Entries for March, 2009
Sigh of relief na nairaos na ng Pinoypoets ang lecture ni Ser Egay. Grabe kakawindang! Pero masaya, kahit di masyado maraming tao (pero in fairness naman e mukhang puno ung room).
Sa April naman ang lecture ni Ser Danton. Abangan!
***
Mamaya na ang actual training namin. Nininerbiyos ako waah! Tapos kagabi, un ang napanaginipan ko! Waah! Nabanggit ko na ba na nininerbiyos talaga ako ng sobra sobra sobra?
***
Rainy ung morning, aylabet! Medyo malamig kasi. Sarap maburyong sa higaan.
Muntik na akong makapatay kanina.
Mabilis kasing magpatakbo ang driver ng jeep na nasakyan ko pa-Cubao. Iilan lang ang sakay, kaya siguro paspas magmaneho ang driver para makauna sa mga pasahero.
Inaayos ko ang wire ng earphones ko gamit ang dalawang kamay ko. Biglang nagpreno ang driver. Nagulat ako, na kahit anong pagpipigil ko na hindi madaganan ang katabi ko, wala akong nagawa. Anlaki ko pa naman.
Ung katabi ko, buntis. Maliit lang siyang babae pero pagkalaki-laki ng tiyan. Kabuwanan na yata. Kaya talagang nagpigil akong madaganan siya. Pero ganun nga, nahagip ko pa rin siya, at tiyak nabigatan pa rin siya sa akin.
Hindi man siya umangal ng malakas, kita sa mukha niya ang pag-aalala sa tiyan niya. Panay ang himas niya dito. Ako naman, sorry ng sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya.
Pagkaraan, mukhang okay na siya. Pero hindi pa rin ako makatingin sa kaniya ng diretso. Nung lumawag sa bandang kaliwa ko, umurong ako palayo sa buntis. Kumapit na rin ako ng mabuti sa hawakan ng jeep. Baka maulit kasi.
Laking takot ko kapag naapektuhan ung bata sa sinapupunan niya.
Dumagdag tuloy sa pagiging bad day ng araw na ito. Andami kong naiisip. Halimbawa, bad stats ang nakuha ko sa first day ng hands-on training. Tapos kanina naman, may nagawa pa yata akong mali (kahit hindi ko naman talaga alam kong may nagawa nga akong mali. Bigla na lang kasing naging mali ang ginagawa ko nung oras na iyon.)
Tapos Miyerkules na, anlapit na ng Lunes. Isa-subject sa panibagong tests ang Tatay ko ng bago niyang doktor. I'm praying na bumuti ang pakiramdam niya.
And yes, my romance wth words. Ito ang nakakabuwang talaga ng sobra. Hindi naman ito dapat problema pero pinoproblema pa rin ito dapat. Madalas, mas binibigyan pa ng bigat ito kaysa ibang problema.
Ganun nga ang araw na ito. Kasimbigat ng hangin at kasingtalim ng sikat ng araw.
Mood :: anxious
Kabisado na ni Kuyatot ang pagiging negastar ko.
Ever since naman, negative thinker ako e. Kung puro positive things ang lumalabas sa bibig ko, sa lahat ng mga sinasabi ko, kabaligtaran iyon ng naiisip ko, ng nasasapuso ko.
I must admit that I hate failures.
Kahit gusto kong isipin na magiging positive ang outcome ng isang bagay, I tend to think otherwise.
Siguro, ayoko kasing maunsyami. Baka mausog ung magandang bagay na maaaring mangyari.
I have this thinking na lahat ng naiisip ko, kabaligtaran ang nangyayari.
Like halimbawa, iisipin ko na wala, hindi ako makukuha sa work na iyon. Tapos iisipin ko iyon kasi ang expectation ko, magiging positive ang outcome. 75% true ito sa mga nangyari sa buhay ko.
Siguro, mali lang talaga ang nakasanayan kong way of thinking. Pero wala e, you can't break an old habit daw.
And so, I worry much. Nakita ni Ergoe, kasama ko sa Pinoypoets, kung paano ako ma-tense bago ang oras ng lecture ni Sir Egay. Medyo kontrolado ko pa nga iyon e. I always freak out talaga pag ganoong instances.
Lalo naman mas nakikita ni Kuyatot ang tenseness in me. Kaya pag alam niyang worried ako sa mga ganung bagay, ang hirit agad niyan, "Wag kang nega..."
Ako naman, mapipigilan. Pero tense pa rin sa kaloob-looban. Sabay hawak ng mahigpit sa braso niya (kapit-tuko, pasensya na).
Pakiramdam ko, nandun ang pag-asa. Sa pagkapit kong iyon sa kaniya ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit na mahigpit.
Music :: Magic - Pussy Cat Dolls
Remember Paolo? Cutie guy number 3?
Hehe ka-YM ko siya right now. He's so excited about meeting a cute girl soon. Ipapakilala daw ng friend niya. Tapos, he's over gushing about Yumi Sugimoto.

