Entries for May, 2009

Trip + Book
posted by GHV2 on May 2, 2009 at 01:20 PM

Sayang, na-postpone ung Lobo, Batangas trip na plano nina Xam at Pol.

Last December pa ito plano ni Xam, pero hindi nga natuloy. Tapos ngayon dapat.

Balak ko sumama para maiba naman ang environment ko, tamang reflection din for the future. Tsaka, (deserved) summer break pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.

Pero pinapasok daw kasi sila sa work this Saturday, kaya hindi natuloy. Sayang.

Ung pupuntahan sana, ung setting ng indie gay film na "Ang Lalaki sa Parola." Parola plus beach. Panoramic!

Buti pa si Kuyatot, nag-e-enjoy ngayon (kahapon pa) sa Mindoro (para sa Hands-On-Manila Vacation Program sa isang Mangyan community). Kakatawag nga lang niya sa akin at iniinggit ako sa pagligo nila sa stream (o river). Tapos nakuha pa nila ung top prize na overnight stay sa Puerto Galera. Hay kainggit talaga!

Kaya eto, nasa bahay lang ako ngayon, nag-e-enjoy sa Internet (pero hindi din kasi ambagal ng connection ko! wah!). Tatapusin ko na rin ung Strange Pilgrims para masimulan ko na ang book na binili ko kahapon sa Book Sale SM Valenzuela. Isinulat ito ni Cees Nooteboom, na may pamagat na "In the Dutch Mountains." Translated ito from the Dutch by Adrienne Dixon.

First time ko nabasa ang pangalan ng author, pero ayon sa pabalat:

Cees Nooteboom, hailed by A. S. Byatt as "one of the greatest modern novelist," is the author of The Following Story and Rituals. A poet and a travel writer as well as "a fabulist who tells profound, elegant, and disturbing stories" (London Daily Telegraph), he lives in Amsterdam.

Tungkol naman sa kuwento:

Alfonso Tiburon de Mendoza, inspector of roads in a Spanish province, retires each August to an empty schoolroom, wedges his aging, portly body into a child's desk, and indulges in the only luxury of his life: he writes. Choosing this summer to tell a fairy tale, he imagines a vast Netherlands extending southward from Amsterdam to the highest peaks of Europe, and in it he places a perfectly happy and beautiful couple, Kai and Lucia. Circus performers at home in the world of illusion, the pair fall on hard times in the north and are forced to look for work in the perilous wilderness of the south. Shortly after they arrive, Kai is kidnapped by the henchmen of the evil Snow Queen, and Lucia, aided by an old crown, sets out to find him. Since Tiburon's story is a fairy tale, she succeeds and the couple are reunited. But in Nooteboom's "symbolic" and "self-consciously playful" novel (New York Times Books Review), it is Tiburon himself who lives happily ever after.

O ayan. Intriguing kasi ang pabalat kaya naengganyo akong bilhin.

cees

Anything?



Cutie #6 - The Soon-To-Be Dad
posted by GHV2 on May 3, 2009 at 06:42 AM
filed under I-Know-A-Cutie Project

1

What I hate about staying awake until Saturday afternoon, after a Friday graveyard duty, ay pag nakatulog na ako, sure-fire na ang gising ko ay madaling-araw na ng Linggo. Kainis kasi lumilipas ang Saturday night na naghihilik ako sa higaan. E minsan kasi magaganda ang palabas sa TV pag Saturday night.

Pero hindi ko alam kung me magandang palabas kagabi. Malamang puro primer sa laban ni Manny "Pacman" Pacquiao at Ricky "The Hitman" Hatton. Eto, ka-YM ko si Kramer tungkol sa odds ni Hatton over the Pambansang Kamao. I think Hatton will win this fight. Sabi niya, wala daw technique si Hatton tsaka mabagal siya kumilos. Kaya malaki talaga ang chance ni Pacquiao na manalo sa labang ito. "He is at 7-3 odds against Manny Pacquaio," those words from a hardcore fan.

I told him na physically, mukhang malakas naman si Hatton kaysa sa Golden Boy noon. Ang sabi niya, "Well, never judge a boxer through his looks. Conditioning and technical know-how yan. Technique that you have to master in a few fights."

