Update: Ayan, me konting salo-salo sa aking pagdating mula Cebu at para na din sa birthday ko. Nagtext ako sa mga malalapit na kaibigan na kung posible, daan sila sa bahay. Nakarating sina Tina at Ernan. Dala ni Ernan ang cake, at nagpakabusog kaming tatlo sa pansit, mechado, RC Cola, at sa kuwentuhan. Past 11 PM na sila nakauwi. As if wala silang work kinabukasan. Hehe.
Salamat sa mga bumati sa akin! Maraming, maraming salamat!
Salamat sa pag-imbita ni Karl sa akin para magpunta ng Cebu. Supposedly, last January pa ako nagpunta in time of Sinulog, pero dahil pupunta ako ng Baguio by February, tumanggi ako. After the break-up, mas madali akong nakapagdecide na yes, baka tamang panahon na to leave everything muna, kahit sandali lang.
Dahil mahirap mag-sked ng aking VL at rest days, last week of May na ito nangyari. Itinaon ko na rin na umabot hanggang June 2 para kako makapagsimba ako kay Sto. Nino.
26th Birthday. New life.
First time ko sa Cebu. First time kong sumakay ng eroplano. First time kong bumiyahe sa isang napakalayong lugar na ako lang mag-isa. Hay, andaming firsts.
First impression ko sa Cebu (or sa city mismo, kung saan ako nag-stay)? Para siyang Maynila lang: busy people, maraming cars/jeep, walang kapaguran. Sa Apas ako nag-stay, near the Camp Lapu-lapu, likod lang ng Asiatown IT Park.
And Cebu City is a big place! Parang di ko siya malilibot in a day. Kaya ito ang mga napuntahan kong landmarks, sa loob ng apat na araw:
The oldest university in the country, mukha lang siyang bago:
I was looking for historical markers, pero wala akong nakita. Bumili na lang ako ng souvenir notebook nila. Closed ang university museum for renovation that day kaya hindi rin ako nakapasok sa loob.
The Heritage tableau, located in Parian:
Muntik na naming hindi makita ang The Heritage. Basta naglakad lang kami ng naglakad. Sobrang laki ng tableau na ito, na naipatayo sa guidance ni Cardinal Vidal.
Basilica Minore del Santo Nino:
You need to wave at the Sto. Nino kapag aalis ka na ng church. Nakakatuwa, kasi cheerful ng perspective na ito. Magpapadasal sana ako sa mga lola (ung me matching sayaw pa) kaya lang baka hindi nila ako maintindihan.
The Magellan's Cross:
Andaming Koreans nung araw na pumunta ako dito. Unahan pa sa puwesto para makapagpa-picture sa cross.
Colon Street, oldest street in the country:
Sorpresa din nung madiskubre namin ang Colon. After Heritage, lakad ule kami. E biglang nadaanan namin ang obelisk na ito, un pala ito ang marker ng Colon Street. Nag-suggest pa si Karl na sa mismong obelisk ako magpa-picture, kaya lang scared ako na masagasaan. Hehe.
Plaza Independencia:
This is in the Port Area. Akala namin closed ang plaza kasi may mga yerong ginawang bakod. Me hinuhukay lang pala for drainage. May mga Muslim dito na nagpi-preach ng Koran.
Fort San Pedro:
Nung araw na nagpunta kami, may event sa The Fort. Kaya lang sa gabi pa. Tsaka pang-senior citizens ang theme ng event. Sayang at di kami nag-stay pa, mukhang masaya sana.
Larsian Fuente:
If you want barbeque, punta ka dito. Humanda nga lang na mangamoy usok dito pagkatapos. Larsian Fuente is like the "center" of all barbekyuhan. Mausok ang lugar, heavenly ang aura. Kailangan mong magkamay sa pagkain dito, puwede ka namang maghugas ng kamay. Kung di mo type marumihan ang kamay mo, me ibibigay silang plastic para sa kamay mo. Still, walang kubyertos dito. Puso rin pala ang kanin dito, ung parang suman na kanin. Masarap siya!
Provincial Capitol:
Tinalo pa yata nito ang White House! Taray! Kala ko makikita ko si Gov. Gwen, magpapa-picture sana ako with her. Para pa naman siyang artista.
Asiatown IT Park:
The IT Park is like Eastwood City. Nandito ang
mga call center: Convergys, E-Telecare, Peoplesupport. Siyempre,
nakabuntot ang Starbucks, Mcdo/Jbee, Figaro. Kasalukuyang tinatapos ang
Pier One.
