Entries for April, 2009

Buhos ng Ulan
posted by GHV2 on April 3, 2009 at 02:50 PM
as a favorite post

Hindi katulad ng mga nagdaang hapon ngayong linggo, hindi nagdilim ang langit at walang bumuhos na malakas na ulan. Ang ganda ng sikat ng araw. Tila ngumingiti ang Diyos at lumalagos ito sa kay puti-puting mga ulap, dumadampi sa aking balat. 

Punong-puno ng pangako ang langit. Sa lawak nito, maisisiwalat mo ang lahat-lahat ng laman ng iyong puso. Ito ang naisip ko habang nakatingin dito mula sa sinasakyang bus pauwi ng bahay. Sabay na kami ni Kuya umuwi galing MCU Hospital. Doon siya nag-celebrate ng kaniyang birthday kagabi. Ako naman, mula graveyard shift ay dumiretso na sa ospital para dalawin si Daddy.

Sinabi ng doctor niya na baka umuwi na siya within two to three days. Baka tanggalin na mamayang gabi ang tubo na pang-drain ng tubig sa baga niya at sa paligid ng kaniyang puso. Hinihintay pa rin ang resulta ng biopsy ng na-extract na tubig. Posibleng cancer, sabi ni doc.

Pero wala pa naman resulta, at nananalig kami sa Diyos na hindi niya kami pababayaan. Nothing is impossible with God. At kung iyon ang kagustuhan Niya, Thy will be done.

After namin siyang maiuwi by Saturday or Sunday, siyempre hindi pa dun nagtatapos ang lahat. Continous ang kaniyang medications, plus may required pang CT scan at kung ano-ano pang lab tests na dapat gawin sa kaniya. Hindi pa rin namin alam ang total bill sa ospital. We are hoping na malaki ang maibabawas ng PHILHEALTH ni Kuya (dependent niya si Daddy) at ng senior citizen card ni Daddy.

Sa ngayon, mas gusto ko munang magdiwang na makakauwi na siya. We miss him, a lot. Sobra. Lagi ko nga siyang sinasabihan na miss na rin siya ni Luna, ang aso namin. Sanay kasi si Luna na naglalambing ke Daddy, kasi si Daddy ang nag-alaga kay Luna nung nagka-digestive problem ito nung tuta pa lang.

Malalim pa naman ang balon ng aming pag-asa. Kung umulan man ng malakas ang langit sa mga susunod na araw, tiyak mapupuno ang balon ng grasya. Aapaw, at patuloy na aapaw at aapaw.

Anything?



Tuesday
posted by GHV2 on April 7, 2009 at 11:17 AM

Saturday, ipinaalam sa amin na may cancer si Daddy, stage 4. Mestatic carcinoma, meaning kumakalat na ung cancer cells sa katawan niya. Hindi tukoy ng mga doktor kung anong organ ang may cancer. 90% daw sure sila na baka sa lungs. Nag-order ang doctor niya ng CTscan para masigurado ito.

Pinagpasyahan namin na hindi muna sabihin kay Daddy ang sakit niya. Sa kalagayan niyang mahinang-mahina, baka ma-depress lang siya lalo. We asked the doctors to give us at least two weeks to rest, to bond without worries. Pagplaplanuhan na rin sana namin kung itutuloy si Daddy sa chemotherapy sessions.

Past midnight ng Sunday, bale Lunes na ng madaling-araw, sumuko ang katawan ni Daddy after niyang mag-nebulizer. Biglang-bigla, parang nag-auto shutdown ung katawan niya. Natulala siya, tapos tumirik ung mga mata, tapos un na, bigla na lang siyang nahimlay. Na-revive siya after 10 to 15 minutes, at sa ngayon ay nasa deep coma siya.

Please pray for my Dad. Thank you very, very much.

3 Said So



Daddy Goodbye
posted by GHV2 on April 10, 2009 at 07:45 AM

Ung Baguio calendar namin na movable wood, ang nakalagay na date: APR 08 WED. Sana huminto na lang dito ang panahon.

 

dad

Daddy died yesterday, April 9, 4:04 PM. Nagka-cardiac arrest siya brought about by cancer complications. 60 years old lang siya. Nabanggit niya noon na mukhang hindi daw siya aabot ng 65.

 

10 Said So



Gratitude
posted by GHV2 on April 16, 2009 at 03:35 PM

Maraming, maraming salamat sa mga taong nagbahagi ng tulong sa kahit anong paraan, sa mga nakiramay, at sa mga nagdasal para sa kaluluwa ng aking ama.

Our family is forever grateful to all of you.

God bless, God bless.

 

Anything?



At pagkatapos
posted by GHV2 on April 18, 2009 at 10:55 AM

Paano ba ako magsisimula muli?

