Entries for September, 2008

Tina's Post-Bday Celeb
posted by GHV2 on September 2, 2008 at 04:37 AM

Ayan, ipinagluto kami ni Tina (girl in red) para sa kaniyang delayed-telecast na birthday.

Pero bago un, nagkita muna kami ni Kuyatot sa SM Marilao para bumili ng gift. Ang galing ni Kuyatot, kahit hindi ko sabihin kung nasaan akong store, alam niya na kung nasaan ako. Hehe.

Dumating si Rizalene (na mukhang blooming na ngayon), kami ni Kuyatot, at pinsan ni Tina na si Ana.

Tatlong kilong spaghetti yata naubos ko! Si Kuyatot panay kantiyaw e. Si Tina kasi, ubusin daw namin ung handa.E masunurin ako. Haha!

1

3

e

yy

Anything?



Last na talaga!
posted by GHV2 on September 2, 2008 at 05:05 AM

Nilakad ko kanina ang clearance ko sa HTMT. Tatlo pa lang ang signatories at kailangan kong bumalik sa Wednesday kasi 10 AM ung ibang pipirma. Sakto kasi sa hapon naman ang swimming/farewell party ng BB. Na-move to Wednesday, Saturday sana.

Dinala ko ung digicam para magpiktyuran kami. Eto ung mga naunang agent na nakatapos sa exit interview kanina.

[Salamat at pasensya kay Miss Charlotte Palma sa mga pinagsasagot ko sa kaniya sa exit interview. Hehe. Saka na ako magpo-post ng reflection sa tatlong taon kong pagi-stay sa HTMT. September 1 pala ang anniversary ko.]

 

1

2

e

e

ee

tt

rr

hh

e

ww

rr

dd

hh

ss

dd

dd

Anything?



Tulaan
posted by GHV2 on September 2, 2008 at 07:02 PM

Great day, kahit maulan!

Sinadya ko si Sir Jerry Gracio sa kaniyang opisina na malapit lang naman sa may amin. Dala-dala ko ang tatlong tula ko, na gusto kong ipabasa sa kaniya.Ilan sa mga ito ay nabasa na rin niya sa Sidhay folio.

Bukod doon, sinabi (o isinumbong?) ko ang mga problema ko sa pagsusulat. Mga good at bad habits ko. Ang mga challenge na ibinibigay ko sa aking sarili.

At andami niyang ibinahagi sa akin tungkol sa pagsusulat! Wow, at ipinabasa niya pa sa akin ang kaniyang koleksyon na Aves, na nanalo sa Gawad Likhaan at ipa-publish pa lang ng UP Press. Kaabang-abang ang koleksyon na ito!

Sana maulit ang chance na makausap ko uli si Sir Jerry! Sana...

Anything?



Swimming/Farewell Party Mamaya
posted by GHV2 on September 3, 2008 at 06:05 AM

10 AM ako darating sa HTMT today para magpapirma ng clearance sa HR.

Tapos dun na muna ako mag-stay kasi 2 PM ang alis ng BB agents papuntang Cattleya Farm Resort sa Antipolo. Sa Saturday ito sana, pero na-move ngayon ang swimming/farewell party namin. Sayang at hindi makakarating ang ibang batchmates ko.

c

Overnight iyon, pero malamang matulog lang ako. Medyo masama ang pakiramdam ko e. Tsaka baka maging sirena ako pag masyado nagbabad sa tubig. Magiging Marian na ako nun. Aw!

Sana ma-inspire ako na gumawa ng tula sa resort. Over-looking daw ang tanawin dun. The famous Antipolo experience.

Sayang at hindi ko maisasama si Kuyatot ko. Me pasok siya kinabukasan e.

Speaking of Kuyatot, pareho pala kaming naging naughty kagabi! For the first time, nag-SOP kami. Haha! Ipagpasensya at ang antagal na ng aming last chorvaloo. Grabe pa naman ang inet kagabi. Parang disyerto na ang aking katawan. Kulang sa dilig. Harhar!

***

Hay sana makahanap na ako ng work.

Tapusin ko lang itong week na ito at ariba na ako sa pag-aaply.

Para maging maayos na ang lahat. At maging kalmado na ang dagat.

Mood :: awake

Anything?



Closing Time
posted by GHV2 on September 4, 2008 at 07:08 PM
as a favorite post

Natapos ko rin kahapon ang pag-file ng clearance ko sa HTMT. Follow-up na lang daw after three weeks for the back-pay. Salamat HTMT sa lahat-lahat.

***

Sakto sa pagdating ng car ni Doc Ryan ang pagtatapos ng pag-file namin ng clearance, kaya nakasabay ako sa kaniya papuntang Cattleya Farm Resort, ang last pit stop ng BB. Kasama niya ang kaniyang GF na si Me-Ann na napanood ang aking Wheel of Fortune guesting. Haha! Kasabay din namin ang fellow BB agents na sina Julie Pearl at Jim Patrick.

1

Isa kami sa mga naunang nakarating sa resort. Maganda naman ang nakuhang venue, overlooking pa sa kabuuan ng city. At ang bahay na tutuluyan, ang engrande! Sarap magkaroon ng ganung lugar, tapos magpapa-residency ako sa mga writers every summer. Hay ang mga pangarap.

dd

Sad to say, may mga ilang agent na hindi nakarating, at ilang ex-agents ang nakapunta. Salamat Anna, Rod, Tya Beth, Earl, at Nico.

s

Kainis lang kasi nag-press release si TL Marvin na baka dumating si Ser Sam. So kinilig to the bones naman ako. Inireserba ko ang battery ng aking digicam para sa pagkakataong magpa-picture kasama siya. Un sana ang ultimate last part ng aking chronicles about Ser Sam. Pero, ayun nga, hindi siya dumating. Hay hay buhay.

 dd

Anyway, kailangang magsaya. Huling huling hirit na e.

Sa mga nakisaya sa amin sa farewell party na ito, maraming, maraming salamat.

Kay TL Marvin, God bless.

Kay Strasse, stay healthy.

Kay Raul, mahalin mo na si L. Stay groovy!

Kay Noel, jam lang ng jam.

Kay Nirio, all the best! Ikaw ang aking PC guru. Sana makulit pa kita ng madalas regarding computer skills.

Kay Anna, ang pinakamayaman sa lahat ng agents ng BB. Penge pera.

Kay Rod, good luck sa pagbabalik-school next semester. Alagaan mo si Donna.

Kay Tya Beth, solid Ron pa rin tayo!

Kay Nico, stay as sweet as you are.

Kay Earl, ampayat mo na!