SM Cebu:
I love the SM Cebu interiors! Relaxing, maluwag, at ang somber ng ambiance. At meron silang Booksale! Yahoo! Naniniwala kasi ako na maunlad ang isang bayan kapag may Booksale. Tama ba?
Taoist Temple:
Sumakay kami sa habal-habal papuntang Beverly Hills Subdivision. Mula doon, naglakad na kami papuntang Templo. Nakakatakot pero exciting ang pagsakay sa habal-habal. Di ko napigilan ang mapa-Ahhhhhh!
The Taoist Temple walkway is patterned after the Great Wall of China. Ang gaganda ng Fu dogs nila! Napakataas din ng location ng temple kaya tanaw mo ang siyudad.
University of the Philippines:
Picture-picture din kami sa UP. Lalo ke Oble.
Metropolitan Cathedral:
Ayon sa nabasa ko, ung exterior na lang ang orig na matanda sa cathedral na ito. Bago na ung sa loob. Pink ang altar nila. Marian devotion ang meron sa church na ito, which is very near the Basilica del Santo Nino.
Cathedral Museum of Cebu:
Mga antique icon ang naka-display dito. Old-style ung house na occupied nila, with capiz windows. I'm not sure kung antique ung house na baong renovate, o bagong tayo lang talaga siya. Malapit lang ito sa Metropolitan Cathedral.
The infamous Vicente Sotto Hospital:
Natakot lang ako na masita ng guard, kaya hindi masyado maganda ang nakuhanan kong harapan ng infamous hospital na ito. Nung nagpunta kami dito, ang headline sa diyaryo: Bayot mihilak sa hearing.
Calesa Ride to Tabo-an (Danggitan):
Di ba naman, sa Cebu pa ako nakapag-kalesa. At talagang mangangamoy-danggit ka after ka pumunta ng danggitan. Hehe.
Big Foot Building:
Mandaue City, daan pabalik sa Mactan Int'l Airport:
Imbiyerna lang ako sa driver ng nasakyan kong taxi. Tinaga ba naman ako sa pamasahe. Hmp. Mega-picture na lang ako sa maganda nilang kalsada.
Dahil three days na magkasunod ang rest days ko at LWOP, medyo nasubaybayan ko at minahal ang mga sumusunod na palabas sa TV ngayon:
Witch Yoo Hee
Sa Channel 7 ito, 5:30 ng hapon. Gusto ko ung bidang babae dito, si Yoo Hee (played by Han Ga In)! Ang ganda niya. Nakakakilig na ung girl ung nagpa-power tripping sa lalakeng bida, si Marlon (played by Jae Hee). Panalo din ang nanay ni Marlon dito, comedy ang pagkataray. Dalawang guys ang crush ko dito, ung French cuisine chef (played by Dennis O'Neill or Dennis Oh) at ung kickboxing champ pero simpleton na brother ni Marlon (played by (Jo Kye Hyung).
Dennis O'Neill / Dennis Oh
Jo Kye Hyung
Balak ko na talagang bumili ng series na ito. Kakakilig din ang Pinoy theme song nito, pero hindi ko alam ang pamagat ng kanta at ang singer. Hmm.
***
Hindi ko trip dati si Kim Chui. Flat ang pag-arte, tapos hype lang sila ni Gerald Anderson. Remember the title of their launching movie?
Pero sa Pinoy version ng Koreanovela na My Girl, she improved a lot. Well, the acting is not that superb, pero at least me progress. Forget the acting of her partner Gerald (serious face lang, acting na ba un?), or the bland hysterics of Nina Jose (Annika). Teka, mukha na talaga siyang bold star nu. Ung sa PBB Teen Edition 1 dati, fresh na fresh pa siya. What happened???
Kay Kim, congrats! Ang alam ko mataas ang rating ng My Girl.
At interesado pa ba tayo ke Kim Sam Soon? Regine, umayos ka. Di pa-tweetums ang role mo. Sa teaser pa lang ng new soap mo, para lang mga pelikula mo dati na pinataba ka. Napanood mo ba ung original series?
Isa pa: kung nabasa ninyo ang past entry ko na Serial Dater, siyet, nakita ko siya uli! This time, extra siya sa episode kagabi ng My Girl! Siya ung may-ari ng nasirang sasakyan ni Lito Pimentel, ung nangolekta ng pera mula sa kaniya. Kaya pala nasabi ko sa sarili ko na pamilyar ang mukha ng lolo mo. Hehe.