Susme! Parang ako lang!
Nabanggit niya rin na he wants to go to Japan to meet Yumi, train on weaponry (I asked: what WEAPON?), eat sushi (I asked: who's SUSHI?). Hehe.
Then he sent me his new picture.

Bata pa talaga si Paopao! Me mga tagyawat pa, dahil siguro sa mga crush niyang girls na singkit.
Off-the-record na ung ibang napag-usapan namin. Ang private masyado! Tapos nagpaalam na siya kasi he needs to go to the gym pa. Sabi ko na lang, sige, grow those muscles!
Ang init ng summer!
Condolence sa mga naiwan ni Francis Magalona, a true Filipino artist.
***
Na-inspire naman ako sa napanood ko kanina sa TV. Live telecast kasi ng misa sa Channel 4, at may part dun na sharing ng parishioners. Isa sa kanila ay isang businesswoman and single mom, whose only child has been diagnosed by leukemia late last year.
Dahil single parent daw siya, kailangan niyang kumayod araw-gabi para sa future ng daughter niya. Mas tumayo siyang ama sa bata kaysa isang ina.
October 2008 nang hindi tumitigil ang lagnat ng anak niya. Na-rule out na ang dengue, and after series of blood tests, nalaman na leukemia ang sakit ng bata. Worst case, ung leukemia na hindi na curable ang diagnosis ng doktor na unang tumingin sa kaniya.
Biglang-bigla daw nagbago ang buhay nilang mag-ina, sa loob ng isang linggo na iyon. Madalas daw niyang itanong sa Diyos kung ano ba ang naging mabigat niyang kasalanan at pinarurusahan siya ngayon. Ung mga iniipon niya para sana sa future ng daughter niya, mukha namang wala na daw magiging future. Para saan pa daw ba ang pagsusumikap niya?
Doon nagbago ang pananaw niya sa buhay. She made friends with people na malapit sa church, na lagi siyang sinasamahan. Nabanggit nila na kailangan siya ng anak niya ngayon, hindi sa future, kundi sa ngayon.
Then she realized that indeed, with God, nothing is impossible.
She decided to transfer her daughter to another hospital. The new doctor asked for another set of tests for the daughter. Sabi ng bagong doctor sa kaniya, "Mommy, I think hindi incurable leukemia ang sakit ng daughter ninyo, kundi ung curable type."
Para daw siyang batang nagtatalon nung marinig niya ang magandang balitang ito mula sa doktor. Ito daw ang hiningi niya mula sa Diyos, at natupad naman!
Three years daw ang treatment na kailangang i-undergo ng daughter niya, and she asked for everyone to pray for her daughter.
Sana nga, tuluyan na siyang gumaling.
Amen.
Amen.
Nagda-download na lang ako ng Lalola through Torrent. Hindi ko na kasi napapanood dahil sa schedule kong 4 AM to 1 PM.
Naghanap kasi ako last last week ng DVD copy sa St. Francis Square, at clueless sila kung ano ung Lalola.
Ayaw naman maghanap ni Kuya sa Quiapo ng kopya.
Buti na lang meron sa Torrent. Sana lang me subtitles ung napili kong i-download. Gudlak naman kung Argentinian lang ang dialogues dun.
***
Nakasabay ko namana kanina pagpasok sa trabaho si Makoy Dakoykoy.
Ayun, tsika na naman.
Hindi niya raw makita ung bagong puwesto ng Booksale sa SM North EDSA. Kahit ilang beses ko na itinuro sa kaniya.
Tapos, sinabi ko nga na pinanlalamigan na naman ako sa pagsusulat ko. Freezing.
Hay, nakakatakot na pangitain.
Buti pa siya, active pa rin.
***
Dalas ang pagta-taxi ko papasok sa work. Bababa ako sa POEA or sa Gate 5, tapos mag-taxi na lang ako pa-Tiendesitas.
Ngayon lang ako nagka-privilege ng ganito. Haha.
***
Wala pa akong tulog kasi pagkauwi ko, nagpahinga lang ako then sumaglit akong Puregold. Bumili ako ng gifts ko for Hannah Margarette tomorrow sa christening niya.
