko nga sumali siya ng Miss Lingayen or Miss Pangasinan dati. Un pala, project daw nila un sa vocational school (sewing class). Minodel nila ang kanilang mga gawang gown.
Hindi ko kasi siya nakamulatan na nag-aayos ng sarili. Madalas, plain clothes lang ang suot niya. Nung nagtratrabaho pa siya sa isang pabrika sa Malabon, laging slacks lang at t-shirt ang suot niya, walang make-up sa mukha, ang buhok ay palaging maikli ang gupit. Minsan lang din siya magsuot ng alahas.
Dahil nagtratrabaho siya, iniiwan niya kami sa pangangalaga ng mga pinsan naming nakatira malapit sa pabrikang pinapasukan niya. Gabi na siya kung umuwi. Wala na kaming bonding time mag-iina.
Madalas niya kaming pagalitan kasi naglilikot kami ng madalas. Pero siya ung nagagalit at sumisigaw ng nakangiti. Naririnig ko ang mga pinsan ko, binibiro siya, na kaya kami naging bading ng Kuya ko kasi malamya daw ang nanay ko. Kahit sa pagiging galit.
At napakaingay ng aking mommy! Matalak talaga, mana daw sa aming late Lola Maring (Marina, namesake niya). Ang tawag sa Pangalatok ng matalak, malabir.
Hindi ko siya itinuturing na closest ko. Madalas akong magalit sa kaniya noon. Siya kasi ung taong walang sariling opinyon sa mga bagay-bagay. Lagi na lang, bahala na Daddy niyo. Ang alam kong firm stand niya lang, na palagi niyang sinasabi sa amin hanggang ngayon, na magpakalalaki daw kami. Hehe.
I always imagine her as a water goddess: Marina. From her vastness, she was able to nourish us, her children, until we were able to swim for ourselves in this ocean called life.
Music :: She's Not Me - Madonna Book :: Mens Rea and other stories - Lakambini Sitoy Mood :: cheerful
Ngayon ko lang na-check sa kalendaryo, na Saturday, Sunday, at Monday ang mga araw ng pista sa Obando. Suwerte at off ko ng Biyernes, so makakapunta ako ng Sabado ng umaga. Kapistahan iyon ni San Pascual Bailon, May 17. May 18 naman, si Santa Clara de Assisi. May 19 ang Virgen de Salambao.
Altar, Obando Church
Fourth year ko na yata itong nagsasayaw sa Obando. Last year, hindi ako nakapunta kahit isa man lang sa mga araw na itinakda kasi conflict sa work schedule.
Masaya sa kapistahan ng Obando. Sayawan ng sayawan. Hehe. Ito ung chance ko na kumembot ng kumembot, habang nagbibigay-pugay sa tatlong mahal na patron. Exercise na rin.
San Pascual Bailon
Nakakakilabot kapag nagbabahagi ung mga namamanata ng kani-kanilang kuwento tungkol sa mga himalang nangyari sa mga buhay nila. Siyempre nandiyan na ung mga mag-asawang matagal nang umaasa na magkaanak. Or mga single na nagkaroon ng nobyo/nobya o kabiyak. Or suwerte sa buhay, mabuting kalusugan, o kapayapaan. Lahat, natagpuan nila sa Obando.
Virgen de Salambao
This year, I'll dance for my friend and officemate, Gin-Gin. I'll pray na mabiyayaan na silang mag-asawa ng anak. I know this year, hinuhulaan ko, na magbubuntis siya. Lalakasan ko ang pananampalataya ko.
At promise, promise, magsasayaw ako ng buong husay.
Sta. Clara de Assisi
Santa Clarang pinong-pino / Ang pangako ko ay ganito / Pagdating ko sa Obando / Sasayaw ako ng pandanggo.
Kung pupunta kayo ng Obando: sakay lang ng bus biyaheng-Malanday (Valenzuela) kung sa EDSA ka. Kung jeep, ung biyaheng-Malanday din. Di ka maliligaw kasi mismong bus stop/jeepney stop ka bababa. Mula doon, me terminal ng jeep pa-Obando.
Taralets!
*Photos of Obando shot using my K700i.