***
Speaking of PBB, the Big Night na mamaya! Sheew, ang tagal natapos ng season na ito. Hehe. Nicole-Josef, Kevin-Beauty-Alex-Shy, Ejay-Valerie....
Meanwhile, go ROBI! ROBI! ROBI!
Kailangan kong agahan ang pasok ko to work mamaya. Malamang napakaraming tao sa paligid ng Araneta Coliseum, kung saan gaganapin ang Big Night.
Pero Robi, alam mo naman na mahal na mahal kita, at nag-ubos ako ng load para sa iyo. Good luck sa you, irog.
***
Bad trip!
Nasa SM Marilao bukas ang isa ko pang mahal na si Sam Milby! Hindi ako makakapunta dahil may LIRA ako at duty ng 7 PM. Waaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Music :: More Than This - Norah Jones Mood :: amused
From Patrick, a friend and one of the owners of Rafa's Deli + Cafe:
Check out our New Exhibit!
Perpetual Playground of Your Lustful Minds A 2-Man Show
Check
out the dark and unique works of young and multi-awarded artists Dex
Fernandez and Rommel Celespara as they explore the different aspects of
the human mind.
Exhibit runs from May 28 - July 12, 2008. Call us at
4262970 for more info.
Nag-start na ang LIRA poetry clinic nung Saturday, pero hindi ako nakapunta. Me duty kasi ako ng 7 PM, at ang original plan ko was to attend the morning orientation. Pero sinamahan ko na lang si Ernan (yes, si ex na nakikipagbalikan...) sa Nazarenus Hospital, nagduduwal kasi siya for three days na. E siya pa naman ung takot magpa-check up sa doctor, baka daw kasi bigla na lang siyang sabihan na malubha na ang sakit niya. So ayun, nagkasya na lang siya sa pahilot-hilot sa tiyan niya. Nabalis daw siya.
Ako naman, talagang ipinilit ko na magpa-check up siya. Meron naman siyang health card, sayang kung hindi gagamitin. So sinamahan ko na lang siya para ma-diagnose siya ng tama. Sabi ng doc, hyperacidity daw. Andami tuloy ipinagbawal sa kaniyang pagkain. Plus naresetahan siya ng gamot.
Diet tuloy siya. Puro crackers ang kinakain. Effective naman daw ang gamot, hindi na daw siya nagdududuwal. Mabuti at naagapan dahil it could lead to ulcer daw. Hay pasaway kasi.
Tumuloy naman kami sa SM Marilao after the check-up. Napagpasyahan ko na bumili na, finally, ng weighing scale. Hay major effort na talaga to lose weight ule. Tawa siya ng tawa kasi wala naman daw nagbago sa laki ko. Hmp, porket siya payat e.
Pagdating ko sa bahay, ayan, ni-ready ko na mag-weigh... at...
30 lbs ang nadagdag sa akin. 194 lbs ako ngayon. Nung pumayat ako ng todo, umabot ako ng 165 lbs. 24 lbs na lang, aabutin ko na ule ang heaviest kong timbang ever, 220 lbs.
Major alert na ito. Bawas na dapat sa rice ule. Pero naiisip ko pa lang, parang I can't do the diet I did before. Lalo pa't nandyan si Ernan na palagi akong sinasabihan na gusto niya na mataba ako para masarap kayakap. Waaah!
Nung 220 lbs ako.
Nung 165 lbs ako.
Now.
Music :: Candy Shop - Madonna Book :: Voodoo Shop - Ruth Padel Mood :: anxious
Kahit meron akong daily planner, nagkakamali pa rin ako ng pagi-iskedyul ng mga dapat kong puntahan. Minsan kasi, tinatamad akong mag-consult sa daily planner bago ako umoo sa nag-aaya sa akin. Katulad na lang sa mga lakad ko this weekend.
June 13, Friday, ang unang schedule ng Pinoypoets general assembly. Saturday ang dinner namin ng FAMILIA. Sunday naman ang Dad's Kainan ng account namin.
Naurong nga pala ang general assembly ng Saturday, pero May pa lang naka-isked na sa daily planner ko ang FAMILIA dinner. At the last minute, nag-text ako sa FAMILIA na kung puwede na i-move sa Linggo ang dinner. Nagreply naman ang diyosa kong bestfriend na si Paul at nagsabing hindi siya puwede that day at baka dun ganapin ang 1st birthday celebration ng kaniyang unang pamangkin. Well, kung OK lang daw e dun na lang ang FAMILIA at i-move na lang ang dinner. Text naman ako sa ibang ka-FAMILIA about the new plan, at pumayag na sila.