Tapos diretso kami ni Kuyatot sa Pangarap Shelter sa may Taft, Manila para sa drumming sessions with the Pangarap Shelter kids. Courtesy ito ni Inay ng Hands-On Manila.
Hands-On Manila volunteer din pala si Ramon, ka-fellow ko sa LIRA. Small world talaga. Baka bukas nandun din siya, magkikita uli kami.
***
I only dream now of massages, of facials. Kailan magkakatotoo ang lahat?
I had a great (kahit medyo tiring) day yesterday!
First, after I quarreled with Kuyatot on our way to the sakayan ng bus pa-Market! Market!, nagkausap din kami ng maayos (wheew!).
At muntik na kaming maligaw papuntang Sto. Niño Church sa Bicutan, Taguig. Doon kasi ang binyag ni Hannah Margarette. Pagkatapos ng nakakalokang tricycle ride (un na un?), nag-uumpisa pa lang ang roll call ni Father sa mga bibinyagang bata that day.
Siyempre nandun ang ilang Hands-On Manila volunteers na naging ninong at ninang ni Hannah.
Pagkatapos ng seremonyas sa simbahan, tuloy naman kami sa reception sa Villa Salud sa Lower Bicutan.
Nakakuwentuhan ko on our way there sina Tin-Tin (who works for DTI pala, at kaka-promote lang), ang couples na soon-to-be-married na sina Que at bf (wah I forgot his name!), at si Ms. Jen, who owns the car na sinakyan namin papunta sa reception. Sina Que at bf, nakapang-sports attire, un pala kagagaling lang nila that morning sa 21-K run na malapit lang sa area. Gosh, ang athletic pala nila ng bf niya. They will be getting married sa April, sa Bacolod. At kasama si Kuyatot sa mga invited. Invited rin naman ako pero di ako pwede sa sked nila, so ayun, maiiwan ako dito.
After the binyag, diretso naman kami sa birthday celebration ng HOM volunteers na sina Inay Cecille, Gilbert at Carla sa Pangarap Shelter sa may Libertad, Pasay City. Shelter ito para sa boys na I think palaboy or hiwalay na sa magulang or ulila na.
May drumming session sila Inay para sa mga bata. Namigay sila ng mga empty mineral water gallon para gawing drum. Ayun, natuwa naman ang mga bata.
Baka next week, balik ako ng Pangarap Shelter para mag-volunteer. May Kanlungan ni Maria kami that day pero hindi ako pwede sa umaga (same with Kuyatot), kaya sa hapon ako mag-volunteer work, un nga sa Pangarap Shelter.
***
I felt like spending on books yesterday kaya bumili ako ng Para Kay B., na unang nobela ni Ricky Lee.
***
Sana pumayag siyang maging next Cutie ko. He's a teacher sa Benilde. Tapos, he teaches sign language din. He is a fellow volunteer sa Hands-On Manila.
***
P.S. Dinala ko pala si Daddy sa doc niya, pero nasa India daw si doc. Hmm... baka nagpa-praktis siya na magpasayaw ng ahasss.. Anyways, itinuloy na lang namin ni Daddy ung mga test na ni-require ni doc. Sa X-Ray room ay nakasabay ko ang isang guy na naka-T-shirt ng Hands-On Manila. Kinausap ko kung active volunteer pa rin siya. Lately daw hindi na kasi may sked siya pag weekends. Tapos nagkuwentuhan na lang kami sa mga project na na-handle niya or nakapag-volunteer siya.
Nakakatuwa, kasi lumalaki ung network of friends ko thru Hands-On.
Kaya kung may puso ka for others, volunteer na!
I am enjoying Ricky Lee's first novel, Para Kay B (O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 sa Atin).
Ilang pahina pa lang ako, ang hilarious na ng presentasyon ng mga bida sa kuwento!
Kailangan ko ito ngayon, ngayong may dinaramdam ang aking puso.
Mga damdaming hindi kinaya ng tilad-tilad na linya ng tula...