Kay Miss Mel, ay siya pala ang pinakamayaman sa lahat ng BB agents. Penge din pera.Salamat sa mga comfort na ishinare mo sa amin.

Kay Jen, good luck sa paglipat mo sa Sony.

Kay Doc Ryan, totoo bang mas maganda gamitin ang mahal na toothpaste? Kailan ang kasal?

Kay Jim Patrick, nung swimming lang talaga tayo nakapag-usap na mag-ate. Haha! Goodluck sa pangingibang-bansa mo. At tinalo mo ako, andami mong lovelife!

Kay Jermae, happy ending sa isang long distance relationship.

Kay RJ, boyfriend na bagay sa iyo. Diyosa ka kasi.

e

Kay Gin-Gin, I really hope na magka-baby na kayo ni hubby this year. I'm constantly praying for that.

Kay Dondie, good luck sa new baby mo.

Kay Ryanneil, ano ang latest chismis? Hehe.

Kay Aileen, ay isa ka rin pala sa pinakamayaman sa BB. Penge din pera. Hehe. Salamat sa 24/7 mong loading service. At sa pag-unawa pag delay ang aking pagbabayad. Goodluck sa career sa Sony!

Kay Glenes, na revelation ang galing sa paglangoy. Parang Dyesebel lang. Goodluck sa anumang endeavors na pinaplano mo. Sana pwede magbakasyon sa inyo next time. Hehe.

Kay Julie Pearl, na tinalo ako sa kagandahan talaga. Goodluck sa iyong pakikipagsapalaran.At kay BF, sana kayo until the end.

Kay JR, sana maging full-pledge nurse ka. Magaling ka sa TLC.

Kay Andy, you will get that peace of mind. Be strong, sa kahit ano pang ibigay sa iyo ng tadhana. Salamat sa paglalahad ng iyong buhay sa akin.

n

Sa iba pang mga agent at dating agent ng BB, salamat at naging bahagi kayo ng buhay ko. I will always cherish the memories. Mapa-good, mapa-bad, or mapa-ugly man ang memory na iyan.

***

At nakita ko sa resort ang pusa ni Miss Conchitina Cruz:

ee

***

Marami pang larawan dito.

Book :: Kentaro Ide's email
Mood :: accomplished

11 Said So



Corpus
posted by GHV2 on September 5, 2008 at 07:16 AM

The latest Corpus magazine is now available on the AIDS Project Los Angeles (APLA) website. Click here to download the PDF copy.

Corpus is a journal from The Institute for Gay Men’s Health. It uses art, cultural criticism, poetry, short stories and humor to reveal the challenges of HIV prevention in gay and bisexual communities. Corpus is produced twice a year.

AIDS Project Los Angeles (APLA) is dedicated to: improving the lives of people affected by HIV disease; reducing the incidence of HIV infection; and advocating for fair and effective HIV-related public policy. Check out the organization's website at http://www.apla.org/

 

Music :: Love is a Garden - Jewel
Book :: Corpus 2008
Mood :: amused

2 Said So



Unemployed
posted by GHV2 on September 6, 2008 at 07:21 AM

September 5 ang official last day ko sa work, and today marks the day na officially unemployed na ako.

Hay, kasama na ako uli sa statistics na binibilang ng NSO at pinoproblema ng gobyerno.

I'm waiting for tomorrow's issue of the Manila Bulletin. Ung diyaryo na binabasa lang daw dahil sa classified ads. Joke.

May two things ako na hinahanap sa next job ko: ung hindi call center-related, at ung malapit lang sa akin. Kaya konting-konti lang talaga ung mapagpipilian ko. Sad to say, puro call center ads ang nasa diyaryo, at kung me office work man, malamang sa malamang ay sa Makati ang office.

Mabuti na lang at may separation pay ako na matatanggap mula sa HTMT. I'm giving myself one month na makahanap ng work. Pag October na at wala pa rin akong nakukuhang trabaho, apply na lang ako uli sa call center. Hala, mahirap ang walang work at malapit na malapit na ang Pasko.

Sa ngayon, busy ako kakatulog. Haha! Binabawi ko ang mga nawalang tulog sa tatlong taon ko na pagtratrabaho sa call center.

Tsaka Internet pala.

Tsaka si Kuyatot.

Tsaka friends.

Tsaka pagsusulat.

Binabasa ko uli ang aklat ni Rebecca Anonuevo na Bago Ang Babae. May isang tula siya roon na akmang-akma sa akin, puwera nga lang sa lines 3 and 4. Sinipi ko ang tulang ito ng walang paalam. Pasensya Miss Becky!


Stress Management


Unang araw ito

Na wala akong trabaho.

Wala na rin ang kasuyong

Dati'y mahal ako.


Namili ako ng groseri.

Nagbabad sa telepono.

Naghilamos ng gatas,

Pagkuwa'y ubos-lakas,

Binigkas si Shakespeare.


Langhap ko pa ang pabango

Nang buklatin ko ang diyaryo

At tunghayan ang classified ads.

Suwerte naman ng lilipatan ko.

 

***

Mamaya, pupunta kami ni Kuyatot sa Pandi. Overnight. Haha!

Sa wakas! Madidiligan na rin ang aking tuyot na katawan!

Syet, dapat mala-bagyo ang maranasan ko.

Ung malulunod sa sarap!

Aw!

Music :: In God's Hand - Nelly Furtado
Book :: Bago Ang Babae - Rebecca Anonuevo
Mood :: contemplative

2 Said So



Body Parts
posted by GHV2 on September 7, 2008 at 05:25 PM

Sabi sa new issue ng Cosmo magazine, sa article na 9 BIG SECRETS OF MALE AROUSAL:

"..every man has one erotic body part that's rarely explored, and believe it or not, it's his nose. Next to his lips, his nose contains more nerve endings than any other part of his face."

Kainis, bakit si Kuyatot wala daw naramdaman?

Huhuhu...

***

Sabi ni Kuyatot, pumuputi daw ako. Sabi ko salamat sa Amira Magic Soap, na nakuha kong premyo sa Bring Me game nung nag-swimming ang BB team.

Kuyatot: Nyek, ilang araw pa lang un ha!

Ako: Or baka natural lang akong flawless?

Kuyatot: (walang nasabi)

1

***

At paano ko naman napanalunan ang Amira Magic Soap?

Nagpa-Bring Me sila ng T-back.

E naka-T back na ako that time. Suot ko na.

Oha, lakasan ng loob lang yan!