Nag-text naman si Xam at nagre-request na pumunta ako (with Ernan) sa LIRA ng Linggo. Siya pala ang in-charge that day at wala si Madame Ergoe (na workshop director this year, congrats!). Oo naman agad ako at day-off ko naman kasi that day. So Saturday night nasa Pinoypoets ako, Sunday morning nasa LIRA naman, then sa hapon kina Paul na.
Pero putek at naalala ko ang Dad's Kainan ng Sunday, 6 PM! E sa may EDSA near Robinson's Galleria pa iyon, at sa Punturin, Valenzuela City ako, kina Paul, manggagaling. Waah! Hindi iyon posible!
So sa kagagahan ko, I have to drop the Dad's plan. Well, kailangan nilang ibigay sa akin, in cold cash, ang budget kong P400. Ako na lang ang kakain sa Dad's mag-isa.
Hay. Ano naman ang moral ng kuwentong ito?
Update: Hindi na Sunday ung celebration ng birthday ng pamangkin ni Paul. 1st birthday daw kasi, kaya dapat sa mismong araw ganapin. Dahil postpone ang lakad ng Familia, I can go to the Dad's event on Sunday night. And yes, I have to shell out additional 180 pesos. Goodluck naman.
Nakaraang taon sa araw na ito, abala kami sa pagtatapon ng mga gamit. Ito na nga ang kinatatakutan ng nanay ko. Sabi niya, nakakahiya daw na lumipat kami ng bahay at wala man lang kaming mailabas na gamit. Walang mamahaling refrigerator, walang sofa set, walang malaking TV, walang narrang aparador.
Ano lamang ang madadala namin sa aming lilipatan: binaklas na double deck (na ipinasadya pa namin sa aming landlord), dalawang lumang electric fan, mga banig at unan, isang Orocan na drawer. Un lang. Nakakatuwa kasi wala man lang kaming inupahang lipat-bahay na truck. Ginamit lang namin ang aming trusted trike. Inilulan namin ang ilang gamit dito, salit-salit kaming nagpapadyak ng tatay ko. Ilang beses lang na pabalik-balik, nadala na namin sa bagong lilipatang apartment ang mga gamit namin.
Mahigit dalawang dekada na kaming nakatira sa Mendoza Street, Malanday, Valenzuela. Maliit pa lang ako, pinapangarap ko na ang makalipat kami sa medyo maluwag-luwag na bahay. Hindi malaki na malapalasyo, kundi ung tamang laki lang.
Kural ang tawag ng tatay ko sa dati naming tinitirhan. Pito kami sa pamilya na nagsisiksikan doon. Isang hakbang lang, kusina na. Isa pang hakbang, sala na. Ang tinatawag naming kuwarto, ung double deck na me harang lang na kurtina na itinataas namin pag gabi. Nasa labas ng bahay ang banyo.
Nagsimula na ding tagasan ng tubig ang bahay namin. Kapag hinayaan namin, babahain ang loob ng bahay. Walang tigil ang pagtagas, kaya paggising sa umaga ng mga magulang ko, lilimasin na nila ang mataas na tubig. Ubos oras. Hindi na rin namin napakinabang ang sahig namin. Ilang folding bed na ng tatay ko ang kinalawang at nasira.
At ang baha. Napakalagim.
Mas malagim pala ang experience namin sa bully naming kapitbahay. Let them rot in hell.
Kaya nung makapag-ipon-ipon ako ng kaunti, talagang itinuloy ko na ang balak ko na maghanap ng lilipatan. Bahala na kung me ipambabayad pa kami sa mga susunod na buwan. Lalo at hindi stable ang account ko that time sa pinapasukang call center (hanggang ngayon naman, hindi pa rin daw stable).
Nang magkasakit at maospital ang tatay ko, mas naging masidhi ang kagustuhan kong lumipat na kami. Hindi na kami makakatagal sa lugar na iyon ng ilang pang buwan, ilan pang araw...
June 12, 2007, Independence Day, lumaya din kami sa dati naming tinutuluyan. Nandito na kami sa Viente Reales, Valenzuela pa din.