Mayroong review ng nobela dito, kung saan ko din kinuha ang larawan ng pabalat ng aklat.
***
Oh fuck!
Just found Mark Doty's blog.
COPD
Ano ang ibig sabihin?
Check ninyo dito.
At dito.
At dito.

No cure, but Daddy will overcome this.
We know.
We know.
Life goes on...
Ilang araw pa lang, pero ambilis ng epekto ng mga gamot ni Daddy! Nababawasan ang mga atake ng COPD lalo sa gabi.
Kaya lagi ko siyang binibilinan na sana, lagi niyang iinumin ang mga gamot niya on time. Mukhang sumusunod naman, kasi siya mismo ang nagbabalita ng improvements sa katawan niya.
Sana talaga tuloy-tuloy na.
Balik kami ke Doktora sa Lunes for follow-up check-up.
***
Kahapon ay nag-aya ang mega-best-super-duper trainer naming si Peps na mag-party after ng training.
Dahil puno sa Muchos, sa Elbow Room kami napadpad.
Ang galing kumanta ni Peps! Syet! Idol!
Napaka-gifted niya. Panalo ang BF niya! Hehe.
Ayun, habang nalalasing ako sa bottomless iced tea (kahit bawal sa akin), nalaman ko na hindi naman ako KJ talaga e. Reserved lang. Haha!

Olats ung mga pix ko! Gamit ko ung K330 na cel, pangit talaga resolution nun. Antayin ko na lang ung pix ke Peps.
***
Sunday is rest day. Period.
Sabi ko ke Kuyatot, nenokin namin si Hannah. Tawa lang siya ng tawa. Kainis.
Pix mula sa christening ni Hannah noong March 8, care of Mami Perry's Multiply site.
Super-cute na pusa!

Parang kami nung brother ni Mami Perry ang mag-jowa. Haha!
New sked uli kami mamaya, balik midnight hanggang 8 AM.
Mamaya din ang tigbakan alley.
Gudlak naman, di ba? Papasok kami tapos sasabihan kami na umuwi na at hindi kami nakapasa sa first part ng training.
Scary!
Bahala na, magpapaganda na lang ako ng sobra. At least, kahit thank-you girl ako, keri na dahil maganda ako.
Haha! Huhu!
Rainy morning!
Hmmm.. ansarap sanang nasa higaan lang, kayakap ang unan or si Kuyatot...
But it is a weekday! Waaah!
Iniisip ko kung kailan nawalan ng kinang ang bituin ni Dennis Trillo.
Siguro, ung time na nag-deny siya sa pagbubuntis ng isang beauty queen, hanggang sa nanganak ito.
Pero bakit naman naging malaking factor ito? Siguro nawalan ng kumpiyansa ang mga tao sa kaniya, na kinaya niyang i-deny ang anak niya. Nung nagkabukuhan na, saka na lang siya umamin. At nag-sorry.
Pero marami-marami pa rin naman ang nahuhumaling sa kaguwapuhan niya. Un nga lang, parang natabunan na ang talento niya sa pag-arte. Mas gusto ng fans na maghubad na lang siya.
Bakit sa Gagambino, kailangang half-nude siya? Kailangan siguro ipakita ang mga utong niya. Nakaka-titillate.
Tsaka hindi na siya mukhang fresh. Ung guilt niya siguro, nag-reflect sa physical appearance niya. Tinalo na siya ng freshness nila Aljur Abrenica, Aljur Abrenica, Aljur Abrenica.
Haha, hindi naman ako fan ni Aljur. Marami ang natuwa nung nag-tikbalang siya sa Luna Mystica. Half-nude din kasi. Tsaka mabalahibo.
Naisip ko na sa pagyao ni Marky Cielo, si Aljur ang tatanggap ng projects para dito. Sa ngayon, meron siyang afternoon soap. Un nga lang, ang tabang ng akting niya. Parang hilaw na hilaw pa.
Hindi katulad ng mga prutas na tinda sa palengkeng dinaanan ko kanina. Summer na summer ang kahinugan nila. Teka, paano nga pala malalaman kung hinog na ang singkamas? Parang mga ulo ng sanggol ang mga tumpok-tumpok na singkamas sa kariton ng maglalako.
Minsan, mas masarap pa ang naglalako kaysa sa inilalako. Imagine, si Rosanna Roces, nagtitinda ng pinya: "Tikman mo ang P ko." O kaya si Leandro Baldemor, nagbebenta ng tikoy: "Isubo mo ang T ko."
Bakit nga pala hindi na nagpo-produce ng pelikula ang Seiko Films? Sa mga pelikula nila ako natuto ng human anatomy.
Ah, un pala ang boobs. Nakakalunod!
Oh, un pala ang puke. Katakot!
Uhmm, etits ba talaga yan? O labakara?
Naalala ko tuloy kung paano ako pagbawalan ng tiyahin ko (R.I.P.) nung nakinood ako ng Machete 2 sa kanila. Elementary pa lang ako nun, tapos nagsalang ang mga pinsan kong matatanda na ng bala ng Machete 2.
Natutuhan ko sa pelikula na minsan, masarap pala ang kahoy. At mas matigas.
Makapunta nga uli sa Baguio. Bakit ba kasi sa Baguio lang yata me nililok na kahoy na hugis titi. Tsaka bakit exag minsan ang laki ng mga lilok na ito. Nakaka-tempt tuloy. Me nabasa akong blog na minsan, me ginawa siyang masama gamit ang nililok na aring ito.
Which goes back to the question kung bakit lumamlam ang career ni Dennis Trillo. Bakit nga ba?