Music :: Some Unholy War - Amy Winehouse Mood :: cheerful
Kakakilig din ung episode na un kasi guest din ang partner niya, the award-winning writer na si Ian Rosales Casocot. Ang alam ko, five years na sila. Hay kainggit.
Adik ako ngayon sa Nusica Hazelnut Chocolate! Grabe ang sarap-sarap-sarap-sarap niya! Para akong dinadala sa heaven everytime na kumakain ako nito!
Si sister Fhariza ang nakadiskubre ng Nusica. Sa Puregold daw niya nabili. Kala namin para siyang peanut butter, pero hindi! Better than peanut butter! The best pala! The best!
***
Dahil adik sa Nusica, ayan, sinamahan ko ang bunso naming si Marigie sa aming dentista na si Dr. Vitug.
Hehe, actually talagang tinatanggal na ni Doc ung mga bulok niyang ngipin, kasi magde-dentures na siya. Sadly, andaming ngipin ang nawala. Sabi ni Doc, mahihina daw talaga ung ngipin niya, tapos hindi pa naalagaan.
Matagal na dapat napagawa ung dentures niya, pero dahil sa sakit niyang hyperthyroidism, hindi siya agad-agad pinayagan na magpabunot. Dahil medyo OK na ang results ng blood test niya, pumayag na din ang endocrinologist niyang si Dr. Gomez.
Matagal nang tinitiis ng sister ko na halos bungal na siya. I think isa ito sa cause ng pagiging uber mahiyain niya. Dumagdag pa ung hyperthyroidism niys, na ang resulta ay bulging eyes (lumala na kasi to Graves disease) at bukol sa leeg. After ng radiation therapy niya, unti-unti nang nawawala ung bukol sa leeg, pero ung dati niyang tsinitang mata ay medyo luwa na. Operation na lang daw ang solusyon para maibalik sa dati.
Ayan, inuunti-unti namin ang make-over niya. Siguro pag nagawa na ung dentures niya, makakapagpa-picture na siya na kontodo ang ngiti. Kita pati gilagid. Ipo-post ko dito sa Tab. Hehe.
***
Eto naman ang epekto ng Nusica sa akin:
Balyena to the max! Todo sayaw tuloy ang ginagawa ko, ala-Madonna sa Confessions on a Dance Floor. As in may pa-bend-bend pa ng katawan. Hehe.
Napanood ko pala ung bagong pasok sa PBB Teen Edition, ung malusog na house player (?). Tapos tini-terrorize pa ng mga taga-Philippine Air Force. Grabe sa hingal ung house player sa mga exercise na ipinagawa sa kanila.
Mabuti at hindi siya hinimatay. Ako kasi, sa ganung katabaan ko dati, muntik-muntikan na kasi akong himatayin noon sa ROTC days ko, sa ganung kahirap na exercise.
Pakengshet mga officers ko!
***
Na-tagged ako ni Aisheru! Ayan, natupad na rin ang wish ko na ma-tag sa Tabulas! Hehe. Kaya lang, hindi yata ako magta-tag ng iba. Sasagutin ko lang ung mga tanong:
1. If your lover betrayed you, what will your reaction be? ~ I'll hate him for the rest of my life. The nerve niya, e diyosa yata ako.
2. What will you do if you do not share the same feelings as the person who likes you? ~ Sabihin ang totoo. Mahirap ung ipagpapatuloy ung mga plano tapos hindi naman kayo pareho ng nararamdaman.
3. Do you find yourself cheating on your loved one? ~ Errr... Minsan. (super guilty!)
4. Would you rather have your ex replace you with someone more beautiful than you or uglier than you? ~ Bahala siya. Desisyon niya un.
5. What`s your ideal boyfriend like? ~ singkit, taller than me, minsan gusto ko dapat doctor siya or painter or violinist.
6. What are the three things that you want most right now? ~ laptop, new cel na wapak ang camera features, digicam
7. Who would you want to be in a fistfight with? ~ ung bully nung highschool
8. What/Who do you miss most right now? ~ Ex
9. Is there anything that has made you unhappy recently? ~ health problem, work
10. What do you want most in your life? ~ to be financially stable
11. Is being tagged fun? ~ hehe kasi first time ko kaya masaya
12. If you find out that your best friend is going out with your boyfriend or girlfriend, how would you react? ~ selos
13. Pick a person whose name starts with the letter A and say something to or about the person.
~ Allan (Paul Allan), my bestfriend, miss you sis!
