Maulang unang araw ng Oktubre!
Hay, ang sarap humilata lang ngayon. Holiday pa.
Kung hindi lang maulan ngayon, nagpunta sana ako kina Kuyatot.
Para mas masarap humilata. Hehe.

Maulang unang araw ng Oktubre!
Hay, ang sarap humilata lang ngayon. Holiday pa.
Kung hindi lang maulan ngayon, nagpunta sana ako kina Kuyatot.
Para mas masarap humilata. Hehe.
Pinoy Poets on Poetry collects insights by young and emerging Filipino poets on anything (and everything) poetry.
NOTES TO SELF
1. I was reading Shenandoah when a question hit me: what new poem I can offer to this world? Almost 40 people join LIRA every year. Currently, Pinoypoets Yahoogroup has 300+ subscribers. There are so many people writing poems, including myself. What's my edge?
2. I believe that writing is a cure and a curse. I am currently currently jobless now. But every night, the thing that worries me always is how to fill a page with beautiful words.
Every time I'm waiting for a bus on a busy highway, I'm thinking of a beautiful line or stanza, or I'm keen observing the road for a possible topic.
I always wonder, ano kaya ang iniisip ng mga kasabay ko sa bus stop that time? Maybe the weather. Or the increase in bus fare. Or their kids that they have left at home for a while.
3. Is a long poem the best poem? My poems are rather short, usually composed of 14 to 20 lines. The poet Jerry Gracio pointed out to me once that readers/critics might tell me I'm playing safe with my poems. Kiko Montesena said that his Ateneo workshop entry poems this year are rather long, compared to the poems he included last year. This, he thinks, is the reason why he got a slot in the workshop.
William Butler Yeats said: "within restraint lies great intensity." I believe I can't write long poems like Jorie Graham does, or Mark Doty, or even J. Neil Garcia. But I'm currently reading their poems, I'm currently studying their styles on narrative. I hope I can get a thing or two.
4. I can't write a poem about death. I can't even discuss the topic.
5. I am always pondering about this: do poets have to be maangas?
It has been days, na sunod-sunod ang panaginip ko tungkol sa high school life ko: my school, my former classmates, schoolmates, and there is this door na hindi ko pa nabubuksan within the confines of the school.
The dreams give me the creeps. The first dream was about a high school reunion. I brought this digicam na when I focused on the faces of my subject, nagbu-blur ung lens. Hindi ko makuhanan ng maayos ung mga pipiktyuran ko.
The other dream, I went inside a classroom na may on-going class. I took a seat and waited for the teacher. Faces of people who were also in the class were very familiar.
Last night, the dream was about the urgency to save the "children" of my former classmate, Michelle Abendan. We looked for a house na puwedeng pagtaguan ng mga bata. Pag natagpuan kasi sila, the children would be killed.
Ayun. Siguro dahil sobrang pagod lang ako these past few days. Or restless. Like kahapon, naglaba ako ng ga-bundok na labahin.
I believe na dapat pag naglalaba ka, naka-nude ka dapat. Mapa-handwash man or washing machine. Ako kasi, pagkahango sa washing machine, kinukusot ko pa e. This is possible kung me sarili kang laundry room or laundry area na hindi nakikita ng mga kapitbahay.