Kramer (Marc Ayende) is an old friend, mula pa noong start-up-uli days ng Pinoypoets. Isa sa mga early pantasya naming mga beki sa grupo. Siya kasi ung matangkad, moreno, tapos easy-go-lucky ang attitude. Pero gudlak naman, teacher siya that time sa Pisay (tapos nagturo rin siya sa St. Scho, then left after two months). Member rin siya ng grupong Sruvaleh, isang ethnic folk (?) group. Kaya naman todo ang paglalaway namin sa kaniya that time.

Hindi na raw siya active sa pagtula ngayon, kahit pilitin pa daw niya. He currently works for a call center in Makati. He eventually ended up with Rain, that beautiful girl na minsang kinainggitan talaga naming mga Pinoypoets beki (hehe). Nagpakasal sila, at ngayon, ilang araw na lang ang ipaghihintay nila sa pagdating ni baby Likha Malaya. Un daw ang ipapangalan nila sa baby nila. Hindi pa nila alam kung ano ang gender ng baby, para daw ultimate surprise.

Ang biro ko, pag lalaki ang baby nila, hihintayin ko pagtanda. Haha! Ako mismo ang kinilabutan sa idea na iyon. Shucks, by that time, isa na akong Dirty Old Gay (DOG)! Scary! Naalala ko ung isang participant sa lecture ni Ser Danton, nagpakilala siya bilang "isa sa mga miyembro ng samahan ng matatandang bading, ung mga nasa 30s at 40s na." Kaya todo ang alaska namin kay Xam, kasi mukhang totoo nga na matanda na siya. E I am turning 27 na, so ilang taon na lang at 30 na ako. Gudlak, matanda na ring bading. Light years away na from the 8 or 10 years old na mga batang beki na gumigiling sa tugtog ng Single Ladies ni Beyonce.

d

Mamaya, sa Ateneo theatre daw manonood si Kramer ng laban ni Pacquiao at Hatton, courtesy ng mga former student niya sa Pisay. "Libre?" I asked him. Akala niya rin daw, fund-raising eklavu daw pala kasi ung pagpapalabas ng laban. E sabi ko nga, bawat munisipyo at siyudad ay mukhang magpapalabas ng laban mamaya. "2010 na kasi," I said to him. "Kasi nga tatakbo siya uli," he answered back. Scary scenario di ba!

Hindi ba nabalita na baka hindi siya tatakbo sa probinsya niya, baka sa Manila or sa Quezon City. Marami kasi siyang bahay e. Me bahay rin yata siya sa Laguna. Anyway, I told Kramer na as long as hindi siya sa Valenzuela City tatakbo, it will be okay with me. Sabi ni Kramer, with finality and all, na hindi naman mananalo si Pacquaio. "**nga siya sa pakikinig sa mga alipores niya." I ultimately agreed.

I asked him din kung last fight na ba ito ni Pacquiao. I thought Pacman plans to retire na kasi after this. Hindi pa daw, sabi ni Kramer, three more fights to go. He pointed out that "Money fights. He's just starting. This is his time." Sana nga lang sa ring na lang siya, huwag na sa politics. It is way out of his league.

Before exiting YM, I fervently wished Kramer a lot of luck sa panganganak ni Rain. Sana safe ang delivery ng baby, na maging madali ang pag-labor ni Rain. He worries about the future, though. "Sana paglaki niya, matalino siya." I told him na nasa kanila iyan, as parents. "Guide the baby well. Just enjoy parenting. Kahit magastos sa bulsa."

Iyan ang mga payo ko sa kaniya, as if I know parenting that much.

 

f

 

More of Kramer through these links:

www.iamretromanila.multiply.com

www.retro-manila.blogspot.com

 

*Postscript: Pacquaio won a KO win against Hatton. Quite impressive!

2 Said So



Ilang pagtatanto ngayong maulan
posted by GHV2 on May 7, 2009 at 11:39 AM

Rain came early.

Madalas na ang pagdidilim ng langit, malakas na malakas ang buhos ng ulan. Kakasimula pa lamang ng buwan ng Mayo.