***

Pinuputakti na naman ng taghiyawat si Kuyatot. Sabi ko, tip sa Cosmo mag, lagyan niya ng lemon drop ung facial wash na ipapahid niya sa mukha.

Sana epektib.

d

***

Fave ko pa rin ang nips ni Kuyatot. Tsalap!

***

M2M marathon kami kaya maga mga mata ko.

After the marathon, demonstration naman! Harharhar!

Music :: Here I Am - Leona Lewis
Show :: LIRA website
Mood :: cheerful

8 Said So



Palengkera
posted by GHV2 on September 8, 2008 at 08:05 AM

Me work na ako!

Tindero na ako sa palengke!

Mr. Palengke na ako!

1

***

Dahil wala na akong work, kinakaladkad na naman ako ng Nanay ko sa puwesto namin sa palengke.

w

Dati ko pa naman gawain un, college pa lang ako. Dati pa nga, bago mag-duty sa trabaho sa OPM-PHILSTAGE, 3 AM nagbubukas na ako ng tindahan, hanggang 5 AM ako dun. Uuwi, then mag-prepare na to go to work. Sa bus na ako babawi ng tulog.

***

Tiyagaan lang naman sa palengke.

w

lalagyan ng pera

ww

palakang lucky charm

Mas ngayon namin nae-enjoy ang kita ng tindahan. Wala na kasing inilalaan para sa baon sa school para sa mga kapatid ko.

***

w we er er lk hg kkk

Lalo ngayon ang mamahal na ng mga bilihin! Nung last na tumao ako sa tindahan, parang 8 pesos lang ang isang lapad ng mantika. E ngayon 14 pesos na! Ung isang kilong pancit canton na nasa 40 pesos lang, nasa 50+ na!

Grabe na talaga!

***

Ano ba ang nakakaengganyo sa pagbabantay sa tindahan?

Siyempre, ang mga kargador!

Putek, saksakan ng mga macho ang mga kargador na ito! Palaban ang mga muscle!

Grabe parang Sierra Madre lang ang mga muscle!

yy

Label ito ng whole pickles.

Bakit parang hindi naman pickles ito?

Tsaka hindi naman lahat e hipon ang mga kargador sa palengke. Me pogi rin kung tutuusin. Me isa nga, ung mestisong Cebuano and dating. Pogi siya talaga as in. Naka-low cut jeans tapos walang suot na shirt. Napanganga lang ako nung bumili siya sa akin. Bukang-buka ang bibig ko.

Bukang-buka.

***

Dati naman, nagkasuki kami ng Tsinoy na nasa 50s na pero pwede pa rin. Me hitsura si Tatay. One day, kasama niya ang anak niyang lalaki na nasa 20s yata. Goodluck, parang commercial model ang dating! Panalong-panalo! Kinilig ang wetpaks ko!

Un pala, me TV commercial pala talaga siya na nag-e-air that time. Para sa Safeguard. Nagsasabon siya ng katawan sa TVC na un.

Kawindangan ever ako. Tuloy, lagi na ako nagpri-prisinta na tumao sa tindahan. Nag-uunahan kami ng Kuya kong malandi din. Haha!

***

Hay, memories.

Tapos ngayon balik-tindahan na naman ako. Masaya kasi nakakatulong na naman ako sa parents ko sa pagtatao sa tindahan. Sad kasi un nga, nagbabantay ako kasi wala akong work.

Buti na lang, madaming kargador. It's raining men!

Music :: It's Raining Men - Geri Halliwell
Mood :: amused

6 Said So



Chef Jeremy
posted by GHV2 on September 9, 2008 at 06:53 AM

I'm cooking ginisang kamatis right now.

***

Ito ung ulam na kahit nakapikit ang mga mata ko, kayang-kaya kong lutuin. Talo ko pa si Chef Rob o si Chef Rosebud. Next na napakadaling lutuin ay ang pechay guisado.

***

Sino ang crush kong chef ngayon? Ung naka-brown, si Chef Jeremy Favia ng Ka-Toque:

eee

Hala! Kinuha ko tong pic sa Multiply ni Chef Mitchie ng walang paalam! Sorry!

***

Ang nagturong magluto sa akin ay ang Tatay ko. Oha, ung ang bonding moments namin. Ang strict niyang magturo grabe.


***

Lalo ngayon at maulan, sarap sana ng arroz caldo kasama ang mahal mo...

Mood :: bouncy

27 Said So



The Love of Siam
posted by GHV2 on September 10, 2008 at 06:54 AM

I soooo love love love love love the Thai gay movie THE LOVE OF SIAM.

Innocent gay love. Childhood love.

Hay.

Bitter-sweet para sa akin ang ending ng movie. It made me cry many times. It made me yearn for the years I have spent looking for the ONE TRUE LOVE.

e

The movie speaks of HOPE. It deals with a loved one being lost, and yet, in the process of searching for that loved one, many things are rediscovered. As long as you still have love, you still have hope.

It made me realize na hindi selfish ang pag-ibig.

It made me realize how love grows and glows, glowing brightly like a Christmar star.

Check out the video:

 

Also check out another blogger's take on the movie.

Music :: So Real - Mandy Moore
Mood :: cheerful

Anything?



Trains of Thoughts
posted by GHV2 on September 11, 2008 at 07:21 AM

I went to Manila kahapon. Err, masama na ang signs na ibinigay ng langit sa akin. Sana talaga hindi na ako tumuloy...

***

ff

Siyempre, sa LRT 1 ako sumakay. May renovation silang ginagawa. Kung iisipin, ang mga klase ng taong makakasakay mo sa LRT 1 ay ang mga sumusunod: trabahador, estudyante, La Salista like Jacob aka Subtlebliss.

Kung sa MRT naman, white collars, estudyante, ung mga gumigimik sa Makati area.

Kung sa LRT 2 naman, estudyante, mga trabahador na sasakay sa LRT 1, Atenista.

Mas pogi ang mga Atenista kaysa sa La Salista. Mas mukhang brainy din.

Pero mas masasarap ang mga La Salista kaysa sa Atenista. Aw!

***

Pauwi, nakaupo ako agad sa LRT tapos me katapat akong mama na nakatayo. Maskulado na siya tapos balbon pa siya. Kakilig ng wetpaks! Wetness ko pa naman ang balbon tapos me chest hair.

Ayun, busy siya kakakinig sa mp3 niya. Gumagalaw-galaw pa ang ulo niya (ulo sa taas ha!).

Tapos, ung mp3 niya, nasa malapit sa crotch area niya nakaipit. So pag pinipindot niya iyon, parang dinudutdot niya ung ano niya.

Gusto ko sana ako na lang ang dumutdot. What's your next song, sir?