Mas maganda kung may partner ka (lover, asawa). Enticing na pareho kayong nakahubad. It's a great excuse to play with bubbles. Haha!
I don't know, I find washing clothes very, very erotic. I don't find it funny na may isang machong-machong daddy na naglalaba ng damit. It's so damn sexy.
***
May nakakuha ng isang bakanteng apartment sa building namin. Mamayang 1 PM daw lilipat. Sana may anak na cutie. I'm crossing my fingers!
Kahapon, nagpakapagod ako, pero for a good cause naman. Nag-facilitate ako, kasama sina Xam at Nanoy, sa lecture ni Ergoe for the Sining ng Tugma at Sukat (STS) lecture na ginanap sa UP Manila. Proyekto ito ng LIRA at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Target participants ng lecture ang mga guro na nagtuturo ng Filipino sa public schools.
Nakatutuwa ang exchange of ideas ng mga guro at ng mga miyembro ng LIRA. Nasakto rin na lively ang participants at game na game sa pagtula at pagtutugma ng mga salita. Plus libre pa ang pagkain courtesy ng isang konsehal ng Maynila.
After the lecture, libreng pa-pizza ni Nanoy sa amin sa Brooklyn Place sa Robinson's Place. Nag-chikahan pa kami tungkol sa date ni Xam, sa tantric sex, at sa closeted gays.
Sinundo pa ako ni Kuyatot kasi na-cancel ang kaniyang Filipino Sign Language class. Sabay na kaming umuwi.
At napatunayan kong mas masayang suungin ang baha pag ka-holding hands mo ang mahal mo. Haha!
First Sunday of the month kahapon kaya sumama ako sa parents ko para magsimba. 6:30 PM ung mass na dinadaluhan ng parents ko. Sa Church of the Risen Lord kami nagsisimba na katabi lang ng apartment namin.
Hindi pa nagsisimula ang misa ay na-bad trip na ako. Nangangalap ng pirma ang aming simbahan para tutulan ang Reproductive Health Bill. Nagpapaikot sila ng papel para pirmahan ng mga nagsisimba. Pro ang stand naming mag-ama tungkol sa panukalang ito, kaya hindi kami pumirma.
Ayun, tungkol sa Reproductive Health Bill ang sermon ng pari. Hay mas lalong kumunot ang noo ko sa inis. Tatlong dahilan ang ibinigay ng pari kaya raw ito tinutulan ng Simbahan:
1. Ang Reproductive Health Bill, kapag naisabatas na, ang magbubukas ng daan para maging legal ang aborsiyon sa Pilipinas.
2. Ang Reproductive Health Bill daw ang magiging dahilan para maging imoral at mapagpabaya ang mga kabataan.
3. Masasayang lang ang buwis na binabayaran ng taumbayan dahil ibibili lamang ito ng mga contraceptive pills at condoms. Sinabi pa ng pari na ang mga ganitong contraceptives ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng deformities ang mga sanggol.
Naisip ko naman:
1. Hindi binibigyan ng Simbahan ng choice ang mga mananampalataya tungkol sa reproductive health. Langit at impiyerno lang. Ang bill na ito ang magbibigay ng kalayaan sa mga mag-asawa, lalong-lalo na sa mga babae, tungkol sa wastong pagpaplano ng pamilya.
2. Namumulat sa maling kaisipan sa sex ang mga bata/kabataan sapagkat wala silang nakukuhang matinong sagot mula sa maaaring pagtanungan: sa magulang, sa pamayanan, sa Simbahan lalo. Bawal pag-usapan ang sex sa pamilya. Kapag bukas naman ang talakayan tungkol sa sex ng mga magulang at mga anak, nababansagan silang imoral ng mga nakakarinig sa kanila.
3. Walang pakialam ang Simbahan kung sa contraceptive pills at condom gusto naming gastusin ng pamahalaan ang ibinabayad naming buwis. Tutal, wala namang binabayarang buwis ang Simbahan.
Bakit hindi hayaang ipabatid sa mga mamamayan ang totoong nilalaman ng Reproductive Health Bill. In the end, sila naman ang magdedesisyon (at hindi ang Simbahan) tungkol sa pagsasa-batas ng panukalang ito.
***
Tumao na naman ako sa tindahan kanina. Nag-decide ang aking dear sister na si Margie Lyn na day-off niya sa pagbabantay ng tindahan tuwing Lunes.
OK lang naman na ako ang tumao kapag Lunes kasi wala naman masyadong customer. Mga suki lang namin at pailan-ilang bumibili ng mantika o bihon. Tsaka pagdating sa akin, maasikaso ang nanay ko.
Mommy: O baka nagugutom ka?
Ako: Hindi ako gutom.
Mommy: Ows, anak? Wag ka na magkunyari.
Ako: Hindi nga ako gutom e.
Mommy: Asan na ba si Badong?
Ako: (Si Badong ba ung kakainin?)
On my poem Pagkatupok (Burning):
"Your poem has some great imagery. I particuarly liked the "tongue of fire" - I feel like it combines images and water (I imagine tongues as wet) and fire together in a really effective way, and its positioning in the middle of the poem seems to tie things together. For me, the poem seemed to focus on that line in particular."
Thanks, Ken. Your email brightened up my day.
I need to go to BIR-Valenzuela mamaya. Hay sana matapos ko agad ang mga papeles para sa business eklavu ng tindahan ng parents ko. Wala naman masyado kinikita iyon pero grabe ang requirements ng Valenzuela government.
***
I am going to meet up a dear friend na based na sa Singapore. Nandito siya for a vacation. We'll have dinner later with his friends. Sa friends niyang iyon, isa lang ang kilala ko, si Chris, na alam kong in-demand na photographer na. It started as his hobby tapos ayun na, sunod-sunod na ang projects na natatanggap niya.
***
Ayoko namang ipangalandakan sa kanila na jobless ako. Huhuhuhu. Ang saklap naman nun! Pardon me, pero puwede ko bang sabihin sa kanila na writer ako? Poser to the max, haha!
Hindi man ako kumikita sa pagsusulat ko, pero at least committed ako dito. Career na for me ang pagba-blog tsaka ang pagsusulat ng tula.
Balak ko dalhin ung digicam ko, para ma-piktyuran ko ang mga lola nyo. Haha! Discreet ang mga ito, papayag kaya silang makuhanan ng retrato?
***
Dear Lord,
Sana magkatrabaho na ako.
Amen.
It's great to bond with old friends!
Kagabi, I had dinner with Jay and Chris, kasama ang friends nila na sina Eric at Manny. Si Jay, based sa Singapore at nandito lang for vacation. Si Chris, nakilala ko tru Jay. Mag-bestfriend sila. Si Jay ay isa ng sikat na photographer. Si Eric, single guy na nagwo-work sa Smart. Si Manny from UP Diliman.
Ayun, ikwinento ni Jay ang trip niya sa Bohol, with his nililigawan na Singaporean na si Ken. Kainis kasi hindi siya nagkuwento ng juicy parts e. Haha!
I was able to introduce na din si Kuyatot. Si Jay kasi, parang sis ko na e. Kahit di kami masyado nagkakasama sa mga lakad, even before na nandito pa siya sa Pilipinas, grabe ang connection namin. So kailangang magbigay-pugay sa kaniya ang aking Kuyatot.
I was not able to bring the digicam, pero buti na lang me dala si Jay. Ii-email daw niya ung pics later.
***
Kakatapos ko lang maka-YM si Dinah, na naging friend ko when I worked sa OPM/PHILSTAGE. Nasa Korea na pala ang bruha, ngayon lang nagsabi sa akin. Haha!
Andami niyang tsinika grabe, two hours yata kami magka-chat kanina. Ang daming developments sa kaniya.Kaya lang, off-the-record halos lahat ng napag-usapan namin eh. Hehe. Hay bigla ko tuloy siya na-miss at ang buong OPM crew!
I'm praying na ma-interview ko ang guy na ito for the next I-Know-A-Cutie post ko. Katatapos lang niya mag-bar exam, ayon sa kaniyang Ate. Do rate his cuteness, guys!
Busy ako ka-chat si Kath kahapon kaya hindi ko pinansin ang pagtawag ng youngest sister ko sa akin. Nakasilip siya sa may bintana, at may itinuturo sa labas.Nung hindi niya ako makumbinsing lumapit at sumilip din sa may bintana, kinuha na lang niya ang aking celphone at ginamit ang camera option nito.
Patulog na ako kinagabihan nung silipin ko ang Pictures folder ng celphone ko. Nagulat ako sa aking mga nakita:

Kakaibang cloud formation pala ang itinuturo ng kapatid ko! For me, the formation looks like a gnome.
Nung bata ako, madalas akong humilata sa may bukid malapit sa bahay namin. Tapos nakatanaw lang sa blue sky. Mas maganda sa hapon tumingin sa sky kasi makakapal ung layers ng ulap. Tapos mag-iimagine ka ng kung ano-ano sa mga cloud formation. Madalas hayop o kaya mga higante. O kaya ung mukha ng taong crush mo. Tapos nakatutuwa lalo kapag humahangin, at parang gumagalaw ung mga imahen, para silang umaandar. Nagiging animated ung mga ulap!
***
Nung sumakay ako ng eroplano papuntang Cebu, nagka-chance ako na makita ang mga ulap from higher position. Ang ganda ng tanawin! Tapos mas radiant ung sun, mas nagkaroon ng illuminating effect sa clouds! Parang me silver linings sila! Haha!
***
Ilan pa kayang mga bata sa ngayon ang nagkakatuwaan sa pag-uunahang maka-identify ng formation ng clouds?
Yes!
I just got home from the Valenzuela City Post Office. I got the package from the AIDS Project Los Angeles (APLA).
Thank you to the APLA people, and to guest editor Andy Quan.
Three cheers to Corpus 7!
*I asked the Customs officer, a charming old man, if books are taxable. He explained that even if the books or educational materials are not subject to taxes, the recipient still has to pay a required amount. I'm not sure if the charge is for the tariff. Hmm...
*The Customs officer opened the package for inspection. I joked that he'll be shocked by the content of the box. Haha!
From: Vicson-Louie M. Escalona
Sent: 09-Oct-08
11:41 am
Received: 09-Oct-08
11:51 am
Minutes n lng binibilng at lilipad nko. hehe. thanks s lahat ng mga naitulong mo skin at see u soon! ingat lagi.
***
God bless, Vicson! Sana suwertihin ka sa Dubai.
Nai-email ko na ang survey forms na ipinakiusap sa akin ni Kuyatot na tapusin at i-type para sa dalawang batang assigned sa kaniya under the Hands-On Schools - Galing Mo Kid! project.
I still need to go to BIR-Valenzuela, pero bago dun punta muna ako Security Bank-Malinta para bayaran ang BIR charges.
Tapos kailangan idaan ang Form 0605 sa Licensing Office ng City Hall.
Tapos punta na sa HTMT para kunin ang aking tseke.
Tapos diretso na sa bangko for encashment. Sana umabot before 3 PM closing.
Three cheers to Hands-On Manila!
I just got home from the Hands-On Manila (HOM) event, Servathon 2008, held at the SM Convention Center (SMX) Mall of Asia. Unbelievable, the place became a sea of red!
The reds, of course, were the more than 1000 volunteers from different private institutions (Cibo, Ateneo Law Batch '85, Krispy Kreme, Max's, Accenture, FEU, Rockwell Land, Philippine Daily, Inquirer, and many more!) who shared their time, money, and energy for the HOM cause.
The people in white (some also in red) were the Sherpas of HOM, who considered the Servathon as a time to enjoy and build bonds with others.
And of course, HOM volunteer Marc Nelson, served as the host for the event. He's so macho in person pala! I believe he embodies the new renaissance man: a great body, sharp mind, and a big heart.
***
Before the grand lunch and giving of certificates at the SMX, we spent our morning at different HOM-identified centers: Baseco Compund, Nueve de Pebrero Elementary School, CHILD Haus, Habitat for Humanity-Pasig, etc). Na-assigned kami ni Kuyatot as coordinators for the Rockwell Land group, na gagawa ng kitchen area ng The CHILD Haus sa loob ng PCSO compound. Kasama namin dito si Zarah, who proved to be a wonderful person and has served as my muse for the day.
Dahil walang documentor ang isa pang grupo na na-assign naman sa garden area ng CHILD Haus, ako naa rin ang nagsilbing documentor nila. This group was the TAMVOLS, or the Tamaraw Volunteers of the Far Eastern University. Sila ang gumawa ng plot/trellis para sa mga bagong tanim na ampalaya. Ang mga HOM coordinator naman nila ay sina Chito, John, at Dell.
***
I have met new friends with my volunteer work with Hands-On Manila. Andaming ipinakilala sa akin ni Kuyatot na matagal na miyembro ng organisasyon (Salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin!). At ang sarap isipin na lagi, iisa ang aming advocacy: to serve people in need.
Sana mas marami pang private institutions ang sumama sa Servathon next year, at sa isa pang taon, at sa isa pa, at isa pa...
P.S. Marc Nelson promised to host next year's Servathon program. Hay, nakaka-amaze siya talaga!
More pictures sa Multiply site ni Kuyatot!
After reading the short story of Kentaro Ide (which is included in the Corpus 7), a particular question made by the (gay) narrator to his friend (kumpare) has stucked in my head: "At what age do Japanese men go from being skinny little boys to old, flabby men?"
To which his friend straightforwardly (and innocently?) answered: "It's hard to make time for exercise once you start working."

***
Isinama ni Andy, dating officemate sa HTMT, ang panganay niyang si Andrei sa pagpapalit ng tseke niya sa bank. First time ko na-meet ang kaniyang 7-year-old son na super bibo. Mano ng mano sa amin kasi sinesegundahan ni Andy: "Ninong mo ang mga iyan, magmano ka. Magreregalo iyan sa Pasko."
At pagdating sa mall, panay ang sakay sa cart at nagpapatulak sa akin. Kung hindi siya nakasakay sa cart (na may nakalagay na "No Riding" sign), takbo naman siya ng takbo o kaya ibubunggo ang cart sa mga shelves.
Sabi ni Andy, super active talaga ang panganay niya. Tinanong ko nga ung bata kung ano ang nagpapapagod sa kaniya.
"Wala po."

After makabili ng payong ni Andy sa department store, sa Timezone naman kami dumiretso. E si JR, dati ring kasamahan, me Timezone card. Para siyang credit card (na isa-swipe? Pasensya, hindi ako gamer.). So si Andrei, dun sa baril-barilan naupo. At nagsimula na siyang mag-concentrate.
***
Mga dati silang kalaro ng youngest sister ko sa habulan at taguan. Akala ko nga magiging tomboy ang sister ko kasi puro lalaki mga kalaro niya. Me isa palang girl, si Apple, na I think natuluyan sa pagiging tibo.
Mga kapitbahay naman namin ung mga batang kalaro niya. Sina Tope, Ryan, Marvin, at Ark. Sina Marvin at Ark, magpinsan. Niloloko ko pa lagi ang sister ko na baka maging sila ni Ark, since magkaklase sila nung kinder (nyek, ano ang koneksiyon?). Biruang-bata lang naman.
So ang agwat nila sa akin ay 6 years.
Simula ng magbinata na sila, hindi ko na sila madalas makita. Nag-high school, nag-college na sila. At nung nakita ko uli ang magpinsan sa bus pauwi sa Valenzuela.... tsaran! Hindi na sila mga uhuging bata na payatot at umiiyak pag nabuburot sila sa laro. Chiseled arms, fair complexion, fancy hair. Wala na ang innocence, pero nandun pa rin ang uncertainties.
Lumaki na sila.
At napalunok ako.
***
Nakakatuwa tingnan ung guys na talagang nasa toy store to buy their "child stuff." Toys for the big boys.