Hindi mansiyon ang nilipatan namin, tamang-tama lang na makahinga kaming pito. Nasa 2nd floor kami kaya hindi problema na babahain kami (commercial spaces ang 1st floor). Mas palagay na tuloy ako pag umuulan o bumabagyo, na hindi kami kailangang magtaas ng mga gamit, na hindi kami ilang araw na mababad sa tubig-baha. At ang mga kapitbahay, walang pakialamanan. Iwas tsismis. Iwas away.
One year na kami dito, at nag-sign na uli ako ng contract for another year. I can say na masaya kami sa desisyon na lumipat na. Ayokong isipin ang kinasapitan sana namin kung nagtagal pa kami sa dating apartment. Hay.
Kalayaan. Kasiyahan.
Music :: Tears Dry On Their Own - Amy Winehouse Mood :: contemplative
Pay day weekend pa naman, pero ang lungkot-lugnkot ng paligid. Nagpe-perform ang bandang Brownman Revival sa stage ng Italliani's. Maingay, maganda ang kanilang musika.
Tamang-tama lamang upang hindi marinig ang papatinding hikbi ng isang lalaking hindi sinipot ng kaniyang ka-EB, ang away ng dalawang lalaki dahil sa selos, ang isang lalaking humahabol at tumatawag sa matipunong lalaking laman ng kaniyang panaginip.
Sabado, nasa Pinoypoets General Assembly ako, na ginanap sa Figaro's Emerald Avenue. Kasama sina Kath and Emong, Nanoy and Ergoe, Emman Halabaso, Edz, Jonar, Xam, Sash and Maki, Siquey, Gracia, and newbies Alvin, Rose, and Viva.
*** Linggo, kasama ang mga katrabaho sa Dad's The Ultimate Buffet. Hindi kasi natuloy ang summer outing namin dahil mas maraming bumoto na mag-dinner na lang kami.
posted by GHV2 on
June 17, 2008 at
06:17 AM
as a
favorite post
Battered child ako. Ung kuwento ng isang baklang bata na ginugulpi ng kaniyang sundalong ama, kuwento ko rin un.
Ilang beses akong pinagbuhatan ng kamay ng tatay ko para daw matuwid ang aking landas. Lalaki daw ako, hindi babae. May lawit na dapat gamitin sa babae.
Pero bata pa lang ako, alam ko na iba ako sa karaniwang lalaki. Kinakabahan ako kapag magkatabi kami sa pila ng pinakamatangkad kong kaklase nung kinder. Tatlo kaming matatangkad sa klaseng iyon ni Mrs. Bunag: ung nognog na me kulot na buhok, ako, at ang pinakamatangkad na. Aliw na aliw ako sa bag niyang korteng hayop. Gustong-gusto ko na magkaroon ng ganun ring bag.
Sa kalaunan, hindi na lang bag na korteng hayop ang gusto kong magkaroon ako. Gusto ko na ng mismong pinakamatangkad (John Michael). Pinakamaliit (Chuvasco). Pinaka-cute(Jorell). Pinakamatalino (Salvador Dennis). Pinakamacho (Aristeo). Mas tumindi ang kaba ko kapag napapalapit sa kanila.
Ngunit mas nagalit ang tatay ko. Tumindi ang mga latay sa aking balat. Mas lumakas ang kaniyang boses sa mga panaginip ko: Lalaki ka. Lalaki ka. Lalaki ka.
Pagdating ko ng highschool, natuto na akong magkunwari sa kaniya. Na-master ko. Tibo ang tawag ko sa sarili: lalaki ang kilos sa bahay, girlie naman sa school. Mas naka-relate ako sa mga ikinikilos ko dahil marami akong katulad nung highschool. Sa section pa lang namin, mas marami pa kami sa lima. At hindi lang kami malalanding bakla! Matatalino kami. First section palagi (alam ko hanggang ngayon ay napaka-proud ng adviser namin sa aming lahat).
Highschool kami nagkita ng bestfriend ko hanggang ngayon na si Paul Allan. Ikinumpara ko ang sarili ko sa kaniya. Bakit siya, mas mapilantik sa akin, ay ni hindi nasisista ng kaniyang ama? Ang ama niya na palaging sinusundo siya sa motorsiklo. Ang ama niya na kini-kiss niya pag papasok na siya sa loob ng paaralan. Ang ama niya na sinasabihan siya palagi ng "I love you."