Aha, nalimutan ko pala na abangan ang unang ulan ng Mayo. Nung bata ako, talagang inaabangan ko ang unang ulan ng Mayo. Nakagagaling daw kasi ng mga sugat. E galisin ako nung bata ako. Kaya ayun, hubad-baro akong naliligo sa napaka-espesyal na ulan.

Ang paniniwala daw kasi, mismong ang Diyos ang pumipilas ng mga ulap na punong-puno ng tubig, na siyang nagiging dahilan ng ulan.

Joke lang ung sinabi ko sa itaas. Setting yan sa ginawa kong tula noon. Basta, walang paliwanag sa akin kung bakit milagroso ang unang ulan ng Mayo.

Baka may alam kayong dahilan kung bakit?

1

$ Mula ang larawan dito.

 

***

Geographically challenged ako. Madali akong maligaw. I can't easily remember roads and landmarks, I can't read maps. Kaya may naimbento akong teorya: Kung naliligaw ka, sundan mo lang si pogi. Meaning, follow the papa.

Para bang kung saan pupunta ang na-sight mong poging lalaki, doon ang destinasyon mo. Pareho kayo ng destinasyon, kumbaga.

 mystery guy

Pero siyempre, as I grow older, mas naging wise ako (chingbee!).

Na-realize ko, minsan pala nagkakamali ang mga pogi.

Minsan, o madalas, naliligaw din ang mga pogi.

Katulad ni J.

O ni P.

Minsan, o madalas, sila ang maling destinasyon mo.

Katulad ni D.

O ni C.

At marami pang iba.

At hindi ko alam kung paanong naalala ko ang bagay na ito ngayong maulan...

4 Said So



Rogerick Bastos
posted by GHV2 on May 8, 2009 at 11:17 AM

Dapat sisimulan ko nang basahin ang "In The Dutch Mountains" ni Cees Nooteboom katulad ng pagkakabanggit ko sa naunang entry dito, pero mas inuna kong basahin ang kabibili ko pa lamang na "Saturnalia: An Anthology of Bizarre Erotica." Ang anthology na ito ay limbag ng Nexus, na nagsimulang maglatha ng erotic fiction noon pang 1988. The stories in the anthology were edited by Paul Scott, na nagpakilala lamang sa libro bilang "editor of erotic fiction."

Ayon sa pabalat:

Saturnalia features the most exciting, surreal and sadomasochistic extracts from a selection of classic masterpieces concerning sex and sexuality. From de Sade and Sacher-Masoch to Beardsley, Huysmans, Octave Mirbeau and many others, along with confections as diverse as Swinburne and Li Yu.

Saturnalia gathers together prose that saddles the divide between eroic and literary fiction, and strips away the hidebound to give you a flavour of some of the most robust, fetishistic works ever written. Books which are a treat for anyone who likes to think about sex for themselves, and writing that has lost none of its power to thrill, excite and shock.

Nasa excerpt na ako ng akda ni Li Yu, who wrote "The Carnal Prayer Mat", first published in 1634. Isinulat ang librong ito sa pormang Buddhist moral fable. Ang bida sa akdang ito, si Wei Yang Sheng, ay may monicker na "Before Midnight Scholar," at nagpa-lupine penis graft pa!

Ilan sa parteng naghandog ng kiliti sa aking imahinasyon (at puson):

- Esteemed reader, the battle of the sexes is in many respects not unlike the art of warfare: before the opening of the hostilities, the two contestants spu upon each other, feeling out one's strengths and weaknesses. He tries to find out whether she is deep or not so deep, in order to plan his offensive and retreat accordingly. She tries to obtain accurate information about his armament, whether short or long, thick or thin, in order to meet it with suitable movements and adapt herself to it...The length and thickness of men's utensils vary exceedingly, and the same applies to the depth and width of women's pleasure houses.

- "Hach...hh! Take it easy. You are hurting me,"she pleaded, gasping for air. Gentleman as he was, he granted her a respite which he utilised to finger her portal, gently parting the wings of her gateway and rubbing persistently this way and that. Then he attacked again. But again he failed to breach the fortress. The head of his 'tortoise' squeezed in an inch or so, while the van of his army was repulsed.

Nabanggit din sa akda na "prolonged tongue-kissing is good for your liver." O ayan, hindi na pala natin kailangan ng Liveraide.