May isang spot sa Megamall ngayon, ung bagsak presyo ang mga toy. Talagang hanggang closing, andami pa ring nagkakagulo sa mga laruan. Wala ako masyadong bata na nakitang naghahanap ng laruan dun, kundi mga binata at mga daddy na nag-uunahan sa mga toy truck, toy trains, alien action figures, at kung ano-ano pa.
Naaya ako ni Julie, isa rin dating ka-officemate, na sumaglit muna doon. Me gusto daw siyang bilhin na flower dancer. Un bang isasaksak mo dun ung MP3 player mo or iPOD, tapos mag-iiba ng mga kulay ung petals ng flower, parang nagsasayaw na mga ilaw.
So habang abala si Julie sa pagte-testing ng kaniyang flower dancer, naghalungkat naman ako sa mga laruan. One caught my fancy, kaya dali-dali akong pumila sa counter at binayaran ito.
So may bagong laruan ako. Siya si Fairy Red:

Me kasama pa siyang suklay na kulay red din! Ang ganda ganda ganda niya!

Julie: Kuya, ang ganda naman ng nabili mo. Matutuwa niyan ang pamangkin mo.
Ako: Nyek! Akin kaya ito! Binili ko ito para sa akin!
Julie: (natameme lang)
Andaming uncertainties sa buhay nu?
You really don't know what the future will be. Kahit magpahula ka pa kay Madam Auring.
We go to sleep at night (or morning, kung ang job mo ay sa gabi) aware na baka hindi na tayo magising kinabukasan, but we still make plans for tomorrow.
From Kuyatot, I learned the value of appreciating the now, focusing more on the present. Kung ano ang ginagawa mo currently will be the basis of what will happen in the future.
Kagabi, tru text namin ni Kuyatot pinag-usapan ang plano for this Saturday's activity sa Kanlungan ni Maria. Nag-isip kami ng game or laro para sa mga oldies. Nagawa na nila mag-Hep Hep Hooray! pero sobrang napagod daw ang mga lolo at lola. Last time, ni-spell out namin ang mga salitang KANLUNGAN NI MARIA (KNM) at dapat magbigay ang bawat isa ng katangian that starts with the assigned letter to them (K means Kyut).
Tapos, we have talked about Ms. Avic's current situation. Nagpapa-mammogram tests kasi siya to check kung me problema sa kaniya o wala. Thank God at negative daw ang results. Naisip ko na we have to say a prayer of thanks this Saturday sa KNM na ligtas si Ms. Avic sa kapahamakan.
Naisip naman ni Kuyatot ang game na Count Your Blessings, based sa natanggap na pagpapala ni Ms. Avic regarding her mammo tests. Sa game na ito, kailangang magsabi ng mga natanggap niyang pagpapala mula sa Maykapal. Enumerate your blessings, lahat ng participants dapat magsalita.
So dito pa lang, magsasabi na ako ng mga blessing na natanggap at natatanggap ko:
1. That I'm still alive today, doing this entry. Andami kong plans for today.
2. That my parents and siblings are still with me today, alive and kicking.
3. That my parents have reached the sweet old age of 60, and we are looking forward to more years for both of them. Daddy, pagaling ka na.
4. That I have Kuyatot, and we are both looking forward to October 21, our first year being together.
5. That I have God who understands me, and who loves me so much. Kahit bakla ako.
6. That we have food to eat, clothes to wear.
7. That I have wonderful friends na nag-aalala sa kalagayan ko, through thick and thin.
8. That I have a talent in writing poems where I can share my feelings to others.
9. That I am able to speak, for people to understand me better.
10. That I have saved some money to pay the bills, kahit wala pa akong work.
At kung may blessings, dapat i-share ito sa kapuwa. Di ba di ba di ba?
So, ano ang mga blessing na natanggap mo today?
Today is Blog Action Day. The Bloggers are being asked to take a firm stand against POVERTY. Here's my take on the topic:
Nanonood kami ng mga sister ko dati ng natsuging palabas na BESFRENS. Para siyang THAT'S ENTERTAINMENT spin-off na produced ni Kuya Germs. Ipinakikilala ang mga bagets na kasama sa bagong palabas. Ikinukuwento nila ang kanilang nakaraan bago sila nadiskubre ni Kuya Germs.
May isang girlalu, si Michelle, na ganito ang inihirit: "Nakatira po ako sa piling ng Lola ko. (Iyak.) Dalawa na lang po kami sa mundo. (Iyak.) Kaya po ako nag-artista, kasi naaawa ako sa Lola ko. (Iyak.) Naghihirap kasi kami. (Iyak.) Puro tamban ang kinakain namin. (Hagulgol.)"
OK, sinukat niya ang kahirapan niya sa pagkain ng tamban. E kami kaya, gabi-gabi din kumakain nun, pero hindi kami nag-artista. Haha!
![]()
Sabi sa Economics book na binabasa ko kagabi, poverty is relative. At ang sukatan ng poverty ay ang income ng isang tao.
Sa Pilipinas, hindi na natin kailangan ng figures para maalarma tayo. We wake up everyday na saksi tayo sa problemang ito. The reality is, ano ang ginagawa ng gobyerno tungkol dito. At ano ang ginagawa natin MISMO tungkol dito.
Poverty can never be solved in a day or two. I believe all of us must do our part to alleviate it.
The challenge is here. Start NOW.

My sister jokingly told me na kapag aalis ako for a job interview, lagi na lang umuulan. Hindi lang ambon, talagang malakas na ulan pa.
Dyahe kasi bukod sa long green envelope na dala ko for resumes, TOR, tapos me bag pa ako, dala-dala ko pa ang golf umbrella (ella ella ella eh eh eh) na bigay ni Kuyatot.
Ang siste, pagdating ko sa lugar na pupuntahan ko, hindi na umuulan. Umaaraw na uli.
Pag kasi naulan at kailangan kong mag-business attire, binabaon ko pa ung mga damit. Nagpapalit na lang ako sa isang fastfood chain CR o kaya sa CR ng opisina mismo.
Subukan mo naman kasing mag-slacks dito sa amin, kundi tadtad ka na ng batik-batik na putik pagdating mo sa pupuntahan mo. O kaya basa na ung laylayan. Basta magmumukha ka talagang basang-sisiw.
E ang laki ko pa naman, feeling ko lagpas pa ako sa lapad ng golf umbrella (ella ella ella eh eh eh).