***
Kakatawag lang ni Kuyatot ko! Kasama daw siya sa episode ng Dare Duo next week (or baka next time pa.). Ito ung bagong show nina Marc Nelson at Rovilson Fernandez sa QTV Channel 11. Ang dare yata ke Kuyatot e MMDA job. Wala pa masyadong details.
Wehehe excited na ako! Yipee!
***
Kagagaling lang namin ni Daddy sa ospital. Natuwa si Doc kasi mukhang me improvement si Daddy after one week of medication. Sana gumanda na ang X-ray test niya next month.
Thank you po, Lord! Patuloy kaming nananalig!

Soon!
I still have to take care of some stuff, tapos I'll work with his interview na.
Sana I'll finish everything before the weekend. Hehe.
Excited na ako!
Remember my MERALCO boys entry?
Nagbayad kasi ako ng electric bill kanina e. Siyempre, sa Malanday branch ako nagbayad. At siya ang nag-asikaso ng bayad ko:

Siya si Joseph, 22 years old, taga-Obando, Bulacan. Posibleng next cutie kaya? Sana!
How I wish na naka-summer outfit siya kanina. Kaya lang naka-formal sila, with tie pa.
Napakagat tuloy ako sa aking labi. Amp.
Na-touch naman ako ke Makoy Dakuykoy.
Eto, binabasa ko ang .pdf version ng kaniyang Patikim, ang kaniyang unang putok.
Kaka-inlove! Kakakilig!
Kasama pala ang maganda kong name sa kaniyang Pasasalamat.
So may idinudulot pala talaga sa kaniya ang aming mga tsikahan.
Pag lumabas na ung book, suportahan natin si Makoy ha?
Go go go!
Buti pa siya, meron na... Ako, parang sinusukuan na ng Musa.

Paano mahahanap si Makoy Dakuykoy?
Feeling mayaman, kaya nung umuwi ako ngayon, dumaan ako ng Pizza Hut.
Bumili ako ng Meatlovers tsaka nung Palm Card nila. Me 2nd pizza tuloy.
OK naman, I feel like spending today.
Hard-earned money, beybe.



This is a letter from one bar girl to another bar girl whose boyfriend
she apparently stole. This was found in a Malate bar by a friend of the
guy who sent me this e-mail. Enjoy it as much as I did!!!
Actual letter found in a bar in Malate:
------------------