In a way, may mga lecture tungkol sa sex (o lovemaking) sa "The Carnal Prayer Mat" na katulad sa Kama Sutra ni Vatsyayana. Sa tingin ko, iisa lang talaga ang mukha ng libog, o ng love. Maipagkakamali ba talaga ang dalawa? O one can't live without the other?

Exciting ang iba pang kasamang excerpts sa Saturnalia: Sade's "Justine", Boccaccio's "The Decameron", Sacher-Masoch's "Venus in Furs", Swinburne's "Arthur's Flogging" at "Reginald's Flogging", Huysmans's "Down There", Mirbeau's "The Torture Garden", at marami pang iba.

image

Teka, wala bang ilalabas na aklat si Xerex Xaviera?

Noon, madalas akong magbasa ng lumang Tiktik at lumang Abante. Grabe ang mga kuwento doon! Syet! Teenage hardness ko ang Abante at Tiktik e. Talagang ipinupuslit ko pa sa banyo para doon magbasa ng kubling-kubli at malayang-malaya.

Ngayon, nag-tame na ang mga kuwento sa Bagong Tiktik at Bagong Abante. Sabagay, ang teenage hardness naman ngayon ay more on visual na. Magkano lang ba ang pirated DVD na porn sa tabi-tabi? E noong younger years ko, wala akong napanood ni betamax na porn. Ang pinaka-porn na napanood ko nun, ung ngang Machete 2 ni Rosanna Roces at Gardo Versoza.

Atin-atin lang ha, ang pastime namin ngayon sa office ay magpasa-pasa ng sex stories over intranet. Ang tawag namin dito ay "subscription." Ang mga kuwento ay sa website na ito hinahango: www.pantasya.com.

Sus, puro incest stories kaya ang nasa website na iyon! Minsan kasi chineck ko sa bahay, grabe hinimatay ako sa ibang mga kuwento na naroon. Di kinaya ng powers ko! Wah!

O sya, hanap lang ako ng tissue ha. Wetness na kasi ako...sa pawis!

2 Said So



Ex-po-sure
posted by GHV2 on May 10, 2009 at 11:16 AM

1 2 3

Kagabi pa niya sinabi sa akin na nasa TV siya ngayon.

Nagsimba kasi sila ng youngest sister ko kagabi sa parokya, at ipapalabas daw iyon sa Channel 13 today. Nakuhanan daw kasi siya ng camera dahil kasali siya sa offering during mass. Nakaputing damit daw siya, ganito, ganyan. Balak niya rin bumili ng copy ng palabas, magiging available daw kasi ang mga DVD copy sa parokya.

So kanina, kahit nag-e-enjoy ako sa pinanonood kong "Ang Tanging Ina" sa CinemaOne, e kailangan kong ilipat na ang channel sa Channel 13. "Dali, mag-uumpisa na!" sigaw niya sa akin.

Pamisa din daw iyon para kay Daddy, one month na mula nung namatay siya. Pero hindi na isinali ung pagbabanggit ng mga pangalan ng mga nagpamisa doon sa ipinalabas sa TV. Na-cut na.

Binibiro ko siya na hindi man lang siya nadaanan ng camera. "Nandun kami sa likod ng mga nangongolekta ng mga abuloy," sabi niya. "Doon sa malapit sa pinto sa gilid."

Pero kahit nagsisigaw siya na "Ayun ako o! Ayun ako!" ay hindi ko naman siya nakita. "Basta nakita ko ako."

Hanggang sa ipinakita na ung part ng pag-aalay. Doon daw siya kasali sa mga nag-aalay ng sobre. So nakita na namin si Mang Willie at iba pang mga regular sa parokya, pero pagdating sa mga nag-offer ng sobre, iilan lang ang ipinakita.

"Kainis! Kinat nila! Kinat!"

Hindi naman siya ipinakita sa TV na nag-offer ng sobre. Kaya hindi na raw siya bibili ng DVD copy. Sinabi ko lang na buti at hindi niya ipinamalita sa mga kakilala. Haha!