Basta, hindi ko alam kung ano ang plano ng langit sa akin kapag naulan during my job interviews. Sabi ng sister ko, baka warning iyon na huwag na akong tumuloy sa particular job interview na un. In fairness, lagi na lang ako nad-disappoint kapag tumutuloy ako sa job interview tapos naulan talaga.
Halimbawa, ung kahapon. Two hours kaming pinaghintay tapos walang kakwenta-kwenta ung pag interview sa amin. Sabagay, "umulan" ng lalaki kahapon kasi first time kong makulong sa kuwarto na me kasamang 13 lalaki: some big, some small, some cute, some delicious... Male applicants lang kasi ang accepted. Hehe.
Sa isa naman, ni hindi ako ininterview pagkabasa ng resume ko. Ang patakaran daw kasi, iaabot lang ang resume and TOR tapos saka nila tatawagan for initial interview and examination. Ang sa akin lang naman, sana nilinaw nila iyon sa ad nila. E di sana nag-shorts na lang ako nung nagpasa ako ng resume at TOR. O kaya iniabot ko na lang sa guwardiya, hindi ung pinapunta pa ako sa registrar's office.
Ung isa pa, talagang sumuong pa ako sa malalim na baha. Kinarir ko talaga ang mga essay at math exams. Tapos sasabihin na bawal pala ang magkapatid sa company nila. Hay. In fairness, nakita ng kapatid ko ung exams ko, pati ung feedback ng nag-interview sa akin. Ang nakalagay, "the applicant seems to be intelligent..." Sayang. Sinayang nila ang chance na magamit ang aking mga kakayahan. Sa akin ang huling halakhak!
So ayun.
Naisip ko na lang, blessing in disguise ang pag-ulan kapag may job interview ako. Umuuwi man akong talunan, alam ko, pinagpapala pa rin ako ng Diyos. He shows his love for me in the form of rain. Every drop carries His everlasting love for me.
Then I look forward to another day: another sunshine, another rain...
*Got picture from here.
*Incidentally, I've used a line from Madonna's song, Rain, as the title for this entry. So sad to learn that Guy and Madonna have agreed to divorce. So, so sad...
Music :: Umbrella - Rihanna
Sinamahan ko kahapon ang parents ko sa Senior Citizens' Office para mag-apply sila ng senior citizen card. Sayang din kasi ang mga diskuwento, lalo na si Daddy na regular na bumibili ng medicines niya.
I must commend the staff kasi napaka-accomodating nila. At saka napakadali pala ng pagkuha ng card. Wala pang 10 minutes, tapos na agad. Kasama na din ang mga booklet for the discounted groceries and medicines.

Sina Mommy at Daddy, habang naghihintay, panay ang linga sa paligid. Ang ganda kasi ng bagong building ng city hall. Sabagay, bagong-bago pa lang kasi. First time nina Daddy at Mommy na makapunta dun.
Natutuwa din ako na may renewed interest sa isa't isa sila Mommy at Daddy. Un bang nagpapaluan sila, o kaya nagkukulitan lang, o kaya simpleng holding hands. Ang sweet! Pareho pa naman silang hindi showy noon. Ngayon lang talaga naming magkakapatid nakikita na ganito sila.
So ayun. Proud sina Mommy at Daddy na officially, senior citizens na sila. Kaakibat man ang takot na tumatanda na talaga sila, happy and proud na din ako kasi umabot sila sa ganitong edad. At gagawin ko ang lahat-lahat para mas ma-enjoy nila ang kanilang senior years. Pramis yan!
*Kami kaya ni Kuyatot? Hay.... Ansarap nga kantahin ng "Grow Old With You."
Nakabili ako ng dalawang libro sa bargain books section ng Puregold-Valenzuela. Dalawa, kasi may promo silang Buy 1 Take 1 for only 99 pesos. Nagnenok muna ako ng 100 pesos sa grocery budget na ipinagkatiwala ng nanay ko. Hehe.
Ayun. Konti lang ung mga book na nasa shelves pero magaganda lahat. Lumapit ako sa isang sales assistant at nagtanong kung un na ba lahat ang mga naka-sale na book. Hindi pa daw, late daw kasi na-deliver ang 10 boxes of bargain books ng supplier. Nagkumahog tuloy siyang ilabas lahat ng laman ng 10 boxes, lalagyan pa ng presyo at ihahanay sa shelves. Hindi ko sinasadya na mukhang na-pressure pa ang lola mo na gawin un. Panay tuloy ang sorry ko. OK lang naman daw. Konting kuwentuhan na kami. Tinanong niya ako kung saan ako nag-graduate ng high school. Sabi ko, sa Meycauayan College. Namumukhaan niya pala ako. Batch 2000 siya, ako naman Batch 1999. Sabi ko konti lang kilala ko sa mga third year that time. Suplada kasi ako sa personal. Haha!
Naging busy na ako sa paghahanap ng magandang bilhin. Muntik ko nang bilhin ung Watermelon King ni Daniel Wallace. Naipahiram kasi ito dati ni Xam pero hindi ko naman binasa. Gusto ko na rin sana magkaroon ng kopya. Pero naisip ko, hiramin ko na lang ulit ke Xam ung book.
Parehong tungkol sa pagtataya sa langit ang nabili kong books. Ung una, The Light of Falling Stars ni J. Robert Lennon. Ung isa pa, The Path of Minor Planets ni Andrew Sean Greer. First novels nila pareho ang mga ito.
***

May review ng The Light of Falling Stars dito.
Synopsis: The lives of five people --- a college student, an elderly woman, a married couple, and an Italian tourist --- are changed by a plane crash in a small Montana town.