***

Gay mecca pa rin talaga ang Gateway nu?

Ang ganda ng location ng mall na ito. Babaan at sakayan ng LRT 2 at MRT. Kung bading ka mula Antipolo area, at ang ka-SEB mo ay taga-South area, andali ninyong makakapagkita.

Tapos, pag nagkagustuhan ang magka-SEB, madali na ang dyug. Katabi kasi ng Gateway mall ang Eurotel.

Ang gay-friendly ng staff nila. I think Number 1 customers nila ang mga gay. Un nga lang, medyo pricey yata. Pero me mga discount sila at andaming promos! Harhar.

Ay, mukhang newest gay mecca ang Trinoma...

***

Kelan kaya madudugtong ang LRT 1 at MRT?

***

cc

Dati, mega-emote ako pag sumasakay sa LRT. Tapos tatanaw ako sa malayo. What if ang The One ko, nakasakay sa MRT naman, tapos nakatanaw din sa malayo?

Ang lawak talaga ng horizon...

Parang Turn Left, Turn Right lang ang kuwentong ito.

Mabuti nakilala ko na siya. Ngayon, magkasama na kami sa iisang biyahe.

***

May isang poem si Miss Conchitina Cruz tungkol sa MRT/LRT. The title is News of the Train.

May isang linya ito na ganito:

Once, I saw you on the other side of the tracks. But it was too late --- the train had come, erasing you in one swift motion.

Mood :: contemplative

Anything?



Cosmo Bachelor Bash
posted by GHV2 on September 12, 2008 at 07:20 AM

Sa mga nakapunta kagabi sa Cosmo Bachelor Bash...

Huwag kayo mang-inggit!

Huhuhu...

***

Naisip ko, maghanap na lang ako ng wafu guys na prominent sa TV pero hindi model or artista. Eto sila:

Atty. Midas Marquez, Supreme Court

 

ff

ABS-CBN reporter, Cris Zuniga

 

dd

Quirino Governor, Dax Cua (Dakila Carlo E. Cua)

***

At siyempre, the only hunk for me, si Kuyatot ko!

ss

***

Mamaya, pupunta ako sa Book Fair sa Mall of Asia. Kitakits!


MANILA INTERNATIONAL BOOK FAIR SLATED

The 29th Manila International Book Fair will be held from September 12 to 16, 2008, 10:00 A.M.to 8:00 P.M. at Halls 1-4, SMX Convention Center in SM Mall of Asia Complex, Pasay City.

The MIBF 2008's theme is Words without Borders. It celebrates the power of literature to cross boundaries of time, place and culture, Through books, through language, readers can live in a world without borders. In five extraordinary days, the book fair present you with a series of events that expand your horizons, and enrich your ideas, each one carefully crafted and programmed.

This celebration of books and all that it contains is one of the longest-running in Asia. It is also one of the most accessible and affordable, Through the years, it has welcomed millions of Filipinos to the Manila International Book Fair, which is for everyone of all ages, of all tastes and means and dreams. This year, the Book Fair becomes more international opening up to other cultures while continuing to champion the best of what Philippine publishing has to offer.

The world and the word comes to Manila this September for the sharing of stories and the meeting of minds. Come and join the conversation.

For more details, visit their website at http://www.manilabookfair.com/. The website contains the exhibitors, schedules of workshops, events and more.

2 Said So



Manila International Book Fair 2008
posted by GHV2 on September 13, 2008 at 08:43 AM

Books give me an orgasm. As in.

Kaya kahapon, kinilig-kilig ang aking chorvaloo dahil pumunta ako sa Manila International Book Fair. Hanggang September 16 ito, sa SM Convention Center ng SM Mall of Asia.Nag-ala-paparazzi ako kahapon, dala ang aking low-tech na digicam. (Last year, nagpunta rin ako sa event na ito.)

1 w  e ww

Napagastos tuloy ako ng 1,500 pesos sa books! Huhuhahahehehehihihihi.

Kasama ko nung una si Makoy. Tapos dumating si Xam mga past 5 PM na. Nakita ko rin ang ibang Pinoypoets at LIRA members. Parang reunion lang. Hehe.

w ww ww ee dd ww ww ww s e

Na-meet ko rin ang friend/officemate ni Xam na si Nestle. Me balak kaming pumunta sa kanila sa Batangas by October. Malapit daw sila dun sa parola na na-feature sa gay indie na Ang Lalaki sa Parola. Ang saya-saya!

Nakakita rin ako ng luminaries of Philippine writing! Sino-sino sila? (Pasensya sa flash ng aking low-tech na digicam, hindi ko alam kung paano tanggalin e.)

ww ww ww ww ww

 

Kaya ayun, kahit nakakapagod, OK lang. All smiles pa rin. Ito pala ang mga nabili kong libro:

Love Gathers All: The Philippines-Singapore Anthology of Love Poetry - edited by Ramon Sunico, Alfred A. Yuson, Aaron Lee, and Alvin Pang

Beyond Life Sentences - Eileen R. Tabios

The Queen Sings the Blues - Ronald Baytan

Old Movies and Other Stories - Ian Rosales Casocot

The Reluctant Firewalker: Poems - Naya S. Valdellon

A Habit of Shores: Filipino Poetry and Verse from English, 60's to the 90's - edited by Gemino H. Abad

 

ww

Kaya tandaan: Basta libro, panalo!

2 Said So



Diamond Hotel
posted by GHV2 on September 14, 2008 at 03:44 PM

I went to Diamond Hotel kanina for a meeting/interview.

Nakatabi ko sa couch sa lobby area ang mga wedding coordinator na may kaniya-kaniyang event that day. Ung Wedding Coordinator 1, Chinese ang client. May tea ceremony pa sa kasal. Ang sosyal!

Ung isa naman, di masyado kayamanan ang client. Kaya ang dalang kotse ni Wedding Coordinator 2, cheap lang na kotse.

Mega-pose naman ang isang bride sa stairs ng hotel. Picture-taking. Kasama ng bride's maids. Kasama ng nanay. Napansin ko lang, mukhang mataba sa parteng tiyan ang bride. Preggy?

***

Mukhang OK naman sa Diamond Hotel mag-stay. Muntik na kasi akong makatulog sa couch sa lobby nila. Un ang sukatan ko. Hehe.

***

Sad Sunday for me. Hay.

2 Said So



Anak ka jan!
posted by GHV2 on September 15, 2008 at 07:43 AM

Napilitan na naman akong magbantay ng tindahan kanina sa palengke.

Kainis, wala masyadong kargador/boy/butcher akong nakita.