Gayunpaman, tinapos pa rin niya ang panonood ng televised mass. Doon yata nagtapos ang kaniyang (sabi nga ni Patani ng Survivor Philippines) "TV ex-po-sure." Kaya dito na lang siya sa blog ko mae-expose.

Mommy, happy mothers' day! Mahal na mahal ka namin, kahit makulit ka to the nth power. Hehe.

Happy Mothers' Day din sa lahat ng mga ina! Mabuhay kayo! Kung wala kayo, wala kami. Hehe.

Anything?



New Sked
posted by GHV2 on May 12, 2009 at 03:06 AM

Just got home from work.

New schedule for the second quarter: 4 PM to 1 AM. My first choice when the team bid for the schedule. Rest days on Saturday and Sunday.

Kaya lang late na ako dumating sa office. Basa pa ang shoes at pants ko. Naabutan kasi ako ng napakalakas na ulan nung papaalis na ako ng bahay. Shet parang delubyo.

Natrapik ung bus na sinasakyan ko, tapos nag-MRT na lang ako. Ang haba ng pila tapos hindi agad umandar ung train, nagpuno pa talaga siya ng pasahero. Kahit nakasakay ako kaagad ng taxi, wala pa rin, 4:36 na ako nakarating ng work station. Kaasar talaga!

Ang moral of the story? Ewan. Di ko naman control ang panahon nu. Hehe. Goodluck naman sa second verbal warning ko from TL. Huhu.

***

Congrats kay Daddy Kramer at Mommy Rain! Welcome kay Likha!

4 Said So



Bon Voyage
posted by GHV2 on May 14, 2009 at 03:55 AM

Bye guys, waah! Lungkot na ko.. Pasakay na q plane inuubos q na tong load sayang eh. Wag nyo ko kalimutan ha. Sobrang thank u tlaga, i'll miz u!

sandra

We'll miss you, too, our Sandy! Ingat ka sa Sweden ha. Wag ka papaapi dun ha. Goodluck sa new phase ng buhay mo doon. Kitakits pag me pera na kaming pamasahe doon. Excited na kami sa magiging anak ninyo, kung blonde ba siya or black hair pero blue eyes. Hehe. We are hapy for you, girl. Keep in touch always!

4 Said So



AI!
posted by GHV2 on May 15, 2009 at 03:24 AM

Sayang, last song na ni David Archuleta ung naabutan ko sa Sis kahapon. Nakalimutan kong magpagising ng 10:30 AM para maumpisahan ko sana ung palabas. Nandun pa naman si Kyla, makaka-duet niya (?).

Ngayon ko lang na-rediscover si David A. Maka-David Cook kasi ako nung kasagsagan ng American Idol season 7.

Ang cute cute cute uber cute pala ni David A! Hayz. Kung hindi mo pa siya nakikita ever, ito siya o:

Na-download ko na rin ung songs sa album niya. Oops! Pasensya kung pirated. Hindi man siya kumita sa akin, nagkaroon siya ng new fan dahil na-believe naman ako sa talent niya sa pagkanta.

***

So it's a final showdown between Kris Allen and Adam Lambert, sa current season naman ito ng American Idol. Kami ni Yong (wave 1 sa account namin, na ngayon ko lang na-meet), tumitili para kay Adam.

adam kris

Pero kalahati ng puso namin ay nasa ka-charming-an ni Kris.

Talent? Oo naman, panalo sa talent ung dalawang ito.

Looks? Itinatanong pa ba iyon. Un nga lang, me pagka-beki talaga si Adam. Sabi nga ni Yong, nakikita niya si Raymond Gutierrez kay Adam. Oops! Hindi ko po sinasabi na beki si Raymond G. ha! Me hawig lang daw siya ke Adam, sa porma nito.

(Check out Comcast.net's Eye On Idol. Laging updated, at magaganda ang reviews na ginagawa ni Victor Balta dito.)

So sino kaya ang mananalo? Sino ang bet ninyo?

 

*Adam's picture came from www.myrealitytelevision.com

*Kris's picture came from www.community.livejournal.com

 

 

****

P.S. The unassuming Kris Allen won! Yahoo!

