Entries for July, 2008
posted by
GHV2 on
July 3, 2008 at
04:03 PM

Ang alam ko, si Jessica Zafra nagka-count ng books na nabasa niya na may character na Filipino, or basta nabanggit ang Filipino or the Philippines.
Ako naman, katatapos ko lang basahin ang "The Nanny Diaries" at nabanggit doon ang Filipino:
After lunch Caitlin takes me around to meet the other nannies in the playground, most of whom are Irish, Jamaican, or Filipino. They each give me a quick, cold appraisal and I get the sense I won't be making a lot of friends here.
- Nanny
Sinimulan ko naman agad ang pagbasa ng "Bridget Jones: The Edge of Reason." Nabanggit uli ang Filipino dito:
Bridget. Do you have any idea what sort of night I've had? I had this boy trying to strangle his mother in the kitchen, the police and ambulance round, tranquilizer darts, drives to the hospital, hysterical Filipinos all over the house. I mean I'm really, really sorry you had to go through all that, but so did I and it was hardly my fault.
- Mark Darcy

Sa parehong libro, nanny/helper/housekeeper ang role ng Filipino. Funny, ni hindi ako na-offend. Kasi totoo naman. And we should be proud of this truth. Si President George W. Bush nga, talagang ipinagdiinan kay Pangulong GMA na Pinay ang chef niya, na everytime na kumakain siya, naaalala daw niya ang mga Fil-Am. Si pangulong GMA naman, yes lang nasabi. Dapat sana, naging ecstatic ang ating Pangulo.
Ako, proud ako sa mga Pinoy! Ampanget naman na ikakahiya mo kung ano ang totoo.
Music :: Future Lovers - Madonna
Book :: Bridget Jones: The Edge of Reason
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 4, 2008 at
06:17 AM

One time, naghahanap ako ng perfect gift para sa good friend ko na si Simon. Birthday niya kasi, and we would meet sa gabi for his dinner treat. E katatapos lang naming itanim sa garden ng nanay niya ang birds of paradise na hiningi niya sa akin. So naisip ko something green-and-living ang iregalo sa kaniya.
Naisip ko na perfect iregalo ang cactus sa kaniya. So dumaan ako sa nagtitinda ng mga halaman na walking distance lang sa amin.
Akala ko walang tao, hanggang sa makita ko ang isang lalaki na nasa hagdanan, nagpu-prune ng puno. Siyet, nanlalagkit sa pawis ang mama! Lapad ng likod! Semikal at mukhang promising!
"Ah hello!" bati ko sa kaniya. Paglingon niya, nahirinan ako. Promising nga! Me bigote pa!
"Anu yun ser?" tanong niya sa akin, pababa na siya ng hagdanan.
"Ah eh, naghahanap kasi ako ng.. ah ah.. meron ba kayo ng... cactus?" Nakalapit na siya sa akin. Magkatapat na kami. Syet, di siya masyado matangkad, pero namimintog ang muscles na banat sa trabaho! Ang nipples! Sarap!
"Ah COCK-TUS ser?"
"COCK-TUS?"
"Oo ser, COCK-TUS."
COCK-TUS talaga ang rinig ko. Inulit niya pa talaga. Potah nanghina ang mga tuhod ko.
"Ah ser, wala na kameng COCK-TUS e." Tapos punas siya ng pawis. "Naubus na pu."
"Oh!"
Bakit parang ang dami niyang pawis? "Ponta po kayo dun sa may Malenta, me powisto den kame dun. Sobokan nyu pu dun."
"Oh! Sayang, wala kayung... COCK-TUS."
Siya na lang sana, mukha siyang thorny.

Music :: Angel - Natasha Beddingfield
Mood :: cheerful
4 Said So
posted by
GHV2 on
July 5, 2008 at
05:18 PM

Nagkita kami ng kontrobersiyal na Makoy kanina sa Booksale-Cubao. Naghahanap siya ng nobela ni Margaret Atwood, ako naman naghahanap ng poetry book. Nauna siya sa "You Are Happy" ni Atwood, na akala ko ay isang nobela. Sabi ni Makoy, pa-virgin pa si Atwood sa picture nito sa likod na pabalat. Hindi exposed ang leeg. Hehe.
Sinamahan ko din siya sa Booksale-Farmers, at dahil parehong gutom e kumain na din kami. Naki-Paotsin na rin siya, libre niya ang drinks ko. Dahil naisip kong i-blog ang pagkikita namin, kinuhanan ko siya ng pictures habang kumakain:

Habang sakay ng bus, kuwentuhan lang tungkol kina Jorie Graham, Louise Glück, ang paborito kong si Mark Doty, ang bago niyang paborito na si Li Po, ang na-snatchan ang celphone na si Ser Egay, at kung ano-ano pa.
Habang may isang umamin diyan na crush niya ang lolo Makoy mo. Hehe.
***
Text of the day:
MISS GAY Q & A
JUDGE: To what thing do you compare your penis?
Gay 1: Sleeping pill. Never wakes up!
Gay 2: Rat. Scared of pussies!
Gay 3: Dinosaur!
Judge: WHY??????!!!!!!!!!!!!!!!!!
Gay 3: It no longer exists!
Panalo!
Music :: Easy to Love You - Stacie Orricco
Show :: UAAP Opening sa Studio 23
Mood :: bouncy
8 Said So
posted by
GHV2 on
July 7, 2008 at
05:15 PM

Ayan ha, Ser Rio, nagsakit-sakitan ako para maka-attend sa palihan ng fellows. Hehe.
Parang kelan lang, na kaming batch Sidhay ang tinatarayan ng mga LIRA member, ng isang Rio Alma. Tapos ngayon isa na rin ako sa mga nagbibigay ng review sa kanila.

Mula sa kuwarenta, kumonti na sila sa beinte dos. May sinopla, may nambara, may inokray, at iilan ang napuri. Isa si Noel sa nakikita namin ni Xam na me potensyal sa batch. Ngayon pa lang, epektibo na ang kaniyang pananalinghaga. Sana magiging matatag sila hanggang sa pagtatapos ng poetry clinic.
Kudos kay Madame Ergoe Tinio, ang workshop director this year, sa lahat ng effort. Try ko makapunta sa mga susunod na palihan/lecture. Sana ma-accomodate ng schedule ko.
*Kuwentong LIRA: Conrats kina Ser John Torralba at Lyra Salangga, na ikakasal na sa July 12. Congrats din kina Mam Becky Anonuevo at kaniyang fiance.
*Mwah mwah mwah sa Kuyatot ko, na sinundo ako kahapon. Masama talaga ang pakiramdam ko e. Ang ganda-ganda ng feeling ko kahapon, habang hawak-kamay ko siya sa paglalakad papuntang sakayan.
Music :: Curtains - Janet Jackson
Mood :: accomplished
10 Said So
posted by
GHV2 on
July 9, 2008 at
04:56 PM
Good morning. Upper Management will meet ALL B__CKB___ER Team members at 4:30 AM Manila of Thursday, July 10. The details have not yet been disclosed. Since your original schedule will not allow you to attend, please come in by 4:30 AM Manila of July 10. If you are on a day-off, you have an option to either solely attend the meeting and charge it as OT, or take the 4:30-1:30 shift which will compensate your LWOP. If you were scheduled for a later shift, you may take the 4:30-1:30 shift. Thanks.
(Ito na. The end na. The end na.)
Anything?
posted by
GHV2 on
July 10, 2008 at
07:03 AM

Hindi natuloy ang meeting kanina.
Nagtext uli si Ser na ire-reschedule ang meeting, possibly before Monday. Still, wala pa ring detalye.
Pinangunahan ko na. I've texted friends, sabi ko mawawalan na ako ng trabaho.
Some officemates still remained positive. Last week pala, in-aanounce daw na tuloy na ang pagiging regular namin sa trabaho. After all three years of staying with them.
Overdue na yata. Matagal na naming nire-request iyan, na i-process na nila ung papers namin for regularization. But the Upper Management kept on denying our request, saying that the account was just a minor account, that regularization of employees means the account has hundred seats, etc.
Tapos bigla-bigla, ni-regular kami. Palagi na nga nila sinasabing hindi kumikita ang account. Ngayon pa kami ni-regular.
Actually, I'm thankful. Pero kung sana sinasabi nila agad na ni-regular nila kami para pag nawala ang account, bonggang-bongga ang benefits namin. Mas maluluguran ako sa ganun.
Pero itong hulaan issue na ito, na kung ano ang pagmimitingan ng buong team, it makes it worse. Bakit uso sa kompanya namin (or baka sa naha-handle lang ng boss ko, based on past experiences) na sasabihan na lang ang ahente na huwag mag-log in kasi wala na ang account? Ganun rin ba sa ibang call center?
What we need are answers. Na sana diretsuhin na kami agad. Tanggap naman namin na walang permanente sa call center industry e.
So we can all move on with our lives. So we can find a new job agad. We have mouths to feed, mahirap na mahirap pa naman ang buhay ngayon.
Kayo kasing mga nasa Upper Management, mare-retain e. Mabuti pa kayo.
Mood :: aggravated
Anything?
posted by
GHV2 on
July 10, 2008 at
08:01 AM
Sige, pampalamig-ulo muna ang panonood ng mga ito:

7 Said So
posted by
GHV2 on
July 11, 2008 at
06:54 PM
May nakatabi ako kanina sa bus pauwi. Eye candy. Tapos ang napansin ko sa kaniya, ang hahaba ng mga daliri niya sa kamay.
Natakam tuloy ako.
Pag mahahaba ba talaga ang mga daliri ng isang lalaki, sobrang haba din ng ano?
9 Said So
posted by
GHV2 on
July 13, 2008 at
06:57 AM

Miss Universe na bukas!!!!!!!!!!!!!!!