14. What kind of person do you think the person who tagged you is? ~ mukhang galit sa ex. hehe
15. What makes you happy right now? ~family
16. If the person you secretly like cannot recognize you, what would you do or how would you react? ~ deadma. di ko rin siya kilala.
17. What song do you frequently listen to? Give the lines that are most applicable to you. ~ Candy Shop by Madonna: I'll be your one-stop candy shop, everything there I got
18. If you fall in love with two persons simultaneously, who would you pick? ~ hmm, magde-decide ako pag nangyari sa akin yan.
19. What type of friends do you like? ~wag lang maangas, mayabang
20. If you played a prank on someone, and he or she fell for the trick, what would you do? ~ magi-guilty.
Music :: Devil Wouldn't Recognize You - Madonna Mood :: blah
I'm currently reading the Manila Bulletin TRAVEL magazine, kasama sa issue ng Manila Bulletin newspaper today. Lumalabas siya every second Thursday of the month. Nagtext kasi sa akin ang aking high school crush na si Jepoy Soriano na bumili ng kopya.
Un pala, siya ang Art Director ng magazine! Wapak! Panalo talaga etong si Jepoy. Going places na ang career. He previously had an exhibit at the CCP together with other young painters of the country. I think four years na siya sa Manila Bulletin.
Pet project niya daw ang TRAVEL magazine. I know Jepoy as a perfectionist, since high school days pa namin. Ang tindi din ng perseverance ng taong ito. Talagang pinagbubuti niya ang craft niya.
At ito ang pinatunayan ng TRAVEL magazine na binabasa ko ngayon. Kudos, (my) Jepoy!
(*Me kuwentong biyahero ka ba? Story proposals to the magazine may be emailed to travel@mb.com.ph. Publication of such stories, however, is not guaranteed.)
***
Speaking of travel, tuloy na tuloy na ang aking Cebu trip! Kaka-purchase ko lang ng ticket from Cebu Pacific. From May 30 to June 2 ako mananatili doon. Exciting!
Music :: Feelings Show - Colbie Calliat Book :: Manila Bulletin TRAVEL Show :: Shakey's V-League on NBN Channel 4 Mood :: bouncy
I'm into reading poetry books now. Hindi naman ako makapagsulat ng mga tula. Hay.
Aaminin ko, naiinggit ako sa high school crush kong si Jepoy. He is enjoying his craft, at unti-unti na siyang nakikilala dito. Nung high school, madalas kaming napapahanga ng mga project niyang me drawing. Pang-exhibit talaga. Pero he was a shy guy before, at never kong na-imagine na one day mai-exhibit siya sa CCP, magiging art director ng isang travel mag/supplement ng isang major daily. Believe me, he is still a shy guy until now, pero nandun ung fierceness niya on tackling his art.
Me? I'm passionate with my craft, writing poems, pero hindi pala enough un. I ask feedback from poet-friends about a certain poet kung worthy ba siya, madalas sasabihin nila hindi. Pero bakit panay napa-publish ang mga gawa niya sa anthologies, or bakit siya palaging in-demand na poet?
Kapag ganun, hinahanap ko ung factor kung bakit "patok" ang poet na un. At ang suma total na kasagutan, kasi me "angas" siya.
Kulang ang writing skills mo? Damihan mo na lang sa "angas." Nakukulangan pa ako sa writing skills ko, and sadly, kulang din ako sa angas.
Angas is maangas na poet is sikat na poet. Un na.
***
Sa wakas, natapos na ang pag-download ko ng Dante's Cove. I'm currently watching it's two episodes from Season 1 now.
I texted my ex yesterday, nangangamusta. I started the initiative, and asked him civility.
Napapagod na akong magalit. I know the break-up affected me, laging moody, erratic. My writing suffered the most. I can't write even one taludtod.
I asked him na maging civil na lang kaming dalawa. Not friends. I don't want him to be a friend.
Masyado ko siyang minahal.
Natatakot akong baka pag naging magkaibigan kami, mawala ako sa boundary ng pagiging magkaibigan.
At ako ang umuwing talunan.
Maybe, kung sa pagtagal pa. Or kung may minamahal na akong iba. I don't know. Ang alam ko ngayon, I don't want to think of him as a friend.