To Marjie,
I am not surprise or wander why Dennis leave you. Why? What reason you
can think about but you're very fat body. I'm thought before that
Dennis only use me to his toy but sooner and later I'm realize that he
really can't not beared or stomached to be with you anymore because at
first, Dennis say he could not stand you're habit of making pakialam
all his walks (mga lakad) and always calling to their house what time he go home or
this or that and then he say he get ashame to met you iether in school
or in his family and then asking you to exercise you're very, very,
very fat body but you hate it you thoughth you're the most prettiest
girls he know about what do you think you are "Beautiful Girl" of Jose
Mari Chan even you are beautiful face (to your think) you do not have
the rigth to called me whatsoever or else different name one time or
the other for the real purposed to insults my personality because I'm
never call you names before iether in front of Dennis or in the backs
of Dennis, but if you start already to calling me different name, I'm don't have any
other choice but to called you other different name to like you are a
PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT AND UGLY SHAPE girl. Shame to you're body
that is to a BUDING. You can't not blame Dennis for exchanging you to
me because I'm am the more sexier than you when you look to us in the
mirror. I'm repeat again that you are like Ike Lozada when she is a
girl.
FROM: THE SEXIEST GIRL OF D.M.
Ps. You say that I'm the bad breathe
But who is Dennis want to kissed.
Me or you? You or me?
And the final is me. There you go.
***
Possible reply of Marjie to D.M.:
---------------------

Deer D. M.,
Why do you mud me all the time? I has been very very good to you and
Dennis has been very, very good to me all the time. Also, I am not
caring about Dennis whatever walks and where he walks, he can make
walks where he wanted all the time. If his stomaching me bothers him
maybe there is ulcer of his all the time. No calling of me his house
all the time, too, because I am not in the hold of a phone all the
time. And Dennis will not exhanged for you from me. You can said all
the time that I am a pig but you are pig, too, if I am obessed your
more obessive and overwait, too, not ovewight as said by you. And you
are not more sexier, whatever mirror you looks like. All lies all the
time all you saying to me, you're only correct lie is Ike Lozada is a
girl!
Marjie
P.S. I am smelling your bad breathe if Dennis finished kissing you then
kissing me. That is reason my kissing Dennis first before your final
all the time. Dennis also telling me of you, you has bad breathe both
ways! And I am good smelling both ways!
***
Possible reply of Dennis to D.M.:
-------------------------
To my labs
Whay are you making fights becos of me, It ouches me when u make
sira-sira to yourselfs telling Marjie a BUDING and DM sinungaling. You
know naman na labs na labs you both kaya don't make away-away na.
Next time don't date you hir in Malate cos its very mahal and the pipol
are very mahangin. Lets go to Luneta to make pahangin na lang or in
Pasay to make labing labing. No more letter for you ha and don't make
away-away ulit cos its very hard to write in englis.
Marjie and DM, you are both sexy to me and Marjie breath is not smilling masama I can kiss you two til my breth can no more.
I lab you day!
Dennis of Catbalogan
***
Paunawa: Ang mga nasa larawan ay hindi sina Marjie, D.M., at Dennis.
Mula ang mga entry sa link na ito.
Mga larawan mula dito, dito, at dito.

Rhodge: Let's talk about numbers muna, Eric. How old are you?
Eric Beja: I am 28 turning 29 on May 16. Mukha ba akong 28? Hehehe.
Rhodge: You look younger, actually. Haha! Your height?
Eric Beja: 5'6.
Rhodge: Shoe size?
Eric Beja: Pag leather, size 9. Pag rubber shoes, mga size 9 to 10.
Rhodge: Number of GFs before your wife?
Eric Beja: Kailangan ba ito? Seryoso o hindi? Hehehe.. kidding... mga 5 GFs siguro.
Rhodge: Andami! Hehe. What do you do for a living?
Eric Beja: I am a security financial planner and an entrepreneur.
Rhodge: Have you always worked that hard, even during your younger years?
Eric Beja: Yep.. but harder on my younger years... Sanay na siguro ako sa work. Since elementary kasi ako, working student na ako until I graduated from college.

Rhodge: And you are currently busy with a string of business lines. So you are really that workaholic! How do you find time for leasure? What do you enjoy most during free time?
Eric Beja: Before workaholic ako ng sobra-sobra, but now hindi na masyado. I have to focus on just a few things like my work with Manulife as a security financial planner and my perfume business. On call naman yung sa TV acting. Doing my work is already a pleasure for me. During free time, me and my wife spend time together going to malls to unwind.
Rhodge: So it's true na nag-a-acting-acting ka rin! I heard that you have a bit role in Mano Po? Can you tell us about the experience?
Eric Beja: Yep, it's true. I had a bit role sa Mano Po 1. Tapos, sa ibang TV shows din, mostly with GMA-7. Masaya at masarap yung acting experience.