May review naman ng The Path of Minor Planets dito.
In 1965, on a small island in the South China Sea, a group of astronomers gather to witness the passing of a comet, but when a young boy dies during a meteor shower, the lives of the scientists and their loved ones change in subtle yet profound ways. Denise struggles for respect in her professional life; married Eli becomes increasingly attracted to Denise and her quixotic mind; and young Lydia attempts to escape the scientists’ long-casting shadows. We visit these characters in six-year intervals as the comet loops around the sun. Andrew Sean Greer’s remarkable and sweeping first novel is an exploration of chances taken and lost, of love found and broken, and of time’s subtle gravitational pull on the lives of everyday and extraordinary people.
***
Sinimulan ko nang basahin The Light of Falling Stars, and I can say na maganda na ang simula niya. Malinis ang paraan ng pagkukuwento ni Lennon, magaganda ngunit simple ang mga ginamit na salita. I also find it fun na pag may mabigat na eksena, unti-unti itong nag-a-unfold, carefully guided by words, slowly building up pressure. Hindi mamadaliin ang reader sa eksenang iyon, inihahanda ang reader to also feel the pain/happiness of the scene.
Mukhang matatapos ko agad ang aklat na ito.
***
Tinext sa akin ni Kuyatot kagabi: "Tignan mo ang buwan. Ang ganda."
Talagang lumabas pa ako ng bahay para makita ang buwan. Ang ganda nga. Ang liwanag!
Natuwa akong isipin na pareho kaming nakatingin ni Kuyatot sa buwan, magkaibang lugar nga lang.
Hay.
Kahapon, bisita uli ang Hands-On Manila sa Kanlungan ni Maria. May apat kaming bagong volunteers: sina Jona, Lulu, Rose, at Camille. Kasama ang mga regular volunteers sa KNM na sina Ernan, Tita Lydia, April Marie, at ako. Hintayan muna sa Antipolo Church, at medyo natagalan ng dating sina Tita Lydia (dahil nag-commute lang at wala siyang driver that day) at April Marie (na late na nakaalis ng bahay).
Mayroon event sa grounds ng church kahapon. Canon Photo Marathon. So nag-pose-pose ang Antipolo Dance Troupe, na kinabibilangan ng mga high school student. Ang gaganda ng costumes nila! Bonus pa na nagsayaw sila kahit walang tugtog. Sila-sila na lang ang kumanta, to the tune of Tayo na sa Antipolo.
Siyempre, photo ops ang mga volunteer kasama ang mga dancer.
+++++Marami pang kuha dito.
***
Past 3 PM na kami nakarating ng Kanlungan ni Maria. Sakto patapos na magmiryenda ang mga oldies. Masigla na sila para sa isang maikling programa. Pagkatapos ng opening prayer, nagsimula na kami sa pagpapakilala ng bawat isa, volunteers pati ng mga oldies.
Sa Count Your Blessings Game, halos tumulo na ang mga luha ko. Waaahhhh!!!! Nagkuwento kasi ung mga oldies ng kanilang buhay, hanggang sa paano sila napunta sa Kanlungan ni Maria.
Si Nanay Bing, na naubos ang nakuhang pera after retiring as Grade 1 public shool teacher sa pag-aalaga ng maysakit niyang asawa. 2005 nung namatay ung asawa niya, ung hinuhulugan niyang bahay ay nailit sa kaniya. Halos pumasok na siyang katulong pero walang tumatanggap sa kaniya dahil matanda na siya. Wala nang matutuluyan, lumapit siya sa DSWD na nag-refer sa kaniya sa Kanlungan.
Si Nanay Linda, na Jolina Magdangal ng Kanlungan dahil super kikay sa pagdadamit. Nakapag-aral siya sa exclusive school. Isa siyang Paulinian. Dati siyang nagwo-work sa isang private school.
Si Tatay Rudy, na tisoy at poging-pogi ang dating. Mas pinili niyang lumayo sa kamag-anak na nasa Davao para umiwas sa gulo.
Si Tatay Vicente, na nagtitinda dati ng diyaryo sa lansangan.
Si Nanay Remy, na laking-Malate at relihiyosa.Hindi na siya nagkaanak dahil sa problema sa fallopian tube. Nabalo sa asawa, wala siyang kapatid. Nag-iisa na sa buhay, dinala siya ng mga kaibigan sa Kanlungan.
Lahat sila, kino-consider na blessing ang pagkakatira nila sa Kanlungan ni Maria. Nawala ang kanilang mga problema sa buhay. Mas nai-enjoy na raw nila ang buhay nila.
Pagkatapos ng sharing, sayawan naman! Gudlak naman kay Nanay Pina, na super-duper-mega energetic at her age of 80. Ang secret daw: Pag nagugutom, kumain. Pag nauuhaw, uminom. Pag inaantok, matulog. Exercise, tamang pagkain, at water therapy. Siyempre, lagi ang Diyos.
Nag-i-spaghetti pataas-pababa pa si Nanay Pina! Gudlak, para lang siyang retiradong Sex Bomb dancer.
Ang energy ni Nanay Pina, sinabayan ni Tatay Aloy at ng volunteers. Kami ang sumuko sa energy ni Nanay Pina. Haha! Nakaupo na kami, siya naggigiling pa!
Waah! Ang tawag na sa akin ng mga oldies ay Taba. Gudlak, mula 194 lbs, 202 lbs na ako ngayon. Waah! Tambay lang kasi sa bahay. Sabi ko sa mga oldies, sexy na ako pagbalik ko next month. Hehe.
Past 5 na kami nakaalis ng Kanlungan. Pagod na pagod, pero masaya. Blessing talaga!
***
Sumaglit kaming tatlo nina Kuyatot, April Marie, at ako sa bahay ni Ate Mylene sa may Steel Homes sa Cogeo. Birthday kasi ng panganay niyang si Alfred. May konting salo-salo daw. Volunteer din si Ate Mylene sa Kanlungan.
At hindi naman kami nabigo sa aming nadatnan: andaming food! May lechon pa from Aklan, padala daw ng parents niya.
At ang cute ni Alfred! Hehe.
Nagsuot kami ng birthday party hat para sa picture-taking. Mga batang isip!
Alam ko, kaming mga aplikante, nangangailangan ng trabaho. Nagsisipag kami para makahanap agad ng mapagkikitaan. Marami ang umaasa sa amin.
Pero sana, huwag ninyo naman mas gawing dehado ang lagay namin. Umaasa kami sa inyo, pero huwag ninyo naman kami paasahin sa wala.
Alam naming nang-aamot kami ng oras sa inyo para pakinggan ninyo ang aming mga qualification. Alam naming sobrang busy kayo. Pero sana, magrespetuhan naman tayo sa oras. Ginagawa namin ang lahat para hindi kami ma-late sa itinakda ninyong interview time. Pero sana, kayo din, ganun din.
Sana lang po. Sana.
Finally, a lot of sunshine has reached my corner of the world....
***
My parents are planning to go the province this All Saints' Day. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nakadadalaw sa kanilang mga namayapang mga magulang. The original plan is sasamahan sila ng bunso namin. Pero nung nalaman ko na Sabado at Linggo papatak ang November 1 at November 2, nagprisinta ako na ako na lang ang sasama. Tutal, restdays iyon ni Kuya Jayson so mababantayan niya ang Tres Marias kong mga kapatid. Si Gielyn naman ay kailangang magtinda kahit half-day lang. Mabenta kasi sa mga araw na iyon. Sasamahan na lang siya ni Gie.
Ang problema na lang ay ang tutuluyan namin. Nakagalit kasi ng Tatay ko ang asawa ng kapatid niya tungkol sa lupa. E sa kanila kami lagi nakikituloy kapag umuuwi. Ayun, banned na kami dun. Malamang sa malamang, sa kapatid na bunso ni Mommy kami makikituloy. Or sa Guilig (Street), kung nasan ang ancestral house (meaning, nabubulok na lumang bahay) ng mga Fontanilla.
So nasa Pangasinan kami ng November 1 at November 2. Sana matuloy. Kung matagal nang hindi nauuwi dun ang parents ko, mas lalo naman ako. Ang last na uwi ko, nung namatay ang lola ko sa mother side. Year 2000 pa yata un.
Balak ko magtampisaw sa dagat kahit saglit, un bang masayaran ng alon ang mga paa't binti ko habang gumigiling-giling ako ala-Marimar. Siyempre perlas lang ang suot ko. Aw!
O kaya mag-picture taking sa Capitolyo. Feeling turista sa Greece! Haha!
O kaya magpakataba ako sa bibingkang inilalako sa bayan tuwing gabi at madaling araw.
Buti na lang me digicam na kami. Yehey!
I'm so excited, and I just can't hide it...
Salamat sa friend ni Kuyatot na si Ate Clariz, napanood namin ng libre ang third installment ng High School Musical. Inimbitahan namin sina Tina at ang kaniyang youngest sister na si Cass na samahan kaming manood kagabi sa SM Marilao. Bukod sa libreng palabas, libre din ang softdrinks at popcorn. The tickets were complements of Neozep/Unilab. Maraming salamat!