Di ko rin nakita ung cute cute cute super cute na anak ng tindera ng gulay. Suki namin ung bata sa pagbili ng candy. Piktyuran ko siya pag nakita ko siya uli. Sabi ko nga sa nanay ko, ampunin na lang namin ung bata. Haha!

Nangulit na naman ang nanay ko. Mag-asawa na lang daw ako para mabuhay ang lahi namin. Nag-iisa kasing lalaki sa apat na magkakapatid ang tatay ko. Then dalawa kaming lalaking anak niya. Pareho pang gay-sha.

Yan ang ayoko pag nako-corner ako ng nanay ko. Nangungulit sa ganyang bagay. Bakit daw ung ibang bakla, nakakapag-asawa at nagkakaroon pa ng anak. Ganun na lang daw ang gawin ko.

Sabi ko na lang, sige mag-aanak na lang ako. Sabihan ko si Kuyatot na huwag na mag-condom para makabuo kami. Hahaha!

***

qq

Posible kaya un in the very near future? Na mabubuntis ang isang lalaki.

Artificial womb?

***

Nainis pala ako sa pari na nagmimisa sa TV kahapon. Tutulan daw ang Reproductive Health Bill (RHB) na nakasalang sa Kongreso ngayon.

Labag daw sa batas ng Diyos ang RHB.

Pero sana hindi inutil ang Simbahan sa ganitong mga isyu.

Free will. Bigyan ng maraming option ang mag-asawa. Hindi iyong langit at impiyerno lang.

***

CONGRATS PALA KAY LAARNI LOZADA! THE GRAND STAR DREAMER OF PINOY DREAM ACADEMY SEASON 2!

Music :: Melt My Heart to Stone - Adele
Book :: The Queen Sings the Blues - Ronald Baytan
Mood :: awake

Anything?



Survivor Philippines
posted by GHV2 on September 16, 2008 at 07:43 AM

Inabangan ko ang Survivor Philippines kagabi.

What can I say about the show?

ss

Sige, ang gaganda ng mga katawan ng mga male player. Haha! Dun ako nag-focus. I like the animalistic appeal of Kiko and Jace. Royal hotness sina JC, John, at Rob (I loved it when the auto-mechanic smiled while doing his job. Pang M2M porn!). Pangarap na driver naman si Chris, at gusto ko na rin si Emerson.

ee e e r e e r

Un lang. Harhar!

Production-wise, mukhang ginastusan at pinaghandaan naman ng GMA-7 ang lahat. I think it's because of the close supervision of the original Survivor productions, talagang binantayan ng husto.

At first I like the idea na si Paolo Bediones ang host ng show. But judging from last night's episode, Paolo was not engaging enough. I hate it pag naririnig ko siya magsalita. Walang improvement ang hosting skills niya! It's just like Extra Challenge all over again! Asan kaya si Ethel Booba?

Bad editing, bad script, bad punchlines.Wonderful island, though.

Nakakatawa ung provisions na inibigay sa mga player. Me kasamang tsinelas. Sosyal. I never saw sa original Survivor shows na me nagbigay ng ganiyan. Nakakainis, kasi halatang pampered ang players. Dun pa lang ha.

Still, I'm going to watch tonight's episode. Sana mas maganda na ung mamaya, at ung hanggang dulo ng show.I believe na mas mai-improve pa ng GMA-7 ang mga susunod na episodes.

Show more skin, please! Joke.

Music :: I'm Not Missing You - Stacey Orrico
Mood :: cheerful

4 Said So



Whale Watching at iba pang mga alalahanin
posted by GHV2 on September 18, 2008 at 07:35 AM

I think I failed another job interview yesterday. Damn.

***

Parang si Betty La Fea ang feeling ko sa ngayon. I know I'm Betty-ful, pero...

ww

 

***

So bumaba daw ang statistics ng unemployed sa bansa. Good!

The government wants to achieve its promise to create one million jobs per year. Good!

Sana hindi mapako.

***

Ayun, nagpasama si Kuya Jayson sa SM Marilao kahapon. Bibili daw siya ng pantalon. Pumayag naman ako kasi kailangan kong bumili ng plastic cover sa National Bookstore.

Parang nag-whale watching lang ang mga tao sa SM Marilao pagdating namin. Haha!

Pumunta kami ni Kuya sa department store, ung sa discounted pants ng Paddocks at Company B. Pasensya at purita kalaw lang kami. Naghalungkat na siya sa mga nandun sa rack.

ww e e

Size 40 ang hinahanap ni Kuya, loose fit pa. Gudlak, feeling ko e 50 kaya siya.

Pero nakahanap naman siya ng kakasya sa kanya. Haha!

e e rr

***

Habang nagbabayad si Kuya sa Globe, nakatanga naman ako sa mga laptop na naka-display sa Octagon. Syet, mahal ko na ung Acer na laptop! 36,000 pesos nga lang. Pero astig e!

Hay, sana magka-work na ako.

Anything?



Dragon, Tiger
posted by GHV2 on September 19, 2008 at 07:13 AM

Nasaktuhan ko kagabi ung Crouching Tiger, Hidden Dragon sa TV5, habang naghihintay ng Survivor Philippines at pag commercial ng I Love Betty La Fea.

Hay, ang ganda-ganda talaga ng pagkakagawa ng pelikulang ito. Ang galing ni Ang Lee!

Aliw na aliw ako sa mga action stunt ng pelikula. Ung lumilipad-lipad na mga tauhan sa kuwento. Ung paglalakad nila sa tubig. Ung habulan nila sa ere. Ung fighting scenes sa kawayan.

Who could have imagined all of these?

If all of these are made of dreams, ang efficient ng pagta-translate ng mga ito into reality.

And so I have reflected again on my poetry....

w

Music :: Crush - Mandy Moore
Mood :: artistic

Anything?



Pinoy Poets on Poetry #1
posted by GHV2 on September 20, 2008 at 07:03 AM
filed under Pinoy Poets on Poetry as a favorite post

Pinoy Poets on Poetry will collect insights by young and emerging Filipino poets on anything (and everything) poetry.

 

What is your favorite poem?