4 Said So



Trip to NE
posted by GHV2 on May 16, 2009 at 03:38 AM

I'm going to Nueva Ecija today to attend the wedding of Aries and Lhet, who are good friends of Kuyatot tru Hands-On Manila. Naging close friends ko din ang couple na ito, and nakasama sa activities sa Kanlungan ni Maria.

Kaya naman hindi ako nakatanggi nung nabanggit ni Kuyatot na imbitado kami sa kanilang kasal. At eto, katatapos ko lang i-finalize ang aking mga bagahe, at 6 AM ang aming tipanan ng ibang Hands-On Manila members sa Victory Liner Cubao.

Aries and Lhet, congratulations!

***

Masaya man ako, di ko kinaya ang pagkaka-debit ng kalahati ng suweldo ko gamit ang RCBC ATM kanina.

Aaargh!

Kailangan ko pa naman ng cash ngayon para pambayad sa mga atraso.

Hay! Ka-bad trip.

Itawag ko daw mamaya sa Union Bank ung isyu, may system problem daw kasi sila nung tumawag ako kaninang 1 AM. Five to 15 working days daw bago maisauli ang amount na na-debit. Hay talaga!

***

ne

Exciting ang biyaheng ito!

First time ko na makarating sa Nueva Ecija!

Sana lang hindi topakin ang batteries ng digicam ko. Hehe.

Anything?



The Nueva Ecija Weekend Stay
posted by GHV2 on May 19, 2009 at 03:56 AM
filed under The Big World!

I fell in love with Nampicuan, that small town of Nueva Ecija. The people were so kind, so relaxed, and so approachable. Even Kuyatot and Tin-Tin (of Hands-On Manila) could attest to that.

 tin and kuyatot

We went to Nampicuan for the wedding of dear friends Aries and Lhet. We expected na hindi kami maaasikaso ng dalawa kasi naisip namin na sobrang abala sila sa paghahanda sa kasal. Pagbaba namin ng tricycle, hala, si Aries pa mismo ang sumalubong sa amin with open arms! Tapos si Lhet, mega-kanta lang sa videoke. Haha! Kahit si Aries daw nagtataka, na ilang oras na lang at kasal na nila, pero ni hindi pa sila nag-aayos ng mga sarili, kahit ang pamilya at kamag-anak nila. 3 PM ang nakalagay sa invitation, pero past 12 noon na that time. Un naman pala, 4 PM talaga ang kasal! Hala, pwede pala ung ganun!

1

And so, the wedding. Close friend ni Lhet ang parish priest ng Parokya ng Immaculada Concepcion (ang alam ko choir member siya dun), kaya very personal ang naganap na ceremony. The priest related to the guests how the couple's love story started, bloomed... Highlight: Aries cried while saying something to the bride, ako rin napaiyak na. Si Kuyatot naman tawa lang ng tawa sa pag-iyak ko. Waah!

 

Former Kundirana member si Aries, kaya ang nag-serenade sa couple ay some former members din ng grupo. Dahil natagalang matapos ang mass/wedding, at talagang antok na antok na kami ni Tin-Tin (siya may hang-over, ako naman galing sa graveyard duty), ay nagpicture-picture na lang kami. Pang-aliw lang.

Paglabas ng simbahan, talagang uhaw na uhaw na kami ni Tin-Tin. Ang sobrang init naman kasi nung hapong iyon. Kaya naman ng makakita kami ng tindahan, agad kaming umorder ng Coke. Sakto sa uhaw! Ahhh!!!

 

The reception was supposed to be sa garden ng church, pero na-move na sa town gym nung bigla itong naging available for use that day. Catering was by Avengoza [call (632) 658-1895 or 0917-8063094], na pinaluwas pa nila from Manila. Walang istir, pero napakasarap ng mga putaheng inihanda nila. Naka-ilang round nga ako. Halatang busog na busog ako sa pics.

Siyempre, dahil medyo mahaba ang program, picture-picture uli kami. Kasama si Justine, na pamangkin ni George. Si George ang nakahuli ng kalapati tapos ibinigay niya kay Justine para maging pet. Ang pangalan ng kalapati, ayon kay Justine, ay Dove. Kasama rin namin sa table ang eldest sister ng bride, tsaka ang gf ni George na si Eisel.