The movie was simply amazing: lead stars, music, and choreography. Mas complex ang mga dance routine na ginawa ng mga bida. I simply love the rooftop last waltz scene of Troy and Gabriella! I can't also help but remember Michael Jackson's Black or White music video sa ilang mga eksena. Parang the movie is paying homage to Michael Jackson's scream-then-dance scenes sa music video na iyon.
Bakit kaya laging namumula ang ilong ni Troy sa movie? Haha! At ang galing ni Ryan talaga, pramis! Si Sharpay, glam as ever. Gusto ko ung blue dress performance niya kasama ang kaniyang taksil na personal assistant, at ang "Ryan and Sharpay In Everything" dream sequence.
At hindi ko mapigilan mag-kembot kembot habang nanonood! Napapasayaw talaga ako!
Salamat, High School Musical, for giving this generation a Disney legacy. We will miss all of you!
*May interview ang HSM 3 lead stars with Ricky Lo sa QTV Channel 11 on Tuesday. Aabangan ko ito!
Music :: We're All In This Together - High School Musical
Late na natapos ang Pinoypoets meeting kagabi. Dumating sina Van at Maki, Ergoe and Nanoy, Kath and Emong, Xam, at ako. Dumaan pa si Kuyatot para ibigay sa akin ang mint plant na pasalubong niya from Batangas. Hehe.
Grabe, andaming exciting activities ang gagawin ng Pinoypoets para sa fifth anniversary ng grupo next year! Grabe, as in bonggang-bongga ang term for the night. Bonggang-bonggang-bongga!
Nandiyan ang planong i-revamp, i-overhaul, at iangat to a higher level ang Pinoypoets website. Tentative launch nito ay sa January 2009.
All-systems go na rin para sa lecture series na magaganap sa iba't ibang venues like museums, bookstores, at libraries dito sa Kamaynilaan, at magtatampok sa mga kilalang makata.
May isang poetry reading din ang nakaplano by June 2009.
Sana mangyari ang lahat ng mga plano. Seryoso naman ang lahat para maisakatuparan ang mga ito.
Para sa Pinoypoets!
I'll be meeting Mr. Elmar Ingles later, my former boss sa PHILSTAGE at OPM. I asked him kung may mga project siya na puwede kong gawin. Meron daw. Check ko mamaya kung kaya ko ngang gawin.
Un nga lang, me sakit ako ngayon. Kahapon pa. Napi-feel ko na nga na magkakasakit ako nung Monday pa e. Hay.
Sana di lumala. Kainis kasi andami kong plano kahapon na gawin. Hay.
Hindi natuloy ung meeting namin ni Sir Elmar kahapon, ginabi kasi siya sa meeting niya sa UP Diliman. So nag-decide ako na pumunta ng TRANSCOM Asia para mag-apply. Ang kulit kasi ni Cris e.
OK naman, mabilis ang proseso. One day-processing ng application. Nakapasa ako sa lahat: initial interview, written exam, computer skills, final interview. Inihain na sa akin ang kontrata: 6 months training, 16000 pesos monthly, plus 2000 pesos allowance, health benefits, sa Thursday na ang start ng training. Pirma ko na lang ang kulang.
Kaso, voice account e. I really want a non-voice account. So deadma ako sa offer.
I'll be meeting Sir Elmar later, sa Starbucks near DLSU. Sana maganda din ang offer niya, para masayang sabihin it's nice to be back...
I left the house kahapon ng 9:30 AM para pumunta sa 10 AM meeting namin ni Sir Elmar. Nag-text na ako na medyo male-late ang ganda ko sa usapan namin. I assumed na by 10:30 ako makadarating.
Gudlak, super trapik pala dahil may-I-rain ang heavens! By 11 AM, nasa LRT Bambang station pa lang ang ganda ko. E gudlak ule at sa Vito Cruz station pa ako bababa. Nag-text na si Sir Elmar ng Where are you? I have an 11:30 AM meeting. Sabi ko na lang, Malapit na po.
11:20 na ako nakarating ng Starbucks Vito Cruz at wala na ang ganda ng lola mo. Nalusaw ng ulan ang ganda. Haggardness ever. At wala na si Sir Elmar sa meeting place! Huhu!
Mega-text ako ng Sorry, just tell me where your next meeting is so I can follow. Naghintay ako ng mga 30 minutes hanggang i-text ako ni Kuyatot na sa Jollibee na lang ako maghintay para iwas usok sa mga nagyoyosi sa labas ng Starbucks.
Nag-reply naman si Sir Elmar kahit late na. Na-empty batt siya kaya now niya lang na-read ang messages ko. Mag-meet na lang daw kami after Undas. Well, at least hindi siya galit.
Kaya lang, hindi pa rin malinaw sa akin ang job na ia-assign niya. Bukas, may final interview ako sa isang practical nursing school for an office staff position. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pipiliin ko.
***
After this nag-LRT na lang ako pa-Monumento para sumakay sa Victory Liner bus biyaheng-Malolos. Kailangan kong magbayad ng monthly housing loan ng Tatay ko. After that, punta akong SM Marilao para magbayad naman ng SmartBro bill ko.
At andami ko palang nagastos kahapon! Naka-tatlong libro ako sa Booksale (dalawang poetry books at isang journal) plus napagdesisyunan ko na finally na bilhin na ang inaasam kong MP3.
Korek, MP3 lang ang pangarap ng ganda ko at hindi MP4, MP5, o iPOD. Basta me music na lumalabas.
Ang pangalan niya, Mimi. Ang ganda ng pagka-cute niya!