 

Luksong Tinik (Allan Popa)

                    - Gerry Rubio


Sex Without Love (Sharon Olds)

also The Hickie (Liz Lochhead)

                    - Vanessa Academia


Commerce and the Man (Ricardo de Ungria)

                    - Rosvie Gonzales


Blue Hour (Carolyn Forche)

also Dislocations: Seven Scenarios (Adrienne Rich)

                    - Kath Tolosa


Annabel Lee (Edgar Allan Poe)

                    - Edz Padillo


Summer (Paul Verlaine)

                    - Mic Camba


Last Portraits (Marne L. Kilates)

                    - Paolo Cristobal


Parang wala akong ma-single out. Pero may mga writer na interesado ako sa entire body of work nila. Mas mahalaga sa akin na ma-interest sa body of work ng mga poet, kesa sa single poems. Ngayon may continual engagement ako sa body of work nina Wallace Stevens, Lyn Hejinian, Mei-Mei Berssenbrugge. Pag nakabili ako nung collected (poems) ni Barbara Guest, baka masali siya. So far kasi interesado ako sa lahat ng isinulat ni Guest.

                    - Raymond John de Borja


Fever 103 (Sylvia Plath)

also Kung Ibig Mo Akong Makilala (Ruth Elynia Mabanglo)

                    - Maureen Gaddi dela Cruz

 

Wala akong maisip na favorite poem of all time. Pwede yung "Difference" ni Mark Doty pero gasgas na siya at may nakikita rin akong fault sa kaniya. Nung mag-start ako magsulat ng tula, natuwa ako sa mga tula ni Ruth Elynia Mabanglo. Pero kung ganito lang, may most favorite line ako. Ito iyong "Which having been must ever be" ni William Wordsworth na ngayon ko lang nalaman na galing pala sa oda niyang "Intimations of Immortality from Recollections of Early Childhood" na makakalimutan ko rin (pero never yung linya).

                    - Mark Angeles

                  

7 Said So



Saturday at Kanlungan ni Maria
posted by GHV2 on September 21, 2008 at 08:19 AM
as a favorite post

I would like to share this beautiful prayer this Sunday morning:


PRAYER FOR THE ELDERLY

Dear Lord, as my life declines and my energies decrease, more than ever hold me by Your power, that I may not offend You, but daily increase in Your love.

Give me strength to work in Your service until the last day of my life.

Help me to ever have an increasing dread of venial sin, or whatever would cause the slightest withdrawal of Your love, all day long, and at night keep me close to Your heart.

And should I die, ere the morning breaks, may I go rejoicing in that vision of your entrancing beauty, never be separated from you.

Amen.

1 ww e ee ww e

***

Also, please reflect on the Beatitudes for Friends of the Aged:


Blessed are they who understand my faltering step and palsied hand.

Blessed are they who knows that my ears today must strain to catch the things they say.

Blessed are they who seem to know that my eyes are dim and my wits are slow.

Blessed are they who looked away when coffee spilled at table today.

Blessed are they with a cheery smile who stop to chat for a little while.

Blessed are they who never say "You've told that story twice today."

Blessed are they who knows the ways to bring back memories of yesterdays.

Blessed are they who make it known that I'm loved, respected, and not alone.

Blessed are they who know I'm at a loss to find the strength to carry the Cross.

Blessed are they who ease the days on my journey Home in loving ways.

***

Salamat sa Hands-On Manila (HOM), nakarating ako muli sa Kanlungan ni Maria (KNM). Ise-celebrate ng KNM at HOM ang Grandparents' Day, kahit tapos na ang event na ito last week. Masama kasi ang panahon that time kaya hindi natuloy ang kanilang plano.

ee ee 

Masamang balita ang ibinungad sa amin ni Ms. Avic, isa sa HOM sherpa ng KNM. (Isa pa si Kuyatot sa HOM sherpa ng KNM.) Nailipat daw ang paborito naming si Lola Remy sa isa pang home for the aged sa may Taytay, Rizal. Si Lola Remy ang nakakuwentuhan namin noong nagpunta ang KNM at HOM sa may Meralco Park sa Antipolo din. Naikuwento ni Lola ang kaniyang namatay na asawa, at ang kaniyang inampon na babae. Inilagak siya nito sa KNM, to think na napakalakas pa ni Lola.

May naikuwento kasi si Lola Remy na friend niya noon, isang Dr. Yniguez na taga-Meycauayan, Bulacan. Napakatagal na panahon na niyang hindi niya nakikita ang kaibigang ito. Nakasabay pa niya ang kaibigang ito nung nag-around the world sina Lola Remy at asawa niya noon.

Sakto, kasi naging pasyente ang bunso kong kapatid ni Dr. Yniguez dati! Kaya lang, nailipat nga si Lola Remy sa ibang home for the aged. Dadalawin daw namin siya doon, sabi ni Kuyatot. Sana nga, para matupad na ung wish ni Lola na makita ang kaibigan niya.

***

Simple lang ang program na ginawa ng HOM. Si Kuyatot ang nag-host. Nagpalaro ang mga sherpa na Describe Yourself using the letters constituting the "GRANDPARENTS' DAY" at "KANLUNGAN NI MARIA."

ww ee

May mga lola at lolo na nagsabi ng words na "gorgeous," "artistahin," "pretty," "naughty," "antukin." Very energetic sina lola at lola! Si Lola Pina ayaw sumagot pag letter A ang natatapat sa kaniya!

e ww wew ww  qq eee

Naipakilala din ang mga bagong member ng HOM: sina Ate Merlyn (na nagma-masters sa UP), Ate April Marie (nursing student), at Ate Dell (na may sariling bag business). Ipinakilala na rin ako bilang member kahit hindi pa ako nakaka-attend ng HOM orientation. Ranggo na Sherpa sina Kuyatot at Ms. Avic.

Pansit bihon, macaroons, at juice ang pinagsaluhan namin. Courtesy ito ni Tita Lydia, na isang HOM member din. Death anniversary kasi ng anak niya, at gusto niyang i-celebrate ito kasama ang mga lola at lolo ng KNM. Kaya lang, hindi siya nakapunta nung hapon kasi may iba daw siyang lakad. Akala niya kasi umaga ang HOM party.Ung mga pagkain na lang ang nakarating.

ee

After eating, bonding moments uli with the elders. Si Lola Pina, na super energetic sa pagkanta, pagtula, at pagsayaw. Imagine, 80 years old na siya pero sharp pa rin ang memory.

ww

Si Yaya Cita, na kahit hirap magsalita at naka-wheelchair na e tawa pa rin ng tawa sa kahit anong joke. Bungisngis queen!

ee

Si Lola Remy (ibang lola ito), na nagkuwento about her daily routine. Naglalakad daw siya every morning to keep fit. Hirap nga lang daw siya sa arthritis niya. She's 78 years old na.

eee

Si Lolo George, na amputated ang parehong legs dahil sa diabetes. Sinadya na lamang namin siya sa kuwarto niya. Kapag pumoporma si Lolo for pictures, nakapang-gwapo pose siya. Kitam, ang kisig pa rin ni Lolo!