But just a distant star, too distant.
***
I'm going to Obando later. Magsasayaw ng pandanggo para kina San Pascual Bailon, Santa Clara, at Virgen de Salambao. Bili na din ako ng kasuy nuts, kalamay, at tahong. Hehe.
Makulimlim ang langit. Subalit hindi nagpapigil ang mga deboto nina San Pascual Bailon, Santa Clara, at Virgen de Salambao na magpunta ng Obando at magsayaw para sa panalangin at pasasalamat.
Naroon ang British Broadcasting Corporation (BBC) para i-cover ang event.
First time din "nakisayaw" ng relic ni San Pascual Bailon.
Ang lakas-lakas ng hiyawan ng mga tao. Patuloy ang musiko bumbong sa pagtugtog.
Punong-puno ang loob ng simbahan ng mga mananampalataya. Humihiyaw, patuloy sa pagsayaw, kahit pawisan na. Umaasa ng himala. Siyam na buwang pagpapala.
Nagkakatuwaan din sa labas ng simbahan. Lalo sa palengke at sa munisipyo.
Bukod sa saya, nakapag-uwi ako ng suman at talaba.
May isang bumalik after 10 years, may isang aalis for three months, at may isang nagmamaganda.
Grace, Tina, Sandra, at ako
After high school, hindi ko na nasilayan pa si Grace. Bahagi siya ng FAMILIA, pero after mag-graduate namin from Meycauayan College, wala na kaming balita sa kaniya. To think na taga-Lolomboy lang naman siya, sa Bulacan State University lang siya nag-aaral. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Hehe.
At kagabi, muli namin siyang nakapiling. Nakita kong muli ang dati kong kaaway (chenes!) dahil naging jowa niya ang high school crush kong si Jepoy. At ang taba-taba na ng lola mo! Four years na sila ng boyfriend niya, at me balak na silang magpakasal two years from now. Kainis kasi uunahan pa niya kami ni sister Paul Allan. Hmp!
Grace and Tina
Sa iyo Grace, welcome back!
Ako, Tina, Sandra, at Grace
Ang aalis naman ay si Sandra, na susubok ng kapalaran sa Sweden. Three months lang siya maglalagi doon, maglilibot-libot sa iba't ibang lugar, a-attend ng mga party. Try to meet new friends, Swedish guys. Hindi daw niya sure kung makakahanap siya ng work na panandalian lang, tourist visa lang kasi ang nakuha niya. Kapag bumili na ako ng webcam, ay dahil sa balak naming mag cam to cam, FAMILIA at siya.
Tina and Sandra
Sa iyo Sandra, good luck at God bless!
Ang nagmamaganda naman ay ako. Nag-MIA ako online kasi sa sked ko last week, 7 AM to 4 PM. Pagdating ko ng bahay, kain na lang ako ng dinner tapos nood ng Singing Bee tapos tulog na. Pero in fairness, mas maganda ang mood ko sa umaga. Mas relax. Mas may buhay.
Para sa sarili ko, maganda ka talaga!
***
Eto pa ang mga balita:
1. Gamit ang HSBC card ng sis kong si Fhariza, bumili ang kuya ko ng digicam. Canon A460. Ung mga pix sa entry na ito, un na ang gamit ko. Sakto kasi nalalapit na ang aking Cebu Sojourn.
2. Balik 7 PM ang sked ko this week. Hay. Nakakapanlumo. Sabagay, OK na din kasi bawi sa night diff pay. Lalo't four working days na lang ako.
3. Suwerte at na-forward sa akin ni Proserpina ang email ng kaklase niya sa Alliance Francaise. Nakabili ako ng 20+ na books. Goodluck at umubos ako ng P1400.00 para dito. Hehe. Post ko ung mga title next time.
4. Me LIRA kami bukas. Balak ko mag-pekpek shorts. Baka himatayin ang mga matatandang makata. Baka maakit si Por. Haha!
***
BUKAS, BUKAS na pala ang ika-tatlong taon ng blog na ito! First time ko mag-celebrate ng birthday ng Tabulas baby ko. At me sisimulan akong project for my fourth year. Bukas ko sabihin ang detalye.
Nae-excite na ako! Sana matuwa kayo sa plano kong ito.