Alam ko sa loob ko na balang araw ay ipagmamalaki rin ako ng tatay ko. Mamahalin ng lubos. Nagsipag ako sa pag-aaral. Dumating ang panahon ng aming pagtatapos, at me award akong nakuha bilang isa sa matatalinong magtatapos ng highschool.
Class Prophet.
Tuwang-tuwa ang tatay ko! Alam kong hindi nasayang ang paghihirap niya sa akin. By this time, natigil na ang mga pisikal na abuso sa akin. Nag-mellow na. Ito na rin ang mga panahong nagkakaroon kami ng bonding time, katulad ng siya ang nagturo sa aking magluto. Ewan ko, siguro ito ang katuparan ng hiling ko kada New Year's Eve, na sana, kahit papaano, magbago ang ugali ng tatay ko. Nangyari nga. Salamat sa Diyos.
Ganun pa man, nagpatuloy ang mga pagpapaalala na lalaki pa rin ako. Pero malaki na ako at mas naging firm ako sa pagsasabing kakaiba ako.
Kakaiba ako kaysa sa iyo, tatay. At salamat sa iyo na mas naging matatag ako. Nauunawaan kita, pero hayaan mo ako sa pagtuklas ko ng natagpuang landas. Sa kadiliman ng landas na ito, kailangan kita bilang liwanag ko. Kailangang-kailangan.
Music :: Naked - Spice Girls Mood :: contemplative
Birthday ng bunso namin TODAY! Hay, 20 years old na siya ngayon. Pero parang nagsisimula pa lang kami sa buhay niya.
Our bunso has suffered the most: hyperthyroidism, speech defect, eye problem na nagko-cause palagi ng muta, weak teeth kaya madaling naubos, napilayan nung elementary siya (na muntik na maopera sa Ortho). Hindi ko tuloy napigilang umiyak na isipin na sa lahat ng ito, nakaya niya ang hirap.
At sana, palagi niyang tatandaan na hangga't kaya ko, palagi ako nakaalalay sa kaniya.
A new day with Ernan. After two months, nagbabalik ang aming tambalan. Unti-unting hinihilom ang mga sugat, inuunawa ang bawat isa. Sa bandang huli, ninanais naming makita ang pagsikat ng bagong araw.
***
Dapat nung March pa kami nakapunta sa SM Mall of Asia. Pero nangyari nga ang break-up. Hindi natuloy ang mga plano. Kagabi lang nangyari, pagkatapos makatanggap ng invitation si Ernan mula sa Kythe Foundation para sa mini-exhibit ng grupo doon.
Tumambay lang din kami sa may seaside. Walang bituin sa langit, pero kalmadong-kalmado ang Manila Bay. Hindi naman masyado maingay sa lugar kaya kahit papaano ay nakapag-usap kami ng masinsinan, habang kumakain ng paborito kong taho. Hehe.
Hindi na rin kami masyado nagtagal at maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Pero mauulit ito, pramis namin sa isa't isa.
Blame KC Concepcion, aka Cassandra, for this dream. Napanood ko kasi ang Boy and Kris episode kanina, na siya ang special guest. Launching ng kaniyang debut album. She's singing with a band.
Sana talaga mabigyan ako ng ganitong pagkakataon. Ung makapag-emote sa pagkanta, tapos babak-apan ako ng mga astig na musician. Ung titingin pa sa mga musikero bago bumirit ng high note, ung isnab look, ung titig model look...
Pramis, ito ang line-up ng mga kakantahin ko:
Huwag na Huwag Mong Sasabihin by Kitchie Nadal
Same Ground by Kitchie Nadal
Crazy For You by Madonna
Be Be Your Love by Rachael Yamagata
I Don't Wanna Miss a Thing by Aerosmith
Cry by Mandy Moore
Candy by Mandy Moore
Slave 4 U by Britney Spears
Umbrella by Rihanna
I don't have a good singing voice, but I believe I can carry a tune. Please, pakantahin nyo na ako...
Music :: Paper Doll - Rachael Yamagata Book :: Visible Signs - Lawrence Raab Mood :: amused
Lumilinaw ang usap-usapan, na ililipat na ang account namin sa isa pang call center sa may Eastwood. Oo, SITEL daw. May nag-apply daw na officemate ko sa kanila, pero hindi natanggap. Tsk, hindi daw sure na kahit galing ka pa sa same account, magkakandarapa ang vendor na kunin ka.
Sa September na daw ang start ng operations sa SITEL. Wala pa ring sinasabi sa amin ang mga superior. Hmm, mukhang kailangan nang maghanda sa biglaang announcement.