e

Si Lola Bing, na tatlong buwan pa lang sa KNM. Dati daw siyang elementary teacher. Hirap akong tanungin kung paano siya napunta sa KNM. Hay. Anlakas-lakas pa ni Lola. Para lang siyang nanay ko. Ang quiet niya pa sa pakikitungo sa amin. She asked us to give her copies of her pictures. We will.

ee

Si Lola Domeng, na naka-wheelchair at panay daw kasi ang sakit ng likod.Bago kami umalis nag-iiyak na siya at nagpapahiga na sa kama niya.

ww

Si Lola Linda, na nagtatanong kung bading ba daw si Kuyatot. Sabi naman namin e nagpapanggap lang siya. Haha! Ganda ni Lola nu, parang si Jolens lang!

tt

Si Lola Auring, na nagagalit pag umuupo kami ni Kuyatot na katabi siya sa sofa. Masisira daw ung sofa. Hehe! Lagi din siyang nakapang-sungit look.

More photos here.

***

e

Mag-6 PM na kami nakaalis sa KNM. Masaya na malungkot ang pakiramdam.

Asahan na babalik pa kami para magdala ng tuwa at sigla sa mga lolo at lola.

***

Meanwhile, nakita ko sa Kanlungan ni Maria ang pusa ni Conchitina Cruz:

w

***

Today, Kuyatot and I mark our 11th month together.

Hep hep hooray!

w

7 Said So



Mga Iniisip
posted by GHV2 on September 22, 2008 at 07:50 AM

Monday, at wala pa rin akong trabaho.

Sent my resumes already thru email. I hope at least one company will notify me for an initial interview.

Malapit na ang deadline ko, by October 1 sa mga call center na ako uli magta-try ng luck.

***

Nagising ako bago mag-alarm ang cel ng sister kong si Fhariza. Potah, ang alarm niya, puro tiririt ng ibon.

Feeling Dyosa.

Ambisyosa!

***

Kuyatot always tells me to look at the brighter side of things.

Mahirap, pero dapat kayanin.

***

Lalo't may paparating na bagyo. Nagbabadya ng malalim na kadiliman ang langit.


8 Said So



Pinoy Poets on Poetry #2
posted by GHV2 on September 23, 2008 at 08:21 AM
filed under Pinoy Poets on Poetry as a favorite post

Pinoy Poets on Poetry collects insights by young and emerging Filipino poets on anything (and everything) poetry.

 


How much time do you spend writing (creative/literary) each day?

 

Nakakahiya mang aminin pero wala talaga akong tamang disiplina sa pagsusulat. Walang takdang oras at wala ring takdang haba. Ang talagang ginagawa ko lang lagi, ako ay may nakahandang maliit na notebook. Anytime na may idea, linya, o kung anuman ang dumaan sa isip ko o eksenang namataan ko, isinusulat ko kaagad. At kapag nasa tamang huwisyo na ako sa pagsusulat, hindi ko binibitawan hanggang hindi nabubuo.

                    - Romel G. Samson


30 minutes?

                    - Grace Perdiguerra


It isn't everyday that I write but when I do, it would last for three hours.

                    - Paolo Cristobal


I am so involved in the writing process for at least eight hours per day. But that's not for poetry. It's for work and school.

                    - Kathline Tolosa


Iba-iba, pero bago matulog nagsusulat ako ng kahit ano, tula man o weird na kung ano. Hanggang sa makatulog na yun. So mga isang oras siguro average.

                   - Nanoy Rafael


Everyday buong day ha ha!

                  - Mark Angeles


Iba-iba e. Pero I try to find time kahit maka-one line/sentence lang, kahit pangit.

                  - Raymond John de Borja


Hindi regular e. Pero pag nagsusulat talaga ako tapos uupuan ko, mga magdamag.

                  - Christa de la Cruz


I don't get to do that regularly. Isinisingit ko lang sa studies at work.

                  - Maureen Gaddi dela Cruz

2 Said So



Rainbow
posted by GHV2 on September 24, 2008 at 06:43 AM

Tama bang magpatugtog ng Christmas song ang sister kong si Fhariza?

Grrr...

Kumembot na lang ako ng kumembot.

Para sa akin, dreadful isipin ang Pasko.

Walang work means walang budget na magagamit para mag-celebrate ng bonggang-bongga.

Puro lamang alalahanin.

On the second thought, kahit siguro me trabaho ako, ang dreadful pa rin isipin ng Pasko.

Andaming nangyayari sa mundo para gumastos ng bonggang-bongga.

Not worth it.

Magdasal na lang tayo for world peace and prosperity.

***

On the lighter side, OK naman na nakakapagpahinga ako after three years of call center work. Blessing in disguise na din na wala akong work ngayon to focus on some important family matters.

***

All I have to do is wait. Sabi ng horoscope ko, learn how to wait. May malaking bagay daw na mangyayari sa buhay ko.

Tsaka sabi ni Kuyatot, in God's will kung ibibigay sa akin ang isang trabaho. Kahit daw 100 pa ang mag-apply pa for a certain position, kung para sa akin daw iyong trabaho, ako daw ang makukuha.

Parang nung sobrang nangangailangan ako ng trabaho three years ago, at first time kong sumubok sa isang call center. Bumagsak ako sa call simulation, pero sinabi nilang open ang bagong account nila, isang email account. Baka gusto ko daw subukan.

I tried, and I passed. The rest is history.

Music :: Love Like This - Natasha Beddingfield
Mood :: hopeful

Anything?



Mga Lakad
posted by GHV2 on September 25, 2008 at 06:51 AM

Punta ako ng Valenzuela City Hall mamaya to process the renewal of our business license. Tapos sa PAG-IBIG-Buendia naman to get my father's ESAV (print-out of PAG-IBIG contribution). Required ito for the restructuring of my father's housing loan. Tapos finally a-attend na ako ng Hands-On Manila orientation sa Powerbooks Megamall mamayang 6 PM. Sobrang nire-require na ako ni Kuyatot e. Hehe.

***

Hindi pa ako sure kung makakapunta ako sa LIRA crit session on Sunday. Lack of funds na talaga e.

***

Pero pupunta ako sa Pinoypoets general assembly sa Sabado.


Anything?



Busy-busyhan
posted by GHV2 on September 26, 2008 at 08:04 AM

I'm officially a Hands-On Manila volunteer!

Isinama ako kagabi ni Kuyatot sa orientation ng new volunteers sa Powerbooks Megamall. Some HOM officers I've previously met were glad na finally, makakapag-orientation na ako.