Ambilis ng mga naganap nung mga nakalipas na linggo, ngunit parang ilang light years bago ko narating ang realisasyon: wala na si Daddy.

Ganun pala un talaga, magpapatuloy ang buhay, nagpapatuloy ang hubay, pero parang me higanteng bato sa dibdib mo na ginagawa kang stationary. Sumasabay ka sa daloy ng buhay, pero may mabigat kang dinadala: wala na si Daddy.

Madalas, pakiramdam ko na may kulang na sa akin na hindi na mahahanapan ng kapalit.

Tumatawa ako, nagtratrabaho ako, nakikisakay ako sa mga tsismisan o anumang balitaan, pero kalahati ng isip ko lumilipad. Sa kung saan. Walang pangalang lugar, o hindi tukoy na oras.

***

Mamaya pupunta kami sa puntod ni Daddy sa Arkong Bato Public Cemetery. I-check namin kung nakabit na ung lapida tsaka kung kailangang pinturahan. Puti ba o blue? Hindi pa namin alam.

Bukas ang pa-siyam niya.

Hindi pa siya bumabalik sa amin bilang kayumanggi o puting paruparo, katulad ng ibang mga nagkuwento sa akin.

Sobrang nami-miss ko na si Daddy. Sobra!

***

Eto: siguro magbabalik ang blog na ito sa normal sa Mayo. O baka mas maaga pa. I really need to get busy. At isa ito sa therapy ko. Blogging keeps me sane.

But the blogger will no longer be the same piece of R. I don't know, I don't know...

8 Said So



Danton Remoto Lecture
posted by GHV2 on April 19, 2009 at 06:34 AM

danton

Dear Friends,

Pinoypoets, in partnership with Anvil Publishing and Powerbooks, is presenting a lecture by gay rights activist and poet Danton Remoto entitled "Desire and Doom in Philippine Gay Poetry" on April 25, 2009, 2:00 PM at the Powerbooks Megamall. This event is also the second of a series of lectures in celebration of Pinoypoets' fifth anniversary.

I would like to invite you to come to the lecture. I hope you can pass this invitation on to as many writers, artists, teachers and literary enthusiasts as you can.  The lecture is free of charge.

For inquiries, contact Pinoypoets through mail@pinoypoets.com, Rhodge Fernandez at 09238096002, or Romel Samson at 09166390640 or 0929785327.

 

Best regards,

Rogerick Fontanilla Fernandez


[Larawan mula sa: The Daily PCIJ]

Anything?



At pagkatapos
posted by GHV2 on April 19, 2009 at 09:01 AM

moth

Brown moth kung magparamdam si Daddy sa akin.

Ung unang beses, isang araw bago ilibing si Daddy. Naliligo ako nun ng may isang moth na dumapo sa timba ng tubig. Nag-alala ako kasi baka nabasa ko ang mga pakpak niya. Nung dinampot ko ito, biglang lumipad at dumapo sa bintana ng banyo. Tsaka lumipad na palabas.

Ung pangalawa, kanina lang nangyari. Magluluto sana ako ng itlog nung napansin kong may moth na nakadapo sa cupboard na lalagyan ng lata ng Nido at plato/mga baso/kutsara't tinidor/bowl ni Daddy. Naka-separate kasi ung mga gamit niya sa pagkain. Nung hinipo ko ung moth, bigla ring lumipad palabas ng bintana.

Mahiyain ung mga moth. Partikular na katangian ni Daddy.

***

Sabi ni Makoy, moth daw kung bumalik ang mga kaluluwa. Paniniwala daw iyon ng mga Bisaya.

May isang tula akong nabasa tungkol sa moth na nalathala sa Poetry.com:


Moth

by Katha Pollitt

 


Matthew 6:19


 

Come bumble-footed ones,

dust squigglers, furry ripplers,

 

inchers and squirmers

humble in gray and brown,

 

find out our secret places,

devour our hearts,

 

measure us, geometer, with your curved teeth!

Leaves lick at the window, clouds

 

stream away,

yet we lie here,

 

perfect,

locked in our dark chambers

 

when we could rise in you

brief, splendid

 

twenty-plume, gold-

spotted ghost, pink scavenger,

 

luna whose pale-green wings

glow with moons and planets

 

at one with the burning world

whose one desire is to escape itself.

***

Ilang larawan nung burol ni Daddy, nung mass bago namin siya ihatid sa kaniyang huling hantungan. Ngayon ko lang na-upload sa Multiply ko.

Funny. Sinabi ko sa kapatid ko na nawawala ung mga papeles ni Daddy sa sementeryo, mga ilang resibo, na ibinigay sa akin ng punerarya. Ilang beses ko itong hinanap pero wala talaga.