Pinatutugtog ang CD na ni-record nina Aries at Lhet. Yup, dahil pareho silang maganda ang boses. ANg give-away nila sa mga bisita, ung CD. Ilan sa mga awitin ni Lhet ay mga kinanta ni Regine Velasquez sa album na Low Key, kaya naman mega-kanta rin ako dahil adik ako ngayon sa album na iyon.

Pagkatapos sa reception, dumaan kami sa tinutuluyang bahay ni George, ung kina Apo Charing. Si George, friend din namin tru Hands-On, na tubong-Nampicuan talaga. Tapos balik kami sa bahay nina Lhet. Konting inuman (tagayan ng red wine!) with some old members ng Youth Pastoral Council. Past 11 PM, suko na ang katawan ko at naghahanap na ng higaang matutulugan. Past 2 AM naman nung tumabi na sa akin si Kuyatot, tapos censored na. Haha biro lang po.

Pagkagising kinaumagahan, dumiretso na kami kina Apo Charing. Sumama magsimba kay George sina Tin-Tin at Kuyatot, ako naman nagbalak na lumibot sa lupain ni Apo Charin. Korek, lupain talaga dahil anlawak ng lupain niya. Pagkatapos kong mag-almusal (dried fish na may sawsawang sukang tubo, sunny side-up eggs, pritong talong, at Kennedy variety na kanin), inilibot na ako ng aking tour guide na si James, anak ng ate ni George. Sobrang smart ng batang ito, I swear! Dinala niya ako sa campo santo, kulos, tsaka sa ili.

Umabot kami sa simbahan, at naabutan namin doon sina Tin-Tin, George, at Kuyatot na nakikipagkulitan sa mga makukulit na altar boys. Sugar mommy daw nila si Tin-Tin, tapos regular na manghihingi sila ng load. Hehe. Tuloy lang ang kulitan habang lumalantak kami ng hilaw na mangga na idinidildil sa asin, tsaka chicharon tsaka RC at Coke.

Inaya din kaming mananghalian ni Father. Napakasarap ng tinola inihain sa amin! Waah! Plus the dessert na silvanas na gawa ng First Baker [located at Science City of Muñoz, Nueva Ecija, call (044) 4565696 or (044) 9470206] Heavenly! Pinabaunan pa kami ng isa pa ni Father.

Siyempre, nananghalian uli kami sa bahay ni Apo Charing. Fried tilapia, tapos pinakbet. For dessert, hinog na langka na that time lang pinitas mula sa puno. Enjoy na enjoy kami sa paglantak ng matamis na bunga!

Pinag-i-stay pa kami ni Kuyatot para sa Santacruzan sana kinagabihan, sayang at me natanguan akong meeting with Pinoypoets sa hapon. Si Tin-Tin, nagpasyang mag-stay pa. Masaya daw kasi ung Santacruzan, kasi me palaro pa sa simbahan pagkatapos: habulan ng biik, pabitin, at kung anu-ano pa. Sabi namin ni Kuyatot, babalik kami. May invitation na kami come August 15. May fund-raising project kasi ang simbahan, isang concert for a cause.We'll make sure na puwede kami ni Kuyatot that time.

Hinintay na lamang namin ni Kuyatot ung dadaang Fermina bus by 2 PM. Kaya sinamahan muna namin ang Ate ni George sa pagbabantay kay Apo Charing. Favorite pastime kasi nito ang paglalaro ng kwaho/cuajo kasama ang ilang matatanda sa lugar. Siyempre, si Apo Charing ang oldest at the age of 90. Tsaka baka ang pinakamayaman sa lahat. Haha! Sa sobrang yaman ni Apo Charing, binigyan pa kami ni Kuyatot ng 100 pesos bilang pabaon. Waah!

So habang nakatayo sa Fermina bus (puno na kasi ng pasahero), panay pa rin ang kuwentuhan namin ni Kuyatot tungkol sa Nampicuan, at sa lahat ng aming nakilala. Sabi ko sa kanya, na pwede namang ako lang ang umuwi muna then mag-stay muna siya para sa Santacruzan. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Ang sagot niya sa akin, habang nakatitig sa aking mga mata: "Mapapabayaan ba naman kita?"