Ipon lang ng ipon. Sabi ko nga, matagal ko nang ina-anticipate ito.
Kakauwi ko lang from work, at I'm currently enjoying my tasa of hot ginataang mais.
Grabe ang lakas ng Bagyong Frank! 7 AM ang pasok ko kanina, at ang lakas-lakas ng pinagsamang powers ng hangin at ulan. Baha tuloy sa ilang lugar, katulad ng sa amin.
Basang-basa tuloy akong nag-report for work. Dapat pala nag-pekpek shorts na lang ako e. Hehe.
Sana wala ng bagyo bukas. Kawawa naman ung mga nasasalanta. Mag-pray po tayo.
Dahil konti lang ang email kanina, at boring ang schedule, nag-Wiki muna ako. I found this interesting article on giraffes. Read on:
Giraffe males often engage in necking, which has been
described as having various functions. One of these is combat. Battles
can be fatal, but are more often less severe. The longer the neck, and
the heavier the head at the end of the neck, the greater the force a
giraffe is able to deliver in a blow. It has also been observed that
males that are successful in necking have greater access to estrous females, so the length of the neck may be a product of sexual selection.
After a necking duel, a giraffe can land a powerful blow with his
head — occasionally knocking a male opponent to the ground. These
fights rarely last more than a few minutes or end in physical harm.
Another function of necking is affectionate and sexual, in which two
males will caress and court each other, leading up to mounting and
climax. Same sex relations are more frequent than heterosexual
behaviour. In one area 94% of mounting incidents were of a homosexual
nature. The proportion of same sex courtships varies between 30 and
75%, and at any given time one in twenty males will be engaged in
affectionate necking behaviour with another male. Females, on the other
hand, only appear to have same sex relations in 1% of mounting
incidents.
*Dahil sa Wikipedia galing ang info na ito, baka madaming magtaas ng kilay. Kung me animal expert man na nagbabasa nito, puwede ba paki-confirm ito? Tsaka kung lalaki ung animal expert na nagbabasa nito, paki-demonstrate? Hehe.
Music :: Battle - Colbie Caillat Book :: The Nanny Diaries Mood :: chipper
Naisip ko lang, hindi kaya response ni KC Concepcion, aka Cassandra, ang kanta niyang "Imposible" sa na-link sa kaniya before na si Rico Blanco.
Remember Rivermaya's song "Posible?"
My sister insisted na kanta for Globe Telecoms ung kay KC, just like the Rivermaya's song before, pero hindi e. Tungkol sa break-up ang kanta, at moving on with life.
Listening to KC's song closely, I think me sample ng kantang "Posible" ng Rivermaya. The drum beats, the echoing sa last part ng song.
Hmm, kung totoo ang teorya kong ito, naging sila nga kaya talaga ni Rico? At ang album na "Beneath the Stars and Wave" ay para sa anak ng Megastar?
Ang suwerte naman. Hehe.
IMPOSIBLE (music and lyrics by Jude Gitamondoc published by Mangyan Tunes and Music ‘R Us Publishing)
Akala mo hindi ko kaya Ang iwanan at limutin ka Akala mo, akala ko Akala nating dalawa Tayong dalawa.
Eto ka na naman Walang alam, walang pakialam Di mo ba nakikita sa ‘king mga mata?
KORO. Hindi ako nasasaktan Hindi kita kinakailangan Hindi ako nagdaramdam IMPOSIBLE! Pag-ibig mo’y limot ko na Hindi kita naaalala Hindi na ‘ko aasa pa IMPOSIBLE!
Ang labo mo namang kausap Di mo pa ba nakukuha? Hoy, naririnig mo ba ako Pakiusap, pakiusap naman
Wag ka nang magtanong Pakinggan mo na lang itong binubulong Ng puso ko sa puso mo At hindi itong sinasabi ko, woahhh…
(KORO maliban sa huling linya, patungong Tulay.)
Imposibleng mangyari ‘yan Hinding hindi, hindi mo ba alam: Tanging ikaw lang sa puso ko Sa isip at gunita ko…
(Ulitin ang KORO I, patungong Koda.)
Koda. Sa bawat araw at gabi Hinding hindi kita naiisip Kahit man lang isang saglit IMPOSIBLE! Pilitin mang limutin ka Ngunit hinding hindi magawa Paano nga ba magawa Ang IMPOSIBLE?