Ngayong umaga, nakita ko ito sa plastic envelope ng iba pang mga papeles ni Daddy. E nung naghahanap ako nung Friday, inisa-isa ko ang mga laman nun, at hindi ko nakita ang mga resibong iyon... Si Daddy talaga... Pinaglalaruan ako. Hehe.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Anything?



Pagdalaw sa sementeryo
posted by GHV2 on April 20, 2009 at 06:19 AM

I need to go to PAG-IBIG Main Branch tsaka sa GSIS. Hindi ko alam kung paano pumunta ng GSIS.

Aayusin ko sana ung papeles ni Daddy dun. I'm not sure kung may mao-offer silang burial assistance.

After nito, andami pa ring papeles na dapat lakarin.

***

Kahapon nagpadasal kami para ke Daddy. Bago iyon, dumalaw muna kami sa puntod niya sa Arkong Bato Public Cemetery. Nag-alay kami ng bulaklak tsaka ng munchkins. Bumili kasi ang sister ko ng isang box bago kami pumunta ng sementeryo.

"Lagyan nyo ng tatlo si Daddy," sabi ni Mommy.

"Bakit tatlo?" tanong ng sis ko.

"Tatlo para I Love You," sagot ni Mommy.

"Haynaku, kakainin lang yan ng mga sepulturero dito," sabad ko naman. "Tsaka baka langgamin si Daddy. Masyadong sweet."

***

Nanakot pa ung sister ko kasi hindi daw mapapanood ni Daddy ung laban ni Pacquiao sa Mayo.

"Kakatok un tapos sasabihin: "Pwede makinood?"

"Gaga ka! Baka gawin nga ni Daddy! Waaah!"

***

Umuwi kami nung nagkukukulog na ang langit. Mukhang uulan na. Mabuti na lang at tapos na kaming magdasal para kay Daddy. Wala pa namang shed sa sementeryo.

2 Said So



Ilan Muna
posted by GHV2 on April 24, 2009 at 11:40 AM

I'm currently reading Strange Pilgrims by Gabriel Garcia Marquez. Pasensya sa kaluluwa ni Reinaldo Arenas, talagang magaling kasi ang lolo GGM mo e! Astig!

***

I'm hearing nasty work rumors, pero sana hindi totoo. Nightmare un. Nightmare.

***

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagdating ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at kakilala. Maraming, maraming salamat sa inyo.

***

Bukas na pala ang lecture ni Danton Remoto na handog ng Pinoypoets para sa ikalimang anibersaryo nito. Huwag kalimutan: Powerbooks Megamall, 2 PM. Everybody is welcome! Gora lang! Gora!

Dadalhin ko ung mga book ko ni Danton, papa-sign ko sa kaniya. May mga Pinoy gay writer luminaries kaya ang dumalo? Yehey exciting!

***

At tambak pa rin ang papers ni Daddy na kailangan lakarin. Wah!

Anything?



Desire and Doom in Philippine Gay Poetry
posted by GHV2 on April 26, 2009 at 07:19 AM

danton PP

Pasado ala-una ng hapon nung Sabado, pabalik pa lang kami ni Xam galing National Book Store nung natanggap ko ang text ni Sir Danton. Nasa restaurant na daw siya, ung resto sa loob ng Powerbooks Megamall. Nagmamadali naman ako pumunta dun para asikasuhin ang aming very special guest.

1 2 3 4 5 6 f

Engaging na kausap si Sir Danton. He really has the wits and the charm. Nagkaroon din ako ng chance na maipakilala si Kuyatot sa kaniya. At andami naming napag-usapan: politics, poetry, pagiging bading, at ang poging head waiter ng restaurant na iyon (ayan, puro P). Hehe!

As expected, "riot" ang discussion/talk nung hapon na iyon. Andaming nakiusyoso, siguro nahihiya lang silang pumasok sa lecture area ng Powerbooks. Sabi nga ni Sir Danton, baka mga pamhinta, ayaw mahuli na nakikinig sa lecture on Philippine gay lit.

Come Q & A time, I asked Sir Danton na maituturing na bang "doom" ng Philippine gay literature na ang laging topic ay sex, katulad na lamang ng mga gay indie film ngayon. Ang sabi niya, tama na kapansin-pansin na puro sex ang topic ng mga young gay writers ngayon. Pero isa sa proof ang Ladlad 3 na kung saan mababasa ang ilang gay writers who explored gayness through children's literature/fable, fairy tale, at anime/technology. Sa US din daw, mayroon ng mga gay-themed detective novels, also horror books. Sana daw ay patuloy na mag-explore ang mga young gay writers ng mga topic tungkol sa pagiging bakla, o ng kanilang kabaklaan. Hindi lang puro sex.