Bigla, nalunod ako sa galak. O Nampicuan, Nampicuan!

 

*Marami pang larawan dito.

2 Said So



40 Days
posted by GHV2 on May 20, 2009 at 04:00 AM

40 days ni Daddy kahapon. Nagpadasal lang kami at naghanda.

Naniniwala kaming kasama na siya ni Lord sa heaven.

At siya na ang itinalagang guardian angel namin.

We love you, Daddy. Alam mo yan.

4 Said So



Later
posted by GHV2 on May 24, 2009 at 09:40 AM

By Dondon's invitation, pupunta kami ni Kuyatot mamaya sa Big Dome para manood ng Harlem Globetrotters. Kasama namin ang 80 boys from the Pangarap Shelter. Sponsored kasi ito ng Hands-On Manila.

Biglaan lang kasi ang pag-invite, kaya late na rin ako nakapagsabi kay Mami Jong na hindi ako pwede sa grander EB ng Tabulas bloggers mamaya rin sa Redbox Trinoma. Sayang!

Tanong ni Kuyatot: Pelikula ba ung Harlem Globetrotters?

Alamin ang sagot dito.

 

2 Said So



The 4th
posted by GHV2 on May 25, 2009 at 11:00 AM

Today is this blog's fourth anniversary! Ansaya! Yoohoo to the 5th!

State of this Blog:

1. On-going ang Cutie project. Ang gusto ko sana, within the 3rd anniv ito makumpleto, pero imposible pala. Kaya ipagpapatuloy ka na lang siya as a regular blog activity ko.

2. I have started The Big World! Ito ung blog entries ko about travel, mapa-dito man sa Valenzuela City lang, or mapa-ibang lugar pa.

3. From Rhodge is Barenaked! to Rogerick is Blue to Greatest Hits Volume 2. Different name, same antics. You know the drill.

***

Masayang panoorin ung Harlem Globetrotters!

Hanep sa dribbling at shooting antics ang grupo. Panay pa ang patawa nila.

***

I have just downloaded Skype, at ngayon kausap ko ung friend ko. OK pala siya, better than YM. Sabi nga, real time.

Try ko kontakin ung cousins ko from the US, para may regular kaming contact sa isa't isa.

***

Had a haircut just now. As usal, ung semi-kalbo. Naiinis na kasi akong mag-ayos ng buhok, maglagay ng gel, magdelihensiya ng gel pag naubusan. Not really my cup of tea. Kaya mas prefer ko na ganitong hairstyle (hairstyle nga ba ito?).

***

Salamat sa maagap na pagtugon ng Union Bank at RCBC sa pagsasauli ng na-debit kong pera. Five working days lang ang ipinaghintay ko. Maraming salamat muli!

***

Buti pa si Kuyatot, andaming napuntahan this summer: Mindoro/Puerto Galera, Bacolod, Nueva Ecija.

From his Mindoro trip:

1

Ano daw???

2

Ahhh.... Di naman ako masyado kinilig. Hahaha!

 

*Salamat sa pictures from Dondon.

Anything?



Ang aga namang mga pagbati ito!
posted by GHV2 on May 27, 2009 at 04:30 AM

 

Since super dalang talaga me na mag-email....greet na po kita in advance ng ....HAPPY, HAPPY BIRTHDAY!!! As always, I wish you all the best,peace, joy, love and good health. God bless you. Thanks for everything. Take care always.
(Tina)


Hi Rhodge! Happy birthday in advance... Godbless!
(Sandra)


***

Daddy, sana nandito ka...

6 Said So



Can't believe I'm in Facebook
posted by GHV2 on May 28, 2009 at 03:26 AM

fezbuk

 

Yup, it is our account.

Kuyatot insisted na gumawa kami ng account, para sa mga ka-Hands On Manila friends niya.

Kahit I told my friends na hinding-hindi ako gagawa ng isa, ayan, napilitan tuloy ako...

Anything?



« 2009/04 | 2009/06 »

Greatest Hits Volume Two

rogerick@pinoypoets.com

Here

[x] Home
[x] Archive
[x] The Author
[x] My Gallery
[x] Friends
[x] Friends Of
[x] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

Elsewhere

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ GHV2 ] content