Rhodge: Exciting! How comfortable are you with your body? Any body part that you really hate?
Eric Beja: Yep, I am comfortable naman with my body. But kailangan ko pa na mag-trim down. Wala naman akong body part na ayaw ko.
Rhodge: What do you think is your best physical asset?
Eric Beja: I think it's my eyes. Sabi din kasi ng ibang kakilala ko.
Rhodge: What do you think is the sexiest part of your body?
Eric Beja: Eyes din siguro.
Rhodge: How many times do you frequent the gym?
Eric Beja: Before, madalas ako sa gym. Ngayon, hindi na masyado.

Rhodge: Have you used your charms to turn tides in your favor?
Eric Beja: Sometimes kailangan e, lalo na pag sa sales. Hehehe. Tsaka ngayon I'm in the insurance world. Gagamitin ko siguro ung charms ko para lang ma-educate yung mga tao about the importance of insurance. But not to the point na ibibigay ko sarili ko. It's against my rule.
Rhodge: So, have you received indecent proposals from gays and matrons?
Eric Beja: Yep.
Rhodge: Do people always get a wrong impression about you?
Eric Beja: Wrong impression? Yep, meron. Pero OK lang kasi akala nila mayaman ako tsaka tipong graduate ng La Salle. Hehehe.
Rhodge: You describe yourself as funny. Do you always crack some jokes?
Eric Beja: Yep, ako ung tipong madalas humirit ng jokes.
Rhodge: You already have kids?
Eric Beja: No kids yet.
Rhodge: If ever na may kids ka na, paano ka kaya as a father? Will you be the disciplinarian type?
Eric Beja: If ever na I will become a father, ako siguro ung father na parang kabarkada lang.

Rhodge: Your wife refers to you as "the best husband in the universe!" How do you show your appreciation to your wife?
Eric Beja: By ensuring her that I'm only for her until the end of time.
Rhodge: Give us 10 things na ini-enjoy mo ngayon, or fave mo, basta ung "hit" sa iyo.
Eric Beja: Andami naman, hehehe. Anim lang, puwede? Wife ko, work ko, mga raket ko sa TV, hosting jobs, attending to the needs of the community, biking (na sana maging regular ulit).
Rhodge: What's your philosophy in life?
Eric Beja: Hirap muna bago sarap. Tsaka just be yourself because people will love your true personality.
Rhodge: Can you tell us a naughty secret? A fantasy perhaps or a naughty deed you've done before?
Eric Beja: Hahaha.. mahirap sagutin yan baka gusto rin nilang ma-experience...

Been bitten by.....Edward Cullen!
Hindi ko inaasahan na mai-enjoy ko ang Twilight, written by Stephenie Meyer. Half na ng first novel ang nabasa ko. Salamat kay wavemate Rach sa kaniyang ipinadalang .pdf file.
Kaya pag boring ang lecture ni Trainor Gio, basa muna ako ng Twilight.
Kilig lang! Haha!

We rushed Daddy to the hospital yesterday. This happened after we (including his doctor) concluded that he was getting better and better.
Almost three days akong walang tulog. IPagkagaling ko sa Thursday shift ko, inasikaso ko si Daddy sa ospital tapos diretso Friday shift (hindi puwede umabsent kasi may final test at chat certification). After that, diretso ako ng ospital para magbantay. Kakauwi ko lang. Sabagay, me mga nakaw akong tulog pag breaks at pag biyahe sa bus. Tama na un sa akin.
Daddy is still in the ICU, at close monitoring ang ginagawa ng attending physician niya.
We are all praying hard. I know Daddy will make it. Malakas si Daddy e. Malakas siya.
***
I witnessed some miracles kanina habang nagbabantay ke Daddy. Ung ibang kamag-anak na naghihintay sa waiting lounge ng ospital, ay nagbahagi ng mga nangyari sa mga pasyente nila. Some of these patients has recovered, some of them are recovering.
Si Daddy din, I believe na bumubuti na siya. Small happening, big miracle. Thank you, Lord.
***
Baka pahinga muna ako sa blogging. At lalong-lalo sa pagtula. Kailangan ko din kasing mag-concentrate sa work. I need to para me panggastos. Kailangang-kailangan kasi.