***
At muntik na ako matuksong bilhin ang laptop na pangarap ko din. Hay. Mega-dungaw ako sa display window ng Octagon na katabi lang naman ng Smart Payment Center. Tapos ang laptop, biglang naging cute na cute na sales assistant. Haha! Bigla na lang siya sumulpot sa paningin ko, napa-ay! ako sa gulat.
Buti na lang at nakabawi ako, at nanghingi ako ng price list ng laptops nila. Ang pangarap kong laptop, 36,000 pesos ang halaga! Hay! Ang ganda naman kasi talaga ng Acer laptop na un! Parang sulit naman ang presyo.
***
Di ba sa Smart Payment Center, pag magbabayad kayo sa cashier o me inquiries kayo about the service or whatever, hihingi ka ng number sa guard tapos ita-type mo ung name mo sa touch screen. Ang itina-type ko, GANDA.
Tapos pag turn ko na, ung PA system sasabihin: Number 3040 Customer Ganda, please proceed to Cashier Number 9. Tapos naka-flash pa sa mga screen na nandun.
Hahanapin ng ibang mga customer ung tinawag sa PA system, tapos itataas ko naman ang mga braso't kamay ko ala-Dyosa.
Pero hahanapin pa rin nila ung tinawag sa PA system. Mga bulag yata sila.
I do have a 2 PM final interview later as an office staff sa isang practical nursing school. If in case they'll hire me ASAP, what about my commitment with Sir Elmar? Also, TRANSCOM will be calling me too once their non-voice account will open for hiring.
Waaah! Nakakalito!
***
UPDATE:
Just got home from the interview. Although office staff ang position na inaaplayan ko, gusto ako ilagay ng school owners sa isang marketing position. Waaah! Maganda ang feedback ko sa interview, at kahit inamin kong wala akong solid background sa marketing, naniniwala sila sa kakayahan ko. I'm honored, actually. Pero, anlaking challenge ng ibibigay nila sa akin. From scratch ko gagawin ang marketing ng practical nursing school nila. I actually want the challenge, pero me dalawa akong iniisip: una, I believe na dapat marketing person talaga ang kailangan nila sa ngayon; at ikalawa, ang baba ng salary offer kumpara sa bigat ng mga responsibility.
I asked them some time to think about the offer, ang deadline ko ay hanggang Lunes ng umaga. Gudlak sa akin!
Sa mga hindi aware, 55 days na lang at Pasko na. But I understand kung marami na sa atin ang ipinagkikibit-balikat ang Pasko.
We are not aware of Christmas, pero alam natin na sunod-sunod tayong niloloko ng gobyerno natin.
The Euro Generals and the hard-to-explain 7 million pesos? Nakakatuwa ang mag-asawang dela Paz. Gusto daw nila na malinis ang kanilang pangalan pero nagkukumahog silang maghain ng complaint sa Supreme Court na ipatigil na ang hearing sa Senado.
What about the big joke JocJoc Bolante? I think ang galing niyang magdrama pagkadating niya dito. Kung ang St. Lukes nga, matagal bago nakapagpalabas ng medical bulletin tungkol sa kaniyang kalagayan. And he's undergoing stress? Di ka ba naman mai-stress sa kung paano mo ipapaliwanag ang paglustay sa perang laan dapat sa mga magsasaka. I believe he's just waiting for the TRO from the Supreme Court.
I believe we have to be very vigilant. We have to be very, very aware.
Parang me bundok lang ng basura nung naglinis ako ng mga kahon ng libro kamakalawa.
Inilipat ko ang mga libro sa mas maayos at malalaking kahon. Ung isang kahon puro poetry books. Naka-tatlong malalaking kahon ako.
Pangarap ko na makapagpagawa ng shelves. Pero naisip ko, maalikabok sa bahay. Along main road kasi kami, kaya kahit ilang beses kami maglinis ng maglinis, mag-iipon pa rin ang alikabok. Baka maging casualty pa ang mga libro ko. Kaya inilalagay ko sila sa mga kahon. Wag nga lang sanang dagain.
***
Salamat sa CCP-ANI, sa pagtanggap ng aking akda.
Mga 5 AM siguro kami makakaalis ng house pa-biyaheng Pangasinan. Ako ang chaperone ng parents ko.
Ilang taon na akong hindi nauwi sa Lingayen, Pangasinan!
Will post some pictures sa pagbalik ko.
Greatest Hits Volume Two
rogerick@pinoypoets.com
Here
[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept
tagboard
content pages
Elsewhere
categories
credits
[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content