Todo build-up ng ABS-CBN Channel 2 kay Ms. Philippines Jennifer Barrientos. Aba dapat lang! Sana nga manalo siya. Dapat kasi si Janina na lang ipinadala e. Sure na sure na ang pagkapanalo. Haha.

Nakita niyo na ung crown this year? Errr, di ako nagagandahan. Mas maganda pa rin ang Mikimoto crown.

At ang ganda-ganda ni Riyo Mori ngayon ha. Parang ako lang na effortless. Parang ako lang pagbangon ko mula sa pagkakatulog.

E nakita niyo na ba si Miss Universe 1996 Alicia Machado? Eto na siya ngayon.

Latest: Nanalo si Miss Venezuela. Kainis kasi ayoko sa kaniya, halatang retokado beauty siya. Paging Artificial Beauty, me gaganap na para sa Venezuelan version ng series.
Hindi panahon ng Asian beauties! Pinagbigyan lang si Miss Vietnam (haler!) at si Miss Japan (dahil ke Riyo). Panahon ng South American girls. Kainis kasi sa Top 5, bet ko si Miss Mexico na ang ganda ng ayos ng hair, at ng sagot sa Q&A. Next si Miss Russia para wala lang, para maiba. Pero talagang si Miss Venezuela e. Nag-top a naman sa swimsuit (kagaya ni Riyo last year).

Anything?
posted by
GHV2 on
July 14, 2008 at
04:52 PM
posted by
GHV2 on
July 15, 2008 at
04:59 PM
Just For Laughs ang palabas kanina sa bus na nasakyan ko pauwi. Kahit masamang balita na sampung piso ang nadagdag sa pamasahe mula Cubao pa-Dalandanan, e humagalpak naman ako sa katatawa sa Canadian gag show na ito.
Dati naman, me nasakyan akong bus na ang palabas ay ang Porkchop Duo. Kahit gasgas na ang ilang joke nila at talaga namang slapstick ang klase ng kanilang pagpapatawa, kulang na lang gumulong ako sa kakahalakhak.
Sana lahat ng bus, ganitong klase ang mga palabas sa TV nila. Hindi soft-porn (katulad ng sa nasakyan kong bus noong madaling-araw papasok sa work).
Kailangan kasi nating tumawa. Tumawa ng tumawa, kasi gusto na nating mag-asawa.

Music :: Fools Like Me - Vanessa Carlton
Book :: A Visit to Civilization - Sandra McPherson
Show :: Naruto - Channel 2
Mood :: bouncy
Anything?
posted by
GHV2 on
July 18, 2008 at
08:14 AM

Me nakatabi akong nursing student sa bus nung isang araw pauwi galing trabaho. Sa Fatima (Our Lady of Fatima University) siya bababa.
I never liked male nurses. Sobra silang vain! Sabagay, baka hindi rin nila ako gusto. I'm so ugly! Hehe.
I think nakipag-date ako sa dalawa or tatlong nurse/nursing student dati. Sobra silang conscious sa itsura nila, basta masyado sila aware sa physical nila. Teorya ko lang ito ha, pero siguro kasi masyado silang conscious sa pagkaputi ng uniform nila, na masyado silang napa-paranoid kung me bahid lang ng tuldok na dumi.
Tsaka masyado sila paimportante. Hmp. P-R-I-M-A-D-O-N-N-A. Naalala ko, ipinagmamalaki ng date ko dati na big deal ang pagiging nursing student niya. Well, goodluck naman.
I'd rather go for a doctor. I feel safe with them, well, healthwise. Na kapag may health problem ang isa sa family, i-dial ko lang number ng doctor-bf ko then maaayos na ang lahat. Un nga lang, wala akong nai-date na doctor.
Sabi ng friend ko, pag naging jowa mo ay isang doctor, kalaban mo naman ay time/schedule niya. Masyadong hectic.
Ung propesyon ng past BFs ko: writer, banker, advertising man, call center agent. Ung current (at last na sana!), liaison officer.
I also have the share of -ER dates: jeepney driver, tricycle driver, bagger, waiter... The worst was the bagger. Me trauma na ako sa guy na ganyan ang work.
Bukod pala sa doctor, nangarap akong magka-date (eventually magka-BF) ng violinist (wanted: Coke Bolipata, puwede na din ung sa Silent Sanctuary), painter (hmm, frustration ko kay Jepoy Soriano), poet (Angelo Suarez o kaya Egay Samar), lawyer. At least ang natupad ay ung poet BF (ung call center agent guy ito).
Isa sa qualities pala na hinahanap ko sa BF ko, ung singkit. Ewan ko ba, nagwagwapuhan ako basta singkit. Not necessarily Chinese or Japanese. Basta singkit. Sa apat na EXes ko, walang singkit. Ung current, hindi din.
Music :: Say It Again - Natasha Bedingfield
Mood :: calm
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 19, 2008 at
04:46 AM