Nakakainis! Natapat pa sa day-off ko ung June Birthday Celebrators party ng HTMT. Inaabangan ko talaga ito, kasi bukod sa tsibugan, baka last time ko ng maka-attend sa ganitong HTMT celebration. Hay.
Ano kaya ang give-away nila this time? First year ko kasi doon, C-Cubed (dating name ng company bago nabili ng HTMT) White Umbrella (na ilang beses lang nagamit dahil nabali agad sa konting hangin ang handle). Second year ko naman, HTMT mug (na madaling nabura ang tatak na HTMT, ilang hugas lang). Me free burned CD pa pala na kasama nung mug, na puro pang-relax na music.
Hay, isa itong celebration na ito ang mami-miss ko. If ever. If ever na i-aanounce na it's time...
***
I also got my annual increase na sa suweldo ko. Mas mataas yata ang natanggap ko this year. Sana magpatuloy lang ang blessings. Anyway, gusto namin (kami ng mga officemate ko) magparinig sa HTMT admin: SANA ITAAS NAMAN NINYO ANG RICE SUBSIDY. Mataas na ang presyo ng bigas e. Sana i-consider.
***
Wala pang schedule for next week pero sana day-off ko ng Lunes. Grabe sked ko this weekend:
1 AM to 10 AM - Saturday duty
Dinner para sa Fourth Year ng Pinoypoets (Saturday night)
Bigla na lang ayaw gumana ng letter A sa keyboard kaya hindi ako nakapag-type ng tula kahapon. Hello, napakahalaga pa naman ng letter A sa wikang Filipino.
At un pa, magagastusan pa ako ngayon tuloy. Nakapagtabi pa naman ako ng sobra-sobra sa allowance ko dahil nagbabaon ako pag morning shift ako. Balak ko sanang ibangko, pero un nga, kailangan ko tuloy bumili ng bago. Ewan ko nga ba kung bakit bigla na lang nagkaproblema ung letter A na un. Lahat naman ng ibang keys gumagana, at bago nag-malfunction ang letter A, mga two hours na ako gumagamit ng PC. Hay.
E kung tutuusin, ginawa ko na ang lahat para hindi iyon masira. Me cover pa siyang plastic para hindi matapunan ng tubig or ng piraso ng pagkain. Pero un nga, nasira pa din.
Ganun nga yata talaga nu? Na kahit anong klaseng pag-iingat mo sa isang bagay, bound talaga siyang masira. Limitado ang existence. Some exceeds expectations, pero lahat bound to changes. Either improvement or destruction.
Dahil dito, natutuhan ko to appreciate things more. Nothing is permanent. You take care of some things, and when the time comes, learn the need of letting go. You may get a replacement for the lost thing, but this is not always the case.
(The new keyboard I bought, A4TECH ang tatak. Sabi kasi ng techie friend ko, un ang bilhin ko.)
posted by GHV2 on
June 30, 2008 at
05:18 PM
as a
favorite post
Salamat, apat na taon na ang Pinoypoets. Nandun pa rin ang mga oldies, ang nabuong friendship. Kahit ang iba ay nasa malayo na (Ate Kai! Miss you!) at nasa malayo talaga (Archie! Edgar! Mel! at iba pa), parang kasama pa rin namin sila.
Half the world is sleeping Half the worlds awake Half can hear their hearts beat Half just hear them break
I am but a travler Been most everywhere Ask me what you want to know
Chorus: What a journey it has been And the end is not in sight But the stars are out tonight And theyre bound to guide my way When theyre shining on my life I can see your better day I wont let the darkness in What a journey it has been
I have been to sorrow I have been to bliss Where Ill be tomorrow I can only guess Through the darkest desert Through the deepest snow Foward, always foward I go
(repeat chorus)
Bridge: Foward, always foward Onward, always up Catching every drop of hope In my empty cup
(repeat chorus)
What a journey it has been
WE ARE FAMILY by SISTER SLEDGE
(CHORUS) We are family I got all my sisters with me We are family Get up ev'rybody and sing
Ev'ryone can see we're together As we walk on by (FLY!) and we fly just like birds of a feather I won't tell no lie (ALL!) all of the people around us they say Can they be that close Just let me state for the record We're giving love in a family dose
(CHORUS x2)
Living life is fun and we've just begun To get our share of the world's delights (HIGH!) high hopes we have for the future And our goal's in sight (WE!) no we don't get depressed Here's what we call our golden rule Have faith in you and the things you do You won't go wrong This is our family Jewel