Nakasama na ako sa tatlong activities ng HOM bilang partner ni Kuyatot. I can say na enjoy lahat ng mga activity na ito.

Andaming nakapag-orient din kagabi. Some were cute corporate guys na kagagaling lang from work, or students na bitbit pa ang kanilang mga libro. Nakakatuwa ung instant camaraderie nila.

Sana nga madami ang magtuloy sa mga actual activity. Lalo sa Grey and Free-Kanlungan ni Maria project nina Sherpas Ms. Avic at Kuyatot.

w w e

After the orientation, dinner naman kasama ang HOM officials. Sa Kenny Rogers ang tuloy. Masayang sinabi ng isang official, si Claire, na magho-host ang HOM volunteer din na si Marc Nelson sa HOM Servathon program sa October 11.

Pupunta ako! Marc Nelson ba naman! Haha landi e.

***

I'm currently reading the book na personally pinili (at binili) ni Kuyatot for me. The title of this book is The Waiting Years, originally written in Japanese by Fumiko Enchi, and translated by John Bester. It's originally published by Kodansha Ltd. under the title Onnazaka.

You can check an analysis of the book here.

w

 

Ang drama ko naman, The Waiting Days. Haha! Still, elusive ang next job para sa akin!

yy

Mood :: busy

Anything?



Pili
posted by GHV2 on September 27, 2008 at 06:54 AM

Ang bigat ng problema ko!

Grabe!

Sino ba ang pipiliin ko sa dalawa?

Piolo ba?

Dingdong ba?

Hay.

Sana hindi na lang ako pinapili.

Kung Piolo o Empoy ba sana.

O kaya Dingdong o Mang Enriquez ba.

Hay.

111 ee

 

 

Mood :: crazy

4 Said So



Kagabi
posted by GHV2 on September 28, 2008 at 08:55 AM

Enjoyed last night's session with Pinoypoets.

Una muna, condolence kay Nanoy. His father died this morning.

Ayun, biniro-biro nila ako na dahil sa mga HOM activity ko with Kuyatot, ako raw ay beauty with a purpose na. Haha! Kung natuloy sana ako sa Brunei (di ko pa nakuwento ito!), ka-level ko na raw sina Ruffa Gutierrez et al. Rich beauty with a purpose!

May tula akong dala, pati si Emong. Mukhang sinipag sina Kath, Ergoe, at Xam na mangatay ngayon. Hehe. After how many months, may natapos akong tula uli. Actually, napilitan lang akong tapusin ung tula ko kahapon ng 3 PM. Gusto ko na kasi mag-move on sa tula na iyon. Ilang days na niya akong pinapahirapan. Gusto ko lang na makita ung form niya, kung paano ang hitsura niya pag printed na. Saka ko na lang siya babalikan kapag nakatay na.

Si Emong, nagta-try daw na magpa-cute sa mga tula niya ngayon. Hehe.

Tapos, na-assign si Ergoe na magdala ng poem/s na idi-discuss. Nagdala siya ng mga kopya ng mga tula ni Susan Howe. Nagtuloy ang usapan sa concrete poems, sa L=A=N=G=U=A=G=E poets, at kung anu-ano pa.

Lintek, ang hirap basahin ni Susan Howe. Mas enjoy ko pa kahit papaano ang kapatid niyang si Fanny Howe. Pero, she intrigued me. Babasahin ko pa ang ilang works niya.

We also discussed the latest book of Conchitina Cruz, na elsewhere held and lingered. Hmm, I need to read again Ann Carson's The Beauty of the Husband.

11:30 PM na kami nagsiuwian at kailangan na magsara ng San Francisco. Enjoy talaga kahit me bagyo. Next general assembly on the third week of October. Sana may work na ako that time.

4 Said So



On The Waiting Years
posted by GHV2 on September 29, 2008 at 03:34 PM

I've finished reading the Fumiko Enchi's novel, The Waiting Years. The book is outstanding!

The writer is particular to images, images of nature. Even the feelings of the protagonist was conveyed by describing the Mt. Fuji. Or when she was doubting about her feelings toward his husband, she saw the crescent moon as a butterfly. When she fell ill and gradually succumbed to death, it was snowing.

s

The novel tells the story of Tomo Shirakawa, how she faced her tragedy as being the wife of Yokitomo and the mistress of the Shirakawa clan. She has to deal with the truth that her husband have taken two concubines, and has maintained an illicit affair with the daughter-in-law. She has to accept everything.

When death is near, she has asked her husband to avoid a grand funeral and to dump her body instead to the open sea. "The shock was enough to split his arrogant ego in two."

***

May binili pang book para sa akin si Kuyatot, pero parang feel ko uling magbasa ng The Devil Wears Prada. Tsaka andaming poetry books na ipinahiram sa akin si Xam:

New American Writing Number 16 (featuring Barbara Guest, Bin Ramke, etc.)

Mystery, So Long (Stephen Dobyns)

A Few Days (James Schuyler)

Take Three: Agni New Poets Series 1

Airs, Waters, Places (Bin Ramke)

Never (Jorie Graham)

w e w

 

***

Puwede kaya akong magtrabaho bilang Erector? Magaling naman ako magpa-erect.

Tsaka bakit nire-require ng isang company na dapat computer literate ang isang IT specialist? Di ba dapat obvious na un?

8 Said So



Busy-busyhan Part 2
posted by GHV2 on September 30, 2008 at 04:28 PM

Just got home from PAG-IBIG Malolos branch.

Hay, natapos rin namin ung restructuring ng housing loan ng tatay ko! At least naayos na. Mabuti at maayos na kausap ung nag-assist sa amin ng tatay ko.

***

Nakasakay ko ung schoolmate ko nung high school. Wow, ang hottie na niya! Naalala ko dati, ni hindi nga siya campus heartthrob. Tapos lower section pa. E ngayong tapos na kaming mag-aral, kebs na sa pride na mas mataas ang section ko kaysa sa kaniya. Isa na siyang diyos. Tsalap!

***

Limang araw nang tinotopak ang internet connection ko. Dyaskeng SmartBro! Minsan maayos, minsan hindi. Muntik ko na matalakan ung customer service agent kanina sa Smart Center sa Sm Marilao.

***

Dumaan sa Booksale at bumili ng tatlong libro:

 

Shenandoah Volume 56, Number 3

The Bluest Eye (Toni Morrison)

The Flight of the Maidens (Jane Gardam)


***

Wislawa, mahal kita.

Anything?



« 2008/08 | 2008/10 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content