It's official: May dry spell ako sa pagsulat ng tula.
Nothing seems to literally excite me. Mas nagiging focus ko ang relationship ko with Kuyatot, ang work. My Muse is away.
I'm going to LIRA tomorrow, may scheduled lecture si Miss Conchitina Cruz about line cuts. I worship her Disappear and Dark Hours books.
Today, pupunta kami ni Kuyatot sa Kanlungan ni Maria, courtesy of Hands-On Manila. Ito ung home for the aged sa may Antipolo. Na-feature ang founder nito sa Proudly Filipina. I'm hoping to hear the stories of the lolos and lolas of Kanlungan, be truly inspired by them.
I told Xam na lately, ang mga tula ko ay nabubuo sa pananaginip ko, na paggising ko, nandun na ung desire to write the poem down. Buo na siya sa panaginip pa lang.
Tantric ako pag ganun. Tuloy-tuloy ang pagsusulat.
I bought a new ballpen, sky blue ang kulay niya. Isang tatak lang naman ang binibili ko. MonAmi Lovepet. Sabi ng puso ko, dapat bumili ako ng bagong ballpen. Kaya heto.
Muse, bumalik ka na. Come to Mamma Mia!
Music :: One and Only - Mariah Carey
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 24, 2008 at
06:18 PM
Na-infect ang PC ko ng Trojan. Ung red wallpaper at nagsasabi na "Your privacy is in danger."
Ngayon ko lang naayos.
Next time na ung mga latest tsika. Dami ko pa naman ikukuwento. Hehe.
Anything?
posted by
GHV2 on
July 26, 2008 at
06:03 AM

Been tagged by the beautiful Subtlebliss... Here it goes!
1. If your lover betrayed you, what will your reaction be?
-- Magagalit nang bonggang-bongga. Goodbye sa kaniya kaagad. As in.
2. Who will you choose, the person who loves you or the person you love?
-- Person I love. Ayokong makasakit ng iba e. Friend na lang ung sa person who loves me.
3. What's your take on same-sex marriages?
-- No no no. It's dealing more sa pagiging legal ng pagsasama. I'm more into love. E ano kung di kami kasal?
4.Are you inlove?
-- Yes yes yes
5. What's your ideal lover like?
-- Pwedeng exact persons na lang? Minsan, si Angelo Suarez. Minsan, si Jepoy Soriano. Madalas, ung bida sa El Cuerpo.
6. Loving someone or being loved by someone else?
-- Hmm. Loving someone. Kahit ako na ang masaktan. Been there, done that.
7. If the person you like does not accept you, would you continue to wait for them to change their feelings?
-- Er..... Yes. Ginawa ko na e.
8. If the person you secretly like is already attached, what would you do?
-- Sa isip ko, aagawin ko siya. While secretly wishing na ako ang current beau niya.
9. Is there anything that has made you unhappy recently?
-- Yes. Family concerns.
10. What do you want most in life?
-- Sorry sakim ako. Basta mabuti kaming lahat sa lahat ng aspekto ng buhay.
11. Is being tagged fun?
-- Keri lang.
12. Name people you cannot live without?
-- Family. Kuyatot.
13. Who is currently the most important person to you?
-- Many to metion (hihihi!)
14. What do you think of the person who tagged you?
-- Sa Tabulas lang kami nagkakausap e. Pero cutie siya.
15. Would you rather be single and rich or married and poor?
-- Sabi ni Greta, mas gusto niya ang rich. Rich! Rich!
16. If the person you secretly like cannot recognize you anymore, what would you do/how would you react?
-- Masa-sad. Papakilala na lang ako ule.
17. Would you give your all in a relationship?
-- Mga 60%. Dati 100% talaga. E lagi lang naman ako umiiyak.
18. If you fall in love with two persons simultaneously, who would you pick?
-- Would you pick what? The one who'll fight for me, for us.
19. What type of friends do you like?
-- Fun to be with, mga simpleng tao lang. Ayoko ung parang &^*!&^*&^(&(^%**^*!!!
20. If you played a prank on someone, and he/she fell for the trick, what would you do?
-- Gagalingan ko sa moment na sasabihin ko na "Nayari ka!"
Music :: One Fine Wine - Colbie Cailliat
Book :: Poetry Magazine
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 26, 2008 at
06:40 AM
as a
favorite post
Finally, nakarating na din ako ng Kanlungan ni Maria. Siyempre kasama si Kuyatot ko. I'm thankful na nakasama ako sa isang hapong pamamasyal ng elders sa MMLDC sa Antipolo City. Nagkaroon pa ng bird show, tapos inilibot na namin ang mga lolo at lola sa Aviary ng MMLDC. Salamat din kina Aries at Letlet (lovable couple!), Marie (na talagang tsinika namin ang lovelife), kina Mommy at Leanne (salamat sa ride), at sa HOM pips. Kitakits uli!

