I also told him na baka "doom" na ng Philippine gay literature ang balak niyang pagtakbo sa Senado. Hindi raw, sabi niya. Kung mabibigyan daw siya ng chance na ma-elect, ay hindi daw siya titigil na magsulat. Itutulad daw niya ang sarili kay Pablo Neruda, who kept on writing even when elected for the Peruvian Senate.

Excited ang Pinoypoets members nung nagtanong si Ergoe ng photo-op with Sir Danton. She asked him kung may hand sign ba daw siya for the campaign, since sina FVR at Cory ay meron. Jokingly, itinikwas ni Sir Danton ang pinkie niya.

Kaya ayan, may picture kami (see above) na nakatikwas ang aming pinkies. Gora! Gora! Gora!

Watch out for the PINKIE!

pinkie

 

*Posted na ang pictures sa Multiply site ko. Check them awww!

2 Said So



Kilig
posted by GHV2 on April 28, 2009 at 10:35 PM

Nanonood kami now ng Showbiz News Ngayon...

Kakakilig naman ung wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo!

Hayz!

jr

Anything?



Busy kahit Bonus Time Off
posted by GHV2 on April 29, 2009 at 04:42 PM

Past 2 PM na kami nakauwi sa bahay ni Mommy.

Nag-Bonus Time Off (BTO) ako sa work para masamahan lang today si Mommy sa DSWD Main sa may Mendiola area. Kailangan kasi 6 AM nandun na siya, para i-claim ung worth P3000 na burial assistance ni Congressman Rex Gatchalian ng District 1 Valenzuela City.

rex

OK naman, medyo na-late lang kami ng kaunti pero agad naman kaming natawag at naasikaso ang papeles. Medyo matagal lang ang paghihintay ng releasing, pero pagpatak ng alas-nuwebe, may dumating na staff at nagsabing walang releasing ng cash ngayon. Wala daw pondo. Nagkaproblema yata kasi daw holiday sa Biyernes. So binigyan na lang kami ng contact details ng DSWD at tumawag na lang daw to follow up next week.

dswd

Andaming nanghihingi ng tulong sa DSWD. May tatlong klaseng financial support/assistance pala na puwedeng idulog sa tanggapan nila: medical assistance, burial assistance, tsaka transportation assistance. So meron kaming nakasabay na namatayan (katulad namin), o mga inang dala-dala ang kanilang anak na may sakit, o kaya ung mga gustong umuwi sa kanilang probinsya pero walang pamasahe. Meron kanina, dala ung anak niyang me hydrocephalus, 2 years old na pero hindi pa rin nakakalakad ung bata. Pinagkatuwaan ng mga katabi ng mag-ina ung bata, at nagwi-wish sila na sana gumaling na ung bata. May isa namang lalaki na nanghingi ng konting barya para pampasahe daw. May kulang pa kasi siyang requirement para sa transportation support na idinudulog niya. Gusto na daw niyang umuwi sa bahay nila sa Leyte.

Pagkatapos sa DSWD, diretso kami ni Mommy sa AFP/Camp Aguinaldo para i-file ang PVAO at AFP pensioner papers ni Daddy. First time ni Mommy na makasakay sa LRT 2. Hehe. Nakasabay ko pala si Ser Egay Samar sa train. Abala siyang nagbabasa ng "What I Talk About When I Talk About Running," na memoir ni Haruki Murikami. Ako naman, busy sa "Strange Pilgrims" pa rin ni Garcia-Marquez.

Nung tinanong ko siya tru text (kasi hindi kami magkatabi, medyo malayo siya, sadyang me bionic eyes lang talaga ako) kung saan siya galing, nanggaling pala siya sa NBI. May-fly daw kasi siya sa Beijing, China by May 10. Pinagbabakasyon daw siya para magsulat, for two weeks. At ngarag siya sa pag-aasikaso ng papers niya. Hay kainggit naman si Ser!

hm sp

Bumaba kami ng Cubao station, at nag-taxi na papuntang kampo. Pagdating ng Camp Aguinaldo, walk ever naman kami ni Mommy (So dapat, "What I Talk About When I Talk About Walking" e). Naghahabol kami ng oras kasi malapit na ang lunch time, at ayaw namin na maabutan kami ng lunch time para mag-submit lang ng papers. So, sa kakakulit ko ke Mommy na magmadali, ayun umabot kami on time at naipasa na ang mga dapat ipasa. Wonderful!

Kaya eto, nagba-blog ako habang ka-YM si Vicson (na nagrereklamo tungkol sa work niya sa Dubai), Emman (na gusto na rin mag-blog), at Makoy Dakuykoy (tungkol sa postmodernism eklavu), tulog na tulog naman si Mommy. Napagod yata ng sobra.

Papasok na naman ako mamaya sa work. Sana lang walang....

 

Anything?



« 2009/03 | 2009/05 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content