Music :: Time After Time - Cyndi Lauper with Sarah MacLachlan Mood :: cheerful
Third year na ng Tabulas ko, pero ngayon ko lang na-acknowledge na ikatlong taon ko na ng paghuhubad.
Sa mga taong nakibasa, nakisimpatiya, nakitawa, nagalit, nairita, nagtampo, nagtaka, at namangha sa mga ipinagsusulat ko dito, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT.
Para naman sa aking fourth year, ito ang proyekto ko: I-Know-A-Cutie Project.
It's like six degrees of separation, kung gaano ako kalayo sa isang cute guy sa paligid-ligid. Tignan ko kung marami akong kakilalang cute guys. Lahat ng ipi-feature ko, mga cute guy (for me ha!) na kaibigan ko, kakilala, ka-opisina, basta related sa akin. I'll ask them questions na matagal ko ng gusto itanong sa kanila (bilang isang kaibigan, kakilala, ka-opisina, etc.). I'll try to be more daring with them, ask some sexy questions kung pahihintulutan nila. Plus I'll post three or more photos of them. Kaya lang I can't promise nudity ha. Malamang, dahil kilala ko nga sila, hanggang face pix lang ma-post ko. I'm still not sure if puro straight guys or puwede kong i-include ung mga kilala kong bi or gay men na hottie talaga. Tignan natin.
So gagawin ko ito for a year, hanggang May 25, 2009. At this time, I don't know 69 hot guys, more or less mga lima lang, pero sa loob ng isang taong malay natin at madami pa akong makilala.
After the break-up, life has been a downfall for me. OK na sa akin ung matapos ang araw na walang nangyayari. Basta kung me work ako, pumasok ako sa work, pagkauwi, kain na lang tsaka tulog. No time to appreciate things, ayaw ko na maggala, wala lang.
Ako yata ung kinakausap ni KC Concepcion sa TVC ng Enervon Multivitamins. Si Andrea no energy.
(But I tried Enervon for a week, and God! Ganun ba talaga epekto nun? Depressant ba siya? Lalo kasi ako na-depress. Sobra!)
I promise Kath (and Xam, at sa iba pa na nakakakilala sa akin) na I'll be better after the Cebu Sojourn.
Pormal
na bubuksan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang
kanilang taunang klinika sa pagtula sa isang panayam na pinamagatang
"Reklamasyon sa Pambansang Gunita."
Ito ay ibibigay ng tagapayo at tagapagtatag ng LIRA, ang Pambansang
Alagad ng Sining Para sa Panitikan, na si Virgilio S. Almario o Rio
Alma. Ang panayam ay magsisimula dakong 1:30 ng hapon, Hunyo 7, 2008 sa
Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman.
Ang pagtatala ay magsisimula ng 1:00 ng hapon. Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko.
Simula
pa noong 1985, nagbibigay na ang LIRA ng kanilang taunang klinika sa
pagtula. Nagiging lunsaran ito hindi lamang sa pagsulat ng mahusay na
tula bagkus maging ng pagtatalakay at pagbibigay-puna sa mga tulang
Filipino. Ilan sa mga produkto ng LIRA ay sina Michael Coroza, Jerry
Gracio, Roberto at Rebecca Anonuevo, Vim Nadera, Romulo Baquiran, Jr.
at Edgar Samar.
Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay En Villasis sa numerong 09224596365 o bisitahin ang kanilang website, http://liraonline.org.
Your fingertips across my skin The palm trees swaying in the wind Images You sang me Spanish lullabies The sweetest sadness in your eyes Clever trick
Well, I never want to see you unhappy I thought you'd want the same for me
[Chorus] Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you Should've known you'd bring me heartache Almost lovers always do
We walked along a crowded street You took my hand and danced with me Images And when you left, you kissed my lips You told me you would never, never forget These images
No
Well, I'd never want to see you unhappy I thought you'd want the same for me [Chorus] Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you Should've known you'd bring me heartache Almost lovers always do
I cannot go to the ocean I cannot drive the streets at night I cannot wake up in the morning Without you on my mind So you're gone and I'm haunted And I bet you are just fine
Did I make it that Easy to walk right in and out Of my life?
[Chorus] Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you Should have known you'd bring me heartache Almost lovers always do