Napansin ninyo ung foreigner sa ilang pictures? Siya si Juris, from the Netherlands. Brilliant mind. HOM volunteer din. Nakakatuwa, kasi nung nakita siya ng mga lola, sabi nila may Amerikano daw kaming kasama. At talagang nag-flirt ang mga lola ha! Ung mga simpleng pasulyap-sulyap pag nasa malayo si Juris, o kaya phot-op kasama siya. Ung last pic, si Lola, talagang na-love at first sight kay Juris! Sobra!
Music :: It's Not Over - Daughtry
2 Said So
posted by
GHV2 on
July 28, 2008 at
07:26 AM
Natuloy na din ang treat ni Nanoy kagabi. Dapat kasi ay last week pa un. So after the LIRA palihan, nag-dinner kami sa Ken Afford sa may Katipunan then lakad na lang sa kalapit na Xocolat for some chocolate mania. Present sina Xam, Nanoy at Ergoe, Kath and Emong, Siquey, at ako.
OK sa Xocolat, very very relaxing ang ambience. Nakakagana tuloy na pag-usapan ang mga tula, pero ansarap na ding matulog na lang sa malambot na couch nila. The chocolate drink, superb. Try ninyo ang White Chocolate nila. Heaven!
Ayun, me napagdiskitahan kami ni Xam na cutie guy na nasa kabilang mesa. Ang cute naman niya talaga. Hehe. Feel nga namin, alam niya na kinikilig kami sa kaniya. (Kuyatot, crush lang naman e. Hehe.)

Music :: Here I Am - Leona Lewis
Anything?
posted by
GHV2 on
July 29, 2008 at
07:06 PM
60th birthday ng daddy ko bukas!
Wish ko, as always, good health para sa kaniya.
At lagi, nandito ako para sa iyo!

Anything?
posted by
GHV2 on
July 29, 2008 at
07:15 PM

In celebration of its fourth anniversary, Pinoypoets, in partnership with Filipinas Heritage Library, invites you to OUR LOVE FOR GLOVE DOVES: A Cognitive Poetic Approach to Why We Rhyme the Way We Do by Paolo Manalo, award-winning poet and best-selling author of Jolography.
The lecture will be on August 16, Saturday, 4 PM, to be held at the Filipiniana Section of the Filipinas Heritage Library, Ayala Triangle, Makati City.
For details, please email pinoypoetsgroup@yahoo.com or contact Romel Samson through 09166390640 and 09297853276.
4 Said So
posted by
GHV2 on
July 31, 2008 at
03:38 PM
Sige, hate ko ang sked na 2 AM ng madaling-araw. Antagal ko na naghintay ng aircon bus sa may amin sa Dalandanan. Me mga dumadaan naman pero pa-garahe na sila. Kainis. Napilitan tuloy akong mag-jeep na lang pa-Monumento. Pagdating dun, me scarcity din ng aircon bus! Grabe na ito! More or less, 30 minutes akong naghintay, pinanood ko na nga ang mga kakengkoyan ng mga prosting tumatambay sa Araneta Square.
Prosti: Pssst.. Pssst...
Rhodge: (Snob) (Snob)
Prosti: Pssst... Koya... Pssst...
Rhodge: (Deadma) (Deadma)
Prosti: Pssst.. Pssst...
Rhodge: Potah! Pareho tayo ng hanap, landi!
Music :: 4 Minutes - Madonna and Justin Timberlake
Mood :: annoyed
5 Said So